Final Chapter
After three years! Finally! Thank you for everyone who support this story until the end! See you in my next story :) Sinong gusto ninyo na mabigyan ng storya sa mga characters ko rito? Comment below!
Since ending na fast paced na siya huwag po sana kayong maguluhan sa transition ng scenes! Xoxo!
SPRING's POV
Beeps are the only noise that fills my ears right now. I tried to open my eyes but it's too bright. After several minutes trying my best to adjust with the light. I finally opened my eyes.
I want to talk but I can't because there's something in my throat. I looked around and I realize that I'm not in my room. The last time I remember was the excruciating pain in my heart while hugging Torn. It still hurts but I felt something is different with it.
"S-Spring?"
Pagsulyap ko sa gilid ko ay nandoon si Tatay, he's wearing a mask and a scrub. Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.
"Thank God you're finally awake..." saad niya tila gusto akong yakapin pero tanging paghaplos lang sa buhok ko ang kanyang nagawa dahil sa mga nakakabit sa akin.
May pinindot siya sa gilid ko at ilang sandali lang ay dumating si Uncle Steve na may mga kasamang nurses.
They examined me, hindi pa sila nagtatagal nang muli akong makaramdam ng antok. I closed my eyes and that's when it finally sink in my mind. I'm still alive.
Thank God I'm still alive.
But after a few weeks, I hated the reason why I'm still alive. And as much as they wanted me to be thankful for being alive...I can't...
"What do you want to eat? Salad or porridge?"
Umiling ako sa tanong sa akin ni Torn. "I don't want to eat..."
Ibinaba ni Torn ang mga hawak niya at lumapit sa akin. "Baby, you need to eat. You're still recovering--"
"Nasaan si Nanay, Torn?"
Kumunot ang noo ko nang makita ang dumaang ekspresyon sa mukha niya. Tila natatakot ang mga ito. That's the same expression that I always get in the past weeks after I got out from the ICU. Palaging ganyan ang mga hitsura nila. Sina Tatay, Tita Amethyst, Lola at maging si Trent sa tuwing hahanapin ko si Nanay.
It's as if they're hiding something from me.
"H-Hindi ba sinabi na namin sa 'yo? She's in the States kinailangan niyang--"
"Stop lying!" Hindi ko na napigilang isigaw sabay tulak sa kanya. "She promised me that she won't leave me! And if you're saying the truth then please let me talk to her! Call her!" histerikal ko nang sigaw.
"Hey Spring, calm down! Makakasama sa 'yo!" pagpipigil ni Torn sa tangka kong pag-alis sa dextrose na nakakabit sa akin.
"What's happening in here?!"
Lumuluha kong nilingon ang bagong dating na si Tatay. "T-Tay, I want to see her...please!"
Lumapit sa akin si Tatay at niyakap ako.
"T-Tay kung hindi ko siya puwedeng makita then let me hear her voice! She's always in my dream Tay! Sa panaginip ko para siyang nagpapaalam! H-Hindi naman 'yon totoo hindi ba? Hindi niya ulit ako magagawang iwan! She promised me!"
I held my chest when I felt the pain in it.
"Torn, call the doctor!" sigaw ni Tatay nang maramdaman marahil ang sakit na nararamdaman ko.
"HINDI natin puwedeng itago sa kanya ang totoo anak!"
"Mama, huwag natin 'to dito pag-usapan baka magising si Spring."
Pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko habang kuyom ko ang mga kamao ko. Gusto kong marinig kung ano ang sinasabi ni Lola.
"The last time na nagawa mong itago sa kanya ang totoo, walang naidulot na maganda iyon sa kanya at maging sa 'yo! Gusto mo bang maulit 'yon?!"
"Naiintindihan ko mama pero hindi ngayon--"
"A-Ano ba talaga ang tinatago ninyo sa akin Tay?" hindi ko na napigilang pagsabat sa usapan nila.
Lumarawan ang gulat sa kanila nang mapagtantong gising na pala ako.
Lumunok ako bago itanong ang isa pang gumugulo sa isip ko. "S-sino ang donor ko Tay?"
"I-It's confidential..." saad niya sabay iwas ng tingin sa akin.
Tumango-tango ako. "Fine...then answer me again, nasaan si Nanay? Tungkol saan ang pinag-uusapan ninyo ni Lola?"
Hindi na naman siya nagsalita at doon ako inumpisahang kabahan.
"T-Totoo ba talagang nasa States siya?"
Muli kong tanong pero hindi na naman siya sumagot.
"T-Tay please tell me the truth...please!"
Naglakad siya palapit sa akin at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya nang hawakan niya ako.
"Your mother...she's gone..."
Umiling ako. "No...you're lying again." saad ko habang tila sirang plaka kong naririnig sa utak ko ang mga binitawan niyang salita.
"She's dead...she got into an accident--"
"No!"
Niyakap niya ako pero nagpumiglas ako sa pagkakayakap niya hanggang sa napagod na ko at nanghihinang humagulgol ng iyak.
I want to know the truth but I didn't expect that it would be this painful.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa sitwasyong iyon. Pinapakalma ko ni Tatay pero habang tumatagal mas lalong lumalakas ang pag-iyak ko.
Then realization hits me..."Kelan pa?"
"Kelan pa?!" muli kong sigaw nang hindi nagsalita si Tatay.
"Don't tell me..." Tinulak ko si Tatay at hinawakan ang dibdib ko. Umiling ako sa tumatakbo sa isip ko. "I-Is she my donor?"
Nang hindi sumagot si Tatay ay doon ko nakumpirma ang sagot sa mga katanungan ko.
She left me again and this time she won't come back because she's dead because of me. Why are You so cruel to me?
"HINDI ka ba talaga kakain?"
Hindi ko pinansin si Trent at pinanatili ko ang tingin sa TV. Wala akong naiintindihan sa palabas pero nandoon ang mga mata ko.
"Dalawang linggo ka nang ganito Spring! You barely eat! Kung hindi ka pa tuturukan nang pampatulog, you won't sleep! You don't want to see us! You don't want to talk to us! If that's what you want then fine! Hindi ka namin pipilitin na kausapin kami pero sana 'wag mong pabayaan ang sarili mo! You should be thankful that you're still alive--"
"You want me to be thankful? For being alive?" mapait akong tumawa at sinulyapan siya.
Tila doon niya napagtanto ang mga sinabi niya. "I-I'm sorry Princess I--"
"You can't expect me to be thankful for being alive in the expense of my mothers life! I lost my mother, Trent! For the second time I lost her for the same reason and that is to save me!"
"But that's not your fault Spring!"
Umiling ako. "Palagi ninyong sinasabi sa akin na wala akong kasalanan Trent pero alam nating hindi totoo 'yon. Paano ko papaniwalaan na hindi ko kasalanang namatay siya kung ang pusong tumitibok sa akin ngayon ay sa kanya? Everytime I breath I feel like kinuha ko kay Nanay 'yung buhay na para sa kanya..."
"Listen Spring...it was an accident. That day before you need the operation papunta rito si Tita Luna pero pinigilan siya ng anak ng asawa niya. She didn't die because of you! Ayon sa lolo mo, si Savannah sana ang masasagasaan pero tinulak siya ng Nanay mo. She was declared as a brain dead patient. You are in the priority list na kailangan ng puso. It was your grandfather decision to donate your Moms' heart at nagkataon na ikaw ang nangangailangan."
Paulit-ulit kong naririnig ang eksplanasyon na 'yon mula sa kanila pero hindi magawang tanggapin 'yon ng isip ko.
"Hindi ka ba napapagod na paulit-ulit mong sisihin 'yung sarili mo sa mga pangyayaring hindi mo hawak?"
"Napapagod...pagod na pagod na. Siya kaya? Hindi ba Siya napapagod na saktan ako? Bakit sa tuwing akala ko sasaya na 'ko? Merong isang dahilan para mawala 'yon? Ilang beses Niya akong binubuhay para lang muling mamatay... Bakit kailangan niya ulit kunin sa akin si Nanay? Hindi pa ba sapat na nakalimutan ako ng sarili kong ina?"
"Spring...ang bawat tao na nabubuhay sa mundo ay may misyon at kapag natapos na 'yon doon sila bumabalik sa Kanya. Hindi nawala ang Nanay mo dahil sa 'yo...Tapos na ang misyon niya, at 'yon ang maging isang mabuting ina muli para sa 'yo. She's gone but her heart will always be with you...and kung nakikita ka man niya ngayon hindi niya magugustuhan na pinaparusahan mo ang sarili mo."
Pumikit ako at pinakiramdam ang tibok ng puso ko. It's her heart and I should take care of it, right?
"I want to see her..."
"You will but after you're fully recovered."
"I'M sorry..."
"For what?"
"For ignoring you this past few weeks?"
Ngumiti si Torn at niyakap ako. Ngayong araw ako pinayagan ng doktor ko na makalabas. Luckily, walang naging komplikasyon ang operasyon ko kahit na naging matigas ang ulo ko nang mga nakaraan na linggo.
"You don't have to be sorry...we understand you."
"Torn...puwede bang samahan mo ko kay Nanay?"
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin. Yumuko siya at kinintalan ng halik ang noo ko. "Of course...ikaw lang naman ang hinihintay kong magsabi sa akin niyan. I'll pick you up tomorrow..."
Ngumuso ako. "Hindi ba puwedeng ngayon?"
Ngumiti siya at umiling ikinagulat ko nang bigla niyang halikan ang labi ko. "Nope...huwag matigas ang ulo baby...You still need to rest."
Namula ako hindi lang dahil sa halik niya kung hindi dahil sa endearment niya sa'kin.
"Stop calling me baby!"
"Why? It suits you, you're my baby. My crybaby!"
Kumunot ang noo ko at hinampas siya sa pang-aasar niya sa akin. "Nakakainis ka!"
"Kidding aside...I love calling you baby because you're like them. Fragile and innocent...ich liebe dich baby..."
Pumikit ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin at muling dinampian ng halik ang labi ko. Isang tikhim ang nakapagpatigil sa amin. Doon ko lang napagtanto na hindi na lang kami ang tao sa loob. Naitulak ko si Torn nang makita ang nakasimangot kong ama at si Trent sa pinto. Kasunod si Lola at sila Tita Amethyst na nangingiti.
"ARE you okay?"
Ngumiti ako kay Torn at tumango. "I'm okay..."
"You sure?"
Hinawakan ko ang kamay ni Torn at pinisil iyon assuring him that I'm really okay. Hinalikan niya ang noo ko bago ako iniwan mag-isa. Nang makaalis si Torn ay ibinalik ko ang tingin sa puntod ni Nanay. Naupo ako sa damuhan at ipinatong ang dala-dala naming bulaklak ni Torn.
Dahan-dahan kong hinaplos ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan ni Nanay.
"Ang daya mo Nay, i-iniwan mo na naman ulit ako..."
Umihip ang malakas na hangin at niyakap ko ang sarili ko habang iniisip na yakap niya rin ako.
"Hindi man tayo binigyan nang mas mahabang oras na magkasama N-Nay...nagpapasalamat pa rin ako kasi nakasama kita. Siguro nga nakalimutan ako ng isip mo pero sa sandaling oras na binigay sa ating dalawa naramdaman ko muli ang pagmamahal ng isang ina...In our next life, I still want you to be my mother..." Yumuko ako at dinampian ng halik ang puntod ni Nanay. Kasabay nang pagtulo ng luha ko ang muling pag-ihip nang malakas na hangin.
"Thank you for this heart Nay...thank you for saving me again..."
Nanatili lang akong nakaupo ron habang isa-isang ikinukuwento sa kanya kung ano ang mga plano ko ngayon sa pangatlong buhay na ibinigay Niya sa akin. Napatigil ako sa pagkukuwento nang maramdaman na may papalapit sa akin.
"A-Ate Spring?"
Lumingon ako at nakita si Vannie kasama si Lolo. Pinunasan ko ang mukha ko bago ako tumayo at nilagpasan sila.
I don't want to talk to them. Hindi ko kayang magpanggap na ayos lang sa akin ang makita sila. Hindi ako ganoon kabait para agad na mapatawad sila.
"A-Apo, puwede ba tayong mag-usap?"
"Your grandfather decided to let go of your Mom. He decided to donate her daughter's heart..."
Pumikit ako nang maalala ang sinabi sa akin ni Tatay nang sabihin niya sa akin na gusto akong makausap ni Lolo pero tinanggihan ko. Hindi pa ako handa pero sa tingin ko ngayon hindi ko na puwedeng takasan ito.
Hinarap ko siya at tiningnan senyales na handa na akong makipag-usap sa kanya. Hindi nagsalita si Vannie at iniwanan kaming dalawa.
"I'm sorry..."
"Para saan? Sa isa sa mga dahilan para hindi malaman ni Nanay na merong isang Spring sa buhay niya?" Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. "Hindi ba ninyo naisip n-ni minsan na ipaalala kay Nanay na meron siyang anak na naghihintay sa kanya? Ganoon ninyo ba ko talaga kagustong mawala sa buhay ninyo?"
"Alam kong hindi ka maniniwala pero sa lumipas na mga taon hindi ka nawala sa isip ko. Ninais kong malaman kung ano na ang nangyari sa 'yo. Gusto kong sabihin ang tungkol sa 'yo kay Luna pero natakot ako...natakot ako sa maaaring gulo na idulot no'n sa buhay ng anak ko. At lubos kong pinagsisihan 'yon at alam kong huli na ang lahat...pero sana mapatawad mo ko."
Umiling ako. "Sorry rin ho pero hindi ko pa po kayo kayang patawarin...Hindi pa sa ngayon...mauuna na po ako."
Tumalikod ako pero hinawakan niya ang braso ko.
"Nakita ko 'to sa bag ng Nanay mo...it's for you."
Tinitigan ko ang inaabot niyang maliit na box. Inabot ko iyon at binuksan. It's a heart locket necklace. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang dalawang maliit na larawan. Noong bata ako kasama si Nanay at ang picture namin noong huli niyang bisita sa akin sa hospital.
"Naramdaman kong darating din ang araw na malalaman ng Nanay mo ang tungkol sa 'yo kaya itinago ko ang litrato ninyong dalawa at ibinigay ko sa kanya..."
Humigpit ang hawak ko sa kuwintas. "Thank you...Lolo."
Hindi ko na hinintay pang magsalita siya at tumalikod na ako kipkip ang kuwintas na alaala ni Nanay.
Papalapit na ko kay Torn nang muli akong harangin ng isang tao.
"A-Ate Spring..."
"Don't call me Ate when you don't even mean it..."
Humikbi siya at lalapit sa akin pero tila may sariling buhay ang mga paa ko na umatras palayo sa kanya.
She's sick...wala siyang kasalanan.
Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko pero ramdam ko pa ring hindi ko pa kayang patawarin si Vannie. Ang hirap para sa akin na tingnan siya kasi naiisip ko kung anong mga ginawa niya sa akin.
"I'm sorry...Inaamin ko I hated you kasi ikaw ang nagustuhan ng lalaking gusto ko not knowing na mali pala ako ng taong ginugusto..." Tumawa siya nang walang buhay pero kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I was the one na nagpakalat ng v-video ninyo ni Torn... But believe me or not I really liked you. When I first met you, I knew that you are a good person unlike me... Pero sorry kasi baliw ako 'eh." Muli siyang tumawa kasabay nang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya. "I hated you more when I found out na anak ka ni Mommy, pilit kong inaagaw iyong hindi naman sa akin. I kept on thinking na ikaw ang nang-agaw pero ako pala 'yon! I'm sorry k-kasi kasalanan ko kung bakit namatay si M-Mommy!" Humagulgol siya at sa pagkakataong 'yon ay hindi ko pinigilan ang sarili kong lumapit sa kanya at yakapin siya.
Hindi ko pa siya pinapatawad. Masakit pa rin para sa akin ang mga ginawa niya. Pero alam ko na tinuring siyang anak ni Nanay.
"Promise me that you're going to fight those voices inside your head...Hindi pa kita pinapatawad Vannie pero alam kong darating din ang panahon na ang maaalala ko lang sa 'yo ay ang babaeng una kong nakilala, si Vannie na masayahin at mabait. And never blame yourself for our mothers' death kasi hindi mo 'yon ginusto. Walang may gusto 'non..." Isang tapik sa balikat niya ang ginawa ko at kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.
"I'm sorry A-Ate Spring!"
Umalingawngaw ang hagulgol ni Vannie sa paligid habang ako naman ay binilisan ang hakbang papunta kay Torn. Mahigpit ko siyang niyakap nang tuluyan akong makalapit. Isinubsob ko ang mukha ko sa kanya nang magsimula na namang tumulo ang mga luha ko. I need someone to hold onto right now and I'm happy that Tornado Helios is that someone.
"Thank you baby..."
"F-For what?" hikbi ko.
"For being brave. For being alive. Thank you Spring Cruz Wheather...I don't deserve you but thank you for falling for someone like me..."
Ngumiti ako. "I-I love you, Tornado Helios...I wasn't planning on loving you but I'm happy that I did. It will always be you. I-It was you yesterday. It was you today. And I'm sure it will still be you by tomorrow..."
Finally, I can say those words with no holds barred. Without thinking about anyone. Just me and him.
...ONE YEAR LATER...
(Play the song above)
You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collideSo stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyesWithout you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song
I can't help but smile when I looked at Hurricane as he sang the first phrase of the song. Feel na feel ng loko ang pagkanta samantalang katakot-takot na pagkumbinsi ang ginawa namin bago siya pumayag sa duet na 'to. Ngumiti rin siya sa akin at talagang hinawakan pa ng loko ang kamay ko. Mukhang nangangamoy away na naman mamaya. Inalis ko iyon bago pa may biglang pumanhik ng stage at sirain ang araw ng may mga kasal ngayong araw na 'to.
With you, I fall
It's like I'm leaving all my past and silhouettes up on the wall
With you, I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edgeSo stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyesWithout you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
Isa-isa kong pinagmasdan ang tao sa paligid na pawang mga nakangiti habang pinapanood kami maliban sa isang tao na kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na kaming dalawa rito ni Cane. Hindi na talaga nagbago ang mokong. At ito namang katabi ko hindi na rin nagbago sa pang-aasar sa kapatid niya.
You're the perfect melody
The only harmony I wanna hear
You're my favorite part of me
With you standing next to me
I've got nothing to fearWithout you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad songWithout you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song, I'm just a sad song...
Pumalakpak ang mga bisita at mabilis na sanang aalis si Cane pero pinigilan ko siya.
"Congratulations to the newlyweds! May the love you share today grow stronger as you grow old together Light and Trent... I'm so happy na kayo pa rin hanggang sa huli. To Light, thank you for being the best friend I never had...I love you. To Trent, thank you for being the best Kuya for me...I love you too. I may not be your only princess now..." Nagtawanan ang lahat nang umalingawngaw ang sigaw ni Cali sa hindi pa rin naming maintindihang salita niya. Our little princess Calliope Ryie Helios Finn. "Fine baby Cali, you are their only princess, now. I'm happy Trent that finally you're officially married to your queen."
Natawa ako nang makitang nagpunas ng luha ang pinsan ko.
"Congrats Light--"
"Hurricane!" Natawa ako nang umamba si Tita Cyclone na babatuhin si Cane na parang bata na nagtago sa likod ko.
"Fine! Congrats Ate Light, t-thank you for everything... Alam mo na 'yon. At sa lalaking nasa tabi mo, subukan niya lang saktan ka--"
"Shut up Cane!" Nagtawanan ang lahat nang sumigaw si Light. "He's my husband now. You better start calling him Kuya from now on!"
Ngumuso lang na parang bata si Cane at iniwan ako mag-isa sa stage. Hindi pa ako tuluyang nakakababa nang tila may sawang pumulupot sa bewang ko.
"Ang sweet natin ah..."
Inikot ko ang mga mata ko dahil sa sarkastiko niyang sinabi. Mahigit isang taon na kami pero hindi pa rin siya nagbabago sa pagiging sobrang seloso.
"Huwag mo kong umpisahan Tornado at baka tamaan ka na naman sa akin..." nanggigigil kong saad pero nakangiti pa rin ako dahil nakatingin sa amin ang mga pamilya namin.
Umismid ang mokong pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa bewang ko. "Sorry na baby..."
Pinigilan kong mapangiti nang humarap ako sa kanya. "Bakit ba ang seloso mo? Hindi ka na nasanay kay Cane kaya ka tuloy lalong iniinis 'eh."
"He was your first boyfriend! That's why I'm jealous..."
Kumunot ang noo ko. Kailangan talagang ibalik ang past?
"Nakakainis ka! Diyan ka na nga!" tuluyan nang naiinis kong saad. Pumiksi ako sa pagkakahawak niya sa bewang ko at nagmartsa palayo sa kanya.
"Aba't LQ kayo?" natatawang saad ni Nurse Joy nang makalapit ako sa table namin.
Hindi ako sa sumagot sa panunudyo ni Nurse Joy at ibinunton ko ang atensyon sa pagkain sa plato ko.
"Nako napapadalas ang LQ ninyo ah baka mamaya niyan--"
"Babes, don't say bad words. Baka magkatotoo,"
Sinamaan ko ng tingin si Kuya Michael- ang nasilo ni Nurse Joy. Halos limang buwan na silang kasal at ang magaling kong kaibigan na Nurse ay anim na buwan ng buntis.
"Nagselos na naman ano?"
Ngumuso ako at napatango. "Palagi na lang nakakainis na..."
"Masyado kang mahal 'eh... buti pa 'tong babes ko wala akong ibang pinagseselosan."
"Talagang wala babes kasi ikaw lang naman naging boyfriend ko." Naiirita ko sa paglalambingan ng dalawa kaya lumipat ako sa mesa ng mga kapatid ko.
"Nerd, kuha mo kong juice."
"Masusunod mahal kong brat..."
Napailing ako nang sumalubong naman ang kasweetan ng kapatid ko na si Summer at ng kababata ko na si Paupau. Yes. They are exclusively dating. Hindi ko alam paanong nangyari basta ginulat na lang ako ng kapatid ko nang ipakilala niya sa amin si Paupau bilang boyfriend niya. Habang si Rain naman ay todo asikaso sa 'kaibigan' niya na dala-dala.
Napabuntong-hininga ko sabay kuha ng red wine. Mabilis kong nilagok 'yon at isa-isang pinagmasdan na tumayo ang mga couples para magsayaw.
"Still mad at me?"
Hindi ko pinansin ang nagsalita sa gilid ko at nagpanggap na walang narinig.
"Sorry for being jealous. I just can't help it baby..."
Niyakap niya ako sa bewang ko at napasinghap ako nang maramdaman ang pagdampi ng mukha niya sa leeg ko. I can feel his breath fanning in my neck.
Pinagmasdan ko ang paligid at nakahinga ako nang maluwag nang wala namang nakatingin sa amin. Mamaya makita kami ni Tatay baka imbes na hanggang 11 ang curfew baka gawin niyang 9. I'm already 21 I know but still rules are rules.
"Fine. Forgiven, so please lumayo ka ng onti baby baka makita tayo ni Tatay at ng parents mo--"
"Will you marry me?"
"H-Huh?"
"Will you marry me?" pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.
"Are you serious?"
Napalunok ako nang makita ang seryosong mga mata niya. "Mukha bang hindi?"
"We're still y-young, kaka-graduate ko lang. Nag-uumpisa ka pa lang magtrabaho, I-I don't think papayagan din ako ni Tatay--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang putulin niya na naman iyon sa pamamagitan ng isang halik.
"I'm asking you to marry me but not now, maybe two or three years from now? Are you willing to be my wife in the future?"
Tumulo ang mga luha sa mga mata ko. "Talagang napakaspecial ng proposal mo ah?"
Kinamot niya ang kilay niya na tila nahihiya. Mannerism niya. "Sorry, you know me I'm not good with surprises but I promise before we get married I'll propose--"
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang hindi nagpatapos sa sasabihin niya. Mariin ko siyang hinalikan not minding kung may makakita pa sa aming dalawa.
"Yes. I'm willing to be your wife."
Nagulat ako nang tumayo siya at sumigaw. "She said yes!"
Nakita ko ang gulat sa mga mata ng bisita pero nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Torn ay umalingawngaw ang palakpakan mula sa kanila. Napangiwi naman ako nang makita na tila gustong lumapit sa amin ni Tatay pero pinipigilan siya ni Tita Amethyst.
Itinayo ako ni Torn at niyakap. Muli niyang dinampian ng halik ang labi ko bago isinuot ang singsing sa daliri ko na hindi ko namalayang hawak niya pala.
"I love you baby, and no matter how much I say those words. I will always love you more than that. Iche liebe dich baby..."
I love you too, my bad boy...
Sa pagdilat ng mga mata ko nasalubong ko ang isang pares ng mga mata. Bagama't may lungkot sa mga 'yon kita ko ang saya sa ngiti na ibinibigay niya sa amin.
"I'm happy for you..." He mouthed before he left.
Thank you, Hurricane...
"I love you too, Tornado..."
CHAR END NA PO SIYA! TBBBM OFFICIALLY SIGNING OFF :)
Guys kung meron pong nag-add sa akin sa facebook kindly message me para po ma-accept ko kayo. You can also follow my instagram jenpaumevi. Or my twitter. Posted po ang lahat ng social media sites ko sa profile.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top