Chapter 93 One Day of Happiness (Last part)

SPRING'S POV

"And now for our last part of this contest, let me represent you our leading team for their dance performance."

Tiningnan ko si Torn nang hawakan niya ang kanang kamay ko. He smiled at me as if telling me that everything will be fine. That we can do this.

I closed my eyes.

If this will be the last time that I'm going to dance...I'm glad that I'm going to do it with him...So heart, be still. Please...

(Play video-You are the reason (Calum Scott)

There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back now
There goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless now...

Tumahimik ang paligid nang magsimula ang tugtog na napili ni Torn. Pinagmasdan niya ako at kusang umangat ang mga kamay ko papunta sa balikat niya habang siya ay bumaba ang dalawang kamay papunta sa bewang ko. Slowly we started to dance while looking at each other faces.

I can still remember the day I've met him. Nandoon ang takot at kaba sa akin nang unag magtagpo ang tingin namin. As I remember that fateful day, bumalik sa isip ko ang nakita ko sa mga mata niya ng araw na 'yon.

Regret.

Pain.

For Storm.

For the woman he loved.

And I never thought that I will be able to see that face again.

"If we do love each other, why can't we be together?"

Paano kung hindi kami nagtagpo sa ganoong paraan? Paano kung hindi komplikado ang lahat? Magiging katulad din ba kami nang iba? Makakaya kaya naming mapakita na mahal namin ang isa't-isa?

I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason

Pinaikot niya ako at halos manginig ang kamay ko nang yakapin niya ako. Napapikit ako at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay tumulo na ang luha mula sa mga mata ko.

There goes my hand shaking
And you are the reason
My heart keeps bleeding
I need you now
If I could turn back the clock
I'd make sure the light defeated the dark
I'd spend every hour, of every day
Keeping you safe

We never practice dancing together but it's as if our hearts know how to do it.

We're dancing with our hearts and I will never forget this day. My One Day of Happiness.

And I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason, oh

"You are the reason, Spring... and you'll always be..."

He whispered as we finished dancing. Yumuko siya sa balikat ko at mahigpit akong niyakap. Maingay ang paligid sa sigawan pero ang tanging naririnig ng tenga ko ay ang tibok ng puso ko...sa huli ay naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko.

"ATE Spring, salamat po talaga...Sobrang saya ko po..." puno ng saya ang mga mata ni Jea habang mahigpit na yakap ang teddy bear na napanalunan namin ni Torn kanina.

"Mas masaya ko na napasaya namin kayo..."

"Aalis na po ba kayo?" unti-unting pumikit ang mga mata ni Jea.

"Hmmm..."

"Puwede po bang dito na lang kayo ni Kuya Torn?"

Hindi na ako sumagot nang tuluyan nang nakatulog si Jea. Malungkot akong ngumiti habang pinagmamasdan siya.

Kung sana puwede Jea..pero hindi, we need to go back to our reality...

Hinalikan ko sa noo ang bata bago tuluyang nilisan ang silid na kinaroroonan niya. Napahinto ako sa pagbaba sa eksenang bumungad sa akin.

Si Janjan na yakap si Torn. Napangiti ako at sumandal sa hamba ng hagdan. Ilang saglit pa ay humiwalay si Janjan kay Torn at nagtatakbong nagtungo papunta sa kinaroroonan ko. Saglit siyang nagulat nang nakita ako pero mabilis siyang yumakap sa akin.

"Thank you po Ate Spring..." halos pabulong niyang saad. Niyakap ko siya pabalik at hinaplos ang buhok niya. Hindi nagtagal ay patakbo siyang pumanhik pataas. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng kanyang buong mukha.

Nang maiwan kaming dalawa ni Torn ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Napasulyap ako sa orasan at napayuko nang makitang dalawampung minuto na lang ang natitira.

"Are we going home, now?" pagbasag ni Torn sa katahimikan.

Umiling ako at hindi nagsalita. Naglakad ako palabas at naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang lamig. Ilang buwan na lang ang natitira at matatapos na ang taon na ito.

Naupo ako sa swing na madalas naming puntahan noong bata pa ako. Nilingon ko si Torn at tinapik ang tabi ko para ayain siyang maupo sa tabi ko.

"Wear this..."

Ngumiti ako at umiling sa inaabot niyang jacket. "I'm fine..."

"You don't look fine with me. I think you should get some sleep before we--"

"Torn, are you afraid of the dark?" pagputol ko sa sinasabi niya at tiningala ang langit.

Ilang segundo ang lumipas na tiningnan niya pero hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay umikot siya papunta sa likuran ko at ipinatong ang jacket niya sa balikat ko. Imbes na alisin iyon ay hinapit ko iyon sa katawan ko at dahil nandoon ang kamay niya ay nahawakan ko iyon pero hindi ko tinanggal ang pagkakapatong doon sa halip ay mas lalong humigpit ang kapit ko roon. Hindi pa ko nakuntento ay sumandal ako sa kanya.

"I was afraid of the dark before Torn but then I realized that without the dark I won't be able to see the stars..."

I was afraid of you before...but now I'm afraid of losing you...

"You love the stars?"

Tumango ako at ngumiti. "I love it and I wish that if I die, I will be like a star..."

"Tss. Don't talk like that..."

"Like what?"

"Like you are going to die! Let's stop this conversation. It's midnight, we should go...matulog ka na lang sa biyahe..."

Umalis ako sa pagkakasandal kay Torn at tumayo. Sinilip ko ang cellphone ko at napapikit nang makitang limang minuto na lang ang natitira.

"What are you doing?"

Nasa mukha niya ang pagtatanong nang maglakad ako paatras.

"You need to go back Torn...I won't be going back with you.."

"Ano bang sinasabi mo?! Sabay tayong nagpunta rito kaya sabay rin tayong aalis!" Umikot siya at naglakad papalapit sa akin pero nagpatuloy ako sa pag-atras.

"Stop! Please stop..."

"Spring...what is the meaning of this?"

Lumunok ako at sinabi ang bagay na dudurog sa puso. "Let's not see each other again, Torn. I--"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay mabilis siyang nakalapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

"No! Please no Spring! Manatili na lang tayong ganito!"

"Alam mong hindi puwede..." pagpupumiglas ko pero ilang saglit pa ay walang lakas kong naibagsak ang mga kamay ko at kinuyom iyon sa pagpipigil na yakapin siya pabalik.

"Bakit hindi puwede?! PutangIn@ mahal kita at nararamdaman kong mahal mo rin ako pero bakit?! Bakit hindi puwede?! Maging makasarili na lang tayo katulad nang iba!"

"Hindi mo naiintindihan Torn!" pag-iyak ko.

"Hindi mo rin ako naiintindihan. Bakit ang dali para sa'yong bitawan ako? Bakit kahit anong higpit ang kapit ko sa'yo, hindi mo magawang manatili sa tabi ko? Dahil ba sa kanya? Mahal mo ba siya?" humina ang boses niya sa huling sinabi.

Lumuwag ang kapit niya sa akin at iyon ang naging dahilan para makakawala ako sa kanya.

"Hindi...m-may iba kong mahal."

Nagdilim ang mukha niya sa sinabi ko. "Sino?!"

"Iyong taong hindi ko inaasahang mamahalin ko. Iyong taong kinatakutan ko. Iyong taong inakala kong masama kasi lagi niya akong sinasaktan. Iyong taong nangakong sisirain ako. Iyong taong kahit anong pilit kong alisin sa isip ko...hindi ko magawa--"

"Bakit mo ginagawa sa akin 'to?!"

"--Iyong taong nakatayo ngayon sa harap ko! Ikaw 'yon! Mahal kita...pero hindi talaga puwede."

"Kailan pa magiging puwede ang lahat Spring?"

Malabong dumating ang araw na puwede na...

"You told me before right? That you're going to do anything for me...Do me a favor then...stay away from me..."

"How could you do this to me? Telling me that you love me and then asking me to stay away from you? Are you playing with me?"

Hindi ako nagsalita at napapikit nang tumunog ang cellphone ko. Senyales na tapos na ang araw na ito.

Tumalikod ako at hindi na siya sinagot pa.

"Isa pang hakbang Spring...at tuluyan ko nang gagawin ang gusto mo."

Tila napako ako sa kinatatayuan ko sa narinig ko.

"Isa pang hakbang palayo sa akin at hindi ko na tatangkain pang hilahin ka pabalik..."

Pumikit ako at humakbang. Kasabay nito ang paninikip ng dibdib ko. Napaigik ako at napahawak roon pero pinilit kong maglakad pa rin. Muling napahinto nang marinig ang sunod niyang sinabi.

"I'm now letting you go Spring...b-be happy...thank you for this day. This 'best' birthday gift to me..."

Lumingon ako at sa paglingon ko ay napaluhod ako nang makitang naglalakad na siya paalis. Napakapit ako sa dibdib ko at kinuyumos ang damit ko, umaasang mawala ang sakit doon. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko at pinakawalan ang mga hikbing kanina pa gustong kumawala sa akin.

"Happy birthday Torn... And I'm sorry... For loving you and for loving someone like me..."

TBC





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top