XX

Chapter 20.

MASAYA ako na makitang maayos ang kalagayan ngayon ni biatch. Alam kong tinatago niya lang sa sarili niya pero nasasaktan siya dahil nga sa nangyari between her and her family. I hate them, seriously!

"Tinawagan mo na ba sina Kenshin at Drake, biatch?" Tanong niya. May hawak siyang glass of milk.

Umiling ako. "Ikaw nalang, biatch. Wala akong load."

"Bruha ka, naka plan ka!"

"I mean, walang battery. Dead batt."

Kakaiba ang tingin ni biatch sa akin. "Nag-away ba kayo ni Kenshin?"

"Huh? Bakit naman kami mag aaway? Ano, mag-jowa lang?"

"Hindi ba? Pero naglalandian kayo."

"Duh! Biatch naman! Grabe ka naman!"

"Anong grabe? Mas grabe kayo maglandian. Ikaw ha, hindi porke may ganito akong pinagdadaanan, hindi ko na napapansin ang nangyayari sa buhay mo." Sabi niya saka sinenyasan ako na may tatawagan siya.

Baka tatawagan na niya iyong dalawang itlog. Bahala sila diyan! Hindi na ako tulad dati na excited kapag makikita ko si Kensh iyong tipong natatanggal ang garter ng panty ko. Never again!

Hinayaan ko lang siyang kausapin kung sino mang kausap niya. Nagyaya kasi si biatch na magbonding daw kami kasi last week pa yata iyong last time na nagbond kami, iyong bago ako ayain ni Kenshin sa hotel---kung saan nasaktan lang ako.

Teka nga, makakasama ko na naman pala siya. Tapos ano, paaasahin na naman niya ba ako?

I looked at my phone. May text messages ako. I checked it one by one.

From: SSS
Are you free, cybel? I'll treat you to a dinner.

Better luck next time. Hindi naman kasi ako pwedeng tumakas ngayon dahil baka magtampo si biatch. And besides, kailangan niya talaga kami ngayon.

Nakakatuwa lang na kahit nasuntok si shingshangshung ni Kensh last time, hindi siya nagalit. Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakabawi. Kasalanan ko kasi. Pero mas kasalanan ni Kenshin dahil bigla nalang siyang sumulpot sa bar na iyon! Kaya nga hindi ako doon sa bar nila ay para maiwasan siya pero ang ending, wala nakita pa rin niya ako.

Iisipin ko na talaga na may nararamdaman siya sa akin e.

But hell no! Bawal na akong mag-assume!

I typed a message to shingshangshung. Sana ay magreply siya.

"Biatch, papunta na raw sina Drake at Kensh. Tinawagan kosi Drake e. Magkasama pala sila sa Hashtag bar. May inom na nga raw si Kenshin."

I rolled my eyes. "Then?"

"Ikaw biatch, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Umamin ka nga, may nangyari ba sa inyo sa hotel?"

"Wala 'no! I'm still virgin!" Sabi ko.

Ayoko na kasing ipalam kay biatch kung gaano ako nasaktan kay Kensh. Ayokong dunagdag pa iyon sa mga iniisip niya.

"Anyway, pwede ko bang yayain ang boyfriend ko?" Tanong ko.

Muntik nang maibuga sa akin ni biatch ang gatas na iniinom niya. "What the hell? May boyfriend ka?!" Gulat na gulat siya.

Kahit ako ay nagulat sa reaksyon niya e. Well, I just sent him a message kung pwede siyang pumunta rito sa bagong unit ni biatch---which is unit before ni Drake to join us. And I also asked him to be my boyfriend tonight dahil kay Kenshin. Alam naman niya ang sitwasyon ko e.

And yes, kakareply niya lang. He'll be on his way raw. Ganda ng lola niyo! Sinend ko naman sa kaniya ang address kaya sabi ko tawagan nalang niya ako kapag nasa baba na siya ng building para masundo ko siya.

"Yes."

"Kelan pa?!"

"One minute ago." Sagot ko.

"Baliw ka ba, biatch? Akala ko totoo. Nakakaloka---"

"It's true, biatch."

"Seriously?! Paano si Kenshin?"

"Paano siya? Why? Kami ba? Hindi naman e. Single ako, biach. Duh! Saka as if naman bago sa iyo na magka-boyfriend ako."

Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Bago talaga! E dati puro landi ka lang naman! Wala kang nile-label na boyfriend mo. Umamin ka nga sa akin, biatch! Nabuntis ka ba ng lalaki na iyan? Blackmail? Ano, hawak ba niya ang pamilya mo?"

Napapokerface ako. "Biatch, alam mo, siguro iisipin ko nalang na buntis ka lang at maraming tunatakbo sa isip mo kaya ganyan na ang mga naiisip mo."

"Seryoso kasi, biatch! Paano ka nagka boyfriend?!"

"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre maganda ako at sexy. Saka look, buntis ka na. Tapos ako nganga pa din? I'm not getting any younger. Dapat talaga ay magboyfriend na ako."

"Kilala ko ba 'yan? Wait, mapagkakatiwalaan ba siya? Mabait ba? Tanggap ka ba kahit baliw ka? Saka, saka... malaki ba ang banana?"

Nanlaki ang mga mata ko. Napatakip naman ng bibig si biatch nang ma-realize niya ang sinabi niya.

"Gosh, biatch! Ang manyak mo. Ganyan ba talaga kapag buntis?!"

Tumawa lang siya. "Yata? But anyway, seryoso nga? Pupunta siya rito?"

"Yes. Para ma-introduce ko na rin siya sa inyo." Sabi ko.

Sakto namang tumunog amg phone ko.

"Oh, he's here!" Sabi ko. "Ang bilis naman niya."

"Baka excited na makita ka. Ikaw ha, marami kang ike-kwento sa akin!"

Tumawa lang ako. "Fine, whatever! Sunduin ko lang siya sa lobby. Hindi siya papapasukin kapag hindi ko siya pinuntahan." Paalam ko.

Lumabas na ako ng unit. Mabuti nalang talaga at ibinigay na ni Drake ang unit niya kay biatch. At least, walang kailangang isipin si biatch kahit pa binawi lahat ng meron siya. Hanggang ngayon, hindi nawawala iyong inis ko sa parents niya! Arghhh!

Sumakay ako ng elevator. Grabe, nauna pa si shingshangshung kina Kensh. Ano kayang magiging reaksyon niya mamaya?

Alam kong masamang magsinungaling. Tapos ginamit ko pa si shingshangshung pero nagawa ko lang iyon para maging defense mechanism ko. Para hindi na ako masyadong maglalaput kay Kensh. Baka kasi mamaya, malasing ako, mawala na naman ako sa sarili ko at magpadala na naman sa damdamin ko. Pero kung kasama ko si shingshangshung, at least sa tabi niya lang ako. And I'll ask him to stay with me.

Bumaba na ako ng elevator. Nakita ko agad si shingshangshung sa lobby. Nilapitan ko siya.

"Shingshang---"

He hugged me. Kaloka! Bigla akong natigilan sa ginawa niya.

"I missed you, Cybel." Nakangiting sabi niya.

Tumikhim ako. "Ano ba! Basta ka nalang nangyayakap. Let's go." Sabi ko.

Sumakay kami ng elevator.

"Sorry, namiss lang kita. Three days tayong hindi nagkita." Sabi niya.

I smiled at him. "It's fine. Anyway, sorry ha. Kung gagamitin kita ngay---"

"You don't have to. Gusto ko rin naman. Saka mas gusto kong gawin iyon para may karapatan ako sa 'yo kung guluhin ka man ng Kenshin na 'yon."

Sana all. Kung ganito siya ng ganito, baka hindi malabong ma-fall ako. Kung hindi lang ganon kalalim ang pagmamahal ko para kay Kensh, baka nahulog na ako sa lalaking 'to.

Bumaba na kami ng elevator. "Anyway, I want to ask for another favor." Sabi ko. Pakapalan na 'to.

"Sure, Cybel. Anything for you."

"If ever I got drunk, please stay with me. Huwag mo akong hayaang lumapit kay Kensh? Huwag na huwag."

He smiled and tucked my hair strands. Sa ginawa niyang iyon parang nag-react ng bahagya ang puso ko.

"Got it. I am your boyfriend tonight, Cybel. I have all the rights." He winks at me.

Eee! Bakit ang gwapo, nakakainis!

Pumasok na kami sa unit. Nakaabang naman si biatch. Titig na titig siya kay shingshangshung.

"So ikaw ang boyfriend ni biatch?" Salubong niya.

"Hi, I'm Daryl Chen. Freya Cybel's boyfriend." Nakangiting pakilala ni shingshangshung.

Umupo kami sa sofa. Si biatch naman ay oarang namamangha. Nakakahiya! Nakatingin pa rin kaya siya kay shingshangshung!

"Nakakaloka! Alam mo rin ang full name ni biatch!" Aniya.

"Of course."

"So saan kayo nagkakilala?"

Tumingin sa akin si shungshangshung. Parang humihingi ng permiso sa pagsagot. I just nodded at him.

"We are actually shoolmate back then. And she was my ultimate crush. And then, I saw her again and I realize that I like her."

Mas namilog ang mga mata ni biatch. "Oh my! Seryoso?! It must be destiny!"

Tuwang tuwa si biatch grabe. Ako naman, feeling ko ang ganda ganda ko ngayon.

Magsasalita pa sana si biatch nang makarinig kami ng ingay. Narito na sina Drake at Kensh. Tumikhim ako saka huminga ng malalim.

"Who the fuck---"

"Drake, he's biatch's boyfriend. Ang bibig naman." Suway ni biatch.

Nanlaki naman ang mga mata ni Drake. Si Kensh ay halatang nakainom na nga and he's glaring at shingshangshung.

Ano na naman? Baka mamaya suntukin na naman niya si shingshangshung! Hindi ako makakapayag. Napaka unreasonable niya!

"Frey's boyfriend? You're fucking serious, man?" Hindi pa rin makapaniwala si Drake.

Syempre alam din naman niyang patay na patay ako kay Kenshin!

"Yes. I'm Daryl. Her boyfriend."

"Lmao."

Umupo si Drake sa sofa. Kasunod si Kenshin. Ibinaba nila sa center table ang dalang beer in cans saka kung ano anong snacks.

"Drake, dito ka sa tabi ko. Pakurot muna ako sa pisngi!" Sabi ni biatch. Hay naku, tingin ko pinaglilihian niya si Drake.

Tumabi si Drake kay biatch saka tumabi sa kaniya si Kensh. Kami naman ni shingshangshung ay nasa gilid nila. Letter "L" ang ayos ng sofa so dulo dulo sina Kensh at shingshangshung.

"Frey, can we talk?" Sabi ni Kensh. "In private."

Hindi ako makasagot. Masyado siyang seryoso. Lasing na nga siya siguro.

"Excuse me, man. But I can't let my girlfriend to talk with you in private." Sabi ni shingshangshung.

Nagulat naman ako kasi kabog naman ang lolo niyo! Feeling ko talaga tuloy ang ganda ganda ko e.

Ngumisi si Kenshin. "I don't fucking care if you're her boyfriend."

"Bro." Suway ni Drake.

Nagbukas agad si Kenshin ng beer in can saka tinungga iyon. Muli siyang tumingin sa akin.

"We'll talk."

Ano na naman kasing problema niya?! Hindi naman sa hindi ko siya matiis. Hello! Tapos na ako sa pagiging marupok ko. Ayoko lang na ganito ang inaasal niya. It's not so him!

Hinawakan ko sa kamay si shingshangshung. "Baby, wait for us. May pag uusapan lang kami. Okay?"

Sumeryoso ang mukha ni shingshangshung. Inayos pa niya ang buhok ko. Enebe! Ang PDA!

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong dampian ng halik sa labi. "Make it fast, alright?" Aniya.

Napatango lang ako kasi nakakaloka siya! Iyong dibdib ko, ano ba!

"Sweet naman nila! Boto na ako kay Daryl!" Komento ni biatch.

"Cherrypink. Lmao."

Tumayo na ako saka tumingin kay Kensh. Tumayo rin siya. Sumunod ako sa kanya paakyat sa taas. Yes, I think we really need privacy dahil pakiramdam ko ay manununtok lang 'tong si Kenshin dahil lasing siya.

Nang makarating kami sa isang bakanteng kwarto dito sa taas ay ini-lock ni Kenshin ang pinto.

"What the fuck is that, Frey?" Galit na tanong ni Kenshin.

"What? Ano 'yon?"

"That fucking guy. He's your boyfriend? Are you serious?!"

Tinatagan ko ang sarili ko. "Yes. Single naman ako saka gusto ko siya. Gustong gusto rin niya ako. Our feelings are mutual. So why not?"

Sinuntok ni Kensh ang pader kung saan napasandal ako. Ang lapit niya aa akin. He's staring at my eyes.

"Ako ang gusto mo, Frey. Ako ang mahal mo."

"Tapos ano? May problema ba kung siya ang boyfriend ko kahit mahal kita?"

Mas tumalim ang tingin niya sa akin. Bigla niyang pinunasan ng kamay niya ang labi ko.

"Kissing you in front of me. Gago ba siya?"

Napalunok ako. "Boyfriend ko siya. Ano naman kung halikan niya ako?!"

Kailangan konv tatagan ang sarili ko. Kailangan kong labanan ang nararamdaman ko para kay Kensh dahil baka bumigay ako sa kaniya at hayaan na naman ang sarili kong masaktan.

"Saka bakit ka ba nagagalit? Ano naman sa 'yo?! Baka nakakalimutan mong mag kaibigan lang tayo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan. Itinulak ko siya.

"You can't kiss me anytime, Kenshin! May boyfriend ako and I don't want to cheat on him."

Paninindigan kong boyfriend ko si shingshangshung hanggang huli. Hindi ako magpapadala!

"Break up with him. You can't do this. Ako ang mahal mo, Frey!" Sigaw niya.

I grins. "Who are you to tell me that, Kenshin? Nakalimutan mo na bang kaibigan lang kita? Know your fucking limitations! You can't just order me around. Who are you to me? Who. Are. You."

Kaya ko 'to. Kayang kaya ko ito.

Nakita kong nag iba ang ekspresyom ng mga mata niya. Ayokong mag-assume na nasaktan siya sa sinabi ko. Siya pa ba ang masaktan? Ako lang ang nasasaktan sa aming dalawa.

"Hindi... hindi, Frey. Please. Break up with him."

"Wow naman, Kenshin. Ang taas ng level mo bilang kaibigan ko para utusan ako ng ganyan!"

"You fucking love me, Frey!"

"O ano naman ngayon kung mahal kita? Hindi porke mahal kita, hindi ko na kayang magboyfriend ng iba. Baka nakakalimutan mo kung gaano kasakit sa akin ang mga pinamukha mo? Baka nakakalimutan mo kung ano ang ipnaintindi mo sa akin?! Magkaibigan lang tayo! Wala kang nararamdaman sa akin! Sinasaktan mo lang ako kaya punyeta, Kenshin huwag mo akong guluhin!"

Lumambot ang tingin niya kumpara sa kanina na halos manlisik ang mga mata niya.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Wala

"Wala ba akong karapatang sumaya, ha? Wala ba akong karapatang magkagusto sa iba? Wala ba akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko? Wala ba akong karapatan na balewalain ka na? Wala ba, ha?! Nasaktan mo ako sa katotohanang hindi mo ako mahal o gusto. Nasaktan mo na ako, Kenshin kaya pwede ba, just fucking leave me alone!"

Hindi ko alam kung naririnig sa baba ang sigawan namin but I don't care. Nasasaktan na naman ako. Hindi ko na maintindihan si Kenshin. Bakit ginagawa niya 'to?!

"Unang una, wala kang alam." Seryosong sabi niya habang nakatungo. "Kasalanan ko dahil hindi ko sinasabi kung ano ba talaga ang mali sa akin. Alam mo kung bakit? Dahil natatakot ako na husgahan mo ako. Natatakot ako na kapag nalaman mo ang tunay na ako, lumayo ka sa akin at katakutan mo ako. Mas pipiliin ko pang layuan mo ako dahil nasaktan kita kesa layuan mo ako dahil inayawan mo ako. Pero kasabay ng sakit na nararamdaman mo ang unti unting pagdurog sa puso ko. Hindi ko ginustong masaktan ka."

"You chose that. At ano ba 'yang sinasabi mo? Katakutan ka? You still don't know me, Kenshin. Kung nasasaktan ka na nasasaktan ako, then why?! Why do you keep on hurting me! Gusto mong layuan kita? Pero sa tuwing lumalayo ako, lumalapit ka! Hindi na kita maintindihan!"

"Frey..."

I saw tears from his eyes. Or maybe, I'm imagining things.

"Masyado ka sigurong natuwa na patay na patay ako sa 'yo. Nasanay ka lang siguro na palagi akong nariyan na nagtatanga tangahan sa 'yo. Pwes tapos na ako do'n, Kenshin. Tapos na akong maging marupok at tanga sa 'yo. So please, stay out of my life. I'm happy now pero hindi na ikaw ang dahilan. Don't ruin my fucking happiness."

Lumabas ako ng kwarto. Iniwan ko siya sa loob. Ano naman kung may luha siya sa mga mata niya? It doesn't mean na mahal niya ako. Maybe it's his pride. Hindi na ako katulad dati na madaling bumigay sa kaniya.

I wat to be strong enough to protect my own heart from pain.

Pinunasan ko ang luha ko. Ayokong makita ako nina biatch na ganito. Pinasigla ko ang boses ko.

"Ano na, uminom na kayo?" Tanong ko. "Oops, hindi ka pala kasali, biatch."

Umupo ako sa tabi ni shingshangshung. He's looking at me.

Nagulat pa ako nang may pahirin siya sa gilid ng mata ko. "I'm here."

Pakiramdam ko ay may masasandalan ako talaga ako sa tuwing nasasaktan ako. And I'm really thankful to Daryl.

"Anong pinag usapan niyo ni Kenshin, biatch?" Tanong ni biatch.

"Don't ask me that question biatch. Let's cheers!" Sabi ko habang hawak ang beer in can ko na binuksan ni shingshangshung.

Iba ang tingin sa akin ni Drake. Sakto namang bumaba na si Kenshin saka umupo na ulit aa sofa.

Kumuha siya ng beer at tinungga iyon. Kaya kami lang nina Drake at shingshangshung ang nagcheers.

"Cherrypink, anyway, appointment mo bukas sa OB, right? Sasamahan kita." Sabi ni Drake.

"Okay. Thank you, Drake."

Muli akong tumungga ng alak. Lumapit ang bibig ni shingshangshung sa tainga ko.

"Hihintayin kong malasing ka para halikan mo ulit ako." Mahinang bulong niya.

Natawa ako bigla saka bahagya siyang hinampas. "Naughty!"

Nagdabog si Kenshin. Tumayo siya saka pumunta sa kusina.

Nagkatinginan kami ni biatch.

"Baka nagseselos?" Mahinang tanong niya.

"Women are complicated. Fuck it." Sabi ni Drake.

Bumalik si Kenshin na may dalang bottled mineral water.

"Oh, bro tubig ka nalang?" Tanong ni Drake.

"Hindi ako pwedeng malasing." Sagot ni Kenshin.

"Bakit naman, bro? Nagsasaya tayo rito oh! And besides, you can sleep upstairs. May spare rooms pa."

Uminom lang ulit ng mineral water si Kenshin habang nakatingin sa kamay ni shingshangshung na nakaakbay sa akin.

"Just." Simpleng sagot niya.

"Just admit that you're fucking jealous, bro. Lmao."

Binato lang ni Kenshin ng lata ng beer na wala ng laman si Drake.

Hindi ko pinansin iyon. Uminom lang ulit ako saka kumain ng snacks.

Muling bumulong sa akin si shingshangshung. "See that, he's jealous. Should I kiss you now?"

Natawa na naman ako sa sinabi ni shingshangshung. Ano ba! Talagang gustong gusto niya ang pag-acting namin.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang hilahin ni Kenshin patayo si shingshangshung. Napatayo rin ako. Ganoon din sina Drake.

"Get out of my sight." Aniya saka sinuntok si shingshangshung. Dinaluhan ko agad siya saka tumingin kay Kenshin.

"Ano ba, Kenshin! Ano bang ginawa sa 'yo ni Daryl!" Sigaw ko.

"Bro, easy. Lasing ka na." Awat ni Drake.

"Respect her in front of me. Gago."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya ngayon. Seriously!

"I respect her more than you do, man." Sagot ni shingshangshung. Inalalayan ko siya sa pagtayo.

Ngumisi lang si Kenshin. "You're not part of our group so leave the hell out of here."

Masyado nang maraming beses na nagmura si Kenshin. Lasing na talaga siya.

"Kenshin!" Suway ko.

"Frey, pauuwiin mo 'yan o magsusuntukan kami magdamag?"

"Are you serious?! Kenshin, boyfriend ko siya!"

"Wala akong pakialam." Mabilis na sagot niya.

What is his problem, really?!

"Frey, it would be better if you just let him leave. Kilala mo si bro. Hindi 'yan titigil lalo na ngayon na lasing 'yan." Sabi ni Drake.

"Oo nga, biatch." Sabi ni biatch saka inilipat ang tingin kay shingshangshung. "Daryl, pasensya ka na. Hindi ibig sabihin na pinapauwi ka na namin ay ayaw ka namin for Frey. Ginagawa namin 'to para lang maiwasan ang gulo."

Huminga ako ng malalim. "Aalis kami." Sabi ko.

"You'll stay, Frey." Madiin na sabi ni Kenshin. Ang dilim dilim ng awra niya.

"Frey. Pagbigyan muna natin si bro ngayon." Sabi pa ni Drake.

Naiinis ako! Galit ako! Anong karapatan niyang umakto ng ganito?!

Tumingin ako kay shingshangshung.

"Mas makakabuti nga yata na umalis muna ako. Mainit ang dugo sa akin ng kaibigan mong 'yan. Just please, stop drinking para hindi ka malasing. I won't be with you."

Tumango ako. "Sorry."

"It's fine. I understand the situation. Call me later." Aniya.

Inihatid ko siya sa may pinto hanggang makaalis siya. Pagbalik ko sa salas ay hinarap ko si Kenshin.

"You know what? Napaka-childish mo! Para kang batang nagta-tantrums! Wala kang karapatang ganunin si Daryl!"

"Frey, tama na 'yan." Awat ni biatch.

"Sorry biatch pero sumosobra na 'tong lalaki na 'to e! Sobra na! I can't understand you! Tinanggap ko na ngang ayaw mo sa akin e tapos aakto kang ganito? Hindi nakakatuwa!"

Nag-walk out ako. Aakyat ako sataas nang pigilan niya ang braso ko.

Tiningnan ko siya ng masama. "I hate you!" Sigaw ko saka nagpumiglas.

Iniwan ko silang lahat sa living room. Alam kong hindi dapat ako nagpadala sa damdamin ko dahil kay biatch pero hindi ko kaya lalo't ganoon ang ipinakita ni Kenshin!

Sasaraduhan ko na ang pinto nang napigilan iyon ni Kenshin.

"Ano bang problem---"

"Gusto kita, Frey. Putangina, gusto kita!"

Sa isang iglap ay tumigil ang mundo ko kasunod nang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top