Chapter 90: Luna.
SPRING's POV
"Because right now I felt like loving you was the biggest regret I will have in my life, Spring Cruz."
Matapos niyang sabihin iyon ay tila tinulos ako sa kinatatayuan ko. Sa nanlalabong paningin ay pinagmasdan ko ang pag-alis niya at nang hindi ko na matanaw ang kotse niya ay nanghihina akong bumagsak.
What did you do, Spring?
Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko na tila ba wala iyong katapusan.
Hurting you will forever be my biggest regret, Hurricane. I don't want us to end like this. I don't want to hurt you...I don't want to so please just forget me. It's all for the best.
"I'm sorry...s-sorry!" paulit-ulit kong saad kahit na alam kong wala na iyong silbi pa.
"Sorry..."
It was not my voice anymore.
Lumingon ako at nakita si Torn na nakatingin sa akin. Duguan pa rin ang mukha niya at hindi ko iyon kayang tingnan kaya yumuko ako. Nanghihina man ay pinilit kong tumayo. Naglakad ako papalayo sa kanya pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko.
"H-Hindi ka dapat nandito. You should be in the clinic." Saad ko at pinalis ang kamay niya na pumipigil sa pag-alis ko.
"Come with me, kailangan mo rin—"
"Please Torn! Hayaan mo muna kong m-mapag-isa." Nanatili pa rin na nakayuko kong saad.
Tumalikod ako at sa pagkakataong ito ay hindi niya na ako pinigilan pa.
Napapiksi ako nang maramdaman na may humawak sa braso ko. "Hindi ba sabi ko sa 'yo hayaan mo—" napahinto ako sa pagsasalita nang hindi si Torn ang nalingunan ko kung hindi si Paupau.
"Pau..."
Gulo-gulo ang buhok ni Paupau at nakonsensya ko nang makita na may crack ang suot niyang salamin.
"Let's go...ihahatid na kita sa inyo."
Hindi na ako tumutol nang igiya niya ako papunta sa puwesto ng kotse niya. Wala akong lakas ng loob para tumanggi pa. Sa paglingon ko ay nakita ko si Torn na nakatingin sa aming dalawa kaya mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya.
"Here...your lip is bleeding..." pag-abot sa akin ni Paupau ng tissue habang nagmamaneho siya paalis ng HU. Tinanggap ko iyon at tila wala sa sarili na pinahid ko iyon sa labi ko.
"Where do you want to go?"
"Far. I want t-to go somewhere far away from them. Away from everyone... I want to run away... I want to forget everything that happened but it's impossible, right?" Tumawa ako kasabay nang pagtulo muli ng mga luha ko. "Argh! Bakit ba ayaw huminto ng mga luha na 'to?! Napakahina ko talaga!"
"People cry not because they're weak, it's because they've been strong for too long..."
Napatingin ako kay Paupau na ngumiti sa akin na tila ba sinasabing magiging ayos din ang lahat. "So just cry, Angel...its okay for you to cry."
Sa sinabi ni Paupau ay mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.
-----
"Angel, wake up..."
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at napangiwi ako nang maramdaman ang bigat ng pakiramdam ko. "W-Where are we?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung nasaan kami at kung sino ang taong mabibilis ang hakbang na naglalakad papunta sa amin.
"Anong ginagawa natin dito?" kinakabahan kong saad.
"Sorry, tunog nang tunog ang phone mo so I answered it. Hinahanap ka niya that's why I brought you here..."
Habang nagsasalita si Paupau ay pilit kong inaayos ang magulo kong buhok. Binuksan ko ang bag ko at mabilis na kinuha ang salamin na palagi kong baon. Isinuot ko iyon but I know it will all be useless. Walang ibang paraan para itago ko ang sugat ko sa labi at ang mga kalmot ko sa magkabilang braso na gawa nila Moira. Sa huli ay nakayuko kong binuksan ang pinto at hinintay na tuluyang makalapit sa amin si Trent.
Nilingon ko si Paupau na nasa mga mata ang pagsisisi sa naging reaksyon ko. "Pau, s-salamat sa tulong mo ngayong araw. Don't worry about Trent, a-ayos lang na dinala mo ko rito. Hindi rin naman ako puwedeng umuwi nang ganito ang hitsura ko."
"Take a rest, Angel. Everything's going to be fine..."
Tumango ako at saktong kalalapit ni Trent nang bumaba ako sa kotse ni Paupau. Hinintay ko munang makaalis siya bago ako humarap kay Trent.
"Holy f*ck! What happened?!" sigaw ni Trent nang mabistahan ang mukha ko. Nagdilim ang mukha niya nang bumaba iyon sa magkabila kong braso na parehas dumudugo.
"Shit!" muli niyang pagmumura habang hinuhubad ang suot niyang jacket na mabilis niyang isinuot sa akin.
"Who did this to you?!" muli niyang sigaw at napansin kong nakakakuha na kami ng atensyon kaya hinawakan ko sa kamay si Trent at marahang hinila papasok sa loob ng condominium building.
"Pumasok muna tayo sa loob Trent..." pag-iwas ko sa tanong niya.
"Bakit ba hindi mo ko sinasagot?! Sino sabi ang may gawa sa 'yo nito?!" nagtatagis ang bagang niya habang ginagamot ang mga sugat ko. Napangiwi ako nang ibuhos niya ang alcohol sa braso ko.
I'm prone to infection kaya mabilis ang mga kilos niyang ginagamot ang mga sugat ko. Nang magamot niya ang mga sugat ko sa braso at labi ay madiin niyang hinawakan ang balikat ko.
"Answer me, Spring!"
"I'm tired, Trent. Can I sleep in here? Puwede bang ikaw na ang magpaalam kina Lola?" Tumayo ako pero mabilis niya akong hinila para muling maupo.
Huminga siya nang malalim at tinitigan ako sa mga mata. "Please Princess, tell me what happened..."
Umiling ako. "You're going to hate me, too..."
Kumunot ang noo niya. "What are you saying? That will never happen Spring. Never."
"T-Trent I don't know what to do anymore. Ginawa ko ang bagay na inakala kong makakabuti sa aming lahat pero nagkamali ako. In the end hindi ko nagawang sundin iyong inuutos sa akin ng utak ko kaya nasaktan ko iyong taong walang ginawa kung hindi m-mahalin ako."
Hindi siya nagsalita at niyakap ako. Umiiyak kong ikinuwento ang mga nangyari kay Trent.
"I'll make them pay for this!"
"No! Please Trent, everything will be complicated. Hayaan na lang natin sila! Ayokong malaman pa 'to nila Tatay!"
"Spring! Hanggang kailan mo ba itatago ang lahat sa kanila?! Hanggang kailan ka magtitiis na harapin ito nang mag-isa? May pamilya ka! Pamilya mo kami! At hindi ko hahayaan na saktan ka nila."
Paulit-ulit akong umiling habang humihigpit ang kapit ko sa damit niya. "Hindi pa tuluyang magaling si Tatay, Trent! Baka makasama sa kanya kapag nalaman niya 'to—"
"Fine! I won't let them know but don't expect me na mananahimik na lang ako pagkatapos nang ginawa nila sa 'yo."
Alam kong hindi ko na mababali pa ang desisyon ni Trent kaya nanahimik na lang ako.
"Don't blame yourself...hindi mo 'to ginusto. Everything will be fine..." kalmado na ang boses niyang saad at niyakap ako.
Magiging maayos pa nga ba ang lahat?
NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi na pawis na pawis ako. Mabigat ang ulo ko at nilalamig ako. Sabayan pa ng pangangati ng lalamunan ko. Nananakit ang mga braso ko kaya nahihirapan kong kinuha ang baso na may laman na tubig sa bedside table. Pero napapikit ako nang malaglag iyon sa kamay ko at umalingawngaw ang tunog nang nabasag na baso. Ilang saglit lang ay bumukas ang kuwarto ni Trent na tinutulugan ko.
Bumukas ang ilaw at nag-aalalang tumingin siya sa akin. "What happened?"
"I just wanted to d-drink...n-nabitawan ko, eh." umuubo kong saad. Lumapit siya sa akin at hinipo ang noo ko.
"You're sick...wait I'll bring you some meds."
"Are you okay?"
Tumango ako matapos inumin ang binigay na gamot at tubig ni Trent. "Just a little bit sick but I'll be fine..."
"Take a rest, then." Saad ni Trent at nang inakala kong lalabas na siya ng kuwarto ay naupo siya sa paanan ng kama.
"M-Matulog ka na..." Hindi nagsalita si Trent at namalayan ko na lang na sinusuotan niya ng medyas ang mga nanlalamig kong paa.
I smiled with my cousin sweetness.
"What happened with this? Bakit namamaga?" tukoy niya sa kaliwang paa kong ilang araw ko na ring napapansin na namamaga.
"I d-don't know..."
Muli siyang nagsalita pero nilamon na ako ng kaantukan.
Sa paggising ko kinabukasan ay nanghihina pa rin ang pakiramdam ko pero alam kong kakayanin ko namang pumasok sa HGOC. Kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang buhay ko kahit ang gusto ko na lang gawin ay ang magtago sa kanya...Sa kanila.
"Morning..." pagbati ko kay Trent na naghahain ng almusal sa lamesa.
Binistahan niya ang hitsura ko. Nakaligo na ako at nakapagbihis. Mabuti na lang ay palagi akong may dalang extra na damit sa bag ko na nakasanayan ko simula nang maging 'favorite' ako ng mga tao sa HU.
"Where are you going?"
"Sa office. May internship ako today," paos ang boses kong saad.
"You're sick,"
Ngumiti ako. "I'm fine...lagnat laki lang 'to," pilit ang tawa kong saad.
"Spring..."
Hinawakan ko ang kamay ng pinsan ko. "I'm really fine. Bago pa lang ako sa internship baka magalit sa akin ang supervisor ko,"
"But—"
"Ihahatid mo ko hindi ba?" pagputol ko sa sasabihin ko at ang tangi na lang niyang nagawa ay bumuntong-hininga habang nasa mukha pa rin ang pagtutol sa kagustuhan kong pumasok.
"Anong oras ang labas mo?"
Sa sinabi niya ay napangiti na rin ako. "5..." sagot ko at wala mang gana ay pilit kong kinain ang almusal na mga niluto niya.
Habang nasa biyahe ay sinasabayan ko ang awitin na tumutugtog sa kotse ni Trent. Kanina pa siya sumusulyap sa akin pero ngumingiti lang ako.
Nagpapanggap na ayos lang ako. Ayos lang ang lahat. Naubos na ang luha ko kahapon at naisip kong kahit ano pang iyak ang gawin ko wala na kong mababago pa sa lahat nang naganap.
Tumunog ang cellphone ko kaya naman wala sa loob kong sinagot ang tumatawag.
"Hello—"
"You should die slut! Die!" sigaw ng babae sa kabilang linya na hindi ko kakilala. Sa sobrang lakas non ay napatingin ako kay Trent. Mukhang narinig niya ang sinabi nito kaya mabilis ko iyong ibinaba.
"P-Prank call lang siguro 'yon..."
Nakita ko ang pamumuti ng kamao ni Trent dahil pahigpit nang pahigpit ang kapit niya sa manibela.
Naalis ang paningin ko kay Trent nang sunod-sunod na mensahe ang pumasok sa cellphone ko.
Nanginginig ang mga kamay kong binasa ang mga texts na natanggap ko.
Inagaw ni Trent ang cellphone ko matapos niyang itabi sa gilid ng kalsada ang kotse at nagdilim ang mukha niya nang makita ang mga texts sa cellphone ko.
Inabot ni Trent ang cellphone niya sa dashboard at ibinigay sa akin. "Use my phone, humanda sa akin ang mga 'to."
"T-Trent, hayaan na lang natin—"
"No! I promise myself na poprotektahan kita simula nang mga bata pa tayo kaya hindi ko hahayaan na saktan ka ulit nila. They'll pay for this!" saad ni Trent at muling pinatakbo ang kotse.
"A-ANGEL!" Napahinto ako sa pagpasok sa loob ng HGOC nang marinig ang sigaw mula sa likod ko. Humahangos na lumapit sa akin Paupau.
"Are you okay?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Paupau. Ayokong magsinungaling pa. Hindi ako okay. Galit na galit na pinasibad ni Trent ang kotse niya matapos akong ihatid. Hindi ko alam ang gagawin niya pero nahihinuha ko na pupunta siya sa HU. Hindi marunong manakit si Trent ng tao pero sa galit na pinapakita niya kinakabahan ako.
Hindi para sa taong sasaktan niya kung hindi para sa kanya mismo. Nag-aalala ako na makasama sa kanya iyon. Trent is the future heir of the Finn Incorporation at dahil puro babae kami na anak nila Tatay malaki rin ang posibilidad na sa kanya ipamana ang negosyo ng pamilya. Mahalaga ang reputasyon niya na natatakot akong mabahiran iyon dahil sa akin.
"Maputla ka, hindi ka na dapat pumasok pa."
Binalingan ko si Paupau, "Ayos lang naman ako. I'm just tired. But I'll be fine. Isa pa, kailangan ko nang mapaguukulan ng atensyon. Baka mabaliw ako kapag nanatili lang ako sa bahay."
Nakita ko ang awa sa mga mata ni Paupau.
"Walang nakakaawa sa akin Pau, don't look at me like that. Kasalanan ko naman, eh."
Naging marupok ako. Ayokong manakit ng tao pero palaging ayon ang nangyayari. Palagi kong nasasaktan ang mga tao sa paligid ko.
"Grabe pinakita sa akin ni Sheena iyong video! Pinagsabay niya pala talaga! Ang landi bes hindi ko kinakaya!"
"Nagawa pa talagang pumasok dito ano?"
Napalunok ako nang marinig ang usapan na nagaganap sa harapan namin ni Paupau. Sila ang mga kasabayan naming interns na taga-ibang department. Nanlamig ang mga kamay ko at kung hindi lang ako nakakapit sa braso ni Paupau ay baka bumagsak na ako.
Hanggang dito ba naman?
"Angel...don't mind them—" Hindi na natapos ni Paupau ang sasabihin niya nang sabay kaming nagulat sa pagbagsak ng babae dahil sa lalaking malakas na tumulak sa kanya.
"Oh my gosh! Mia, okay ka lang?" tanong ng isang babae sa kasama niya na nakahandusay pa rin sa lapag.
"Get out of this building before I f*cking rip your face. Don't let me see your faces again bitches." mapanganib ang boses na saad ni Torn sa mga babaeng mabilis na umalis.
Nagkatinginan kami ni Torn at mula sa pagiging mabagsik na leon kanina napalitan iyon ng malambong niyang tingin na hindi ko kayang tagalan.
Ramdam kong gusto niyang lumapit sa akin. Pero nang hahakbang pa lang siya ay mabilis ko nang hinila si Paupau at nilagpasan siya.
Ramdam ko ang papalakas na tibok ng puso ko at gusto kong saktan ang sarili ko dahil matapos nang lahat nang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Cane. Kahit na kinakain ako ng konsensya dahil sa nasaktan siya dahil sa akin.
Hindi ko pa rin mapigilan ang puso kong tumibok nang ganito para kay Tornado.
Can someone teach me how to unlove a person?
--
(A/N: Hindi talaga dapat kasama 'to rito since hindi ko forte ang papalit-palit na POV's but I have to dahil kelangan talaga ng explanation sa side ni Luna dahil sa mga comments ninyo.)
LUNA's POV (Since alam kong majority hindi ninyo kilala si Luna. Papakilala ko siya, Nanay po siya ni Spring lels)
Kumunot ang noo ko nang nakailang katok na ko sa kuwarto ni Vannie ay hindi pa rin niya binubuksan ang pinto. Nang marinig ko ang malakas na hikbi mula sa loob ay nag-aalala kong binuksan ang kuwarto ng anak ko. Naabutan ko si Vannie na nakatalukbong ng kumot habang malakas na umiiyak.
"Vannie sweetie, why are you crying?" nag-aalala kong tanong nang tuluyan akong makalapit. Hikbi lang ang narinig ko kay Vannie pero ilang sandali lang ay inalis niya ang kumot sa katawan niya at umiiyak na yumakap sa bewang ko.
"Mommy! I'm such a b-bad girl!"
"Don't say that sweetie, you're not bad." Paghaplos ko sa buhok ng batang bagama't hindi nanggaling sa sinapupunan ko ay higit pa sa isang anak ang turing ko.
"But I-I'm really bad! S-She's hurting because of me!" paghagulgol niya sa bisig ko.
Hindi ko alam ang sinasabi ni Vannie pero nakasisiguro akong hindi niya ginusto ang kung anuman na ginawa niya.
"T-They're hurting because of me! I didn't mean to Mommy but I just hate her k-kasi inaagaw niya sa akin si Torn! K-Kasi siya iyong gusto ni Torn! A-Akin lang si Torn, eh!" Parang bata niyang sigaw at malakas na pinagbabato ang unan sa lapag.
Tumulo ang luha sa mga mata ko nang makita na sinabunutan ni Vannie ang sarili niya at kung hindi ko lang napigilan ay baka katulad nang dati ay naiuntog niya ang sarili sa pader.
It's been so long since nagkaganito siya. Patuloy siya sa pag-iyak habang palakas nang palakas ang sigaw.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at iniluwa noon si Sander na mabilis dumiretso sa tabi ni Vannie. Unti-unting nanghina si Vannie nang naiturok ni Sander ang pampakalma sa anak namin.
"I h-hate her Mommy...I h-hate A-Ate Spring..."
Spring!
Nay!
Napapikit ako nang marinig na naman ang mga boses na iyon sa utak ko. Ipinilig ko ang ulo ko at inayos ang pagkakahiga ni Vannie. Kung hindi ako nagkakamali ay si Spring ang dalaga na ipinakilala sa akin ni Vannie sa hospital noon. Ever since I met that girl, hindi na natahimik ang isip ko sa hindi ko malaman na dahilan.
"Luna..."
Nabalik ako sa reyalidad nang mamalayan na nasa tabi ko na pala si Sander.
"Do you what happened?"
Umiling ako. "I don't know...this past few days, hindi siya nagkukuwento sa akin."
"Is this because of that Tornado?"
Hindi ako nagsalita nang makita ang pagdilim ng mukha ni Sander.
"Damn that guy!"
"Sander, d-don't you think kailangan natin ipaalam sa mga Helios ang kondisyon ni Vannie?"
Tumigas ang ekspresyon sa mukha ni Sander. "And then what?! Ang hayaan sila na husgahan si Vannie?! She wants that Tornado Helios kaya ginawa ko ang lahat para masigurong hindi matatanggihan ni Al ang proposal ko! Kahit anong hilingin ni Vannie ibibigay ko, Luna."
"Pero paano kung hindi iyon ang makakabuti sa kanya? S-Sander, handa akong alagaan si Vannie hanggang sa makakahanap siya ng taong kayang tanggapin ang kondisyon niya. Hindi iyong ganito, paano kapag nalaman nila ang tungkol sa sakit ni Vannie at hindi nila iyon matanggap? Do you want her to suffer again?"
Hindi nakaimik si Sander sa sinabi ko. "Kahit hindi ko anak si Vannie, wala akong ibang hinangad kung hindi ang mapabuti siya kaya please lang pag-isipan mo kung karapat-dapat nga bang ibigay natin ang anak natin sa mga Helios. Kasi sa tingin ko...hindi dapat."
"I understand what you want to say Luna. Hayaan mo at pag-iisipan ko ang mga sinabi mo."
Nang makalabas si Sander ay hindi ko mapigilang maluha sa kondisyon ni Vannie. It was five years ago when they discovered that she is suffering from a disorder called bipolar. Doon ko lang nalaman na iyon din ang sakit ng dating asawa ni Sander na sa kasamaang-palad ay namana ni Savannah.
Naiintindihan ko si Sander, alam kong natatakot siya na katulad ng ina ni Vannie ay hindi niya kayanin ang lumaban sa sakit at piliing kitilin na lang ang sariling buhay.
Sinigurado kong walang matatalim na bagay sa loob ng kuwarto ni Vannie bago ko siya iwanan. Napagpasyahan kong magbake ng paborito niyang cake, umaasa na baka mapagaan ko ang loob niya.
Napahinto ako sa paglalakad nang maulinigan ang usapan sa opisina ni Sander. Hindi tuluyang nakapinid ang pinto pero imbes na tuluyan iyong buksan ay may nag-uutos sa akin na pakinggan ang usapan sa loob.
"Papa! Mahal ko si Luna at natatakot ako na iwanan niya ako sa oras na malaman niya ang tungkol sa nakaraan niya!"
"Kinakain na ako ng konsensya ko Sander, naiintindihan ko na ayaw mo lamang mawala siya sa 'yo pero paano kung bumalik ang mga alaala niya? Hindi ka ba natatakot na kamuhian niya tayo kapag dumating ang panahon na 'yon? At mangyayari rin ang kinatatakutan mo!"
"Hindi mangyayari 'yon! It's been ten years! Hindi na babalik ang alaala niya, hindi niya na maaalala ang batang iyon! Nakalimutan niya na ang anak niya!"
"Pero paano ang apo ko—"
Hindi na naituloy ni Papa ang sasabihin niya nang sa pagkagulat ay hindi ko sinasadyang mapasandal sa pinto na naging dahilan para bumukas iyon. Hindi ko nabalanse ang katawan ko kaya bumagsak ako sa lapag. Isa-isa kong pinagmasdan sina Papa at Sander.
Marami akong gustong itanong sa kanila pero hindi ko magawang magsalita.
"L-Luna..." may takot sa mga mata na sambit ni Sander. Naglakad siya papalapit sa akin pero napahinto siya nang magsalita ako.
"A-Anong anak ang sinasabi ninyo?" nanginginig ang boses kong saad kasabay nang unti-unting pagtulo ng mga luha ko. "A-Anak ko? M-May anak ako?"
TBC
MORE VOTES! MORE COMMENTS! MORE UD'S! OH AYAN INAGAHAN KO NA KAHIT DAPAT SA WEDNESDAY PA 'TO.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top