Chapter 95: Bad Boys Tears

CANE'S POV

"Cane, please don't ever think na hindi ka enough para sa akin o para kanino because you are. Ako 'tong may mali. Ako 'tong tanga at masama para saktan ka. You deserve to be loved...You deserve someone and that will never be me. Kasi ang tangi ko lang maidudulot sa isang tao ay purong sakit... Hindi ako deserve para sa pagmamahal mo. So please...find someone else who can make you happy. That will be one of my last wishes before I leave..."

Pumikit ako at hinigpitan ang pagkuyom sa kamao ko sa pagpipigil na hilahin siya pabalik sa akin nang mawala ang yakap niya sa akin. Sa paglingon ko ay malayo na siyang naglalakad. Tunog bakla pero parang may pumipiga sa puso ko habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo sa akin.

You're leaving? Where are you going? With him?

Napasuntok ako sa pader nang maisip iyon. How could you hurt me like this Spring? You said I should never think that I am not enough to be loved but how can I stop thinking that?

I was never enough for Ali...and now, for you...

Just one last look and I'll do my best to forget you.

Sa muli kong pagtingin sa kanya ay tila naestatwa ko sa kinatatayuan ko nang makita ko siyang nakaluhod at wala pang minuto ay tuluyan siyang napahiga sa lapag.

This is not the fucking time to be a fucking statue Cane! Do something!

Malakas ang kabog ng puso na tinungo ko si Spring. Pain is visible in her face. Ang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa dibdib niya. Napakaputla niya at unti-unting nangingitim ang labi niya. Tears streaming down on her face. And I feel so fucking helpless right now.

"S-Spring, what's happening-"

"Shit! Spring!" sigaw mula sa likod ko. Malakas akong natabig palayo kay Spring ng pinsan niyang dumating.

Binuhat niya sa Spring at lakad-takbo na umalis. Tila wala sa sariling hinabol ko sila papunta sa parking lot.

"I'll drive!" pagprisinta ko habang inilalagay niya sI Spring sa backseat. Bago pa siya makatanggi ay nagmamadali kong hinablot ang susi sa kamay niya at dumiretso sa drivers seat. Nanginginig ang mga kamay kong mabilis na pinatakbo ang kotse ni Trent.

"Don't close your eyes Princess, please!"

Humigpit ang kapit ko sa manibela at mas lalong binilisan ang patakbo sa kotse. Pinigilan kong lingunin sila o tingnan mula sa rearview mirror sa takot na mawala ang atensyon ko sa pagmamaneho. Minutes passed before we arrived to the hospital. I was shaking as I parked the car. Hindi pa ko tuluyang nakakalabas ay mabilis nang nakaalis si Trent karga si Spring.

Tumakbo ko at hinabol sila. Inilagay sa stretcher si Spring at mabibilis ang mga hakbang nilang ipinasok siya sa loob ng hospital.

I was about to go inside when a guard stopped me.

"Boss, san po kayo?"

Pinigilan ko ang sarili kong saktan ang humarang sa akin.

"Kasama nila ko!" sigaw ko sabay turo kay Trent.

Tumango ang guard at hinayaan akong pumasok.

"What happened Trent?!" saad ng nagmamadaling doktor na lumapit sa amin.

"I-I don't know Uncle...She-She was fine. Sabi niya ayos lang siya..." Napahilamos si Trent sa mukha niya habang sinasabi 'yon sa doktor na inaasikaso si Spring.

Spring lost her consciousness. Pakiramdam ko bumalik ang araw na nabaril siya. Hindi mawala ang malakas na tibok ng puso ko sa takot sa mangyayari sa kanya.

"She'll be okay right?" tanong ni Trent pero hindi sumagot ang doktor.

"Doc, no pulse!" sigaw ng nurse na nagpalamig sa akin.

It's as if my world stopped when I saw the straight line coming from the machine. Flatline.

What does that mean?

"Before I leave..."

Ito ba ang ibig mong sabihin?

Don't go! Don't fucking go!

"No! Princess wake up!"

Pumikit ako kasabay nang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Tumalikod ako at nilisan ang emergency room. I can't take it. Seeing her like that. Hindi siya puwedeng umalis. Hindi niya puwedeng iwanan kami.

Hindi ko kayang mawala sa pangalawang pagkakataon ang babaeng mahal ko.

But what can I do?

And for the longest time...ngayon ko lang ulit naisipang pumunta sa Kanya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaluhod sa chapel. Crying and begging like a child to Him. Begging not to take her away from us.

Tumayo ako nang sa tingin ko kaya ko nang bumalik sa loob. Huling sulyap sa Kanya pumikit ako at muling nakiusap. "Please...let her stay."

PUMIKIT ako bago hinawi ang kurtina at pakiramdam ko huminto ang tibok ng puso ko nang makitang bakante ang kama. Wala si Spring pati na rin ang pinsan niya.

"Sir?" may pagtatakang tanong sa akin ng Nurse na dumaan.

"I-Iyong babae kanina rito? Where is she?"

Kumunot ang noo ng nurse at tiningnan ang tinuturo kong puwesto.

"Kaanu-ano po kayo ng pasyente?"

"I-I'm his...friend."

Saglit na nag-isip ang Nurse bago sinulyapan ang hawak-hawak niya na mga papel.

"Na-transfer na po siya Sir sa room 405..."

Nang marinig 'yon ay nagmamadali akong tumakbo paalis. She survived. Hindi siya umalis. Hingal na hingal ako nang makarating sa kinaroroonan niya. Ni hindi ko na naisipan pang mag-elevator. I just want to see her. To make sure that she's fine.

Pipihitin ko na sana ang kuwarto nang mapahinto ako sa boses na nanggagaling sa loob.

"What do you mean Uncle?! Ang sabi mo ang problema lang ay ang valves sa puso niya dahil sa aksidente n kinasangkutan niya! She just need another operation to fix that! Hindi na kaya ng mga gamot dahil lumala na ang infection but the operation--"

"Hindi na natin puwedeng isagawa ang operasyon Trent! It's not only about her endocarditis! It's her heart itself! You do know that there's a possibility na puwedeng magkaroon ng problema ang puso niya..."

"It's been ten years Uncle! She survived those years why now?!"

"Trent kailangan mo tong sabihin kina Autumn. We can't operate her with her condition until..."

"Until what?"

"Until we find another heart for her again. It's her only way to survive. But...unlike before we can't wait for that long because of her endocarditis."

"How many months?"

"Two months..."

Nanghina ako sa mga narinig ko at wala sa sariling napaupo.

Why her? Bakit hindi na lang ang isang katulad ko?

"A-Ano pang ginagawa mo rito?" masama ang tingin na saad sa akin ni Trent na hindi ko namalayang nakalabas na pala.

"I-I just want to see her..."

"What for?! Para saktan lang siya? Damn you and your twin for ruining my cousins life! Narinig mo ba ang sinabi ng doktor?"

Hindi ako nakasagot at iniwas ang tingin kay Trent.

"You heard it..." pagkumpirma niya sa naging reaksyon ko. "She's suffering now so please stay away from her."

"Just please let me see her..."

Umiling siya at tinalikuran ako. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nasa labas ng kuwarto ni Spring. Wala sa sariling sinagot ko ang tawag sa cellphone ko nang walang tigil iyon sa pagtunog.

"Where are you?!"

"What do you need Light?"

"What do I need? Nakalimutan mo na ba? Birthday ninyo at engagement party ngayon ni Torn! Ilang oras na lang magsisimula na 'to and you need to be here!"

"Alright then...can you please pick me up here at the hospital?"

"Hospital?! Anong ginagawa mo riyan?!"

"Please Ate I need you..."

Binaba ko na ang tawag at muling sinulyapan ang pinto. I'm desperate to see her. Sana lang matulungan ako ni Light.

Humahangos na dumating ang nakaposturyosa kong kapatid.

"What happened?! Are you okay?" inalog-alog niya ang balikat ko pero umiling ako at mabilis siyang niyakap.

"I just want to see her. Kahit saglit lang pero ayaw akong payagan ng pinsan niya. Help me Light! Please!"

"Hindi kita maintindihan ano bang--"

Hindi natapos ni Light ang sasabihin niya nang bumukas ang pinto at iniluwa non si Trent. Kumunot ang noo niya nang makita kami.

"Ano pang ginagawa mo rito?"

"Trent...anong g-ginagawa mo rito?"

"Ako ang dapat magtanong niyan? Anong ginagawa mo rito? Umalis na kayo..."

Mabilis na hinawi ni Light si Trent na nakaharang sa pinto at narinig ko ang pagsinghap ng kapatid ko.

"Spring? What is she doing here?"

"Just go Light... Hindi namin kayo kailangan dito."

"Aalis kami pero hayaan mong makita ng kapatid ko si Spring habang mag-uusap tayo."

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Wala na tayong dapat pang pag-usapan Light. Tapos na ang lahat sa atin."

"Meron!" Kumunot ang noo ko sa sigaw ni Light. Saglit siyang sumulyap sa akin bago binalik ang tingin kay Trent. "Buntis ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Light. Is she serious?!

"A-At anong kinalaman sa akin niyan?"

"Natural! Ikaw ang ama!" matapos sabihin 'yon ay sinampal niya si Trent at malakas na hinila palayo. Sumulyap siya sa akin at isinenyas na pumasok na ko sa loob.

Gusto ko mang kumpirmahin sa kapatid ko kung totoo ang sinabi niya ay mas nanaig sa akin ang kagustuhan na makita si Spring. Isinara ko ang pinto at dumiretso sa kinaroroonan niya.

Namumutla pa rin siya at wala pa ring malay. Kumunot ang noo niya at umungol na tila nahihirapan. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang hinaplos ang buhok niya umaasang mabawasan non ang sakit na nararamdaman niya.

"T-Torn..." napatigil ako sa paghaplos sa buhok niya nang marinig ang salitang namutawi mula sa kanya.

Tila may tumusok sa puso ko nang makailang ulit niyang banggitin 'yon. Ako ang nandito pero iba ang hinahanap niya. Hanggang sa pagtulog si Torn pa rin. Umangat ang kamay ko at pinunasan ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.

"Do you love him that much? Do you need him? Kasi kung siya lang ang tanging paraan para naisin mo pang lumaban...then sisiguraduhin kong mananatili siya sa tabi mo..." Tumayo ako at hinalikan ang noo niya kasabay nang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.

"WHERE have you been Hurricane?! At nasaan na ang ate mo?" pambungad ng ina niyang nakaayos na katabi ang ama niyang kasabay rin palang umuwi ni Light mula ibang bansa.

"Ma, nasaan si Torn?" balik-tanong ko na ikinasimangot ng ina ko.

"Tinatanong kita tapos tatanungin mo rin ako--"

"Please Ma! Not now!" sigaw ko at bago pa ko makaiwas ay nakatanggap na ko ng sapak mula sa brutal kong ina.

"At talagang sinisigawan mo pa ko ah!"

"Enough Hon," paglapit ng ama ko sa amin. "He's in his room. Pumanik ka na at magbihis..."

"Thanks Dad!"

"We're going to talk later young man..." napalunok ako nang makita ang seryoso niyang mga mata.

Tumango ako at nagmamadaling pumanik sa taas. Di pa ko tuluyang nakakapanik nang may matandang humarang sa akin.

"Miss me, young man?"

"Welcome back, old man!" tapik ko sa balikat ng Lolo ko at nilagpasan siya.

Dumiretso ko sa kuwarto ko at kumuha ng mga damit ko makaraan ay nagtungo ako sa kuwarto ni Torn. Naabutan ko siyang nasa veranda ng kuwarto niya umiinom habang nakatitig sa cellphone niya.

"What are you doing here?" walang lingon niyang saad nang maramdaman ang presensya ko.

"Wear this!" binato ko sa paanan niya ang mga damit ko.

Humarap siya at kunot-noong binalingan ang mga hinagis ko. "What--"

"Fucking go! She needs you!"

"W-What do you mean? Who--"

"Spring...she's sick...Room 405 St. Bernard Hospital..."

"S-Sick?"

"Just go there. Ako nang bahala rito..."

Nagmamadali niyang dinampot ang mga damit ko at nilagpasan ako.

"Wait!" Hinubad ko ang hikaw ko at inabot sa kanya. "Wear this...you know what to do next right?"

Nagtagal ang tingin niya sa akin at bago pa ko makaiwas ay nayakap na ko ng kakambal ko.

"Thanks man...and I'm sorry."

Umismid ako. "You're still not forgiven..."

Nanghihina akong napaupo nang tuluyang makaalis ang kakambal ko. Nagtungo ako sa banyo at kinuha ang isa pang suit niya. Tonight, I'm not Hurricane. I will be Tornado.

Napatigil ako sa paghubad ng jacket ko nang may makapa sa bulsa non. Pagkuha ko ay isa iyong maliit na kahon. It's an earring. At hindi ko na kailangang hulaan pa kung sino ang naglagay non doon. Inside the box is a small paper wishing me a happy birthday.

Parang flashback na bumalik lahat sa akin ang lahat nang nangyari simula nang makilala ko si Spring. Namalayan ko na lang na walang pagtigil ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi ko.

Cursing myself for every bad words that I've said to her just because she can't love me...hating myself for hurting that woman in the past years...

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top