XXX
Chapter 30.
HINDI pa rin gustong mag-sink-in sa utak ko ang mga nalaman ko. Bakit ganoon? Bakit kung sino pa 'yung mga taong may mabubuting loob, sila pa 'yong nakakaranas ng ganito? Bakit sila pa? Ang dami dami namang mga taong masasama tulad ng mga magnanakaw, rapist at kung sino sino pa pero tumatagal ang buhay nila. Bakit 'yong mga tao pang tulad ni Daryl? They deserve to live longer.
Kinalma ko ang sarili ko. Pilit kong itinatak sa isip ko na hindi ko dapat ipakita kay Daryl na apektado ako o malungkot ako dahil sa nalaman ko. Ayokong ako na naman ang iisipin niya. Gusto ko, siya naman. Sarili naman niya. Palagi nalang niyang iniisip ang kapakanan ko.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto kung saan naroon si Daryl. Narito kanina ang family niya at hinayaan ko muna silang mag-usap sa loob. He's awake at sinadya kong hindi muna magpakita. Hindi naman kasi niya ako girlfriend para magkaroon ng karapatan na tumigil sa tabi niya.
I still want him to have a moment with his family. Kani-kanina ay nagpaalam ang pamilya niya sa akin. I introduced myself as Daryl's friend. Nagpasalamat sila sa akin and they told me that Daryl asked them to go home. Alam nila ang situation ni Daryl and based to what thay said, matigas daw ang ulo niya at ayaw tumigil sa pagta-trabaho kahit hindi naman niya kailangang magtrabaho. Ayaw din niyang nakikitang apektado ang pamilya niya sa sitwasyon niya kaya pinauwi niya ang mga ito.
Daryl is such a nice person. Mas iniisip pa rin talaga niya ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niya.
Huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti. Lumapit ako sa kama ni Daryl. He's looking at the window. Agad naman siyang napatingin sa akin nang makalapit ako sa kaniya.
I sat on the chair beside him.
"Cybel..."
"Ah, sorry, kakarating ko lang ulit. I had things to do kasi. How are you feeling? Bakit ka raw nahimatay?" I lied. It's not my intention but I don't want to show him pity. Ayoko ring makita niyang nag-aalala ako dahil alam kong mas mag-aalala siya.
He smiled from ear to ear. Hindi ko alam kung paano noya nagagawang ngumiti sa kabila ng kalagayan niya.
"Overfatigue. You know, marami akong tinapos na trabaho. One week yata akong palaging puyat dahil sa trabaho. I didn't know na napabayaan ko na ang sarili ko." Bahagya pa siyang tumawa.
He's lying. Why...
"Damn this..." aniya pa sa mga nakakabit sa kaniya. "The doctor said that I need to stay here for a week. Damn, okay na naman ako pero ayaw akong payagn ng doctor. He said that i need a break from work."
Daryl, why...
Ngumiti ako pero deep inside, gusto kong umiyak at sabihin sa kaniya na hindi niya kailangang magpanggap na okay lang siya. He's dying! He's freaking dying!
"Hey, are you okay? Umiyak ka ba? Anong nangyari?"
Napalunok ako. "We had a fight. Ah... Kenshin and I had an argument and yes, that's it. Sanay na naman ako." Again, I lied.
"Minsan, gusto ko na siyang suntukin para matauhan siya. Sinasayang niya ang babaeng pinapangarap ng iba."
"Daryl..."
"Oh, so you're calling me by my name."
Ang hirap palang ngumiti habang mabigat iyong nararamdaman mo. "Shingshangshung, okay?"
I can't do it. Parang hindi ko kayang magpanggap na wala akong alam. I want him to know that I'll be here with him. I won't let him be alone. I will stay with him while fighting with his cancer.
"Daryl."
"Yeah? You're too serious, Cybel. Hindi bagay sa 'yo ang ganyan. You look wonderful when you smile."
"I... know...." Parang hindi ko kaya but I need to let him know!
"Is there a problem? Hindi ako sanay na ganyan ka, Cybel."
Umiling iling ako. No, iisipin niya lang na naaawa ako sa kaniya. Yes, I admit, there something in me na naaawa but more of nasaaaktan ako dahil hindi niya deserve ang kalagayan niya ngayon. He's been good to me. Hindi lang naman siya basta sino lang, or suitor lang. He's a special friend to me. Palagi niyang iniisip kung ano ang mga bagay na magpapasaya sa akin and this time, I want to do yhe same with him.
I will stay with him no matter what. He needs me, yes. He likes me a lot and he chose to make me happy kahit alam niyang may mahal akong iba.
"I'm fine. I was just thinking kung anong pagkain ang gusto mo? Midnight snack?"
Ngumiti siya. His genuine smile. Sa simpleng bagay, napapangiti na siya. This is him. This is the kind of man na mababaw ang kaligayahan. That he's not asking for more.
"Damn, Cybel. It's midnight. Nawala na sa isip ko. You're tired from your whole day work. You need to take a rest. You should go home. I'll call my driver---"
"I will stay here with you, okay? Kaya nga nag-iisip ako ng pwede nating midnight snack. Hindi ka na masyadong nakakakin kanina kasi nga nahimatay ka. I feel bad."
He pinched my cheeks. His eyes looks so happy. Ganito lang ba siya kababaw? Kung kayang pangitiin siya s amga simpleng bagay na ganito, bakit ko pa iyon ipagdadamot sa kaniya?
"You need to take a rest, okay?"
"Hindi ako pagod. Nawala na nga iyong pagod ko. Para ngang I just want to stay here talking with you." Sabi ko. "Habang nagmi-midnight snack." It's true. Gusto ko lang talagang mag-stay sa tabi niya.
Dahil palaging nakay Kenshin ang atensyon ko, hindi ko man lang nabibigyan ng pagkakataon ang sarili ko na kilalanin pa ng buo si Daryl when in fact, palagi siyang nariyan para sa akin.
"If you insist, alright. Let's look for delivery." Aniya saka hinablot ang phone niya na nakapatong sa side table.
I stared at his face. He's smiling while browsing his phone. He's happy. With what I did and said, it made him smile.
Kanina, habang nasa labas at binibigyan sila ng moment ng pamilya niya, I came up with a decision. Maliit nalang or baka wala ng chance pa na maligtas o gumaling si Daryl.
He made a lot of effort to spend his time loving me or liking me and making me happy, so I thought, can I do that? CanI do the same? Yes. He's one of the people who made me feel that I'm special. Siya ang nagpaparanas sa akin na isa akong prinsesa na dapat alagaan at mahalin.
Siya iyong taong handang damayan ako sa tuwing durog na durog ako. Siya iyong taong nariyan sa tuwing nag-iisa ako. Siya iyong taong walang alam kundi pasayahin ako. Siya iyong taong inaalagaan ako dahil 'yon ang nagpapasaya sa kaniya. Siya iyong taong kahit may mahal akong iba ay handa pa rin akong mahalin.
At siya iyong taong hindi ko pagsisisihang mahalin kung walang laman ang puso ko. This time, I want to decide not for my happiness but his happiness. Tama na iyong ako ang palagi niyang pinapasaya. Gusto kong gumawa ng bagay na makakapagpasaya sa kaniya. And that's staying with him... alone.
🔲
BUO na ang desisyon ko. Tatlong araw na ang lumipas. Everything ia smooth. Masaya si Daryl dahil pinupuntahan ko siya palagi sa hoapital. Everytime na pumupunta ako doon, palagi niyang sinasabi na gusto na niyang makalabas ng hospital dahil okay naman daw siya. He also kept on saying that the doctor is over reacting with his overfatigue.
He didn't know na alam ko ang kalagayan niya. I want to shout at him to stop pretending that he's okay. Mas gusto ko pa nga yatang makita siyang umiiyak para mailabas niya iyong lungkot at sakit na nararamdaman niya. Hindi amdaling magpanggap na masaya kahit deep inside, durog na durog ka na.
"Biatch, tinawagan ako ni Kenshin. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya? Nakauwi na sila ni Drake."
"I see."
Bigla akong hinarang ni biatch. She's looking at me intently. "Biatch, tumingin ka nga sa akin. Anong sabi mo? Iyan lang ang reaction mo? As in 'yan lang? Hindi ka man lang natuwa and all? E inis na inis ka nga noong umalis sina Kenshin!"
Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang nararamdaman ko. I still love him. Siya pa rin ang laman ng puso ko pero pakiramdam ko kailangan ko iyong i-set aside? Nawala iyong feels ko. Nawala iyong eagerness ko na mapasakin si Kenshin. Siguro ay dahil mas mahalaga ngayon sa akin ang kalagayan ni Daryl.
"Biatch, earth to you! Okay ka lang ba?"
I tried to smile. I tried to be the usual me. "Oo naman, biatch. Pagod lang talaga ako. Kita mo nga araw araw akong umaalis. Always maghapon ang photoshoot ko." Pagsisinungaling ko.
Walanh alam si biatch na sa hospital ako pumupunta araw araw. Gabi na ako umuuwi tulad ngayon, kakauwi ko lang. Gusto ko sanang matulog sa hospital pero pinilit ako ni Daryl na umuwi para mas makapagpahinga daw ako.
"Kawawa ka naman, biatch. Dahil wala si Kenshin, pinatay mo naman ang sarili mo sa trabaho. Grabe ha, daig mo pa ang nag-iipon for the future." Tumawa pa siya.
I laughed with her. Ayokong mapansin niyang may iba sa akin. She's my bestfriend at kilalang niya ako. Alam kong madali niyang mapapansin kapag may mali sa akin.
"Duh! As if naman." Sabi ko.
"Oops! Tumatawag ulit siya biatch. Oh, ikaw na sumagot." Sabi niya sa akin saka inabot ang phone niya.
I answered it. "Kensh, why?"
"Frey?"
"Oo, kakauwi ko lang from work and I forgot my phone kaya hindi ko nasagot ang tawag mo. Nabanggit sa akin ni biatch na tinatanong mo ako." Sabi ko. I tried to act normal. That there's nothing running in my mind right now.
"Dito kami ni Drake sa Hashtag bar, umiinom. Punta ka dito?"
I took my deep breath. "Sure, I'll be there."
"Okay, Frey."
I ended the call. Inabot ko kay biatch ang phone niya. "Nagyaya si kensh sa bar. Hindi ka naman pwede do'n."
Ngumiti si biatch. "Mas mahalaga ang health ng baby ko so I will just stay here. Tinawagan na rin naman ako ni Drake na hindi siya papaabot ng midnight so enjoy the night with Kensh!" May pang-aasar pa ang boses niya.
She didn't know that I made a decision. A decision that I'm not sure kung makaka-apekto sa lahat.
Umakyat na sa taas si biatch. I just grabbed my car keys and sling bag na dala ko rin kanina sa hospital. Lumabas ako ng unit saka ini-lock ang pinto saka ako sumakay ng elevator pababa sa basement parking.
Sumakay ako sa kotse ko saka pinaandar ang makina. Actually, kaya hindi ko nasagot ang tawag ni Kensh kanina ay dahil hindi ako gunagamit ng phone while I'm with Daryl. Gusto ko lang na nasa kaniya ang atensyon ko. He's just so lively. Para siyang walang malubhang sakit.
Ang dami niyang kwento. Hindi ka mabobore kapag kausap mo siya. Para bang sa lahat ng bagay, napaka-positive niya. Palagi niya ring sinasabi na hindi niya sinisisi sa kahit sino na nagmahal siya ng taong may mahal na iba. Swerte pa nga daw siya dahil nakakasama niya ako that it's enough for him. Na hindi siya naghahangad ng kahit ano, na hindi niya kailanman naisip na agawin ako sa taong mahal ko just for his sake.
I know. Dahil kung gusto niya akong agawin kay Kensh, he'll tell me about his sickness. Sasabihin niya sa akin iyon and he can use it to beg for my attention. Pero hindi, never niyang pinakita sa akin na mahina siya. Never niyang ipinakita o ipinamukha sa akin na I should choose him iver Kenshin dahil sa mga bagay na nagawa niya for me.
Hindi ko namalayang nakarating na ako sa Hashtag bar. Good thing may waze para ipaalala sa akin na nakarating na ako sa destination ko dahil lutang ako habang nagda-drive.
I parked my car saka huminga ng malalim. I can do it. I need to talk to him. Paninindigan ko ang desisyong ginawa ko.
Pagpasok ko sa bar ay bumungad sa akin ang ingay ng sounds, mga usok ng sigarilyo or vape, mga taong lasing na yata na nagsasayaw sa dance floor. I saw them at the corner. As usual, doon naman lagi ang pwesto nila.
"Hey, Maja."
I rolled my eyes at Drake. "Nakakatawa 'yon?"
Tumawa lang siya. Akala niya yata hindi ko pa rin gets ang maja thingy na 'yon. Letse siya. Malasin sana siya sa lovelife niya, kainis!
"Frey, may pasalubong ako sa 'yo."
Wow, may pasalubong at maganda ang ngiti sa akin ni Kenshin. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon niya lang ipinakita ang ganito sa akin?
Inabot niya sa akin ang paperbag. Nakasara iyon at hindi ko muna binuksan.
"Buksan mo na, Frey."
Umiling ako. "This can wait. Saka mas gusto ko 'tong buksan kapag mag-isa lang ako." Sabi ko.
Pero sa totoo lang, kung hindi ko siguro nalaman ang kalagayan ni Daryl, naka nangingisay na ako aa kilig. But no, wala akong makapang kilig. Ganito ba talaga kapag pakiramdam mo may mabigat kang dalahin? Parang hindi magawang sumaya.
"Kensh."
"O, Frey? Sa unit niyo ako tutulog mamaya. Marami akong sasabihin sa 'yo."
Ngumiti ako. "Can we talk now?"
"Ngayon na?"
Tumango ako. Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko but this is for someone's sake.
"Ano 'yon?"
"Private room, please?"
"Whoa, maja, gusto mo pa talagang private room. Alam ko naman ang gagawin niyo ni bro." Pang-aasar ni Drake.
Inirapan ko lang siya. Sumeryoso ang mukha ni Kenshin. Nakita niya sigurong may mahalaga akong sasabihin? Naninibago tuloy ako dahil hindi siya namimilosopo ngayon.
Tumayo na siya habang bitbit ang beer niya. Sumunod ako sa kaniya paounta sa VIP room.
Pagkapasok namin ay nagulat ako nang isandal niya ako sa nakasarang pinto. He kissed me.
I didn't expect that. It's his true self, it's his bad side.
Nalasahan ko ang alak sa labi niya. Marami na rin siguro siyang nainom kaya ganito na siya kumilos.
I can't understand myself. Kung noon lang, baka kilig na kilig na ako to the point na mas lalandiin ko pa siya at iga-grab ang opportunity pero ngayon, iba. Parang kusang naging ganito nalang ako. Kusang nawala iyong excitement and feels.
But I know deep in my heart that I love him.
Tumigil siya sa paghalik sa akin. "May problema ba, Frey?"
Umupo siya sa couch saka uminom ng beer niya. He'a not the usual him, it's not the innocent side of him.
"Kenshin..."
"Anong gusto mong pag-usapan?"
I cleared my throat. Matagal ko itong pinag-isipan at desido na ako sa gagawin ko.
For now, I don't care about my happiness.
"I want you to know that starting from now on, wala nang ako. I will stop being with you, Kenshin."
Kumunot ang noo niya. Napatayo siya saka hinarap ako.
"What do you mean? Ano bang sinasabi mo, Frey? Masaya ako ngayon. Marami akong gustong i-kwento sa 'yo."
"Then don't. Stop, Kenshin."
"Hindi kita maintindiha---"
"Ayoko na, Kenshin. Ayoko nang magpakatanga sa pagmamahal sa 'yo. I will stop loving you. Naisip ko na sinasayang ko lang ang oras ko sa 'yo."
I don't want to tell this but I need it.
"Frey, lasing ka ba? Galit ka ba dahil hindi ako nagpaalam ng maayos sa 'yo? Biglaan 'yung lakad nam---"
"Hindi mo ba maintindihan? Ayoko na sa 'yo, Kenshin! I want to stop being with you! Kung pwede nga lang, ayoko ng makita ka. I will stop, okay? Titigil na ako sa kahibangan ko sa 'yo so you should be happy! Wala nang mangungulit sa 'yo! Hindi na ako masaya sa pagmamahal ko sa 'yo. Sinisira ko lang ang sarili ko."
"Frey..."
I saw sadness in his eyes. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya na hindi ko madalas na nakikita.
"Prank ba 'to? Lakas mo mang-prank, Frey. Nakikisabay ka sa uso."
"Akala mo kasi palagi akong nagbibiro. Akala mo palagi kong dinadaan ang lahat sa kalokohan." Sabi ko.
"Frey, tara na sa labas. Inom nalang tayo. Hinihintay tayo ni Drake. O kaya sa unit nalang tayo para may kasama si Cherrypink."
Hinawakan niya ako sa kamay ko pero bumitaw ako.
"Huwag mo akong hawakan."
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.
Nilakasan ko ang loob ko. I stared at his eyes. "Tutal hindi mo naman ako mahal, kaya alam kong madali lang para sa 'yo na tapusin kung ano mang landian ang meron tayo. Yep, landian lang naman talaga ang meron tayo. There was never an us, so wala naman talaga dapat na tapusin."
"Frey, tara na sa labas."
"Na-realize ko na hindi naman pala talaga kita mahal, Kenshin. Na-challenge lang ako kasi tinatanggihan mo ako at palaging pinapamukha sa akin na hindi mo ako gusto. You know, sanay din kasi ako na nilalapitan ng lalaki kaya noong makilala kita, grabeng challenge iyon sa akin. A guy like you na tinatanggihan ako...." Tumawa ako. "That's what you make difference from others kaya sa 'yo ko nilaan ang atensyon ko."
Napansin kong mas lumungkot ang mga nata ni Kenshin. Hindi ko ginustong gawin 'to.
"Like what I've said, wala naman talaga tayong dapat tapusin dahil walang tayo, pero gusto ko pa ring ipaalam sa 'yo na tapos na ang kahibangan ko sa 'yo. The challenge is no fun anymore."
"Frey sabi ko sa 'yo marami pa akong iku-kwento sa 'yo. Uwi na kaya tayo sa unit niyo? Bubuksan mo pa 'yang pasalubong ko sa 'yo." I saw his teary eyes.
"No, you're not welcome anymore to that unit. Siguro pwede kang dumalaw kay biatch but please don't ahow yourself to me? Please? Kasi, ayoko nang makita ka."
Muli niyang sinubukang hawakan ang kamay ko.
"Uuwi na tayo sa unit niyo. Sa kotse ko nalang tayo sumakay."
Hinablot ko ang kamay ko. "Ano ba, Kenshin?! Hindi ka ba makaintindi?!"
"Hindi." Madiin na sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Hindi ako makaintindi kaya tara na, uwi na tayo sa unit niyo."
Gusto kong labanan 'yong pagmamahal ko sa kaniya. Paninindigan ko ang desisyong ginawa ko.
"Kenshin, please! Kailangan ko pa bang ipamukha sa 'yo na hindi pala kita mahal?"
He smiled but with tears in his eyes. I don't know kung kaya ko pa siyang tingnan sa mga mata. Nasasaktan ako sa ginagawa ko.
"E 'di hindi mo na ako mahal." Sabi niya. "Wala akong pakialam kung hindi mo na ako mahal. Wala akong pakialam kung ipamukha mo 'yon sa akin. Wala akong pakialam, Frey."
Don't do this, Kenshin. Please.
Tumalikod ako sa kaniya. I don't want to look at his eyes anymore. Humarap na ako sa pinto dahil gusto ko nang mag-walk-out.
"I can't accept you for what you are, Kenshin. Dual personality? Innocent one, bad one? There's no such thing!You are just crazy. Hindi ikaw ang klase ng lalaki na ipapakilala ko sa pamilya ko. I can't show them what kind of guy you are. Nakakahiya lang."
This is not my intention. I don't want to say this but he gave me no choice. I need to hurt him with these lies.
"Frey..."
Humawak ako sa door knob. "So please, get out of my sight. Kahit pagkakaibigan, hindi ko na kayang i-offer sa 'yo. Let's stop seeing each other. You're just nothing, Kenshin."
My eyes widened when he hugged me from behind.
"Frey." His voice... he's crying.
Nagpumiglas ako pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin.
"Galit ka lang, Frey. Sorry kung hindi ako nagpaalam sa 'yo noong umalis kami ni Drake. Sorry kung palagi kitang tinatawag na baba. Sorry kung pinapamukha ko sa 'yo na hindi kita mahal. Sorry kung baliw ako. Sorry kung nakakahiya akong ipakilala sa pamilya mo. Sorry kung hindi ka na na-chachallenge sa akin. Sorry..."
The first time I heard him apologizing like this.
"Hindi ko na uulitin... hindi na. Lalabanan ko 'tong putanginang dual personality na 'to para hindi ako nakakahiyang ipakilala sa pamilya mo. Hindi na kita aasarin. Hindi ko na ipapamukha sa 'yo na hindi kita gusto kasi gustung gusto kita. Frey, huwag, please."
I tried to be strong. I don't want to burst out from crying kaya nilakas ko ang pwersa ko para mabitawan niya ako. I opened the door.
"Marami akong sasabihin sa 'yo. Marami... ang saya ko habang nasa eroplano pauwi dito kasi ikaw agad ang naiisip ko. Ikaw agad ang gusto kong makausap. Ang dami kong kwento..."
"Wala akong pakialam at hindi ako interesado sa kwento mo." Matigas na sabi ko saka nag-walk-out.
Napatigil ako nang sumigaw si Kenshin.
"Mahal kita, Frey!"
Nanginginig ang labi ko. I composed myself. Ayokong umiyak. Ayokong maging mahina. Ayokong magpadala sa puso ko.
Sa halip na sumagot ay patuloy akong naglakad palayo. Palayo sa lalaking mahal na mahal ko. Palayo sa taong sa wakas ay mahal na din ako.
Pero sorry, Kenshin. Kung noon, wala akong ibang gustong gawin kundi atupagin ang kasiyahan ko, pwes ngayon ay kailangan kong atupagin ang kasiyahan ng ibang tao. At ang ibang tao na iyon ay ang taong hindi kailanman nanghangad ng kapalit sa akin.
It'a decided. I will choose him over you. I will choose the guy who always make me happy without asking for return and not the guy who just gave me pain and tells me he loves me when I already gave up.
As soon as get in my car, I burst out into crying. Bakit ngayon lang, Kenshin? Bakit...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top