Chapter 96: Her loved ones.
SPRING'S POV
"AFTER all this time, hindi mo naisipang sabihin sa akin 'to?! T-tell me kung hindi pa ba nangyari sa anak ko 'to hindi pa ba ninyo ipapaalam ang lahat sa akin?"
"I'm sorry Tito--" napahinto sa pagsasalita si Trent nang makita niyang gising na ako.
Doon lumingon sa akin si Tatay at kumirot ang puso ko nang makita ang namumula niyang mga mata na may mga bakas pa ng luha.
"Tay..." mabagal ang hakbang na lumapit ang Tatay sa akin. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay niyakap niya ako at ilang saglit lang ay umalingawngaw ang iyak na nagmumula kay Tatay.
Tumingin ako kay Trent at isinenyas na lumabas muna siya.
"I'm sorry a-anak, for failing again to be a father to you..."
Inangat ko ang ulo ni Tatay at pinahid ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi niya. "Y-You never failed Tay of being a father to me...so please don't say sorry."
Umiling-iling siya at nahihirapan akong makita ang pagsisisi sa mga mata niya. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil 'yon.
"Tay, everytime na nagso-sorry ka sa akin...it a-always hurt me kasi sa bawat sorry mo alam kong katumbas no'n ang sakit diyan sa puso mo. You're sorry because you think kasalanan mo kung bakit hindi katulad ng ibang pamilya ang meron ako. You're sorry kasi hirap si Lolang tanggapin ako...you're always sorry Tay na hindi naman dapat. Kasi naging mabuti kang ama sa akin at pati kanila Rain. You saved my life when I was young and I will be forever thankful with Him kasi kayo ang naging Tatay ko..."
Muling tumulo ang luha sa mga mata ni Tatay pero sa pagkakataong ito gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Nasabi na ba ni Tatay kung gaano ako kasuwerte na nagkaroon ako ng anak na katulad mo? Tatay will always be proud of you."
"Maraming beses na Tay..." pagbibiro ko.
"I saved you before and I'll make sure na pati ngayon. Makakahanap tayo ng puso para sa 'yo as soon as possible..."
Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabi niya. "You mean I need a heart transplant again?"
Yumuko si Tatay at dahan-dahang tumango. "But don't worry anak, ginagawa na namin ang lahat para mahanapan ka ng donor."
"Thanks Tay, pero nasaan sila Tita Amethyst?"
Hindi nakaimik si Tatay at umayos ng upo.
"Inaway mo ba sila Tay?"
Ang hindi pagsagot ang nagkumpirma sa hinala ko. "Tay please huwag kang magalit sa kanila. Kasi baka kung ako rin ang nasa posisyon nila ganoon din ang magagawa ko...so please do me this favor, huwag ka na sanang magalit sa kanila."
"I'll do my best not to be mad at them but now ang mahalaga ay ang kondisyon mo. So take a rest at babantayan kita rito."
Umiling ako. "Tay naman sinong pasyente ang magbabantay sa kapwa niya pasyente?" pagbibiro ko.
"Idi-discharge na ko by tomorrow anak, I was planning to surprise you but I didn't expect na ako pala ang masosorpresa sa malalaman ko."
"Tay enough, kung bukas pala madidischarge ka na then go back to your room at papuntahin mo rito sila Tita. Then tomorrow, ikaw naman ang nandito. Do it for me please?"
Matagal bago umimik si Tatay pero makaraan ay tumayo siya at hinalikan ang noo ko bago nagpaalam.
Napapikit ako nang makaalis si Tatay at hinaplos ang dibdib ko. Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa puso ko. Huminga ako nang malalim at umayos sa pagkakahiga.
Nararamdaman kong kung dati ay may kakayahan ako na hintayin ang pagdating ng bagong puso para sa akin, pakiramdam ko hindi ngayon. Nasa ganoon akong sitwasyon nang bumukas ang pinto. Inihanda ko ang ngiti sa labi ko dahil inaasahan kong sina Rain ang bisita ko pero pagdilat ng mga mata ko hindi sila ang nakita ko.
Kumabog nang malakas ang puso ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa. He's wearing a black shirt with black leather and an earring but I knew better hindi siya si Cane.
"W-What are you doing here, Torn?"
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin at nang tuluyan siyang makalapit ay napatda ako sa ginawa niya. Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko.
"Torn...a-anong ginagawa mo? Tumayo ka nga!" pinilit kong makaupo at hinila siya pero sa hina ng katawan ko malabong magawa ko 'yon.
"I heard from your cousin a-about your condition...s-sorry...Please forgive me, Spring..."
Tumulo ang luha sa mga mata ko nang maramdaman ang luhang pumatak sa kamay ko mula sa kanya.
"Please Torn, tumayo ka na riyan. W-Wala kang kasalanan, wala kayong kasalanan sa nangyayari sa akin ngayon. Nangyari man ang aksidente na 'yon o hindi...I'll still end up with this condition."
Umiling-iling siya. "No! It's my damn fault! Hindi sana nangyari 'to kung hindi dahil sa akin." Humigpit ang kapit niya sa kamay ko.
"Stop blaming yourself kasi maibalik man ang araw na 'yon, pipiliin ko pa ring iligtas ka..."
"B-Bakit?"
Mapait akong ngumiti. "Kasi mahal kita...mahal na mahal."
Tumingala siya at doon ko nakita ang mga mata niyang puno ng sakit at pagsisisi. "Why do you even love someone like me?"
Napailing ako. "Hindi ko nga alam 'eh. Hindi ko talaga alam..."
"A-alam kong nangako akong papakawalan na kita pero patawarin mo ko kung babawiin ko 'yon. I won't go. I won't leave you..."
Umiling ako at pilit inalis ang kamay niya sa akin pero mas humigpit lang iyon. "T-Torn hindi nga puwede kasi--"
"Wala na kong pakialam sa kanila. Ikaw... ikaw lang ang mahalaga sa akin ngayon." Pagputol niya sa sinasabi ko pero umiling lang ako.
"T-Torn hindi na 'to tungkol sa kanila. I don't want you to stay because I know I'm just going to leave you in the end...Ngayon pa lang lumayo ka na kasi ayokong makita mong--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mabilis niya akong hinalikan at mahigpit na niyakap. "You're not going to leave me...never."
"I'm going to die! Gusto mo ba talagang makita nang mismong mga mata mo kung paano ko mawawala? Makakaya mo ba ang sakit,T-Torn?"
"You're not going to die a-and even if that f*cking happens I don't care! So please I'll do anything para lang payagan mong manatili ako sa tabi mo. Mahal mo naman ako hindi ba? Puwede bang 'wag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin? Please let me be with you until the end..."
Namalayan ko na lang na tumatango na ako at ginantihan ang yakap niya sa akin. Nasa ganoon kaming ayos nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang umiiyak na si Rain na napatigil sa pagsasalita nang makitang may kayakap ako.
Mabilis kong naitulak si Torn at napapangiwing binalikan ng tingin sila Rain, Summer at Tita Amethyst.
IT'S been a week since na-confine ako sa hospital. Day by day I can feel myself getting weak. Pero kahit na ganoon, I'm happy. Because of him and my family. Nagkabati na sina Tatay pati na rin sila Lola. Bukod pa roon nagkabalikan na rin sina Trent at Light na siyang labis kong ikinatuwa higit pa roon malapit na akong maging Tita! Ang isang bagay na lang na ikinalulungkot ko minsan ay hindi pa rin ako dinadalaw ni Cane. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong maniwala kay Torn at Light na hindi na galit sa akin si Cane.
Napangiti ako nang makita ang fresh roses sa gilid ng kama ko pagkagising ko. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Torn pero nakakapagtakang kahit isa sa kanila ay wala sa silid ko. Bumangon ako at hinila ang dextrose stand ko. Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pinto ay nakarinig ako ng iyak mula sa labas.
"Hayaan ninyo lang akong makita siya! Wala akong masamang gagawin sa kanya! I just want to see her!"
"Do you even remember her?"
Napahawak ako sa bibig ko nang makita si Nanay sa labas. Inabangan ko ang isasagot niya kay Tatay pero nadurog ang puso ko nang umiling siya. So hindi pa rin niya ako kilala?
"See? Sasaktan mo lang ang anak natin Luna! Alam kong may kasalanan ako sa 'yo pero hindi ko hahayaan na masaktan ang anak natin--"
"Anong karapatan mong sabihin 'yan sa anak ko?! Kasalanan mo kaya hindi naaalala ng anak ko si Spring!" sigaw ni Lolo na nakaalalay kay Nanay na patuloy sa pag-iyak.
"Na hindi ba ginusto naman ninyo?!" Natahimik si Lolo sa sigaw ni Tatay.
"Alam kong hindi siya naalala ng utak ko. Wala kong naaalala sa nakaraan ko pero maniwala ka iyong puso ko iba ang naramdaman nang una ko siyang makita...Marahil nakalimot man iyong utak ko pero 'yung puso ko ramdam kong may kulang at alam kong siya iyon...Kaya nakikiusap ako sa 'yo hayaan mong makita ko siya."
Bago pa magsalita si Tatay ay tuluyan na kong lumabas ng silid. "T-Tay..."
"S-Spring, pumasok ka ng kuwarto hindi ka dapat tumayo baka makasama—"
"Tay, gusto ko po siyang makausap. Can you let her in?"
Matagal akong tinitigan ni Tatay bago siya tumango at niyakap ako. Iginiya niya ako papasok sa kuwarto at sumunod sa kanya si Nanay. Hinalikan ako sa noo ni Tatay bago siya lumabas ng kuwarto.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nakatitig siya sa akin at walang patid ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi niya.
"I-I'm sorry kung n-ngayon lang ako nagpunta..."
Mapait akong ngumiti. "At least nagpunta po kayo...Paano po ninyo nalaman ang tungkol sa akin?"
"Aksidente kong narinig ang pinag-uusapan ni Papa at ng asawa ko na m-may anak pala ako. All these years wala akong kaalam-alam tungkol sa 'yo and as much as I want to see you right away. Pinigilan ko 'yung sarili ko k-kasi gusto ko 'pag pinuntahan kita naaalala na kita bilang anak ko."
Tumulo ang luha ko at napailing. "Pero hindi pa rin po ninyo ko kilala kaya bakit po kayo nandito?"
Alam kong may mali sa pagkakasabi ko nang makita ang sakit sa mga mata niya. Pero kahit na hindi ako nagagalit sa kanya sa pag-iwan sa akin sa Tatay. Hindi ko maiwasang magtampo.
"Ayaw mo na ba kong m-makita pa?"
"Gusto. Gustong-gusto at kahit na noon ko pa nalaman kay Tatay na nawala ang memorya ninyo tungkol sa akin. Umasa ko N-Nay na maaalala pa rin ninyo ko bilang anak ninyo."
"P-patawarin mo ko Spring...Hindi ka man naaalala ng utak ko pero itong puso ko maniwala ka naaalala ka nito." Humagulgol siya at hindi ko na pinigilan ang sarili kong yakapin siya.
Bumalik na siya. Ang taong matagal kong hinintay. Kung hindi niya maalala ang nakaraan. Hindi ba kahit papaano may oras pa kami para bumuo ng panibagong alaala?
"Kung a-alam ko lang na mangyayari 'to sana nakinig na ko kay Papa na puntahan ka kaagad..."
"A-Alam po ninyo ang tungkol sa kondisyon ko?"
Tumango siya at humigpit ang yakap niya sa akin. "A-alam ko pero gagawin ko lahat Spring para sa pagkakataong ito hindi na tayo magkahiwalay pa."
Sa pangalawang pagkakataon nangako siya at umaasa ko na matutupad niya iyon ngayon...
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top