I

Chapter 1

NAKABUSANGOT ang mukha ko habang nakatingin sa tatay kong napa-panot na. My gosh! Nakaka-stress tingnan ang ulo niya.

“What’s with your face, Cybel?”

I rolled my eyes. “Duh, Papa! I told you, I’m not a teenager anymore. Gusto ko rin namang magkaroon ng sariling condo unit! Nakakainggit kaya ang bestfriend ko kasi she has her own unit! Imagine, kulang nalang tumira ako doon.” Sabi ko.

He glared at me. “When I say no, it’s a no. Dalawa lang kayong magkapatid ng Kuya mo. At ang Kuya mo, doctor sa US. At alam mong busy ako sa mga business natin kaya hindi ako madalas nakakauwi dito sa Pilipinas. Ikaw nalang ang natitira dito so you should stay at this house.”

I sighed. Iyon naman palagi ang dahilan ni Papa e. Palagi niyang sinasabi na hindi ko kailangan ng condo unit dahil ang laki laki nitong bahay namin, more likely mansyon. Totoo naman ang sinabi niya na halos ako lang talaga ang natitira dito sa Pilipinas. Minsan lang nakakauwi si Papa dito—kapag may business meeting lang siya. Tapos ang Kuya kong ubod ng pangit, nasa US. And sadly, my mother is so busy with her amigas and business in France. Hindi talaga kami ganoon ka-close dahil kakapanganak palang yata niya sa akin, umalis na siya ng bansa.

To be honest, I really want to be free. Though, free naman akong makapunta kung saan saan, I mean, gusto ko rin namang maranasan iyong nakatira lang ako sa iisang condo unit without maids and all. Iyong ako lang talaga. Siyempre para makapag-uwi rin ako ng boylets. Kidding aside, nakakasakal pa rin naman dito sa mansyon e. I don't want to be treated like I’m some kind of a princess na para bang lahat nalang ibibigay sa akin. Ultimo pagkuha ng pagkain ko, Gawain ng mga katulong dito. Literal na kakain nalang ako. Feeling ko tuloy tumatanda akong walang alam sa buhay e. I still want to be dependent. Ayokong umasa sa yaman ng pamilya ko para mamuhay prinsesa.

“Let’s stop this topic. I’ll be flying to New York for some business matters tonight. Be a good girl. May nabasa na naman akong article tungkol sa iyo at kay Cherrypink nang pinagagagawa niyo sa mga bar. I hope you know your limitations.”

“Papa, at least naman alam mo ang totoo, right? You know how good I am. Saka ang bait bait ko kayang anak. Kaya baka magbago pa ang isip mo, Pa. Condo unit...”

“I have to go.” Bagkus ay sabi niya. “Take care, my princess. Don't forget that anytime soon, kailangan mo na ring mag-trabaho sa company.”

Again, again. Calling me a princess sucks! And working in our company? No way. Pangarap ko kayang maging super famous model. It’s not because I have the body and the looks but because I believe, I was born to be a famous model.

I just nodded at him and kissed her cheeks and said my goodbye. Sumandal ako sa sofa at nagmaktol. Nakakainis talaga!

“Miss Freya...”

Sumimangot ako. “I told you to call me Frey. Not Freya. Okay?” pagtataray ko sa personal maid ko. “What is it?”

“Naka-ready na po ang bathtub sa bedroom niyo. Tulad po ng sabi niyo, may mga rose petals and rose scents po.” Aniya.

“Alright! Good.” Sagot ko.

Tumayo na ako saka pinalibot ang tingin ko sa kabuuan ng private office ni Papa dito sa bahay namin. Malaki—as in, kasi si Papa, ito na ang kanyang bedroom, kitchen and all. Kapag uuwi siya dito sa Pilipinas, palagi lag siyang narito. Kaya nga kapag babatiin ko siya, ako nalang ang pumupunta rito.

I sighed. Mag-isa na naman ako dito sa bahay na ‘to. Well, sanay naman akong mag-isa. Kaya nga siguro madalas ay pumupunta ako sa condo unit ng bestfriend ko—si Cherrypink Castillo. At madalas, lumalabas kami para magsaya. We were classmates since primary school hanggang maka-graduate kami ng college. Until now that we are already graduate, close na close pa din kami to the point na halos kapatid na ang turingan namin. We shared everything—good and bad. Lahat ng kalokohan, lagi kaming magkasama at sa lahat ng mga trippings, lagi kaming go for the gold. That’s how we live our life.

Lumabas na ako ng private office ni Papa saka dumiretso sa kwarto ko. Sakto namang nag-vibrate ang phone ko. I looked at it, and I have a new message.

From: Biatch 💕
Hoy Freya Cybel Guevarra, kanina pa ako nagmi-misscall sa iyo, aba! Suplada ka na ngayon. Nakalimutan mo na ako. Hindi mo na ba ako friend? Grabe napakasakit, ha! I hate you!

Kumunot ang noo ko. Ano namang dina-drama ng bruhang ‘to. Kapag talaga nagtatampo na siya, tinatawag niya ako sa buong pngalan ko. My gosh, nakakastress ‘tong babaeng ‘to!

I called her. “O, ano namang dina-drama mo diyang bruha ka?”

Freyyyyyy!” may pagtili pa siya niyan, my gosh, ang eardrums ko.

“Ano, ano? Kung makatili ka, para kang nakakita ng banana.”

“Eww! Kadiri ka talaga, Frey! Anyway, Success! As in success ang pag-flirt ko kay Mr. Palermo chukchakchenes! Niyaya niya akong makipagkita sa isang bar tonight! You should come! Kailangan ko ng powers mo.”

“Grabe siya. Anong tingin mo sa akin, member ng power rangers?” sumimangot ako.

“Duh! Kailangan ko ng power of support mo, siyempre! Don't forget tonight, ha? See you later!”

Call ended. Bastos. Binabaan ako ng bruha. Sasbaunutan ko siya mamaya kapag nagkita kami. Lumalandi na, letse! Samantalang ako, wala. Ano, siya lang ang pwedeng lumandi? Hay, kailangan ko yatang maghanap ng boylet mamayang gabi para may kalandian naman ako.

Oopss, baka isipin ng mga tao, malandi ako. Well, malandi talaga ako pero hindi ako pokpok. Bestfriend goals kami ni Cherrypink. Mahilig kaming makipaglandian sa boys at magpaasa, but they never bring us to bed. Duhh! Mataas kaya standards ko. Ganda ganda ko e.

Anyway, I need beauty rest. Kailangan kong magbabad sa bathtub na may roses. Para fresh na fresh mamayang gabi. I’m so excited.

📌

HINDI ako mapakali. As in OMG! Hindi ko naman kasi inakalang ganito ka-hot at ka-gwapo ang nilalandi ng bestfriend ko! I’m willing to take bullets for him, shit!

“I want him! Darn, biatch! Ibibigay ko ang virginity ko sa kaniya!” sabi ko habang tinatanaw siya sa VIP table—prenteng nakaupo ang lolo niyo.

Bahagyang hinila ng bruha ang buhok ko. “Stay here, Frey. Huwag kang malandi.” Aniya.

Wow, coming from her? Minsan taaga, pa-inosente ‘tong kaibigan ko e.

“I’m sure, biggie si banana! I want to see!” malanding sabi ko. Naku, kailangan kong manalo sa pustahan naming ng bruha na ‘to! Malaki nga kaya ang banana ng lalaking iyon?

Sinamaan ako ng tingin ni biatch. “Act like a lady, jusko! Umayos ka nga diyan!”

I almost freak out, seriously. “E, kasi naman! Malay ko bang ganyan siya ka-hot at ka-gwapo? Grabe natanggal na nga ang strap ng bra ko!”

Wait, may bra ba ako?

"Tigilan mo 'yan, babae! Psh." Sabi ni Cherrypink na masama pa ring nakatingin sa akin.

Grabe, dapat kapag friends nagshe-share.

"Bakit nga ba hindi ko man lang naisip na i-search siya sa google para hindi nagwawala ang hormones ko ngayon. Damn, he's so gwapoooo! Kahit shake hands lang. God!"

Minsan lang talaga ako ma-freak-out sa itsura ng isang lalaki. And when I say, freak out. It’s literally freaking out!

"Mamaya. Okay? Just, please stay calm. Mukha kang tanga, Frey."

I rolled my eyes. Tingnan mo ‘tong babaeng ito. Sinabihan pa akong tanga. Kaibigan ko ba talaga siya?

"Grabe ka naman. Look oh, appreciate his beauty." Sabi ko saka umayos ng pagkakaupo dito sa table namin.

"His beauty? His kalandian! Psh. Dito ka lang. Huwag na huwag kang lalapit sa amin. I'm warning you." Bilin niya.

Napaka-unfair! Bakit kasi hindi nalang niya ako isama sa VIP table na iyon? Hay, tumango nalang ako at nag-behave. Ise-save ko ang energy ko mamaya kapag pinakilala na niya ako sa Palermo na iyon.

"Sige na, I'm going there. Baka magtaka na siya. Masyado na akong matagal. Baka puntahan pa ako sa comfort room."

Fine, fine. Kanina pa nga pala siya ro’n sa VIP table na iyon at nagpaalam lang siyang pupunta sa comfort room para inggitin ako dito sa table ko. Yes, table ko dahil solo flight ako dito. Mukha tuloy akong loner.

"Alright! Basta ang banana. Kapag may pagkakataon, take a picture ha?" bilin ko sa kaniya. Syempre, ang pustahan!

Condo unit pa naman ang ipinusta niya sa akin. My dream!

“Okay, fine!” napilitan pa yata ang bruha. Ayun, rumampa na palapit sa Palermo na iyon.

Uminom nalang ako ng beer.

Maya maya pa ay kumunot ang noo ko nang makitang magka-akbay na sina Cherrypink at ang hottie na Palermo na iyon na palabas ng bar. Wow! As in wow. What a very nice friend I have! Iniwan ako ng bruha! Bwisit! Hindi pa nga niya ako pinapakilala sa hottie na iyon, e. Akala mo naman aagawin sa kaniya.

I sighed. Whatever! Bahala nga sila. Well, siguro gagawin na ni Cherrypink ang oplan: tingnan ang size ng banana ni Palermo. Mas maigi na iyon for our deal.

And now, what should I do? The usual. Flirting with boys.

“Hi, are you alone?”

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking... sa isang segundo...

“Miss?”

“Uh, yes? Wanna have a drink with me?” I asked. Sanay na naman ako sa mga boys na lumalapit sa akin para yayain akong uminom at makipag-good time e. Ako pa? E ang ganda ganda ko.

He smirked at me. “Since you’re alone, can you move at the bar counter? Puno na ang bar at marami pa kaming grupo ng customers na dumarating. They need a table like this. At dahil mag-isa ka naman, pwede naman sigurong sa bar counter ka nalang?”

Natulala ako. Literal akong napanganga sa sinabi niya. What the hell did he say? “A-Anong sabi mo? Pakiulit nga?”

“Bingi ka ba, miss? Sabi ko pwede bang lumi—“

“Enough!” pinatigil ko siya. “So you mean, pinapaalis mo ako sa table na ito dahil marami pang customers ang dumarating at wala ng ibang available tables? And because I’m alone, gusto mong lumipat ako sa bar counter? Wow. Amazing. Are you what, the manager?” pagtataray ko.

In my entire life, this is the very first time na may magpalipat sa akin ng table. Seriously!? I'm paying for my drinks. Anong tingin niya sa akin? Mahirap?

He smiled. “I’m the owner’s son.” Simpleng sagot niya.

Amazing naman talaga! Tumayo ako saka nameywang sa kaniya. “You’re just the son! How dare you? Hindi porke mag-isa ako, may karapatan ka ng paalisin ako sa table na ito! Ako ang nauna rito, um-order ako ng drinks and I have the rights to stay here whenever I want!” naiinis talaga ako! Naiinis ako! Pigilan niyo ako!

Ngumiti pa din siya. Nagawa pa talaga niyang ngumiti? Sayang ang kagwapuhan niya kung ganyan siya ka-rude!

“Excuse me, iha. Anong nangyayari dito?”

Tumingin ako sa may-edad na lalaki. They looked alike. Baka siya ang owner?

“Are you the owner?” tanong ko.

“Oo, iha. Ako nga ang may-ari ng napakatanyag na hashtag bar na ito. At kung iyong tatanungin, talaga namang sikat na sikat ito dahil sa aking taglay na pagka-hot. Huwag mong kalilimutan iha, ako ang nag-iisang Ken Sarmiento. Hashtag hot si ken.”

Kumunot ang noo ko. This man is weird. Seriously? “Whatever. My point is, itong lalaking ‘to—“

“Naku, iha. Huwag mong dinuduro ang anak ko. Kahit kailan, hindi ko siya dinuro at talaga namang pinalaki ko siyang may dangal—“

My head! What’s with this man?! “Enough, Mr. Owner. Sumasakit ang ulo ko sa lalim ng tagalog niyo. Anyway, pakisabihan lang ito—“

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang akong hilahin ng rude na lalaking 'to plabas ng bar. Ang lalaking ‘to, feeling close pa!

“Bitawan mo nga ako!” sigaw ko. Saka niya ako binitawan. Nakarating kami dito sa labas ng bar.

He looked at me—innocently.

“Sorry for my rudeness a while ago. I’m not in the mood, actually. May jetlag pa ako at napagtuunan kita.” Sabi niya.

Okay, nagso-sorry siya. Kumalma ako. “But you were rude.”

“Yes, I admit. That’s why I apologize. I’m really sorry.” Aniya. Mukha na siyang mabait na tuta. Anyway, gwapo talaga siya pero mukhang good boy.

Huminga ako ng malalim. “Fine. Ayoko rin namang masira ang gabi ko dahil lang sa ginawa mo. Pero mali talaga iyon."

"Again, sorry."

Kumalma naman ako dahil sa kainosentehang itsura niya habang nagso-sorry. My weakness, ny goah.

"Look, hindi lang ako maganda, mabait pa. Kaya pasalamat ka.” Sabi ko.

Tumawa siya ng malakas. “You’re funny.”

Bwisit na lalaking ‘to! Pagtawanan ba ako?

“Anyway, bakit mag-isa ka? Are you broken hearted?”

I rolled my eyes. “Kapag mag-isa ba, broken hearted agad? Iniwan lang naman ako ng magaling kong kaibigan at sumama sa lalaki. Ugh, ang bruhang iyon. Porke gwapo at hot ang Palermo na iyon, kinalimutan na agad ako.”

“Wait, what did you say? You mentioned Palermo?”

I nodded at him. “Yes. Duke Palermo. Ka-date siya ng bestfriend ko kanina.”

His eyes widened. “Damn... is it real? For flirt or for serious?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Anong klaseng tanong iyan? Judgemental ka!” sabi ko. “Bakit ka pala interested? You know him?”

Grabe, bakit nawala agad iyong inis ko sa lalaking ‘to pagkatapos ng ginawa niya sa akin kanina?

“He’s my friend.” Sagot niya. “Close friend. Best buddies. Hindi niya alam na narito na ako sa PIlipinas. Ang liit naman pala ng mundo. Look, I met you—her girl’s friend.”

I bit my lower lip. Ano na, bess? Lalandiin ko na ba ang lalaking ‘to? He seems okay. Bukod sa gwapo siya, hot din naman siya kaso hindi siya mukhang bad boy tulad ni Palermo ni biatch.

“Keshe...”

“What?”

“I mean, kasi naman, maliit talaga ang mundo.” Sabi ko.

“Really? I wonder... paano tayo nagkasya kung maliit ang mundo? For over millions of people?”

Ano daw? “What did you say?”

He looked innocent. “Nothing. Anyway, because of my rudeness, I will treat you. Let’s go inside and drink.”

Iyan na nga ba nag sinasabi ko. Ang karisma ni Frey 101. My gosh, siguro sinadya niyang maging rude kanina sa akin para magpapansin. Hay, bagong technique ba iyon to get a girl? Asus naman, wait?

“What’s your name nga pala? Kanina pa tayo nag-uusap.” Sabi ko.

“Kenshin.” he said. “Kenshin Sarmiento.” He winked. Sumenyas siya na pumasok na kami sa loob ng bar.

For a moment, I was... mesmerized with him. Damn boy!

📌

PARA akong tuliro. Akalain ko bang may makikilala akong lalaking katulad ni Kenshin Sarmiento! Minsan talaga, hindi natin aakalaing may makikilala tayong hindi nating inaasahan sa hindi inaasahang pagkakataon. Is this destiny?

Noong gabing naging rude siya sa akin hanggang naging okay kami, hindi ko na keri kumalma, bess! Grabe siya. Ang hot kaya niya. Though, nakaka-confuse siya kasi may times na para siyang good boy and innocent tapos mamaya biglang parang ang bad boy at ang cool niya. But whatever! Ang mahalaga, close na kami.

Nitong mga nakaraan, lagi kaming nagkaka-chat. Syempre, friends na kami sa facebook. Tapos habang tumatagal na nagkakausap kami, lumalabas iyong kulit niya.. to the point na lagi niya akong binabara. Badtrip ‘di ba? Peo okay lang kasi ,my gosh, na-fall yata ako sa kaniya. Siya na yata ang icing sa ibabaw ng cupcake ko!

Narito kami sa bar at nae-excite ako dahil makikita ko na naman si Kenshin. Hindi ko pa naman siya kinu-kwento kay biatch kasi tsismosa siya e. Baka mag-freak out siya kapag nalaman niyang may bumihag na ng puso ko sa loob ng isang gabi lang--noong mga panahong iniwan niya ako sa ere.

Chinat ako ni Cherrypink kanina at sinabi niyang nagyayaya daw mag-bar iyong si Palermo at syempre niyayaya na naman niya ako. Ayoko nga dapat sumama dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin pero tumawag pa siya para sabihing ipapakilala ni Duke ang friends niya kay biatch. So syempre ako naman, na-excite! Speaking of friends nung Palermo, I’m sure, isa doon si Kenshin. And yes, pagkakataon na naman na makita at makasama ko siya. Kahit naman kasi nagkaka-chat kami, I don't have the guts to asked him out. Nakakahiya kaya! May delikadesa pa din kaya ako pero kapag inaya niya ako sa hotel, go ako. Hihi.

So ayun nga, sinabi ko kay Kenshin ang tungkol sa pagpunta dito sa bar ngayon and he confirmed na niyaya sila ni Palermo so I asked him to pretend na hindi pa kami magkakilala kasi syempre... my gosh! Baka silihan sa puwet si biatch sa pagtatanong sa akin e. Para kunwari sobrang ganda ko kaya magiging close agad kami ni Kenshin.

"Mag-e-enjoy tayo! Ang daming gwapo!" sabi ko kay Cherrypink habang tumitingin sa paligid. Actually, hinahanap ko si Kenshin!

Inirapan lang ako ng bruha. "Huwag mo akong irapan, Cherrrrryyyy! I might give you a banana!" sabi ko.

"You're hyper tonight, biatch."

Hehe. Wala siyang kaalam-alam na hyper ako kasi excited na akong makita ulit si Kenshin!

Kung napapansin niyo, biatch or bitch talaga ang tawagan namin ni Cherrypink. Wala lang, magaganda kasi kami, inosente pero bitch din minsan.

"Lagi naman akong hyper. Oh my, look at the entrance. Is that Duke Palermo? Omo! I need to get ready! Selfie and fansign will do." Sabi ko. Ang gwapo at hot talaga niya. Pero may Kenshin na ako. Yeee!

"Fansign? Fangirl lang? Buti sana kung BIGBANG 'yan. But no, si Duke Palermo lang 'yan." Sabi ni biatch. Ang taray! Kumi-KPOP ang bruha.

"Si Duke Palermo na matigas ang banana! Alright, girl. May kasama yata siyang guys. Omona! Ang ga-gwapo din. Hindi ka man lang ba na-excite na makita ang lalaking nilalandi mo?" Ako kasi excited na talaga sa kasama niyang boys dahil isa doon si Kenshin!

Letse, ang panty ko, baka mauna pang malaglag kesa sa puso ko!

Nang makalapit sa amin sina Palermo ay muntik ng matanggal ang strap ng bra ko tulad nang una ko siyang makita. Mas hot at gwapo pala siya sa malapitan. Hay, ano kayang size ng banana niya?

But, on other side, sumulyap ako sa kasama niya—si Kenshin. Ang panty ko! I mean, ang puso ko!

“Hi ladies,” bati ni Palermo.

Napanganga ako—hindi kay Palermo kung hindi kay Kenshin dahil ang hot niya ngayon.

“Frey!” tinapik ako ni Cherrypink sa braso ko. nakanganga pala talaga ako, literal! Nakakahiya.

“Uh, hi.” Bati ko sa kanila. Hindi ko pa kilala itong isa pang lalaki na aksama nila pero ang hot at gwapo din.

Ano ba ang mga ‘to? Mga greek Gods?

"Kenshin and Drake. My friends." sabi ni Palermo sa amin ni Cherrypink.

Ngumiti si biatch saka binate sila. “Hi.”

Pabebe din itong si biatch e. Pa-virgin ang bruha!

"Cherrypink. My... girl." Duke introduced my bestfriend to his friends. "And her friend..?"

"Frey! I'm Frey." Mabilis na sagot ko.

"Yeah, Frey. Nice to meet you." Sabi sa akin ni Palermo.

Naupo sila. Sa tabi ni biatch syempre si Palermo tapos itong dalawang guy—sina Kesnhin at Drake tumabi sa akin. Ang egg cell ko nagwawala! I like Kenshin agad pero nakakakilig din na may isa pang gwapo sa tabi ko!

"So, you're the unlucky girl." Sabi ni Drake kay Cherrypink.  He looked like a bad boy.

"Fuck you." Singhal ni Duke.

Drake laughed. Natawa din ako. Kahit hindi ko talaga alam kung anong nakakatawa. Syempre makikisabay lang. Dagdag ganda points. Baka kasi nakamasid sa akin si Kesnhin ko.

"We've been dating. And, you know I am so lucky to meet her." Duke said. Taray! Kung alam niya lang na ine-echos lang siya ng bestfriend ko, hay.

"Paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Kenshin ko. At last, nagsalita na siya! Ang tahimik niya yata ngayon e.

Nag-order si Palermo ng sandamakmak na alak. Mayaman!

"What do you want?" He asked my bestfriend.

Umiling ang bestfriend kong pa-virgin. Uy, kunwari good girl. "Shake lang." Sagot niya.

"Oh, good girl. I never thought you preferred good girl now, brad?" Drake asked.

Biatch looked at him. "I'm not a good girl. Don't judge me. We're not close."

Yes, hindi niyo alam kung gaano kami ka-bad ni Cherrypink. Super bad.

"Whoa! Easy. Ang sungit pala nito, brad." Sabi agad ni Drake.

Umirap naman ang bestfriend kong nagtataray na. Hay, bahala nga kayo diyan. Ang gusto ko lang naman ay makausap ang aking Kenshin.

Grabe, tinamaan yata talaga ako sa lalaking ito ng gano’n gano’n lang.

“Hi, Kenshin.” Bati ko sa kaniya sa tabi ko. Pa-cute girl kunwari.

“Frey.” Aniya.

“Okay ka lang? Tahimik ka yata?”

“Yes, I’m okay, Frey. I just don't feel like talking.” Aniya saka uminom ng beer.

Whoah! I find it sexy, tho!

“I see...”

Para akong napipi naman. Ang tahimik naman kasi niya. Ano bang dapat kong i-topic para magsalita siya?

“Kenshin, do you like messi?”

Kumunot ang noo niya. “Sino si messi?”

Hehe. Wrong move. Nakita ko lang kasi iyon sa facebook e, galing yata iyon sa isang scene sa isang Korean drama. My gosh! Fail.

“Wala, wala.”

“Sino nga si messi? Paano ko siya magugustuhan, e hindi ko naman siya kilala, Frey.”

Sabi ko nga e, “Hehe wala, nagkamali lang ako ng banggit. Sabi ko, do you like yosi. Hehe.”

“Ah, yosi. Hindi, Frey. Masama sa kalusugan ‘yon kaya hindi ako gumagamit nun kahit may bad influence akong kaibigan tulad ni Drake.”

Natawa ako sa sinabi niya. He’s so cute! Lalo akong napo-fall, kainis!

“That’s good to know. Hehe.”

“Ikaw, Frey. Naninigarilyo ka ba?”

Umiling agad ako. “Of course not, good girl kaya ako saka it’s bad for the health talaga.” Pa-ganda points.

“Good.” Aniya. “Let’s have a cheers!”

Ngumiti ako saka hinawakan ang beer ko. “Cheers!”

“This will be a long night. Kwentuhan mo nga ako ng buhay mo, Frey. Makikinig lang ako.”

Napalunok ako. Omo! He’s interested with me? Kaya siyempre aalamin niya ang buhay ko. Okay, fine! This is it.

“Let’s start with my full name. Freya Cybel Guevarra. My father and my brother called me Cybel and the rest, gusto kogn tawagin nila akong Frey. Hindi ko lang talaga feel na Freya ang itawag sa akin. The—“

Naputol ang pagku-kwento ko nang napatingin ako sa lalaking ito. He’s sleeping. Seriously? Napansin kong wala na rin pala sina Biatch at Palermo. Itong Drake naman, busy sa paninigarilyo niya habang umiinom. What a good boy, he fell asleep sa ganda ng boses ko.
Dahan dahan kong isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

“Frey, huwag.”

Nagulat ako kay Kesnhin. “Akala ko natutulog ka na.”

“Frey naman. Nakapikit lang ako pero hindi ako natutulog. Hindi lahat ng nakapikit, natutulog.” Inosente niyang paliwanag. “Ituloy mo kwento mo. I’m listening.”

My gosh! Nakakahiya. Bakit kasi ang lakas ng trip ng lalaking ‘to? Ang weird niya. Hindi ko siya ma-gets! Pasalamat talaga siya type ko siya at na-fall na ako sa kanya dahil kung hindi? Baka naghanap na ko ng pwede kong landing lalaki. Hay, ka-stress!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top