Chapter 93: One Day Happiness (Part Two)

TORN's POV

"STOP the car..." saad ni Spring ilang minuto matapos naming bumiyahe paalis sa kinainan namin.

"Why?" mahina ang boses kong saad.

Nagbago na ba ang isip niya?

"May bibilhin lang ako,"

"Anong bibilhin mo? Just tell me—"

"Huwag nang makulit, pakitabi na lang diyan sa drugstore." Pagturo niya sa madadaanan naming drugstore.

"Are you still feeling sick? Mahaba ang biyahe pa-bulacan, why don't you just take a rest?" saad ko bago siya bumaba ng kotse.

She looked at me then she smiled. "I'm fine...but if you're busy you can just—"

"Bilhin mo na kung anong bibilhin mo at baka hapunin na tayo sa daan." Pagputol ko sa sasabihin niya. Muli siyang ngumiti at tumawa.

Her smile.

Her laugh.

Her eyes.

It's different today.

It's painful to look at.

It's not her usual smile and laugh. Pakiramdam ko pinapakita niya lang ayos siya. Pinapakita niyang hindi siya apektado sa nangyayari sa amin pero alam kong nahihirapan na siya at kasalanan ko 'yon.

Napangiwi ako at napasandal sa kinauupuan nang maramdaman ang pananakit ng tiyan ko. I don't want that breakfast to end kaya para akong hindi pinakain ng ilang linggo at patuloy akong umorder. Kahapon nang malaman kong hindi siya pumasok sa HU at wala rin siya sa bahay nila, pakiramdam ko mababaliw ako kakahanap sa kanya.

Hindi ko magawang lumapit sa kanya pero sapat na para sa akin ang makita siya. Kaya nang mawala siya sa paningin ko hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. I don't know what's gotten into me at naisipan kong hanapin siya sa mga hospital na malapit sa bahay nila. I can't say that I felt relief when I found her. It's the other way around. Natakot ako. Katulad ng takot na naramdaman ko noong nabaril siya ilang buwan na ang nakakalipas.

How could I fall for her?

I actually don't know how.

I didn't even expect that I will love again.

More like, I didn't expect that I'll fall for her harder than Storm.

I want her to be with me.

Pero ayoko nang mahirapan pa siya. This will be our last time.

But if she said that she also wants to be with me. Then no one can stop me and I'll make sure that we'll be together until the end.

Umiling ako at mapait na napangiti habang naiisip na imposibleng mangyari iyon.

Because Spring Cruz is the most selfless person that I have ever met in my life. Hindi ako kailanman ang pipiliin niya.

Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto ng kotse ko. Umayos ako ng upo at tiningnan ang inaabot niya sa aking botelya.

"Drink that." utos niya at nang makitang wala akong balak tanggapin ang inaabot niya ay inabot niya ang kamay ko at inilagay roon ang botelya na hawak niya.

Napangiwi ako nang makitang gamot iyon. Damn. I hate medicines. Especially if it's a liquid.

"I'm fine. Hindi ko kailangan--"

"Drink that o ihatid mo na lang ako sa bahay namin. You will not drive in that state Helios." matapang ang boses niyang saad.

Amusely, I looked at her. Nakataas ang kilay niya at nasa mata ang determinasyon na mapainom sa akin ang binili niya.

"Mapait 'to, I-I never drink this kind of thing!" pagtanggi ko pa rin.

Tumawa siya. "Alak nga na pagkapait-pait iniinom mo eh. Tapos sa gamot lang nagkakaganyan ka na?"

Huminga ako nang malalim knowing that I'll never win this conversation.

Napangiwi ako nang mabuksan ko ang gamot at maamoy ang pait nito. Pikif-mata kong tinungga iyon at pinigilan kong masuka nang maubos ko iyon.

Mabilis kong kinuha ang tubig at inisang lagok. Makaraan ay kinuha ko ang lollipop na palaging hindi nawawala sa kotse ko.

"Tss. Parehas na parehas kayo ng kakambal mo..."

Napatigil ako sa pagsubo sa lollipop nang marinig ang sinabi niya. Nakita kong natigilan siya habang hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot na dumaan sa mga mata niya.

Don't think of him when you are with me baby, please...

Gusto ko mang sabihin ay nanahimik na lang ako at nag-umpisang magmaneho muli.

"You should sleep," utos ko nang makita ang paghikab niya makalipas ang ilang minuto kong pagmamaneho.

Tumango lang siya at mayamaya lang ay tuluyan nang lumalim ang paghinga niya. Nang magred light ay iniayos ko ang recliner ng upuan niya. Hinubad ko ang suot kong jacket at ipinatong sa kanya.

I smiled while looking at her. I won't get tired staring at her. I can even last a day without doing anything but to stare at her. If only that is possible.

Kumunot ang noo niya na tila nanaginip nang hindi maganda. Umangat ang palad ko at marahang hinimas ang pisngi niya. Then I felt it again, the fast beating of my heart.

Kung hindi pa bumusina ang kotse na nasa likod namin ay baka nanatili pa rin ang titig ko sa kanya.

Tumunog ang cellphone at mabilis ko iyong sinagot bago pa magising ang katabi ko.

"T-Torn, where are you? I'm here at the boutique with your Mom, we're going--"

"That's none of my business, bitch."

"W-what did you say?"

Tumiim ang labi ko. "Tigilan mo na ako! I won't marry a two-faced bitch like you!" pigil ang pagsigaw kong saad.

"I can't understand you! Bakit ka galit sa akin?! We were okay--"

"Shut up! Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nagpakalat ng video na 'yon? You fückïng traitor! She treats you like a sister. I became nice to you dahil iyon ang utos niya and yet you have the guts to ruin her? Remember this words Savannah, I won't marry you. Never!"

Paghikbi ang sunod kong narinig sa kabilang linya. Ibaba ko na sana cellphone ko nang ang sunod kong narinig ay pagtawa.

"You think that by not marrying me, you can be with her? You can't Tornado. You just can't because you're mine!"

Napanganga ako nang matinis na pagtawa ang narinig ko sa kabilang linya.

Sa inis ko ay pinatay ko ang cellphone ko.

What the hell. Baliw ba ang babaeng 'yon?

SPRING's POV

Narinig ko ang lahat. Pero nagpanggap akong tulog pa rin. Habang nakapikit ako ay naalala ko ang unang araw na nakilala ko si Savannah.

She's like a sunshine.

Her smile captivated me. Ni hindi ko magawang tumanggi sa hinihiling niya. Para siyang bata sa ayos at galaw niya kaya natutuwa ako sa kanya.

Nakikita ko sa kanya ang kapatid kong si Rain. Nabawasan ang pangungulila ko kay Rain nang makilala ko si Vannie.

But then what happened to her?

Why did she turn into someone I didn't expect nor imagine?

Humilig ako pagilid para hindi makita ni Torn ang dumaloy na luha mula sa mga mata ko.

Kumuyom ang kamao ko sa emosyon na bumabalot sa akin.

Hindi ako santa para sabihin kong nauunawaan ko si Vannie at hindi ako galit sa ginawa niya.

Alam kong kasalanan ko nang hindi ko magawang pigilan ang nararamdaman ko kay Torn kahit na pagmamay-ari na siya ni Vannie. Pero sapat na ba 'yon para sirain niya ako?

Hindi pa ba sapat na ang taong matagal kong hinintay ay ang siyang taong kinikilala niyang ina?

Why are You so unfair to me?

Kinalma ko ang sarili ko nang maramdaman ang kirot sa puso ko.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko.

Forget everything Spring...even for just a day. Don't think of them...

Huminga ako nang malalim at pinilit muling makatulog.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Nagising na lang ako na mag-isa na ako sa loob ng kotse. Sinilip ko kung nasaan na kami at napangiti ako nang makitang nakarating na pala kami sa lugar na matagal ko nang plinanong puntahan.

The place still the same.

Lumabas ako at ilang dipa ang layo ay nakita ko si Torn na nagmamasid sa paligid. Mabilis siyang lumapit sa akin nang makita ako.

"Gising ka na pala..."

"Ginising mo sana ako..." nangingiti kong saad habang binabasa ang malaking karatula sa labas.

House of Angels.

"So this is an orphanage, I guess?" saad niya nang simulan kong maglakad papasok.

Tumango ako. "Dito ko pinanganak..."

Napahinto siya sa paglalakad at tiningnan ako.

"It's been years since I last visited this place."

"You were born in this place?"

Ngumiti ako at sinimulang magkuwento habang nilalakad namin ang pathway papasok sa ampunan. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang hardin na namumukadkad ang mga bulaklak.

"Tinakwil ng Lolo ko ang Nanay ko right after she got pregnant with me. Dito niya ako ipinanganak sa tulong nila Mother Superiora. Tahimik ang buhay namin dito. Masaya pero..." mapait akong napangiti at huminto sa paglalakad para pagmasdan ang duyan sa ilalim ng puno ng mangga. "...nagkasakit ako kaya mas pinili ni Nanay na lumuwas kami papuntang Maynila. Siguro kung hindi ako nagkasakit, dito ko sa lugar na ito mananatili...malayo sa gulo--"

Enough Spring.

There's no use crying for a spilled milk.

Tumikhim ako at hindi na tinapos ang sasabihin. Nanatiling tahimik si Torn at nanatiling nakatitig lang sa akin.

"S-Spring?"

Lumingon ako at nakita si Sister Anne na bakas ang tuwa sa mukha habang sinisipat ako. Hinubad niya pa ang suot na salamin at muling isinuot na tila naninigurado na hindi siya dinadaya ng paningin niya.

"Sister Anne!" Hindi ko na hinintay na makalapit siya sa akin at mabilis ang hakbang kong tumungo sa kanya.

Mahigpit ko siyang niyakap na ilang saglit bago niya ginantihan tila hindi pa rin makapaniwala na nandito ako sa harap niya.

"Aba'y ikaw nga Spring, kumusta ka na hija? Napakatagal na ng huli mong dalaw rito. Akala ko'y nakalimutan mo na kami." saad niya matapos naming magbitaw.

Nahihiyang ngumiti ako, "Pasensya na po--"

"Boyfriend mo?" Napahinto ako sa pagsasalita nang mapansin ni Sister Anne si Torn na nakalapit na pala sa amin.

Namula ako sa tanong niya at mabilis na umiling.

"A-Ay hindi po Sister, siya si Torn--"

"I'm Torn Sister, I'm her friend."

Ngumisi si Sister at pinagpalit ang tingin sa aming dalawa.

"Hmmmm, friend huh?"

Napailing ako sa nang-aasar na tugon ni Sister.

"KAIBIGAN lang ba talaga?"

Naalis ang tingin ko kay Torn na nakikipaglaro ng soccer sa mga bata nang marinig ang boses mula sa tabi ko na nasundan ng mga hagikhik.

It's already past two. Ilang oras na lang matatapos na ang araw na 'to.

Namumulang binalingan ko si Mother Superiora na nanunuksong nakatingin sa akin. Katabi niya naman sina Sister Anne at Sister Therese.

"Mother naman...K-Kaibigan ko lang po siya."

Binalik ko ang tingin kay Torn na patuloy sa pakikipaglaro sa mga bata. He looks so carefree playing with them. He's smiling and laughing and I so want to stop the clock para hindi na matapos 'to.

"M-Mother, pagkatapos ng araw na 'to pati pagiging magkaibigan hindi na puwede." nanginig ang boses ko nang maramdaman ang pag-akbay sa akin ni Mother at paglapit nila Sister sa tabi ko.

"May problema ba Spring?"

Sinabi kong gusto kong kalimutan lahat ngayong araw na 'to. Pero hindi pala ganoon kadali.

"Why is He so unfair to me, Mother? Hindi niya na ba ako hahayaang sumaya?"

Hindi nagsalita sila Mother at mahigpit lang akong niyakap. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa posisyon na iyon. Hindi sila nagsasalitang tatlo pero sapat na ang mga yakap nila para gumaan ang loob ko. Naghiwalay lang kami nang pumailanlang ang iyak ng isang bata.

"Jacob!" bulalas ni Sister Therese kaya nagmamadali kaming lumapit sa kanila.

Kinarga ni Torn ang limang taong gulang na si Jacob na patuloy sa pag-iyak. Mukhang nadapa ito base sa tuhod nitong may sugat. Malambot ang ekpresyon ni Torn na may binulong sa bata. Ilang saglit lamang ay humina na ang iyak ng bata.

Nang tuluyang kumalma ay ipinasa ni Torn si Jacob kay Sister Therese.

"Spring, magpapadala ako ng meryenda, kumain muna kayo at oras na ng tulog ng mga bata." pagpapaalam ni Mother at sabay-sabay silang umalis.

Bumaling ako kay Torn na pawis na pawis at hinihingal pa. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inabot sa kanya.

"Magpunas ka ng pawis mo, baka magkasakit ka pa..."

"Can you wipe it for me?" nanunudyong tugon niya sa akin habang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

I will miss this version of him.

Mas lalo akong lumapit sa kanya at unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya nang umangat ang kamay ko at dahan-dahang punasan ang pawis niya sa noo. Napahinto ako sa ginagawa nang hawakan niya ang kamay ko at doon napunta ang tingin ko.

"You're scaring me..."

Tumingala ako at bumilis ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa. I can clearly see my reflection in his eyes.

"Why?" bulong ko at iaalis na sana ang kamay ko nang pigilan niya iyon.

"You're doing things that I didn't expect that you will do..."

"And what's scary about that?"

"I actually don't know...the way you're acting scares me but I don't want you to stop being this close to me. I want us to stay like this until the end..."

Malungkot akong ngumiti at umiling sa sinabi niya. "We can't..."

Pumikit siya nang mariin at humigpit ang kapit sa kamay ko.

"Because of him?"

"Because of everything..."

Binitawan niya ang kamay ko at lumayo sa akin.

"I'm just going to change my shirt...wait for me here."

Napabuntong-hininga ako at pinagmasdan na lang ang papalayong pigura niya.

Lumipas ang halos kalahating minuto at dumating na rin ang meryenda na pinahanda nila Sister pero hindi pa rin bumabalik si Torn. Kaya nagpasya akong hanapin siya. Natagpuan ko siya sa ilalim ng malaking puno at naninigarilyo.

I never like someone who smokes. Hindi ba nila alam kung ano ang masamang epekto nang paninigarilyo?

Pero alam kong alam nila sadya nga lang katulad nang sabi-sabi masarap ang bawal. At may mga bagay na alam man nating makakasama sa atin, ginagawa pa rin natin.

Nang akmang ilalagay niya sa bibig niya ang sigarilyo ay mabilis akong nakalapit at inagaw sa kanya 'yon.

"What the f*ck?!" sigaw niya at sinamaan ako ng tingin.

Kung siguro noon, napaatras ako sa takot pero ngayon ay napayuko lang ako at ngumisi.

"Galit ka?" mababa ang boses kong tanong.

Mabilis naglaho ang iritasyon sa mukha niya at umiling sa akin.

"I'm not. Just throw away that cigarette, it's not good for you..."

"If it's not good for me, then it's also not good for you..."

Itinapon ko ang sigarilyo at inapakan.

"You should stop smoking..."

"I'm trying but I just can't stop..."

Hindi ko maiwasang mailang nang sabihin niya iyon habang matamang nakatingin sa akin.

Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Bakit kung ano pa iyong masama para sa atin iyon pa ang hindi natin mapigilan gawin?" pagpapatuloy niya habang ako ay nanatili ang tingin sa sigarilyong itinapon ko.

"Just like that cigarette you're not good for me Spring. You're ruining my system, you know what I want to do right now? It is to fucking run away with you. To never let you go..."

Why are we back again with this subject all because of a cigarette?

TBC

Let's make a game! 200 comments maguupdate ako ulit 😂 Charot lang. Pasensya na sa matagal na paghihintay, busy lang po ako sa work. Ang umaga ko ay gabi at ang gabi ay umaga para sa akin 😴

Last part of Chapter 93 and then 2 chapters to go and we're done! 🎉

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top