XXIV

Chapter 24.

HINDI pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Si Kensh... his mind created another version of his self para lang kay Tito Ken. Doon ko mas na-realize na malalim talaga iyong pagmamahal niya sa Dad niya he's willing to pretend to be the person na gugustuhin ng Dad niya.

Pero sino bang magulang ang hindi kayang tanggapin ang anak nila sa kung ano sila? Right? Of all people, ang pinaka unang taong kayang tumanggap sa atin at umintindi ng mga flaws and imperfections natin ay ang parents natin.

But to Kenshin, he wanted to be the perfect son for his father. Siguro ay dahil na rin sa pakiramdam niya na deserve ng Dad niya ang pagkakaroon ng perfect son pagkatapos siyang palakihing mag-isa.

"Biatch, earth to you? Nakikinig ka ba?"

Napatingin ako kay Cherrypink. Sa pagkakatanda ko, nagku-kwento siya tungkol sa kung anu ano pero 'yong utak ko lumilipad.

"Uh, oo! Ano ngang sabi mo?"

"Nag-fly-fly na naman ang isip mo, biatch. Sino ba 'yan? Ang inosente-wonder ng powerpuff girls o ang chinito gwapito ng alma matter mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi, biatch. Mas iniisip ko iyong basket-no-balls ng Palermo, Duke Aris." Sabi ko. "Ano 'yan PBB?!"

Hinampas niya ako ng throw pillow. "Stop mentioning his name. Hangga't maaari, magunaw na sana ang pangalan na 'yan sa mundo."

"Ay wow! Pero tama ka d'yan. Naku talaga! Kapag lumabas na 'yang si baby biatch, hinding hindi natin siya ipapakilala sa tatay niyang walang balls. Nanggigigil na naman ako tapos nakita ko pa na nagpost na naman siya na may date sila ng Sophia na malaking ilong na 'yon."

Mas sumama ang tingin ni biatch sa akin. "Sabi mo i-block ko sa facebook para hindi ko nakikita ang mga post niya pero sa daldal mong iyan, balewala rin e. Nalalaman ko din."

Tinakpan ko ang bibig ko. "Ooopps. My bad." Sabi ko. "Hindi na mauulit biatch."

"Pero teka nga, hindi ba pupunta kang Palawan with Daryl?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Kensh noong isang gabi, I decided to enroll to Marupok University again pero this time, in positive view na. I mean, I have reasons. Gusto kong tulungan si Kensh. I want to stay by his side. I want to help him get rid of his other self---the innocent one.

"Hindi na ako tutuloy, biatch."

"Bakit?! Excited ka pa nga noong nakaraan. Umamin ka nga! Nag-macho dancing ba sa harap mo si Kenshin? Or pinahawak na naman ba niya ang ABS niya? Or worse, 'yong live banana ba?! O hindi kaya may nangyari na sa inyo? Akala mo hindi ko maiisip 'yon? Bestfriend mo ako. Alam ko 'yang nasa isip mo saka nagkulong kayo sa kwarto noong isang gabi."

"We just talked. Ang lawak ng imagination mo biatch."

"Talaga lang ha?"

"Oo nga! Walang nangyari! Hindi na kaya ako marupok." Sabi ko pero naalala ko nang ipahawak sa akin ni Kensh iyong bandang puson niya. Jusko! Lower pa sana kaso nag-drama na siya no'n.

Nilapit ni biatch ang mukha niya sa akin. Nagulat tuloy ako.

"Biatch, gusto mo bang makipagpustahan sa akin?"

"Ano 'yan?" Iba talaga ang utak ng mga buntis.

"Pustahan tayo kung gaano kalaki ang banana ni Kenshin."

Nanlaki ang mga maya ko. "Yuck! Ang bastos mo naman, biatch! Grabe ka!"

"Ay wow, nahiya naman ako sa 'yo. Remember noon nagpustahan din tayo kay---basta!"

Oo nga pala. Pinagpustahan din namin ang banana ni Duke Aris. Banana without balls. Eww.

"Large." Sabi ko. "Alam ko dahil ramdam kong kahit inosente siya, malaki siya."

Natawa si biatch. "XXL kaya?"

"Grabe ka naman, biatch! Ginawa mo namang kapre si Kensh!" Sabi ko.

Hindi ko tuloy ma-imagine kung paano kaya kung malaki pala talaga siya. Omg, kasya kaya siya sa akin? I'm still a virgin so it means kapag nag-tutut na kami, masheket? Pero masarap naman daw e. Hay, ano ba 'tong naiisip ko? Kasalanan ni biatch 'to!

Kakaiba talaga ang hormones ng mga buntis. Nagiging manyak e.

Tawang tawa si biatch. Basta usapang banana e.

"Pero biatch, nasaan na ba si Drake? Gusto ko talagang pisilin ang pisngi niya."

I rolled my eyes. "Pinaglilihian mo si Drake. Kawawang Drake. Huwag naman sana lalaki ang anak mo dahil paglaki niyan, siguradong boob-eater 'yan."

"Yuck ka naman biatch! Ang bastos."

"Coming from you? Ikaw biatch ha, nagiging bastos ka na porke buntis ka."

Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Tawagan mo na si Drake, please?"

Arte arte ni biatch. Sarap sabunutan. Pero okay na 'yong si Drake ang mapaglihian niya kesa kay Kensh. Ayoko ngang kurut kurutin niya ang pisngi ni boy itlog. He's off limit.

I rolled my eyes. Dinampot ko ang phone ko saka tinawagan si boob-eater.

"Hey, Drake. Hinahanap ka ni biatch. Pinaglilihian ka ni gaga."

Kumunot ang noo ko dahil parang may kausap si Drake.

"No. You fucking go home. Should I call Tito Luke? Damn it---hey, Frey. Yeah I'll going home."

"Problem?" tanong ko. Sino bang kausap niya?

"Nothing. Ihahatid ko lang pauwi sa kanila ang spoiled brat na 'to then I'll go home."

Oh, si human melons pala. Pasaway talaga ang babaeng iyon. At nakakatuwa kasi kahit wala si Duke na masarap idukduk, he's still being chaperon to human melons.

"Why? What happened ba?"

"He's fucking here at Hashtag bar with lot of boys around her. Damn it. She's even wearing a small piece of clothes."

Natawa ako. Drake is acting like a Kuya to human melons. "Let her. Malaki na siya. Alam na niya ang tama at mali." Sabi ko.

"No---fuck, don't push my button, brat."

Napailing nalang ako. Gigil na gigil si Drake kay human melons. Ang cute cute nila. Pwede silang couple.

"Pero anyway, Drake! Andyan ka pala sa Hashtag bar. Andiyan ba si Kensh?"

"Yeah, he's here. He's drinking. May problema ba si bro? He didn't say anything."

Sa akin lang siguro nasabi ni Kenshin iyong about sa personality niya and all. Kahit naman super close sila ni Drake, siguro nahihirapan pa rin siyang mag-open-up about it.

"Sinong kasama niyang uminom?"

"Ako. But this brat is getting in my nerves and yeah, Cherrypink needs me so I need to go home."

"Hmm, sige sure! Ganito nalang. Pupuntahan ko nalang si Kensh diyan. Ako na ang bahala aa kaniya."

"Good. Thanks, maja."

"Damn you. It's Frey!"

"Yeah ye---putangina, Empress Araine!"

Nailayo ko sa tainga ko ang phone. Jusko, ang sakit sa pandinig ng sigaw ni Drake.

"Do you wanna die? Touch her or you will die."

Napailing nalang ako. Sa sobrang protective ni Drake kay human melons, kaunti nalang pwede na silang lovers. Pero hindi e, patay na patay din 'tong si Drake kay biatch. Maybe he just feel like na may responsibility siya kay human melons kasi nga nasanay siyang ganoon because it's their bestfriend's sister.

"I'll hang up, Drake! Tell Kenshin that I'll be there in a minute."

Pinutol ko na ang tawag dahil mukhang badtrip na si Drake kay human melons.

"Ano 'yon?"

Tumingin ako kay biatch na kumakain na ng slice pakwan. Favorite niya 'yan. Pansin ko lang. May tao bang adik sa pakwan? Sa dinami dami ng prutas 'yan palagi ang kinakain niya.

"Ah, pauwi na raw si Drake. Ihahatid niya lang si human melons kasi andoon daw sa bar."

"Anong nangyari kay Empress?" Tanong ni biatch.

"Ano pa ba? Alam naman natin kung gaano ka-liberated ang babaeng 'yon palibhasa sa US lumaki. Ayon puro lalaki daw ang kasama sa bar. As the appointed chaperon na si Drake, feeling niya responsibility pa rin niya si human melons kahit galit galit sila ni Duke."

Tumango tango si biatch. "That's better. Hindi naman porke galit sila kay Duke ay madadamay na si Empress. Mabait siya and she's excited to meet her pamangkin."

I rolled my eyes. "Pare pareho lang tayong bitchy. Mabait ka diyan!" Tumawa ako. "Anyway, I need to go to Hashtag bar. Nag iinom kasi doon si Kensh and si Drake dapat ang kasama niya kaso pinapauwi mo dito, so palit nalang kami. Ako nalang ang magsasama kay Kensh."

"Marupok ka talaga."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Concerned citizen lang ako. Makapagsabi ka namang marupok! Nakakasakit ka biatch ha."

Tinawanan niya lang ako. Biwisit. Kung hindi lang siya buntis, hinamon ko na siya ng sabunutan.

Pero sababay, marupok naman talaga ako. Pero hindi na gaano. May mga hindi lang talaga inaasahang bagay na hindi bigla nalang tayong nagiging marupok tulad noong isang gabi.

Hay. Kahit imagination lang, ang yummy ni Kensh.

Tapos nalaman ko pa na bad boy talaga siya. Eeee! Enebe mas gusto ko nga 'yon kasi nagiging wild siya.

Hindi pa rin tuloy ako makapaniwala na naisip niyang baka hindi ko siya matanggap kapag nalaman ko ang totoong siya. Tapos wala siyang kaalam alam na enjoy na enjoy ako sa bad boy side niya. Landi kasi e!

Nagpalit na ako ng damit dito sa kwarto ko sa taas saka muling bumaba.

"Ingat dito biatch. Just wait for Drake nalang. Kung may ipapabili ka, just call me. Alright?"

Tumango siya. "Ingat rin, biatch. I-deactivate mo muna ang pagiging marupok. Baka kapag umuwi ka mamaya, nag fly away na ang virginity mo."

"Duh! I'm not like that 'no. I'm not marupok." Pilit ko. "Aalis na ako. Bye!"

Lumabas na ako ng unit saka dumiretso sa elevator.

Iniisip ko palang na nagpapakalasing si Kenshin dahil sa problem niya, naaawa na ako. Paano niya nakimkim iyon sa sarili niya? Kung titingnan naman kasi siya parang normal lang, na inosente lang talaga sya tapos ang jolly niya at parang walamg problema.

Minsan talaga kung sino pa iyong akala natin na masayahin lang at walang problema, sila pala 'yong may mabigat na dinaramdam.

Huminga ako ng malalim saka bumaba ng elevator. Dumiretso ako dito sa basement dahil dito naka park ang kotse ko.

Sumakay ako saka agad na nagmaneho.

Paano ko kaya tutulungan si Kensh? Unang una kailangan ko siyang mahikayat na magpatingin sa psychologist. Isip lang naman kasi ang kalaban niya. Sarili niya lang ang kalaban niya.

Isip rin kasi niya ang pumipigil sa kaniya na magpakatototo because he always consider his father's thoughts. Napakaswerte ni Tito Ken na anak niya si Kensh.

But Kenshin deserves to be happy. Masarap mabuhay na hindi ka nagpapanggap sa kung sino ka. You live your life by who you are and what you are. Iyong tao sa paligid natin na ang bahala if they are going to accept you or not as long as you're just being yourself.

Ilang saglit lamang ay nakarating ako sa Hashtag bar. Bumaba ako ng kotse ko pagkatapos kong mag-park.

Hapon palang pero maingay na dito sa bar. Ito talaga ang pinakasikat na bar dito sa south e. Hindi lang din naman kasi basta basta lang ang pumupunta rito. Katulad nalang ng mga friends ni Tito Ken na talagang sikat na sikat dito na kahit nga may mga anak na, pinapantasya pa rin ng ibang babae rito.

Pumasok ako sa loob saka hinanap si Kensh. Tumigil ang mata ko sa dulong bahagi ng bar. Doon ang pwesto namin palagi. Sulok kasi siya saka VIP table so may privacy pa rin. Hindi crowded sa parteng iyon hindi tulad ng ibang mesa na malapit sa dance floor.

Dumiretso ako sa table ni Kensh. Marami ng bote ng alak sa table.

"Ba... baba?"

"Gandang bungad ha!" Sabi ko. Nasanay na yata ako na tinatawag niya akong baba e. Arghh! Until now, iniisip ko pa rin kung mahaba ba talaga ang baba ko kasi sinukat ko ng ruler, sakto lang naman e.

"I think I'm drunk."

"Alak ang business niyo 'di ba? So sapat super duper lakas mong uminom?"

"Look at this bottles. Hindi pa ba sapat 'yan para mapatunayan kong malakas akong uminom? Strong 'to."

"Strong daw. Ewan ko sa 'yo. Tama na 'yan. Let's eat nalang para mahimasmasan ka. What do you want?" Nag-ooffer din naman kasi dito ng mga snacks and all.

"Ikaw."

Enebe! "Seryoso ako, Kensh. Baka nakakalimutan mong hindi na ako marupok. Hindi mo ako madadala sa ganyan mo."

"Even if I want you so much?"

Wala namang ganyanan oh! Ano ba 'to? Is this his bad side? Gosh. Feeling ko tuloy, ako ang nagpapalabas ng bad side niya e. Feeling ko lang. Ilang beses na kasi niya iyong pinakita sa akin. Well, nakakatakot na nakakapanibago but that's who he really are.

"Why did you want me so much?" Tanong ko.

Sasakyan ko nalang siya. Tutal lasing na naman siya.

"Because it's you, Frey."

Bawal ngumiti! Bawal kiligin! Lasing 'yan. Pinapaasa na naman niyan ako. Naku!

"Then why? Ano ba ako, Kensh?"

"Manga." Humagalpak siya ng tawa. "I want to eat manga. Damn, maasim asim pa 'yon tapos wih bagoong."

"Punyeta ka, Kensh ha! Nakakatawa 'yon?!"

Ngumiti naman siya. Ang puso ko, ano ba! Ngiting nang-aakit naman 'yan e.

"Frey, huwag ka nang masungit. Papangit ka niyan."

"Ano naman? At least may nagkakagusto pa rin sa akin. Duh!"

"Ako ba 'yon?"

Ang puso ko kumakabog.

"Asa naman ako 'di ba? Syempre si Daryl!" Sabi ko.

"Ah. That chungchangsu. Kumakanta ba 'yon ng tsori tsori meka meka."

Sinamaan ko ng tingin si Kensh. Kumanta ba naman ng language na hindi ko maintindihan kung ano.

"Lasing ka na talaga. Tara, ihahatid na kita sa inyo. Paano nalang kapag naabutan kang ganyan ni Dad mo." Sabi ko.

"He's busy. He's out of the town."

"Tapos ikaw ang nagbabantay dito?"

Umiling siya. "Nariyan si Ninong Jerome."

Tumango tango ako. "Halika na nga."

Tumayo siya saka lumipat sa tabi ko. Bigla ba naman akong halikan.

"Kenshin!"

"Sabi mo halikan na." Ngumisi pa siya.

Lasing na talaga siya. "Ihahatid na kita."

"No. Hindi! Doon ako uuwi sa unit ni bro. May kwarto ka doon e. Doon nalang ako."

Napabuga tuloy ako ng hininga. Ano pa nga ba? Baka ayaw niyang makita siya ng Dad niya na ganito ang itsura. He looks wasted. Grabe.

"Oo na! Sige na doon ka na matulog. May kwarto naman si Drake doon."

"No. Sa kwarto mo, Frey."

Ang landi naman niya e! Akala ba niya madaling magpigil?! Akala ba niya madaling maging marupok!? Argh. I hate him.

"Shut up. Basta tara na." Inalalayan ko siya sa pagtayo. Lasing na lasing nga. Hindi na makatayo ng tuwid e. Jusme!

Lumabas kami ng bar. Nakahinga ako ng maluwag nang maisakay ko siya sa kotse ko. Ang bigat niya kainis. Naalala ko tuloy kung XXL nga ang banana niya kaya siya mabigat. Kasalanan ni biatch 'to! Dunudumihan niya ang utak ko.

Kinabitan ko ng seatbelt si Kensh dahil wala na siya sa huwisyo. Saka ako sumakay sa driver's seat at nagdrive.

I dialled biatch's number. Nakaloudspeaker iyon.

"Biatch?"

"Kenshin is with me. Iuuwi ko siya diyan. Lasing na lasing e. Ayaw namang magpahatid sa kanila."

"Sige biatch. Sabihin ko kay Drake."

"Okay, bye."

I ended the call and looked at Kensh. He's alive! Malamang buhay siya. I mean, nakamulat ang nga mata niyang nakatingin sa akin.

"Matulog ka na nga!" Singhal ko.

"Why do you care so much, Frey."

"You know the reason." Matipid na sagot ko.

"Thank you."

Kumabog ang dibdib ko. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagda-drive. Patuloy na nakatutok ang tingin ko sa kalsada. Hindi ko tinitingnan si Kensh.

"Thank you for staying with me. Because you know what? Kapag ikaw ang kasama ko, hindi na ako natatakot na maging ako. I can be myself whenever I want. Without pretentions. Masarap pala sa pakiramdam, Frey."

Napangiti ako. That's what I want. Wala e, mahal ko siya. I want him to love his self. I want him to stop pretending to be the person na hindi naman siya.

"Then, it means dapat pala lagi tayong magkasama?" Landi ko! Syempre pabor sa akin.

"Yes, maybe. Lipat na rin ba ako sa condo ni bro?"

"Ano? Hoy? Tumigil ka. Tatlo lang ang kwarto doon. Walang spare room for you."

Sinulyapan ko siya pero nagsisi ako kasi naka-pout siya. Nahulog na naman ako sa charm niya. Kainis.

"Pwede namang sa kwarto mo e."

"Tse! Magtigil ka."

He chuckles. "Natatakot ka ba na..."

"Na ano? Bakit ako matatakot? Duh!"

Tumawa lang siya. "Nevermind. Nagbibiro lang ako. Pra namang papayagan ako ni Dad na umalis ng bahay."

"Mahal na mahal ka ng Dad mo e."

"I know. That's why I want the best for him. I want to make him him proud and happy."

"Pero Kenshin, paano mo nagagawang ilabas 'yong tunay na ikaw? Naalala ko kasi nabanggit na sa akin ni Drake noon na mas wild ka pa daw sa kanila."

Tumawa siya. "Kapag lasing ako. Lumalabas ang tunay na ako. Pero Frey..."

"Ano?"

"Virgin pa ako."

Muntik na akong mapa-preno. "O, a-ano naman!"

"Gusto kong ikaw ang una ko."

Napalunok ako. "Alam mo, Kenshin ang bastos mo. Ayoko ng mga ganyang usapan 'no! Pero, totoo? Ugh! I mean, totoong virgin ka? E malandi ka nga kapag nakakainom ka."

"Sa iyo lang naman ako malandi."

"Para ngang expert ka nang magpahawak ng ABS mo e."

"You're the second girl who already touch this."

"Wait, so sino ang una?"

"Si Empress. Manyak ang babaeng 'yon. Crush daw niya ako. Kaya bigla niyang hinawakan ang ABS ko noong naroon kami sa bahay nila dahil nagyayang mag-swimming si Duke sa pool nila. Galit na galit nga si Drake no'n e. Parang siya pa ang Kuya sa pagre-react. Tapos ako pakiramdam ko, na-harass ako."

I rolled my eyes. "Oo nalang." Ang babaitang 'yon! Humanda siya sa akin. Nahawakan na pala niya ang ABS ni Kensh?! Pangalawa tuloy ako!

Nakarating na kami sa condo ni Drake. I parked my car saka naunang bumaba para alalayan si Kensh.

"I can manage, Frey."

"Sus! Pa-gewang-gewang ka na nga." Sabi ko saka ini-akbay ang braso niya sa akin. Naglakad kami papunta sa elevator.

"Strong 'to, Frey."

Nang makasakay kami sa elevator ay nagulat ako nang isandal ako ni Kensh.

"Kensh..."

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang maramdaman ang labi niya sa labi ko. Lasang lasa ko pa ang alak sa bibig niya. Hindi ako makatanggi. Hindi ko rin siya maitulak. Hindi ako makapalag.

Dahil ang totoo, gusto ko rin.

Saglit siyang tumigil saka tiningnan ang mga mata ko. "Sleep with me, Frey. And this time, I'm fucking serious."

Napanganga ako sa sinabi niya. Sakto namang bumukas na ang elevator. Holy cow, what does he mean by that!?

Sleep with him. Pwedeng tabi lang kaming matutulog pero pwede ding gyera at kailangan ko nang isuko ang aking bataan. Omg, what to do?!

•••
Follow me to be updated:
Facebook: PJ Pinkyjhewelii
Twitter: @pinkyjhewelii
Instagram: @pinkyjhewel
Youtube Channel: Jewell Atienza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top