XXIII
Chapter 23.
THIS is not happening! Hindi. Hindi talaga. Dahil jusko, nagbagong buhay na ako. Hindi na ako marupok. I'm stronger now pero punyetang Kenshin! Anong ginagawa niya?!
"Kensh, please stop it. Tigilan mo ako sa mga ganyan mo." Sabi ko. Pilit kong tinatatagan ang sarili ko habang paiwas iwas ng tingin aa pumuputok niyang ABS.
Muli siyang humakbang palapit sa akin kasabay ng pag-urong ko.
"Huwag..."
He chuckles. "You'll rape me, Frey. Don't say that. Hindi naman kita gagawan ng bagay na hindi mo gusto."
Umiling ako. "Nababaliw ka na, Kensh. You're maybe drunk, yes! Maghunis-dili ka. Umayos ka!"
"Hindi ako lasing, Frey. And I'm serious. I. Want. You."
Napalunok ako. Mariin akong pumikit saka huminga ng malalim. "Sorry ka, hindi na ako marupok. No, I'm not going to rape you. Tingin mo sa akin, rapist?! Kung akala mo na kapag naghubad ka, maglalaway ako sa 'yo, duh! Huwag ka ngang feeler diyan."
Kaya ko pa. Hindi talaga ako marupok. Graduate na ako diyan.
Mas lumapit pa siya sa akin. Ang katawan niya, bumabalandra sa akin. Habang papalapit siya ay unti unti rin akong lumalayo pero nararamdaman kong malapit na ako sa pader!
"Do what you want to me, Frey. I'm yours tonight."
"Hindi. Hindi kita kailangan, Kensh. Kaya tumigil ka sa mga ganyan mo. Hindi ka nakakatuwa!"
"Hindi ako nagpapatawa. Seryoso nga ako 'di ba?"
Huminga ako ng malalim. "Kenshin, please. Lumabas na tayo sa kwartong 'to at bumaba. Walang mangyayari. Wala!"
"Meron. Meron. Meron. I want you, Frey."
"Libog lang 'yan, Kensh tulad ng lagi mong sinasabi tuwing nilalandi mo ako. Alam mo, hanap ka nalang ng mga whore sa bar and tell them to rape you. Huwag ako, Kensh."
Ngumisi siya. "I don't need anyone. I want you, Frey. I fucking want you."
"Pwes ayoko! Ayoko! May boyfriend ako. I'm not going to cheat on him. Loyal ako sa kaniya at ayokong sa'yo mapunta ang virginity ko!"
Mas ngumisi siya. "Talaga ba, Frey? Paano kung gusto kong ako ang maka-una sa 'yo?"
I slapped him. "Don't say it like a joke. Hindi nakakatuwa, Kensh. At least, respect me!"
Kinapa niya ang pisngi niyang sinampal ko. Medyo namula iyon. Bakit ko ba siya sinampal, ano ba!
"Nirerespeto kita, Frey. Kaya nga wala akong ginagawa. I'm asking you to do what you want to me. I surrendered myself to you."
Suko na ako. Baliw na talaga siya. Hindi ko talaga siya gets at lalong hindi ko makuha 'yong logic na gusto niyang magpa-rape sa akin. Abnormal talaga!
Isang hakbang. Napaurong muli ako pero mariin akong napapikit nang maramdaman kong nasa may pader na ako. Dead end. Gosh, what to do?!
"Look at me, Frey." Seryosong sabi ni Kensh. Hinawakan niya ang kamay ko saka inihawak sa ABS niya. Mabilis akong bumitaw pero muli niyang kinuha ang kamay ko at inihawak doon.
Napalunok na naman ako. Kalma lang, self! Hindi ako bibigay tulad ng sabi ko, tapos na ako sa pagiging marupok! Hindi ako ang klase ng babae na magiging mahina kapag ABS na ang kaharap. Kahit pa sabihin nating yummy talaga si Kensh with his bad boy look, nah, walang effect. I can refuse him. Hinding hindi ako bibigay!
"How does it feel?" Tanong niya.
"Uh, uh... matigas? Kesye... ano ba! Kenshin, tigilan mo ako! Ayoko niyan!" Sigaw ko nang magising ako sa katotohanang nagiging mahina na naman ako. He's a freaking living temptation! Pinapahirapan niya ako, bwisit siya!
Ngumisi siya. "Really? Then this..." ibinaba niya ang kamay ko pababa sa bandang puson niya.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Halos mabingi ako sa pagdagundong niyon. This is not happening. Jusko, makakahawak na ba ako ng living banana? As in? Hindi! Ayoko. Hindi talaga! Hindi ako marupok. Hindi!
"L-Lower..." wala sa sariling sambit ko.
Punyeta ano 'yon?! Nanlaki ang mga mata ko sa nasambit ko saka mabilis na bumitaw kay Kensh. Napatakip ako ng mukha ko saka umiling-iling.
"Huwag, Kenshin! Huwag! Tigilan mo 'to. Leave! Nakikiusap ako!"
Sa halip na umalis ay naramdaman ko ang katawan niya sa katawan ako. What the hell?!
He hugged me while he's topless. Kumusta naman 'yon? Ramdam na ramdam ko iyong tigas ng katawan niya. Patawarin ako ng karupukan ko, gosh!
"Kenshin..."
"You like it." Sumeryoso ang boses niya. "Noong nakita mo 'yong chungchangsu na 'yon sa hashtag bar na sumasayaw ng naka-topless, iba ang kinang ng mga mata mo. I hate it. That's why I'm showing this to you. I can be hot, too. I can be whatever you want me to be, Frey. Just please, break up with him."
Ramdam ko ang sincerity niya pero mas ramdam ko ang banana niya na I think, it's kicking? Ano ba 'tong nasa isip ko?!
"Kenshin, hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo sa kung anong gusto ko. Just be yourself. Saka hindi ko naman naging boyfriend si Daryl dahil lang sa katawan niya. He cares for me. Pinaparamdam niya sa akin na ako ang klase ng babae na hindi dapat sinasaktan at pinapabayaan. He treated me like I'm the most precious person for him."
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako.
"Nag-usap na tayo. Malinaw naman na sa akin, 'di ba? You will never like me, Kensh. Hindi ako ang babaeng gugustuhin mo. Tinanggap ko na nga e. Nasaktan ako, oo pero life goes on. Anong magagawa ko kung hindi ako gusto ng gusto ko? Hindi lang naman ako nakakaranas ng ganoon that's why I accepted the fact na hindi magiging tayo. Hindi mutual ang feelings natin."
"Frey..."
"Ayokong sigawan ka dahil pagod na akong makipag away sa 'yo pero gusto ko pa ring ulit ulitin na sabihin sa iyo na wala kang karapatang utusan ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Magkaibigan lang tayo, Kensh. Hindi kita binigyan ng karapatang pakialamanan ang buhay ko. You can't order me around like break up with my boyfriend. Seriously? Hindi na kita mabasa. Hindi ko na alam kung sino ka, Kenshin. Iba ka. Ibang iba."
"That's me. I know you're not going to accept the real me."
Naguluhan ako sa sinabi niya. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Masyado na kaming matagal na magkayakap. Ang awkward na at alam ko, kapag tumagal pa kaming ganoon, baka bumigay na ako.
"Sino ang totoong ikaw, Kenshin? Try me."
Alam kong may kakaiba sa kaniya pero hindi ko ma-pinpoint kung ano. It's just that, para siyang may dual personality. The good one and the bad one. Hindi ako sigurado dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang ganoon.
Tinitigan niya ako sa mga mata ko. It's dark. It's his bad side.
"I'm not the one who you think I am, Frey." Aniya saka kinuha ang tshirt niya. Isinuot niya iyon habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Then who are you?"
Umiling siya. "Let's go downstairs."
"Bakit hindi mo sagutin? Ano ka ba talaga, Kenshin? Ano ba iyong sinasabi mo na hindi ko matatanggap ang tunay na ikaw? Bakit, alien ka ba? Myembro ka ba ng power rangers? O baka naman isa kang mutant tulad nina wolverine? O kaya kasama ka ng avengers? Kaibigan mo si bumblebee, ganoon ba? Tell me, dahil mababaliw na ako, Kenshin!"
"I said let's go."
This is the perfect time to talk about him. Gusto kong maintindihan si Kenshin. Gusto kong malaman kung bakit ganito ang attitude niya. Gusto kong malaman kung sino ba talaga siya at ang tunay na siya.
Humarang ako sa pinto saka tinitigan siya sa mga mata niya.
"Sabihin mo sa akin, Kenshin. Ano ang tunay na ikaw?"
"Frey, please."
"No. Kenshin, please. Just spill it! Handa akong makinig. I swear, I won't judge you. Gusto kong intindihan ka at gusto kong malaman ang bagay na tinatago mo sa sarili mo."
Ginantihan niya ang titig ko. His eyes were darker than his usual. May iba talaga sa kaniya. This is the one who always kiss me, touch me, basta ito ang lalaking lumalandi palagi sa akin.
"Wala akong tinatago."
"Meron. Alam kong meron!"
"Frey, bumaba na tayo."
"Ikaw ang nagdala dito sa akin. Tayong dalawa lang sa kwarto na 'to, Kenshin. Alam kong iisipin nila na magkasama tayo kaya wala tayo sa baba and they will understand. Now, spill it. Handa akong makinig ngayon."
"Huwag ka nang makulit, Frey."
Umiling ako. "Hindi kita titigilan. Hindi ka makakalabas sa kwartong 'to hangga't hindi mo sinasabi ang totoo."
Ito na ang pagkakataong alamin ang totoong katauhan niya. Nakakapagod din maging tanga sa kaniya. Nakakapagod ding mag-isip kung bakit paiba iba siya na para bang wala siya sa sarili niya.
"Frey."
Tinatagan ko ang sarili ko. Nakipagtagisan ako ng titig sa kaniya.
"This is the real me."
Kumunot ang noo ko. "Ang alin? Wait, hindi ko gets, Kenshin."
"Stop calling me that name."
Nagulat ako. "Wait... anong... anong ibig mong sabihin? Teka don't tell me, may sumasapi sa 'yong masamang espiritu!?"
Tumagis ang bagang niya. He's staring at my eyes intently.
"Kenshin... that fucking self is fucking weak."
Mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano? Teka, Kenshin ikaw 'yan! Ano ka ba! Ano bang sinasabi mo?!"
Bigla akong natakot sa sinasabi niya.
"That fucking self is my alter ego, Frey. The Kenshin you knew is innocent, weak, kind? Childish? Religious? Fuck it. That's not the real me!"
Ang brain cells ko sasabog. Wait, hindi ko gets.
"Alter ego? Hindi ko ma-gets, Kenshin. Natatakot na ako. Ano ka ba? Ano bang nangyayari? Ano bang sumasapi sa 'yo?" Naiiyak na ako. Natatakot ako. Ibang iba siya. At lalong mas natatakot ako sa sinasabi niya.
"I created that. My fucking mind created that fucking innocent self."
Lalong gumulo. Hindi ko kinakaya. Tama bang tinanong ko siya about dito? Naguluhan lang ako lalo.
"Hindi ko talaga maintindihan. Hindi talaga as in. Kenshin kasi, huwag ka namang ganyan. Ikaw si Kenshin!"
"Aki. That's fucking me, Frey."
"Huh?! Hindi ba, nga? Kenshin Aki! Oh, ikaw naman 'yan e."
Ngumisi siya. "You won't understand me."
Sinubukan niyang alisin ako sa may pinto pero mas diniinan ko ang pagsandal. Hindi pwede hindi ko pa ma-gets. Wala akong maintindihan sa mga sinabi niya. I need more informations!
"Let's make it simple." Aniya.
"Yan! Simplehan mo kasi. Hindi ko talaga kasi gets. Sorry." Hindi ko alam kung slow ba ako, bobo ba ako or kakaiba lang talaga ang mga sinasabi niya.
"Iyong kilala mong Kenshin na inosente, pilosopo, mabait, tahimik, at mabuting anak, that's my alter ego. My mind created that for my... father."
Unti unti ko ng nage-gets.
"Sa madaling salita, nagpapanggap ka lang na inosente ganern? Para kay Tito Ken? Bakit? Paano?"
"My father wanted the best for me. Mula bata ako, siya na ang nagpalaki sa akin. He raised me alone. Habang tumatanda ako, nakikita ko sa sarili ko na hindi ako ang taong gusto ni Dad. Hindi ako ang Kenshin na gusto niya na maging. He likes it when I'm innocent. He likes it when I go to church. He likes it that I never cuss. He likes me for being the best son. Masunurin sa kaniya. Lahat ng gusto niya at sinasabi niya, iyon lang ang ginagawa at sinusunod ko."
Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakikinig.
"But that's not me..." his voice cracked. Napansin kong nanggigilid ang luha niya. "I'm not innocent. I'm not a kind kid, i'm not a responsible son. I'm fucking not!"
"Kensh..."
"But I can't disappoint my dad. I can't..."
"Kaya ba nagpanggap ka? Kaya kahit hindi ka naman talaga inosente, ginawa mo para sa dad mo? Kasi iyon ang gusto niya na ikaw?"
Tumango siya. I saw his tears falling from his eyes. "I hate it but my mind is keeping that alter ego. Sa tuwing nariyan si dad, o minsan, kahit wala si dad, kusang lumalabas ang alter ego na 'yon. Hindi ko gusto. Putangina gusto ko ng maging ako, Frey. I wamt myself back. I want my real self! And that's not that innocent one!"
Kusa na ring tumulo ang luha ko habang nakatingin kay Kenshin. He's hurting. Ngayon ko naintindihan. Ngayon ko na-gets ang ibig niyang sabihin.
His mind created that other personality dahil mahal niya ang dad niya. Dahil ayaw niyang ma-disappoint sa kaniya si Tito Ken. Pero hindi siya masaya dahil hindi iyon ang totoong siya.
"Do you seek for... psychological help?"
Sa madaling salita, meron siyang dual personality. That explains. Kung bakit dalawang katauhan ang nakikita ko sa kaniya. The usual Kenshin, at iyong ganitong bad boy side niya.
"Natatakot ako... natatakot akong mawala ang alter ego ko na 'yon. Paano na si dad? Paano niya tatanggapin na ang Kenshin na hinahangaan niya ay hindi totoo?"
Ngayon ako naawa kay Kenshin. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya.
"Ito ba iyong sinasabi mo sa akin na baka hindi kita matanggap? Ito ba iyong sinasabi mo na kapag nakilala ko ang totong ikaw, lalayuan kita?"
Tumango siya. "You like that alter ego of mine. And that's not me, Frey."
Umiling ako. Pinahid ko ang luha niya. "That's you, Kenshin Aki. That's you that I love. Hindi dahil inosente ka o masunuring anak, hindi dahil pilosopo ka or what, hindi. I love you because that's you. And because I love you, I can accept you for who you are and what you are."
He cried. I hugged him.
"Sorry..."
"No, Kensh. Alam kong mabigat at mahirap na sabihin sa akin ang kalagayan mo. Hindi na ako nagulat dahil napansin ko na iyon sa 'yo. Na para bang may dalawa kang personality. Ilang beses ko nang napansin 'yon pero nagbago ba ang nararamdaman ko? Hindi. Kasi ikaw 'yan e. Inosente ka man o bad boy, ikaw pa rin 'yan, Kenshin Aki."
Mas humagulhol siya. He breaks down.
"I'll help you, okay? Tutulungan kita, Kensh. Your dad will understand. Tatay mo siya at alam kong matatanggap niya kung ano ka. You don't need your alter ego. You don't need to keep him. Labanan mo 'to. I'll be with you. Just be yourself."
Humigpit ang yakap niya sa akin habang umiiyak. Wala rin akong magawa kundi umiyak.
Akala ko ginagago lang ako palagi ni Kenshin pero hindi. May problema siya. Pakiramdam siguro niya ay hindi ko na siya magugustuhan kapag nalaman kung hindi naman talaga siya inosente or what. I don't mind.
For now, he needs psychological help. He needs that. He needs to get rid of his alter ego. And he needs to show everyone who he really is.
Not the innocent one. But the real Kenshin Aki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top