Chapter 92:Why can't we be together?

I don't know kung anong problema ni Watty. Kanina pa tong update pero hindi siya naga-appear kahit napublish ko na. Kindly comment kung nadoble ang UD para maidelete ko ang isa.

SPRING's POV

"Ate!" isang sigaw mula sa labas ng kuwarto ko ang gumising sa akin.

Kumikirot ang mga mata ko nang dumilat ako. Kasabay nang pagkusot ko sa mga mata ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko.

"Good morning Ate!" nakangiting si Rain ang nasulyapan ko pero mabilis naglaho ang ngiting iyon at nabalot ng pag-aalala ang kanyang mukha.

"Ate! What happened with your eyes?! Umiyak ka ba? Sinong nagpaiyak sa 'yo?" sunud-sunod niyang tanong na mabilis na nakalapit sa akin.

Umiling ako at pilit na ngumiti. "I did not cry. Napuyat lang ako sa thesis namin..." pagsisinungaling ko.

"You're not a good liar...what really happened ba kasi? May problema ka ba?--"

"Rain! Nasa baba si Clarence. Mahuhuli na raw kayo sa school." pagputol ni Summer sa sinasabi ni Rain.

Sumimangot si Rain, "Tell that faggot na ayokong sumabay sa kanya hangga't hindi niya natututunan na iwanan ang pusa niya sa bahay nila!"

"Ano ko? Utusan mo? Ikaw ang magsabi!" mataray na tugon ni Summer.

Nagdadabog na tumayo si Rain. "Wait for me here Ate ah!"

"Who's Clarence?" tanong ko kay Summer nang makaalis si Rain.

"Her new friend, isang Monteciara."

Tumango-tango ako. "Wala kang pasok?" tanong ko nang dumiretso siya sa paanan ng kama ko at naupo.

"Later pa...ikaw, papasok ka ba na mukhang panda?"

Umiling-iling ako sa pagtataray ni Summer. Kung itatanong kung kumusta na ang relasyon naming dalawa. Masasabi kong okay na kami. Mahilig pa rin siyang magtaray pero alam ko naman na nasa ugali niya na 'yon. Hindi siya si Summer kung hindi siya ang mataray at maldita kong kapatid.

Tumikhim siya at tumingin sa akin. Tila may gustong sabihin at mailap ang mga mata na inilibot ang tingin sa loob ng kuwarto ko.

"You know I-I actually saw the video..."

Kinabahan ako sa sinabi niya. "V-Video?"

"Yes. That video."

Napayuko ako at hindi magawang salubungin ang tingin niya. Natatakot akong katulad ng iba ay nasa mga mata niya ang panghuhusga sa akin.

"You're not alone...if it's hard, if it's too much to bear. Just leave that goddamn school, okay?"

Napatingala ako nang marinig ang malamyos na boses ni Summer.

"This is one of the reason why I hated you. You let those pathetic persons hurt you...You should fight, walang mahina sa pamilya natin."

"Summer..."

"Don't worry, I won't ask you what happened. Hindi ko rin 'to sasabihin kina Dad. Just take care of yourself..." Matapos magsalita ay nagmamadali niyang nilisan ang kuwarto ko.

Kahit masakit na ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi at inakala kong wala ng luhang tutulo mula sa mga ito. Muling naglandas ang luha sa magkabila kong pisngi.

Fight?

How can I fight them?

Muli kong naalala ang nangyari kagabi sa amin ni Cane. I'm still worried about him. Kinuha ko ang laptop ko at dumiretso sa website ng school namin na tanging mga estudyante lang ng HU ang nakakaalam. Alam kong nandoon ang video na ayokong makita pero hindi iyon ang pakay ko. Wala akong matatanong sa kondisyon ni Cane, kung nakauwi ba siya nang maayos kagabi at alam kong ang website ang sasagot sa katanungan kong iyon. Alam kong kung may nangyari mang masama sa kanya na sana ay huwag. Hindi pahuhuli sa balita ang admin ng website na 'yon.

Nanlalamig ang kamay ko nang mabuksan na ang naturang website.

Our Prince Hurricane Helios is back!

Iyon ang nasa bungad ng page na caption sa isang video. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang dalawang tao na walang habas na naghahalikan at kahit madilim ay alam kong si Cane iyon. Hindi ko na tinapos ang video at mabilis kong inexit iyon.

Mapait akong napangiti at pinunasan ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko. Walang buhay ang mga mata niya. Walang emosyon na makikita habang hinahalikan niya ang babae.

Ako ba ang may gawa non? Kasalanan ko ba kaya siya nagkakaganon?

Huminga ako nang malalim pero napahigpit ang hawak ko sa dibdib ko nang maramdaman ang pamilyar na kirot doon. Pinakalma ko ang sarili ko at idiniin ang palad ko sa dibdib ko habang pinapakinggan ang malakas na tibok sa puso ko.

Simula nang maoperahan ako nakasanayan ko nang pakiramdaman ang puso ko at hindi ko maiwasang mag-alala dahil tila may iba sa tibok nito sa mga nakalipas na araw.

Tumayo ako at kinuha ang stethoscope na niregalo sa akin ni Tatay dati. Pinakinggan ko ang heartbeat ko at mas lalong tumindi ang pag-aalala ko nang marinig ang tunog na nanggagaling sa puso ko.

It's different...What's wrong with me?

"SPRING, I want you to meet Dave, sasama siya sa atin ngayon sa school mo."

Kumunot ang noo ko sa pinakilalang lalaki sa akin ni Trent. Pagkalabas ko ng bahay ay naabutan ko sila na masinsinang nag-uusap. Doon ko lang naalala na napag-usapan namin kagabi na sasama siya sa pagkausap sa Dean ng HU.

"P-Pero bakit?"

"Good morning Miss Spring. I'm Attorney Dave Buenavista."

Attorney?

"Attorney? Why would I need an Attorney, Trent?" saad ko matapos abutin ang kamay ni Dave.

"To punish those students who keeps on harassing you,"

Umiling-iling ako. "Trent, hindi na kailangan--"

"Spring, just listen to me okay?"

"No! I'm tired of this! I won't go with you. Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayoko nang palalain ang sitwasyon?! You think matatapos ang lahat kung kakasuhan natin ang mga taong 'yon?"

"Spring!" galit na ang boses niyang sigaw sa akin. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"

"Please Trent--"

"Damn it! Hindi mo ba nakikita ang concern ko sa 'yo? I'm just worried about you! Matuto ka namang lumaban! Hindi sa lahat ng oras nandito ako para ipagtanggol ka!"

"Sino bang nagsabing ipagtanggol mo ko?! Hindi na ako bata Trent, kaya ko na ang sarili ko!"

Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Napapikit ako nang mapagtanto ang sinabi ko.

"Fine! Do whatever you want! Diyan ka naman magaling. Ang maging mahina at hayaan silang saktan ka!"

Pumikit ako at nangingilid ang luhang tiningnan siya matapos.

"Mahina? Hindi ako mahina! Ilang beses ko silang nilabanan. Ilang beses akong pilit na lumaban. Pero pagod na ko Trent! Pagod na pagod na! Sa tingin mo ba matatapos ang lahat sa gusto mong mangyari? Ayoko na! Gusto ko na lang maglaho para matapos na ang lahat alam mo ba 'yon? Ayoko silang harapin kasi para saan pa?"

Hindi ko na hinintay na magsalita si Trent at mabilis kong pinara ang dumaang taxi.

"Saan po tayo Ma'am?"

"Sa H--ahhh!" Kinuyumos ko ang dibdib ko nang maramdaman ang sakit doon. Tumindi iyon sa pagpatak ng segundo.

"Ayos lang po ba kayo?"

"S-Sa ***** hospital h-ho tayo..."

Sa bawat pagpatak ng minuto ramdam ko ang pangangapos ko ng hininga pero pinilit kong manatiling gising. Ayokong magpatalo sa sakit na 'to. Ayokong mapapikit at mawalan ng malay sa takot na hindi na ako magising.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa stretcher papasok sa loob ng hospital. Nandoon pa rin ang paninikip sa dibdib ko pero nang malagyan ako ng oxygen, unti-unti na nabawasan ang pananakit na 'yon.

"Miss? Anong pangalan mo--"

"Let me do this. Kilala ko ang pasyente..."

Napadilat ako nang marinig ang boses na 'yon.

"U-Uncle Tony,"

"Get the ECG, Dennis!"

"Yes Doc!"

Hirap man ay pinilit kong hawakan ang kamay ni Uncle Tony. Tumingin siya sa akin at nilapit niya ang tenga niya para marinig ang sinasabi ko.

"P-Please don't call them..."

Tumango siya. Doon ko lang tuluyan na hinayaan kong mawala ang aking kamalayan.

NAGISING ako sa pamilyar na tunog na nanggagaling sa isang makina at sa kirot sa kamay ko. Nilibot ko ang paligid at napagtantong nasa isang silid na ako sa hospital. Bumangon ako at nakahinga nang maluwag nang wala na ang kirot sa dibdib ko. Bumaba ako sa kama at hinawi ang kurtina.

Papalubog na ang araw, kung ganoon ay inabot na pala ako nang maghapon sa hospital.

"Gising ka na pala, hija."

Lumingon ako at nakita si Uncle Tony.

"You should lay down, you still need to rest."

I've known Uncle Tony ever since I was a child. Family doctor namin siya at close friend ni Daddy. He's a cardiologist na siyang tumingin din sa akin bago pa ako ipadala sa ibang bansa ni Tatay.

"How are you feeling now?" tanong niya sa akin matapos ayusin ang kama ko para makasandal ako.

"Better..."

"Can I call your family now?"

Umiling ako. "Please huwag na po, ayos naman na po ako, eh."

"Spring...you're not okay."

Napalunok ako at kinabahan sa ekspresyon ng mukha ni Uncle Tony.

"A-Ano hong ibig ninyong sabihin?"

"I heard from your Tita Amethyst that you were shot by a gun and you have your operation a month ago because of that..."

"Y-Yes, may problema po ba sa naging operasyon ko?"

"Gaano na katagal ang chest pains mo?"

"Since last last week? No, probably a month ago?" Naguguluhan kong sagot. Hindi ako mapalagay dahil hindi niya sinagot ang tanong ko kung may naging problema sa operasyon ko.

"How about your fever? Palagi ka bang mabilis mapagod?"

Tumango ako. "U-Uncle, ano po ba talagang problema?"

"Nagsagawa kami ng mga tests sa 'yo habang tulog ka pa kanina..."

"And?"

"You have an endocarditis because of the operation, Spring."

"E-Endocarditis?"

"It's an infection to your hearts lining caused by a bacteria. That's the reason why I really wanted to check you up. It's because of the operation that you undergo, Spring..."

Hindi ako nakapagsalita at hinintay kong muli ang sasabihin ni Uncle Tony.

"You have an operation when you were a child because of your Hypertrophic Cardiomyophaty. Dahil doon mas naging prone ka sa endocarditis..."

"A-Anong dapat gawin kung ganoon, Uncle? Do I need more antibiotics? It's an infection right?"

"Spring...masyadong malala ang damage sa heart valves mo dahil sa infection kaya kailangan mong sumailalim sa isang artificial heart valves operation."

"O-Operation again?"

Bubuksan na naman nila ako?

Hinawakan niya ang balikat ko at marahan na pinisil. "You need to talk about this with your family. You need the operation as soon as possible, Spring."

"Paano kung ayaw ko?"

Diskumpyado niya akong tiningnan. "Hija, you need the operation--"

"Gusto ko na pong umuwi."

"Spring, kung ipagpapatuloy mo ang katigasan ng ulo mo then I have no other choice but to contact your family right now!" May awtoridad sa boses niyang saad.

"Please po, I'll tell them but not right now--"

"Hindi na makakapaghintay ang kondisyon mo hija! Kapag tuluyang lumala ang damage sa puso mo, it may lead you to a heart failure."

"Just this week, Uncle. Please."

"Fine. But you're not going home tonight."

"But--"

"No buts, Spring...Magpapahatid ako ng pagkain mo. Drink your meds and take a rest kung gusto mong maaga makauwi bukas."

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na tumutol pa.

Napahiga ako at napapikit. Wala sa sariling hinaplos ko ang peklat sa dibdib ko. Natatakot ako.

Ang malaman na bubuksan na naman nila ako at nakakonekta ang operasyon sa puso ko.

Paano kung mamatay ako?

Mapait akong napangiti. Nito lang ay gusto ko nang maglaho para matapos na ang lahat. Pero ngayon natatakot akong mamatay.

I am so pathetic.

Inabot ko ang bag ko na nasa side table nang marinig ang tunog na nanggagaling sa loob non.

Rain calling...

"H-Hello?"

"Ate! Finally, kanina pa kita tinatawagan, eh. Wala ni isa sa amin ang makontak ka!"

Tumikhim ako. "S-Sorry, nakasilent kasi ang phone ko. I was busy with school stuffs,"

"Then, what time are you going home? We still need to talk remember?"

"Rain, I-I won't go home tonight,"

"What? But why? Kay Kuya ka ba matutulog? But I heard from Lola na nagpunta siya sa Baguio for a business conference,"

"No, I-I'm going to sleep with my classmate. May kailangan kasi kaming tapusin overnight,"

"Okay! Ako nang magsasabi kina Mommy! But we'll talk when you get back huh?"

"Thanks, Rain..."

"By the way Ate, there's a guy na tumawag at hinahanap ka kanina,"

"Sino raw?"

"I don't know, hindi nagpakilala, eh. Noong sinabi kong wala ka, binabaan niya na ko ng telephone. He's rude!"

Sino kaya 'yon?

Si Paupau?

No. He's not rude.

Dalawa lang ang taong kilala kong ganoon.

Umiling-iling ako. Imposibleng si Hurricane 'yon. Could it be...Tornado?

Nabalik ako sa reyalidad nang marahas na bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang lalaking hingal na hingal na tinitingnan ako.

"Why are you here?" saad niya at mabilis na nakalapit sa akin.

"A-Ako ang dapat magtanong niyan, b-bakit ka nandito?"

Pinagmasdan ko si Tornado, pawis na pawis siya at hinihingal pa rin. Tumakbo ba siya?

Paano niyang nalaman na nandito ko?

Katahimikan ang namagitan sa amin. Bubukas-sara ang bibig niya na tila may nais sabihin sa akin pero hindi niya maituloy.

"Good evening Ma'am, nandito na po ang pagkain na pinapadala ni Doc..."

Nabaling ang atensyon ko sa babaeng may bitbit na tray.

"P-Pakilapag na lang po sa mesa. Salamat po."

Nang makaalis ang babae ay muli kong hinarap si Torn. "Ano sabing ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nandito ako?"

"Ako muna ang sagutin mo, bakit ka nandito? Is there something wrong--"

"I'm fine. O-overfatigue lang ako sabi ng doktor..."

Tumango siya pero sabay kaming napatingin sa heart monitor nang tumunog iyon senyales na bumibilis ang tibok ng puso ko.

Oh God, calm down Spring...breathe in, breathe out...

"I'm going to call the doctor--"

"You don't have to, a-ayos na ako..."

Lihim akong nagpasalamat nang kumalma ang tibok ng puso ko.

"Paano mong nalaman na nandito ako?"

"I've searched for you..."

"W-Why?"

"I'm worried. Hindi ka pumasok kaya tumawag ako sa inyo pero wala ka roon at ang alam nila ay nasa school ka."

"T-Then how did you find out that I'm here?"

Tumikhim siya at iniwas ang tingin sa akin. "I have my ways..."

Kinuha niya ang tray na naglalaman ng pagkain ko at dinala sa akin.

"Eat."

Ano ko aso?

"Gusto mo bang subuan kita?"

"May mga kamay ako. Thanks for the concern, Torn. But you should go, I'm perfectly fine."

"I'm not going anywhere. Where's your family?"

"Papunta na sila kaya umuwi ka na bago ka pa maabutan dito." pagsisinungaling ko.

Imbes na sundin ang inuutos ko ay nagtungo siya sa sofa at naupo.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?"

"Finish your food then I'll go..."

Napabuntong-hininga ako at hindi na tumutol pa.

"Stop looking at me..." pananaway ko sa kanya. Ngumisi siya at iniwas ang tingin sa akin.

Kahit walang panlasa ay pinilit kong ubusin ang pagkain at ininom ang mga gamot ko.

"Puwede ka nang umuwi--"

Napahinto ako sa pagsasalita nang makitang nakahiga na si Torn sa sofa at nakapikit na.

Taas-baba ang dibdib niya senyales na malalim na ang tulog niya.

Dahan-dahan akong bumaba sa kama at lumapit sa kanya.

"T-Torn..." pag-alog ko sa balikat niya pero hindi siya kumilos at nanatiling tulog.

Wala sa loob na hinaplos ko ang gilid ng mata niya na bakas pa rin ang sugat na ibinigay ni Cane.

Maraming pumasok sa isip kong katanungan habang pinagmamasdan ko si Torn.

"They always said that everything happens for a reason. But no matter how much I searched for that reason, I can't find it. I can't find the reason why we met that way..." Ngumiti ako at hinayaang mamalisbis ang luha sa pisngi ko. "Why do you have to do those things to me? I forgive you but I can't forget it...you hurt me and yet it didn't stop me from falling for you... And it hurts me more because I know that you and I can never be together."

Tumayo ako at pinahid ang mga luha ko pero napahinto ako sa tangkang pagtalikod nang dumilat siya at hawakan ang kamay ko.

Narinig niya ba ako?

"We love each other then why can't we be together?"

Malungkot akong ngumiti nang makita ang pagtulo ng luha niya.

"Because loving each other doesn't give us the right to hurt someone..."

"Why do you always think about them? Can you be selfish just this once, Spring?"

My heart hurts looking at him.

Kung magiging makasarili ako, magiging masaya ba kami?

Hindi.

Hindi pa ngayon.

It's still not the right time and I don't think that time will come.

TBC

Alam ninyo iyong nakakainis? Hindi ko talaga masunod iyong outline ko for this story but anyway hindi na po lalagpas ng 100 chapter ang TBBBM! Ulit-ulit si author ano?

Masyado nang naging heavy drama ang story na 'to. Pasasayahin ko kayo sa next chapter ng slight. Ha-Ha-Ha 😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top