XVI

Chapter 16.

HINDI ako makamove on sa nangyari kagabi. Ang yummy naman kasi pala ng ABS ni Kensh. Imagine, akala ko wala siyang ganoong abs! Napaka inosente niya na para bang ang totoy pa niya kasi bine-baby siya ni daddy Ken tapos sa ilalim ng mga tshirt niya ay may pumuputok na pandesal pala. Gosh! Lalo akong na-fall sa kaniya. Hindi lang siya ang mahal ko, pati ang katawan niya!

"Freya Cybel, may bisita ka. Sino ba ang lalaki na 'yon? May boyfriend ka na ba? Siguro kaya gustong gusto mong magkaroon ng sariing condo  ay para maiuwi mo ang boyfriend mo."

Kumabog ang dibdib ko like kahit wala akong masyadong dibdib, kumakabog 'to. Pero sino namang bisita ko? Is it Kenshin? Don't tell me, naglayas na naman siya?

"Papa, kung magkaboyfriend man ako,you should be happy kasi magkaka-apo na kayo."

"Freya Cybel!"

Natawa nalang ako saka nilampasan si Papa. Don't me nga. Hindi ako takot sa Papa like hello, I can do everything.

Bumaba ako sa salas at kumunot ang noo ko nang makita ko si...

"Hi Cybel! Good morning."

Intsik nga ba talaga 'tong lalaki na ito? Napaka aga namang manligaw. Ni hindi pa ako naliligo. Kung sabagay, maganda pa rin naman ako.

"Shingshangshung?"

"Huh?"

"I mean, anong... wait, bakit narito ka? Early in the morning?"

Ngumiti siya. Gwapo din talaga siya. Naalala ko tuloy ang pagsayaw niya sa Hashtag Bar habang nakatopless. Enebe. Ang hot niya kaya sa part na iyon.

"Nanliligaw."

Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso ka?"

Tumango siya. "Alam mo naman na, Cybel e. Gusto talaga kita matagal na at ngayong may pagkakataon na ako, hindi ko na iyon palalampasin pa. Let me court you and I will give you everything."

I bit my lower lip. May kalandian naman ako sa katawan. Hmmm, Kensh hates me. Ako lang naman ang nagmamahal sa kaniya pero it eould be unfair for shingshangshung.

"Hmm, may iba kasi ak---"

"Don't. It's fine with me, Cybel. Ang gusto ko lang ay ligawan ka at iparamdam sa 'yo ang pagmamahal ko. Hindi ako maghahangad ng kapalit. I don't mind. Okay na sa akin na makakasama kang kumain sa labas, mamasyal, maka bonding. That's enough for me. Masaya na ako sa ganoon."

Oh my. Is he serious? Ang ganda ko, shit.

"But i don't want---"

Umiling siya. "Hindi ko ipaparamdam sa iyo na nagiging unfair ka sa akin. Mas maganda ngang alam ko na may iba kang mahal. Malay mo, pagdating ng panahon, makita mo ang worth ko at maramdaman mong kahit kaunti ay magustuhan mo na ako."

Tumikhim ako. Hindi ko siya kinakaya. Ke aga aga narito siya at nanliligaw with something ganito pa! Nakakaloka!

"Freya Cybel, you are my dream. Ang makasama ka at hayaan akong iparamdam sa 'yo ang nararamdaman ko, 0ara ko na ring natupad ang pangarap ko."

"Shin---"

"Yes, you can call me that but again, it's Daryl."

Hindi ko al kung oo ba o hindi ang dapat kong sabihin but this guy is just... mahirap tanggihan.

"Okay, fine." Wala na akong nagawa. Huminga ako ng malalim. Wala naman sigurong masama na pagbigyan siya? At least alam na niya na may iba akong gusto.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi niya.

"Damn it. I'm the happiest man!"

Napangiwi ako. "Wait, hindi kita sinagot. You're not my boyfriend." Paglilinaw ko.

"I know. Hinayaan mo akong mahalin ka at ligawan ka. Masaya ako."

Gosh! Anong klaseng lalaki 'to? Kung walang Kenshin, baka jowa ko na 'to. Napaka ideal niya. Akalain ko bang may nabaliw sa kagandahan ko?

"Okay?" I don't know what to say.

"Let's date?"

"Agad agad?"

Tumango siya habang nakangiti.

Kapag nakangiti siya, lalong sumisingkit ang mga mata niya. It's just cute.

"Tonight, is it okay?" I said.

"Yes, of course! Susunduin kita mamayang gabi."

"But wait, paano mo pala nalaman 'tong bahay namin?"

"Remember, matagal na kitang gusto. Bahay mo lang ba, hindi ko pa alam?" He winked at me. "Aalis na ako. I'll fetch you tonight."

Hindi na ako nakapagsalita. Nakakaloka talaga!

Kung ganoon ba naman si Kensh, baka nagpabuntis na ako agad sa kaniya para maging asawa ko na siya.

Bakit kasi kung sinong mahal ko, iyon yung ayaw sa akin. Tapos may ibang nagkakagusto sa akin na hindi ko anman gusto. Ang unfair lang. Hindi ba pwedeng, kung sinong gusto ko, gusto din ako?

Pero ang ganda ko talaga. According to Kensh, mahaba baba ko? Baba who? Hindi baba ang mahaba sa akin kung hindi ang hair ko!

NARITO ako sa Hastag bar para makita ang love of my life. Pero nabwisit lang ako dahil narito na naman ang mahaderang inosente din.

"Hi, Frey! Hindi na ako mag-a-ate sa 'yo kasi mas matanda pala ako sa iyo."

I rolled my eyes. Feeling ko mabait soya pero feeling ko plastik siya. Ayoko talagang nakikita na nakadikit siya kay Kensh. Like, hello! Girlfriend ba siya? Feeler!

"Alam mo ba, Frey, ang sarap pala nitong beer. Hehe. Lasang alak."

Oh gosh. Stupid.

I texted shingshangshung na dito nalang niya ako sunduin kasi nga gusto ko munang tumambay dito. Wala naman kasing magawa sa mansyon. Kanina ay tinawagan niya ako to remind me about the date.

"Magtaka ka girl kung lasang softdrinks 'yan."

"Oo nga e. Hehe! Tapos libre sa akin ito ni shinshin."

I rolled my eyes again. Grabe dinaig ko pa ang tumitirik ang mata dahil sa kaka paikot ko ng mata sa babae na 'to.

"Chichi! Hindi ba, sabi ko sa 'yo huwag mong iinumin 'to ng diretso? Pa unit unti lang. Malalasing ka niyan e."

Kaloka. Is that Kensh? Concern ang lolo niyo kay chichi daw, pwe!

Si Drake ay abala sa pag inom sa dulong upuan.

"Papuntahin kaya natin si biatch dito?" Aabi ko.

Mabilis na umiling si Drake. "Hindi. Hindi siya pwede sa bar." Aniya.

"Bakit naman bawal siya? Duh." Sabi ko. "Para nga hindi siya magmukmok sa unit niya."

"Pumunta nalang tayo sa unit ni Cherrypink. She needs us. Hindi dapat nating hayaang mag isa siya sa unit niya. I think we need to at least be with her."

Oh may point si Drake. Si biatch, awang awa na ako sa kaniya kaya nga minsan, ayokong tumambay sa unit niya. Tuwing nakikita ko kasi siyang umiiyak, nagiging eager ako na kalbuhin ang tatay ni Duke. Bwisit na lalaki 'yon! Wala siyang balls para iwan si biatch! Damn him! Huwag lang talaga siya makakbalik balik, arghhh!

Kagabi, pagkatapos ng paghawak ko sa abs ni Kensh, ay dumiretso kami sa unit ni biatch at uminom. Hindi na nga nakainom si biatch dahil ayaw na siyang painumin ni Drake. Mas boto na talaga ako kay Drake! Nafefeel ko talagang gusto niya si biatch.

"Alright." Sabi ko. "Let's use my car. I'm gonna drive." Sabi ko para naman mawala ang pagkainis ko sa babaeng pa inosente na 'to.

"Okay."

"Kensh, narinig mo ba ang sinabi ni Drake? Busy ka diyan e." Sounds bitter, right? Bitter talaga ako!

"O, baba andyan ka pala."

"Duh, hindi. Anino ko lang 'to."

See, hindi man lang niya napansin na narito ako? Ganoon siya ka busy sa pakikipag kwentuhan sa babaeng 'yan!

"Talaga ba? Hi, anino."

"Nakakatawa." Sarcastic kong sabi.

"Bakit hindi ka tumatawa?"

I took a deep breath. Letse! Napaka pilosopo!

"Sino si biatch? Pwede ba akong sumama?"

Sinamaan ko ng tingin ang babae na 'to. That's a no no! Iyan ang favorite line ko ni daddy Ken.

"Sorry girl pero hindi ka pwedeng sumama. Si biatch? It's my bestfriend lang naman." Sabi ko.

"Chichi, sabay ka nalang sa amin. Ihatid ka muna namin sa inyo. Saka nakainom ka na, baka nakalimutan mo na kung saan ang bahay mo e." Sabi ni Kensh.

Nakakairita promise! Hello, kotse ko ang gagamitin tapos kung makapagyaya! Ako pa ang magdadrive. My gosh!

"Kaya ko namang umuwi, shinshin. Saka magkikita pa kami ni Vannie e. Iyong bestfriend ko."

"Are you sure?

"Oo, shinshin!"

Ngumiti si Kensh sa kaniya. Ngiting hindi niya maibigay sa akin. Masakit, ha.

Tumayo na ako. "Let's go."

Kasunod ko naman ang dalawang lalaki. Naiwan na namin ang pabebeng Chirae na iyon. Buti naman tumanggi siya! Makaramdam naman 'no!

Sumakay ako sa driver's seat. Sumakay naman si Kensh sa unahan at si Drake sa likuran.

Nagsimula na akong magdrive pero may naalala ako. Shit, I forgot!

Mabilis kong dinukot ang phone ko sa clutch ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa manibela.

I dialled his number. Sumagot naman agad siya.

"Oh my! I'm sorry, shingshangshung! I can't make it tonight. We need tk go to my bestfriend's unit e. Let's meet nalang tomorrow. I promise, I won't ditch you." Sabi ko.

"Okay lang, Cybel. Lakas mo sa akin e. Then, see you tomorrow. Kapag hindi ka nagpakita, hihingiin ko na ang kamay mo sa Papa mo."

Napangiti ako. "Ano ba! Huwag ka ngang genyen." Umarte bigla 'yong boses ko. Kasi naman!

Tumawa siya sa kabilang linya. "Ingat papunta sa bahay ng bestfriend mo."

"Okay. Bye!"

I ended the call pero bigla iyong inagaw ni Kensh na nasa unahan.

"Pahiram nga. May i-google lang ako. Saka masamang mag cellphone kapag nagda-drive. Bilisan mo nga."

I rolled my eyes. "Ang random mo." Sabi ko nalang at hinayaan sa kaniya ang phone ko.

I hope biatch is fine. Kasi kung hindi, ito-torture ko si human melons para mapilitang umuwi 'yong Duke na iyon at bigyan man lang ng magandang closure si biatch.

Nastress din tuloy ako sa lovelife nila e.

Ipinasok ko sa parking ang kotse ko. Kilala na naman kami dito, like what I always say.

"We're here! Ano kayang ginagawa ni biatch? Sana naman hindi na siya mag-open ng facebook. Ma-stress lang siya e." Sabi ko nang maiparada ang kotse ko dito sa basement parking.

Bumaba kami ng kotse ko saka kami pumasok sa building ng condo unit ni biatch.

Napansin kong tahimik si Drake at paramg malalim ang iniisip niya.

Bumaba kami ng elevator saka 0umunta s aunit ni biatch. I opened the door dahil alam ko naman ang passcode.

Sunod sunod kaming pumasok at naabutan namin si biatch na nakaupo sa sofa at kumakain ng pakwan.

Akala ko umiiyak siya. Buti naman.

"Wow, pakwan! Ang sarap naman niyan, biatch! Naalala ko si Empress e." Sabi ko saka lumapit sa kaniya.

Tumawa si biatch saka tumingin kay Drake.

"Thank you dito, Drake!"

Kaloka! May pa-prutas si Mayor.

Umupo kami sa sofa. Nakapalibot kami sa kaniya. Umupo ako sa tabi ni biatch saka nakikain ng pakwan. Pinatay naman ni biatch ang TV saka tumingin sa amin.

Para naman akong kinabahan.

"Guys..."

OMG! Mag susuicide ba siya at magpapaalam na sa amin?

"O, biatch? Ang seryoso mo." I kept myself calm.

"At first, I wanted to get rid of this but I realized something. Wala akong planing sabihin sa inyo pero dahil itutuloy ko na ito, gusto kong malaman niyo na---"

"May balut ka ba dito, Cherrypink?" Singit ni Kenshin.

What the hell?

"Ano ba, Kenshin! Mukha bang magbabalut si biatch? May sinasabi siya kaya huwag ka munang magulo!" Sigaw ko kay Kensh.

Ang random talaga niya e.

"Ano nga iyon, biatch?" Sabi ko.

Huminga siya ng malalim. She looked uneasy. "I'm---"

"Pero wala nga, Cherrypink?"

"Bro, shut the fuck up." Sabi ni Drake.

Tumahimik naman si Kensh. He pouted his lips and I find it cute.

"I'm pregnant. Nabuntis ako ni Duke."

"O... my.... punyeta! Buntis ka, biatch? Buntis ka talaga? Gosh! You're serious, right?!" Sigaw ko. Napatayo pa ako.

Seryoso?! As in?! This is not a drill, right?

"Paano ka nabuntis ni Duke?" Tanong ni Kenshin.

I rolled my eyes. Ano ba namang tanong 'yan, Kensh! "Duh, kailangan pa bang i-kwento ni biatch ang ginawa nila? As in duh! Of course nagmeet ang egg cell at sperm cell nila!" Sabi ko.

Nangislap ang mga mata ni Kenshin. "Sperm at egg cell? Sperm ang tawag sa akin ni Dad kasi nakalusot lang daw ako e. E 'di ibig sabihin sperm din iyang baby mo, Cherrypink? Whoa! Katukayo! Yo, sperm!" Kaway pa niya sa tiyan ni biatch.

Para siyang baliw pero ang cute niya.

"Nakakahiya dahil palalakihin ko siya ng walang ama. Pero kaya ko naman e. Nakakahiya na naisipan ko itong ipalaglag." Sabi ni biatch.

No! I won't let her do that!

"Biatch, I'm happy na magkaka-baby ka na at happy ako dahil hindi mo tinuloy ang masamang balak mo. Magiging ninang na ako! Don't worry andito kaming squad for you. Hindi ka namin pababayaan, okay? At ang punyetang Duke na iyan? Magdusa siya! Huwag mong ipapakilala sa kaniya ang anak niyo!" Sabi ko.

Bahala na si Duke sa buhay niya! Letse siya!

"Iyon talaga ang plano ko. Huwag niyo sanang ipapaalam kay Duke na nabuntis niya ako. I want to raise this baby on my own without him."

Tama lang! Hindi deserve ni Duke na malaman na may anak siya! Siya ang umalis, bahala talaga siya!

"Pero gusto ko sabihin kay Duke." Sabi ni Kensh.

"Kensh, this time, sa issue na ito, sa side muna tayo ni Cherrypink. Iniwan at sinaktan ni Duke si biatch kaya hindi niya deserve ang baby. Masaya naman siya sa US with Sophia 'di ba? Kaya doon nalang siya."

"Pero---"

Sinamaan siya ng tingin ni Drake. "Don't fucking tell this to Duke. Or else, magha-hire ako ng magaling na private investigator para mahanap ang nanay ko at kapag nangyari iyon, ikaw nalang ang walang nanay."

Napakamot sa ulo si Kenshin.

"Pakyu ka naman bro. Sige na hindi ko sasabihin kay Duke. Basta huwag mong hahanapin ang nanay mo para pareho pa rin tayong walang nanay. Hehe."

Gosh. Nagagawa nilang biro na wala silang nanay when in fact... hay.

"So this is it. Buntis si biatch at mission natin na hindi malaman ni Duke ang about dito. Let's protect the baby!" Sabi ko.

"I'm in." Sabi ni Drake.  "I will fucking protect you and your baby no matter what." Nakatitig siya kay biatch.

"So sweet talaga ni Drake! Yeeee. Ikaw nalang ang daddy ni baby biatch!" Ngiting ngiting sabi ko.

"Sali na ako. Para sa bagong baby sperm." Sabi ni Kensh.

"Thank you, guys. I owe you a lot." Nakangiting sabi ni biatch. "Thanks for being here beside me through good times and bad times."

Nakakatuwa na magkakaroon na ng baby biatch. Kami kaya ni Kensh kelan? E kesye, ready na ako.

"Let's celebrate. Pero bawal kang jminom, Cherrypimk." Sabi ni Drake.

Tumawa nalang si biatch.

"I will buy some drinks outside." Paalam ni Drake.

"Kuha lang ako ng milk sa kitchen." Sabi naman ni biatch.

Naiwan kami ni Kensh dito sa salas and bigla akong hindi mapakali dahil nakatitig siya sa akin.

Pinandilatan ko siya ng mata. "What?"

"Sino 'to?"

Nanlaki ang mata ko nang iharap niya sa akin ang phone ko at itinuturo niya iyong call logs ko. Naroon ang pangalan ni shingshangshung.

"Siya ang kausap mo kanina habang nagda-drive. Magkikita dapat kayo, Frey?"

Napalunok ako. E ano naman sa kaniya? Wala namang gusto sa akin si Kensh, right? Bakit kasi ang seryoso niya bigla?

"Yep." I answered. "He asked me on a date."

Hindi siya nagsalita. Mariin siyang pumikit saka tumitig sa mga mata ko.

"Tapos ano?"

"I said yes. Ngayon dapat kaso mas mahalaga si biatch. So... bukas nalang."

Magselos ka! Pero asa na naman ako. Duh! As if naman may paki siya sa akin.

"Bukas?"

Tumango ako.

"Frey."

"What? Ang serious mo masyado!"

"Maglalayas ulit ako. Doon muna ako sa mansyon niyo."

Muntik na akong masamid. "What the hell? Nag away na naman kayo ni Daddy Ken?"

Umiling siya. "Mas masarap ang ulam sa inyo e."

I rolled my eyes. "Funny."

"Seryoso ako, Frey."

"Hindi pwede. Andun na si Papa." Sabi ko.

Pwede ko namang suwayin si Papa pero ang random lang talaga nitong si Kensh.

"Then..."

"Ano?"

"Sleep with me for one week at Hongstar Hotel."

What the? O to the M to the G!

"Are you serious?!"

"Oo. Sasabihin ko kay Drake mamaya."

"You must be kidding me." Sabi ko. Ano ba talagang trip niya?

Utang na loob naman!

"Kapag hindi ka sumama sa akin, ako ang pupunta sa mansyon niyo. Doon ako uuwi mamaya."

Napanganga nalang ako hanggang dumating si Drake.

"Bro, bigyan mo akong room sa hotel mo. Doon muna kami titira ni Frey ng one week."

Nanlaki ang mga mata ko.

"What the fuck?"

"Biatch, magli-live in kayo ni Kenshin?"

Napailing ako. Hindi ako makasagot. Punyeta ano bang trip ng lalaking 'to?! Nakakagulat lang ang sinasabi niya pero papayag naman ako. Kasi nga... letse marupok ako!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top