XX1
Chapter 21.
"Gusto kita, Frey. Putangina, gusto kita."
Kasunod niyon ang paghapit niya sa bewang ko saka ako hinalikan. Saglit lamang ang halik na iyon at sa pagkakataong ito natulala ako sa kaniya dahil pakiramdam ko, bumigay na naman ako.
He said he likes me. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya.
"Sa tingin mo ba 'yon ang sasabihin at gagawin ko? You'e wrong, Frey!"
What the hell did he say?! Ibig sabihin...
"Tangina, sa totoo lang naaawa ako sa lalaking 'yon dahil alam kong ginagamit mo lang siya para sa akin! And that's a fucking wrong idea, Frey!"
Sa saglit na pag asang binigay niya, agad din iyong lumagpak.
Oo na, umasa na naman ako! Oo na, halos hindi ko na marining sa lakas ang pagdagundong ng dibdib ko nang sabihin niya ang magic word na 'yon! But in the end, isa iyong bagay na parnag imposibleng magkatotoo.
Akala ko... damn him! Puro nalang ako akala!
"No." Pagsisinungaling ko. "As if naman na maniniwala agad ako sa sinabi mo, Kensh dahil alam ko naman na hindi mo ako gusto tapos bigla mong sasabihin na gusto mo ako? Marupok ako pagdating sa 'yo pero hindi ako bobo!"
Pero sa loob loob ko, unti unti na namang nabibiyak ang puso ko dahil sa umusbong na pag-asa na agad din na nawala.
"Isa pa, hindi ko siya ginagamit. We like each other!" Again, I lied.
Nanlilisik pa rin ang mga mata niya. "Alam kong ginagawa mo lang 'yan dahil sa akin. You make him your boyfriend para magselos ako! Pero hindi 'yan eepekto sa akin, Frey."
Nakakarami na siya! Nakakarami na! Hanggang kailan ba niya ako sasaktan ng ganito?
"Alam ko! I didn't do that for you, Kenshin. I did that for myself because I wanted to be happy at alam kong kay Daryl ako sasaya because he's a great guy."
Hindi katulad mo. You're an innocent man, Kensh but I didn't know na mas asshole ka pa sa mga kaibigan mo.
"Happy? Really. Kung inaakala mo na mapapaniwala mo ako, nagkakamali ka, Frey. That's why I'm talking to you right now. Stop that crap. Break up with him because you're just doing that because of me."
Oo, tama naman siya! Ginamit ko lang naman talaga si shingshangshung para pagselosin siya at ipakita sa kaniyang may iba na akong lalaki.
Pero ang iniisip niya ngayon ay kaya ko lang binoyfriend si shingshangshung ay dahil sa kaniya. I won't tell him that we're just pretending!
Tinatagan ko ang sarili ko saka tinitigan siya sa mga mata niya. "Kenshin, what if I tell you that I'm serious with our relationship? What if I tell you that I'm even thinking of marrying him because he's a good man? What if I tell you na mula nang makasama ko siya, na-realize kong hindi pala kita ganoon ka-gusto? What if I tell you na gusto ko talaga siya at unti unti ka nang nawawala dito." Tinuro ko pa ang bandang puso ko.
Saglit siyang natahimik. He's looking straightly to my eyes. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.
"I don't care."
Ngumisi ako. "You don't care then why did you act like that? I don't want to assume but you fucking act like a jealous guy a while ago. You even punch my boyfriend, Kensh. How dare you? As far as I know, wala kang karapatang um-akto ng ganoon dahil unang una sabi mo nga, wala kang pakialam sa akin at pangalawa, hindi kita boyfriend. Hindi! So why?!"
Para siyang natigagal sa sinabi ko. Guilty, hmm?
"I told you. Dahil alam kong ginagawa mo lang 'to dahil inayawan kita. Ginagamit mo lang siya para mapagtakpan ang nararamdaman mo para sa akin. You love me, Frey! Hindi iyon basta basta mawawala. But, you cannot force me to like yo---"
"Yes, I know! Kaya nga nag-boyfriend na ako e. Nag boyfriend ako ng lalaking gusto ako! Kasi nga gusto ko nang mawala itong nararamdaman ko para sa 'yo!"
"Frey."
"Alam mo? Ang labo labo mo! I introduced my boyfriend! Pinakita ko sa 'yo na kaya kong sumaya sa piling ng ibang lalaki. Pinakita ko na hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo! Pinakita ko na may ibang lalaki na kaya akong mahalin at pahalagahan! But what did you do? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong um-akto ng ganoon kanina. You always said na hindi ka nagseselos at wala kang pakialam aa akin but you know what? Action speaks louder than voice! Hindi magkatugma ang sinasabi mo sa ginagawa mo! You confused me, Kenshin and I hate you for that!"
Natahimik siya.
Punyeta, kung hindi niya ako gusto, e'di hindi! I'm aware of that! Pero sa ginagawa niya, sa tingin ba niya ano pang iisipin ko? Na hindi talaga niya ako gusto? Seriously? Nakakabobo na ang lalaking 'to!
"Frey, I'm hundred percent sure that you just did that for me. Huwag mong gamitin ang lalaking iyon dahil lang ni-reject kita."
"Sorry pero hindi ko soya ginagamit. I'm happy with him and I'm looking forward for more moments with him. He cares for me, Kenshin. And it feels so good."
Tumalim na naman ang tingin niya sa akin.
"Kaya please lang, Kenshin. Panindigan mo ang sinabi mo na hindi mo ako gusto. You are just my friend and for your information, you just crossed the line. Wala kang karapatan, iyan ang gusto kong ipaalala sa 'yo."
Tinalikuran ko na siya pero pinigilan niya ako sa braso ko. Nagpumiglas ako saka muli siyang hinarap.
"What? Bitawan mo ako, Kenshin."
"Break. Up. With. Him." Dahan dahan at matigas na sabi niya.
I slapped him.
"Ako ang magde-decide para sa sarili ko. Ako lang at wala nang iba." Ngumisi ako. "Hindi porket mahal kita, pwede mo ng pakialamanan ang desisyon ko sa buhay ko. You have no right to order me around. Wala kang karapatang pigilan ako sa mga ginagawa ko, Kenshin. You know why? Because you're just a fucking friend. A friend with limitation."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Umalis na ako. Wala akong pakialam kung napalakas ang pagkakasampal ko sa kaniya. He deserved it!
Anong karapatan niyang paasahin na naman ako? Kahit ilang saglit lang 'yon, oo umasa ako dahil punyeta 'tong puso ko, napakahina!
But sorry, I'm helping myself para mapigilan ang pagiging marupok ko pagdating sa kaniya.
✿
TINAWAGAN ako ni biatch. First day daw niya sa Hashtag bar as cashier so pinapupunta niya ako doon para tumambay. At dahil napakaganda at napakabait kong kaibigan, pumunta ako.
Bumaba na ako sa kotse ko. Tinawagan ko si shingshangshung kanina at tinanong ko siya kung busy siya dahil kung hindi, niyaya ko siyang pumunta rin sa Hashtag bar.
Alam kong mali ang ginawa ko na ginamit ko siya. Kaya nga kakausapin ko na siya mamaya na gusto kong maging mas malapit kami sa isa't isa para mas makilala namin ang isa't isa at sasabihin ko na I won't mind kug ma-fall ako sa kaniya. Hindi ko pipigilan ang sarili ko. Mas maigi nga iyon e para mawala nang tuluyan ang nararamdaman ko para kay Kenshin.
Pagpasok ko sa Hashtag bar ay hindi pa ganoon karami ang tao. Tanghali palang at mas maraming tao kapag gabi.
Duniretso ako sa may bar counter kung saan malapit ang cashier.
"Biatch!" Tawag ko.
Sa part na tinulungan ni kensh na magkaroon ng work si biatch, masaya ako at thankful sa kaniya. Doon lang sa bagay na 'yon. I hate him for real.
"Biatch, buti hindi ka busy? Akala ko tinawagan ka na ng agency mo?"
Ngumiti ako. "One margarita, please." Sabi ko sa bartender saka muling tumingin kay biatch. "Yes. They calles me earlier and they gave me my schedules for photoshoots. Nakakakaba at the same, ang saya saya ko kasi matuupad na 'yong pangarap kong maging model."
May ilan na akong naging photoshoot before pero para sa malikiit na company lang saka short term lang. May humahawak sa aking agency at may manager ako na nag aasikaso ng schedules ko at humahanap ng pwede kong raket.
At iyon nga, at last, iaang malaking magazine company ang kumuha sa akin. Excited na ako and I will surely do my best para mas maraming projects pa ang dumating sa akin.
"Ikaw pa ba, biatch? Kaya mo 'yan. Ang kapal kapal ng mukha mo w saka ready ka naman sa lahat."
"Ang bait mo talagang friend, 'no?" Sarcastic kong sabi saka sumimsim ng margarita ko.
Tumawa lang si biatch. So, tatambay lang talaga ako dito to support her for her first job. Nakakaloka!
"Oops, boyfriend mo, biatch."
Lumingon ako sa itinuro niya. It's him.
"Cybel."
"Shingshangshung." Sambit ko.
Umupo siya sa katabinkong stool.
"Hi, Cherrypink! So you're working here?"
Nakakatuwa na very approachable ni Daryl. At least okay sila ng bestfriend ko.
"Yes, shingsha---wait, Daryl na nga lang! Nahahawa kasi ako kay biatch. Anyway, ngayon ang first day ko."
He laughed. "Then it's nice for you."
Sumimsim akong muli ng margarita.
"Umiinom ka na naman, Cybel." Aniya.
"Let me, shingshangshung. I need this."
"Hay naku, biatch! Hindi ka ba napapagod na ganyan ang tawag no kay Daryl? Ang haba haba, gosh!" Singit ni biatch.
Tumawa ulitsi Daryl. "I actually love it kasi in that way, nage-effort siya na tawagin ako sa ganoon kahabang pangalan." Aniya. "Kahit hindi ko talaga alam kung saan niya nakuha ang pangalan na shingshangshung."
Pabiro ko siyang hinampas. "Duh! Feeler ka. Hindi effort 'yon 'no! Mas guato ko lang talaga iyong SSS!"
Nagtawanan kami. Kusa lang natigil nang lumapit sa amin sina Kenshin at Drake.
Not again. Huwag naman na sana siyang um-akto na parang nagseselos dahil malapit na akong maniwala.
"Cherrypink, are you okay? Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ni Drake.
"Ano ka ba, nakaupo nga lang ako dito then mag-aaccept lang naman ako ng bills. Super dali! Kailangan ko 'tong gawin for my baby." Sabi ni biatch.
Kahit anong mangyari, I will stay with my bestfriend. I will help her through her pegnancy. At subukan lang talagang bumalik ng walang balls na Palerno na 'yon, talagang susugurin ko ang angkan nila.
"Drake, CR muna ako. Para akong nasusuka." Sabi ni biatch.
"Sasamahan na kita." Sabi ni Drake.
Naiwan kaming tatlo dito. Plus the bartender na busy sa pagmi-is ng mga alak. Nakatingin lang ako sa margarita ko kasi parang ang awkward bigla. Bakit kasi hindi pa umaalis si kenshin? Duh. Manhid ba siya?!
"Stop staring at my girl."
Nagulat ako sa sinabi ni shingshangshung---na nakatingin kay Kenshin.
Napalunok ako. Hindi ko sinabihan si shingshangshung na mag-pretend pa rin kami in front of Kensh kasi feeling ko kalabisan na iyon. I don't really want to use him.
"Your girl." Ngumisi si Kenshin i hate his awra. Pakiramdam ko napaka bad boy niyang tingnan dahil sa sama ng tingin niya.
"Yes, my girl." Ulit ni shingshangshung. "Do you have problem with that? Pinagbigyan lang kita noong isang gabi because you were acting childish."
Biglang hinigit ni Kenshin ang collar ni shingshangshung. Napatayo ako.
"Sinong childish? Huh?" Sigaw ni Kenshin.
"Daryl, tama na. Huwag ka nang sunag---"
"You can't act like that, man. Ipapaalam ko lang sa 'yo na sa atjng dalawa, mas may karapatan ako kay Cybel. Kaibigan ka lang 'di ba? Then stop dragging my girlfriend ahenever you like."
Napalunok ako. Hindi ko inutusan si shingshangshung na sabihin ang mga ganitong bagay.
Susuntukin na siya ni Kenshin pero pumagitna na ako.
"Kung kaibigan ang turing mo kay Cybel, then stop acting like that, man. Matuto kang lumugar. Matto kang umakto base sa poaisyon mo sa buhay niya. At sa pagkakaalam ko, kaibigan ka lang. Friends never gets jealous like you do."
Muli akong napalunok. Nanlilisik na ang mga mata ni Kenshin. Pinipigilan ko lang sila dahil nasa gitna nila ako pwro jusko, nanliliit ako.
"Kenshin, stop it. Aalis nalang kami ni Daryl." Mahinahon kong sabi. Hangga't maaari, dapat ko muna sigurong iwasan si Kenshin. Hindi na nakakatuwa ang mga kinikilos niya.
Biglang huminahon si Kenshin. Tumikhim siya saka tumingin sa akin.
"Just stay here." Kalmado niyang sabi saka tunalikod na at iniwan kami.
What was that? Hindi ko na talaga siya maintindihan?! Ginagawa niya akong manghuhula e! Hinsi talaga tugma ang kinikilos niya sa sinasabi niya.
And I hate him even more because of that!
"Anong ganap?" Tanong ni biatch nang makabalik sila ni Drake.
"Where'a bro?"
Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko na kelangang sabihin sa kanila ang nangyari.
Tumingin ako kay Daryl. "Sana hindi mo na pinatulan."
"I need to that para hindi na siya umaktong ganoon sa 'yo, Cybel. Kailangan kong ipamukha sa kaniya na mali na ang ginagawa niya sa 'yo."
"Okay pero sa susunod hayaan nalang natin. Gusto ko na rin naman siyang iwasan muna."
"Alright. Then, pwede na ba kitang yayain sa province namin?"
Namilog ang mga mata ko. Maybe I need that bago iyong matinding schedule ko kapag nagsimula na ulit akong mag modeling.
"Yes, sure!"
Nabanggit niya kasi sa akin last time na gusto niya akong yayaing pumunta sa kanila sa Palawan. Marami daw kaaing nagagalaan doon and breath taking sceneries.
Maybe, I need a break. From this pain.
"Really? Um-oo ka na, Cybel! There's no rurning back."
Tumango ako. "Oo nga! I'm sure na. And excited na ako. Kelan tayo uuwi sa province niyo?"
"Tomorrow."
"Agad agad?!"
Tumawa siya. "I don't want to waste time and besides, sa tingin ko, kailangan mo na talaga ng bakaayon kahit one week lang."
Grabe bigla naman akong na-excite. Ito na yata 'yong dapat ko talagang gawin para nakapahinga naman ako from a world with Kenshin.
One week in Palawan with shubgshangshung? Hmm. Sounds great.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top