Chapter 98: A date to remember.
Oh ayan katulad ng promise ko, here's another update. Enjoy reading :) May kadugtong pa po ito. Para sa nagtatanong, part two po nito then it's finally our last chapter...HAPPY NEW YEAR!!!!
SPRING'S POV
"WHAT do you mean by that Steve?!"
"I'm sorry they just called me, unfortunately hindi puwedeng si Spring ang mauna bago sa isang pasyente, mas priority siya kaysa kay Spring..."
Nagising ako sa ingay pero pinili kong magpanggap na tulog pa rin.
"My daughter needs it too! Dalawang buwan ang palugit mo para sa anak ko! We've been waiting for almost a month! Day by day she's getting weak na iniisip ko kung k-kakayanin niya pa ba..."
"I'm sorry, Autumn...Believe me, gusto ko ring mapabilis ang operasyon para kay Spring pero ang magagawa na lang natin ngayon ay ang maghintay."
"Hanggang kailan kami maghihintay? Hanggang kailan mahihirapan ang anak ko?"
Katahimikan ang namayani bago ko narinig ang pagbukas-sara ng pinto. Iminulat ko ang mga mata ko at huminga ako nang malalim nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Napahawak ako roon at mariing napapikit sa kirot.
"Do you want me to call the doctor?!"
Napadilat ako at doon ko nalaman na hindi pala ako nag-iisa sa loob ng kuwarto.
"C-Cane? Kanina ka pa ba riyan?"
Tumango siya at lumapit sa akin. "I've brought you books...are you okay?" pagtaas niya sa kamay niya na may dalawang libro.
Tumango ako at inalis ang kamay sa dibdib ko. "I'm fine...Thank you for the books...wala ka bang pasok?"
Umiling siya. "It's foundation day remember?"
Mahina akong natawa. "Oo nga pala...ngayon pala ang performance ni Torn—" napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto ang sinabi ko. Kagat-labi kong tiningnan si Cane.
"Tss...you can mention him. Tanggap ko ng talo ako at isa pa I think nakamove on na ko sa 'yo...there's so many girls for me after all..." nakakrus ang balikat niyang saad.
Napangiti ako sa sinabi niya. "Talaga lang huh?"
Ngumisi siya pero nang tingnan ko ang mga mata niya ay nakita kong nagpapanggap lang siya. Nasasaktan ko pa rin siya.
"Don't look at me like that. Hindi man ngayon pero darating din ako sa puntong hanggang kaibigan na lang ang magiging turing ko sa 'yo..."
"I wish makakilala ka ng babaeng para sa 'yo, Cane."
"Hintay ka lang, mangyayari 'yon..."
Mapait akong natawa sa sinabi niya. "I don't think mahihintay k-ko pa 'yon..." halos pabulong kong saad.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. You'll be fine."
"I hope so...you know what Cane, I'm not scared to death...Kasi lahat naman ng tao pupunta ro'n hindi ba?...you know what I'm scared of?"
"Hindi ko gusto ang pinupuntahan ng usapan na 'to..."
Ngumiti ako at pinagmasdan ang maliwanag na langit sa labas. "Natatakot ako para sa mga taong maiiwanan ako...every day I keep on praying na bigyan pa ko ng sapat na panahon para mahanda sila..." Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at malungkot na ngumiti.
"Wala kang maiiwanan kasi hindi ka naman aalis..."
"You think so?"
Tumango siya at ginulo ang buhok ko. "You'll survive, trust me...Hindi namin hahayaan na mawala ka."
Tumunog ang cellphone niya at mabilis niya iyong tiningnan. Malamang ay umiiwas sa tinatakbo ng usapan namin.
"Here..." pag-abot niya sa cellphone niya sa akin.
"Ano 'to?"
"Just watch it...rest room lang ako saglit..."
Kinuha ko ang cellphone niya at nang makaalis siya ay pinindot ko ang play button.
It's Torn performance...
Napapangiti ako habang pinapanood ko ang pagsayaw ng HDT. Si Charm ang kapartner ni Torn at hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang pinapanood sila.
Nang matapos ang sayaw ay akala ko tapos na rin ang video pero tumutok kay Torn ang camera na may hawak ng mic.
"T-Thank you for watching...I did this for you baby...Hope you like it...I love you..." ngumiti siya at namalayan ko na lang na tumutulo ang luha sa mga mata ko nang tuluyang matapos ang video.
"Bakit umiiyak ka na naman?! Ganoon ba kapanget sumayaw ang kapatid ko?"
Hinampas ko si Cane pero balewala lang 'yon sa kanya at pinunasan ang luha ko. "Hobby mo talagang umiyak ano?"
"He's so good in dancing..."
"Mas magaling ka pa rin..."
Hindi ko naitago ang lungkot ko sa sinabi ni Cane. "Habang pinapanood ko siya, iniisip ko ano kayang pakiramdam kung kasama niya ko ron?"
We did danced together weeks ago. And I want to experience it, again.
"Do you want to dance with him?"
"Kahit naman gusto ko, imposible sa kondisyon ko. Lahat ng gusto ko, imposibleng mangyari..."
"Ano bang gusto mo?"
Pumikit-pikit ako nang makaramdam ng antok. "To dance...to date...to live a normal life just like everybody else..." wala na sa sarili kong sagot sa tanong ni Cane. Inaantok na naman ako na epekto ng mga gamot na pinapainom sa akin.
NAGISING ako at bumungad sa akin sila Light kasama sina Scarlette at Nicolette ganoon din ang mga kapatid ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang dalawang dress na hawak ni Scarlette at Nicolette.
"Blue..." sambit ni Rain.
Sumimangot si Summer, "Mas maganda ang red!"
Mahina akong tumikhim para malaman nilang gising na ako bago pa mauwi sa away ang mga kapatid ko.
"Ayan gising na pala si Spring! Siya na lang tanungin natin!" tili ni Scar.
"Para s-saan 'yan?"
Mabilis na lumapit sa akin si Rain. "It's for you Ate! Hindi ba mas maganda ang blue?"
"Red sabi 'eh!" pagsingit ni Summer. Napailing ako sa dalawa at ibinalik ang tingin sa bitbit ni Scar at Nicole.
"Parehas maganda 'eh...what do you think Light?" tanong ko kay Light.
Nangalumbaba siya at parang mga bata na naghintay ang mga kapatid ko sa sagot niya. "Red for me!"
"Argh! Blue dapat 'eh!"
"Told yah! Red ang maganda..."
Natawa ako sa pagmamaktol ni Rain.
"Baby girl, if you really like this blue you can have it..." saad ni Scar kay Rain. Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko. "Really?! I can have it?! Omg thank you Ate Scar!"
Napailing ako nang kinuha iyon ng kapatid ko.
"Para saan ba 'yan Light?"
"For your date..." nakangiting tugon ni Light.
"D-Date?"
"Yep, you're going on a date!" tili ni Nicolette at kunot-noo ko naman silang pinagmasdan lahat pero bago pa ko muli makapagsalita ay lumapit na sa akin sina Nicolette.
At bago pa ako makatutol ay inayusan nila kong lahat.
Almost half an hour passed by nang matapos sila sa ginagawa nila sa akin.
"You're pretty, Ate!"
Inabot niya sa akin ang salamin. "Am I? Even with this?" tukoy ko sa nakalagay sa ilong ko.
Natahimik silang lahat at nakita kong nangilid ang luha sa mga mata ni Rain.
"You are still beautiful even with that..." pagbasag sa katahimikan ni Light.
"Thank you, Light..."
May kumatok sa pinto at doon napunta ang atensyon namin. Pumasok si Trent na may mga kasunod na nurse bitbit ang isang wheelchair.
"Trent..."
"I'm doing this for you...I want you to be happy." Saad niya sabay buhat sa akin papunta sa wheelchair.
Pinalitan ng maliit na oxygen tank ang oxygen ko bago ako itinulak ni Trent papalabas. Nakasunod sa amin sina Light pero nang makarating kami sa elevator ay nagpaalam na rin sila.
"Where are we going?"
"Sabihin mo kung sumama ang pakiramdam mo...o kung hindi ka makahinga ah. Hindi ko alam kung paano nila ko napapayag dito..." saad niya imbes na sagutin ang tanong ko.
May alam na ko sa mangyayari kaya hinawakan ko ang kamay ni Trent at marahan iyong pinisil. "Thank you Trent...you're the best cousin ever."
"Wala ng best kasi ako lang naman ang pinsan mo." Yumuko siya at pinisil ang tungki ng ilong ko.
Kasabay ng tawa ko ang pagbukas ng elevator and standing in front of us is my boyfriend, Tornado Helios wearing a suit.
"Take care of her..." saad ni Trent nang mailabas ako sa elevator.
Tumango si Torn. "I will, thank you."
Binalingan ako ni Trent. "Enjoy princess..."
Nang makaalis si Trent ay lumuhod si Torn sa akin at inilahad ang kamay sa akin. "Will you go on a date with me?"
"May choice pa ba ako?" biro ko sabay abot ng kamay ko.
Tumawa siya at hinalikan ang likod ng palad ko. "Siyempre wala..."
"You're beautiful...so beautiful." Saad niya at dinampian ng halik ang labi ko. "I love you..."
Ngumiti ako. "I-I love you too..."
Tumayo siya at itinulak ang wheelchair ko. Doon ko lang napagtanto na nasa rooftop pala kami ng hospital nang buksan niya ang pinto. Bumungad sa akin ang langit na papalubog na ang araw. Sa gitna ay may mesa, dinala niya ako roon. Umaalingawngaw ang tunog ng kanta sa rooftop na nanggagaling sa speaker. Pamilyar ang boses nang kumakanta.
(Make you feel my love-Shane Filan version)
When the rain is blowing in your face
And the whole world is on your case
I could offer you a warm embrace
To make you feel my love
"Who's singing?" tanong ko kay Torn nang makabalik siya bitbit ang pumpon ng rosas.
"Why did you ask?" balik-tanong niya at inabot sa akin ang bitbit na bulaklak.
Nagkibit-balikat ako at sinamyo ang mga bulaklak. "It's familiar that's why..."
When the evening shadows and the stars appear
And there is no one there to dry your tears
Oh, I hold you for a million years
To make you feel my love
Go to the ends of this Earth for you
To make you feel my love, oh yes
To make you feel my love
"It's my twin...Hurricane."
Napatingala ako nang marinig ang sinabi ni Torn. "Really?"
Tumango siya. "Where is he? Gusto kong magpasalamat sa kanya..."
"Later...you will."
Napatango ako. It's my first time going on a date kaya hindi ko alam kung anong gagawin pero hindi nalaman ko na wala ka naman palang dapat pang alamin kung anong dapat gawin sa isang date. Ang tangi mo lang dapat gawin ay i-enjoy ang moment kasama ang taong mahal mo. Mabilis talagang lumipas ang oras kapag nage-enjoy ka. Nagkuwentuhan lang kami ni Torn habang pinagsasaluhan ang pagkain na nasa lamesa. Wala akong gana kumain nang mga nakaraang araw pero tila nagkasigla ako ngayon. I feel so thankful dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng pagod o paninikip ng dibdib.
We watched the sunset together and it was the best sunset for me because I spend it with the one I love. I thought our date ended when we left the rooftop but I didn't expect what happen next...
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top