Chapter 98: A Date to Remember (Part 2)

SPRING’S POV

“SAAN ba tayo pupunta?” tanong ko kay Torn nang mapansin na hindi sa kuwarto ko ang tungo namin pero patuloy lang siya sa pagtulak ng wheelchair.

Nakarating kami sa double door at kumunot ang noo ko nang mapagtanto na nasa auditorium kami ng hospital. “A-Anong ginagawa natin dito?”

“You’ll see…” tugon niya sabay bukas ng pinto. Onti lang ang liwanag sa loob. Patuloy si Torn sa pagtulak sa wheelchair ko hanggang sa huminto kami sa gitna.

“T-Tay…” nasambit ko nang makita na hindi lang kami ni Torn ang nasa loob ng auditorium.

Inilibot ko ang tingin sa harap at nandoon sina Rain, Summer, Tita Amethyst, Lola at maging si Tita Snow. Maging sila Paupau at Kuya Paeng isama pa si Nurse Joy na katabi si Nurse Michael. Natawa ako nang itaas niya ang kamay niya na kaholding-hands ang lalaking katabi. Kumpleto ang lahat maliban sa Nanay.

“She’ll be coming…don’t worry.” Bulong sa akin ni Torn nang makita marahil na inilibot ko ang tingin sa loob ng auditorium.

“A-Ano bang ginagawa natin dito?”

“We’ll be watching a performance…” pagkasabi ni Torn ay iniharap niya ang wheelchair ko. Dumilim ang paligid at ang tanging ilaw ay nasa stage.

Napahawak ako sa bibig ko nang lumiwanag ang stage at nag-umpisang sumayaw ang HDT. Paglingon ko ay wala na si Torn sa tabi ko kung hindi nasa harap na siya kabilang sina Charm.

“Enjoying?”

Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang bulong sa akin.

“Cane?”

“At your service…” yumukod pa siya na ikinatawa ko.

Napatigil ako sa pagtawa nang itulak niya ang wheelchair ko. “W-Where are we going?”

“You said that you want to dance with him?”

Umiling-iling ako at kinabahan nang makitang patungo nga kami sa stage. Unti-unting tumigil sa pagsayaw sina Torn kasabay nang pagtigil ng tugtog.

“I-I can’t dance…not in my situation.”

“You can…because you’re not alone. You’re with him…”

Nang maipanik niya ako ay huminto kami sa gitna ng stage kung nasaan mag-isa na lang si Torn.

Maluha-luha kong binalingan si Cane. Naalala ko ang mga sinabi ko sa kanya bago ako makatulog. He’s fulfilling my wishes. What did I do to have someone like him?

“Iiyak ka na naman…”

“T-Thank you…so much.”

Yumukod lang siya at ngumiti matapos ay tinapik niya si Torn bago kami iniwang dalawa.

“May I have this dance?”

(My one and only you-Julie Ann San Jose cover)

It took one look
and forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you

There I was
thought I had everything figured out
goes to show just how much I know
bout the way life plays out

 “How can we dance like this Mister?” natatawa pero maluha-luha kong saad. Yumuko siya at namula ko nang hawakan niya ang bewang ko.

“W-What are you doing? N-Nakikita tayo nila Tatay…”

“I already have their permission.” Bago pa ko muling makasalita ay dahan-dahan niya akong itinayo.

Before I knew it, magkayakap na kaming dalawa. Ni hindi ko namalayan na wala na akong sapin sa paa. Nakapatong ang paa ko sa kanya habang dahan-dahan naming sinasabayan ang tugtog na pumapailanlang sa auditorium.

Ni hindi ko nga alam kung matatawag bang sayaw ‘tong ginagawa namin.

Pumikit ako at hindi inisip na may nakakakita sa amin ngayon.

I take one step away
and I find myself coming back to you
my one and only
one and only you.

Now I know
that I know not a thing at all
except the fact that I am yours
and that you are mine

Humigpit ang yakap ko kay Torn nang maramdaman ang kirot na dumaloy sa puso ko. Doon huminto si Torn sa paggalaw sa aming dalawa.”I-Is there something wrong?” nararamdaman ko ang kaba sa boses niya.

Tumulo ang luha ko nang tumindi ang sakit. “Can you promise me T-Torn that once I’m gone…” Napahinto ako sa pagsasalita nang umatake na naman ang panibagong sakit pero sa pagkakataong ito naramdaman ko ang unti-unting panghihina at pagdidilim ng paningin ko. “You’re not going to do anything t-that could ruin your life…I want you to be h-happy…I love you…”

I take one step away
and I find myself coming back to you
my one and only
one and only
I take one step away
and i find myself coming back
to you

my one and only
one and only you

Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya…hindi lang sa kanya kung hindi sa kanilang lahat. Pero namalayan ko na lang unti-unti na kong kinain ng dilim. Nawalan ako ng malay kasabay nang tila paghinto ng tibok ng puso ko…

TORN'S POV

Kasabay nang paghinto ng musika ay unti-unting pagkawala ng yakap sa akin ni Spring. Mabilis ko siyang inalalayan bago pa siya tuluyang bumagsak. Nagsigawan ang lahat nang mapaupo ako habang hawak si Spring na wala ng malay.

"S-Spring? Wake up baby, please..." natataranta kong sigaw kasabay nang malakas na tibok ng puso ko.

I'm fucking scared right now.

"Get up Torn! We need to bring her to the emergency room!" Tila natauhan ako sa sigaw ni Cane kaya mabilis akong tumayo habang buhat si Spring.

Trent is holding her oxygen tank while running with me. Mabibilis din ang takbo nang lahat na nakasunod sa amin.

I don't want to let her go but I need to.

Hindi kami pinapasok sa emergency room at kinailangan naming maghintay sa labas.

"She'll be okay...Ate will be okay, right?"

Walang ni isa sa amin ang nagsalita sa sinabi ni Rain.

"Bakit walang sumasagot sa inyo?!" sigaw ni Rain na nag-umpisa nang umiyak nang malakas.

"Y-Your Ate will be okay..." pagpapatahan sa kanya ng Tatay ni Spring.

I know you're strong...you can do this Spring...please fight...

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming naghintay bago lumabas ang doktor.

"How is my daughter?"

"It's a cardiac arrest, Autumn."

Napalunok ako sa narinig na sinabi ng doktor. "I-Is she okay, now?" Hindi ko napigilang itanong.

"She's not in a stable condition. She needs the heart transplant as soon as possible. Because I don't think she can take another cardiac arrest."

"Then fucking perform that goddamn operation!" sigaw ni Cane na nasa tabi ko.

"We want to Mister but we need a heart--"

"Then take my heart! I'm willing to donate my heart..." pagputol ko sa sinasabi ng doktor.

Umiling ang doktor pero imbes na sagutin ako ay tinapik niya ang balikat ko at tinalikuran kami.

"Please Doc! I'm willing to be the donor! I want to give my heart to her..." Lumuhod ako at hinawakan ang kamay niya.

"I'm sorry..."

Muli ko sana siyang hahabulin pero isang kamay ang pumigil sa akin.

"Torn, you can't..." pag-iling ni Light na umiiyak na niyakap ako.

"Why? I'm willing Light...I need to save her...I want to save her."

"Only brain dead patient can be a heart donor, Torn."

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Light at iniwan sila.

"Where are you going, Torn?!"

If being brain dead can help her then so be it.

Nagmamadali akong sumakay sa kotse at pasisibadin na iyon paalis pero may umagaw sa kamay ko ng susi bago ko pa iyon mapaandar.

"What the f*ck are you doing?!" sigaw ko sa kakambal ko.

"I know what you're thinking but I won't let you do that foolish idea!"

"Huwag kang makialam, Hurricane!"

"Do you think matutuwa si Spring kapag nalaman niya ang binabalak mong gawin?! You think kakayanin niya kapag nalaman niya na nagawang magpakamatay ng boyfriend niya para lang mabuhay siya?! Huwag emosyon ang unahin mo Tornado!"

Malakas kong hinampas ang manibela at napapagod na yumuko at hinayaang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.

"Then what do you want me to do?"

"We need to wait and pray..."

Kung sa ibang pagkakataon lang ay baka pinagtawanan ko ang kakambal ko sa sinabi niya pero ang ginawa ko ay pumikit at nagdasal.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nasa ganoong sitwasyon hanggang sa pumailanlang ang tunog mula sa cellphone ko. Hindi ko tinangkang sagutin 'yon pero nang tumigil iyon sa pagtunog ay kay Cane naman ang sumunod.

"Hello?"

"..."

"Torn...we need to go back inside...meron na raw heart donor para kay Spring..."

TBC

LAST CHAPTER UP NEXT!!! PARTY PARTY MATATAPOS KO NA TALAGA 'TO! THIS IS IT!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top