Chapter 89: Biggest Regret.


Busy po ako. As in. Kaya sorry kung matagal talaga ang update! Comment kayo ng bongga, malay ninyo sipagin ako at maisingit ko 'to ha-ha-ha!

I'm planning to sell drawstring bags merchandise for TBBBM kapag natapos ko na 'to. Ayon, inform ko lang baka kahit isa may gustong bumili sa inyo lels. Ipa-finalize ko siya kung maraming bet na bumili.

Enjoy reading!

SPRING'S POV

"Let's break up..."

Nabitawan ko ang kubyertos sa sinabi ni Cane. Tulala ko siyang pinagmasdan habang tutok ang atensyon niya sa steak na hinihiwa niya.

"Cane..."

Nag-angat siya ng tingin at nang inakala kong muli siyang magsasalita ay kinuha niya ang plato ko at pinagpalit sa plato niya.

"A-Are you serious?" tanong ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko o ang tumatakbo sa isip ko. Ang namumuong pag-asa sa akin na sana sabihin niyang seryoso siya.

"Of course..." ngumisi siya at sinalinan ng wine ang wine glass ko, "—not. Just kidding..." tumawa siya pero walang buhay ang pagtawa niya.

"Cane, I think—"

"Hurricane!" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang may tumawag kay Cane mula sa likod niya.

Sabay kaming napatingin sa babaeng nag-abot ng microphone sa kanya kanina. Tumayo si Hurricane at mabilis namang umabrisete sa kanya ang babaeng lumapit sa amin.

Magkasingtangkad lang sila ni Cane. Maputi siya at sa pagngiti niya ay sumisingkit ang mga mata niya. Her attire reminds me of Charm. She's wearing a leather jacket paired with a tattered pants. Kumikinang din ang piercing na nasa ilong niya.

But despite of that, she's beautiful.

"Aba't anong nakain mong ungas ka at napadpad ka rito?" Tumawa siya pero nang makitang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya at lumapit sa akin, "So she must be the reason? New flavor of the month?" pinamulahan ako sa sinabi niya.

"Shut up Adelaida!"

"Putang*na Helios, tigilan mo pagtawag sa akin ng Adelaida sasamain ka sa akin," nakasimangot niyang saad.

Tumawa si Cane. "You're still the same, Elai."

"Ayan. Ganyan dapat. So ano magtitigan na lang ba kami ng kasama mo? Baka gusto mo naman akong pakilala sa kanya?"

Tumingin sa akin si Cane pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ng babae.

"I'm Elai, ex ni Cane..." inabot niya sa akin ang kamay niya na alanganin kong tinanggap.

"I'm Spring..." pagpapakilala ko without saying kung ano ko si Cane.

"Pinagsasabi mo? Kailan pa kita naging ex?" masama ang tingin na tanong sa kanya ni Cane.

"Hindi pa ko tapos. Ex niya ko. Ex-crush!" matapos sabihin iyon ay tatawa-tawa niya kaming iniwanan ni Cane at nagtungo sa harap. Nagsimulang tumugtog ang banda sa harap at pumailanlang ang malamyos na boses ni Elai.

"Don't mind what she said...baliw lang 'yang babae na 'yan." Iiling-iling na sabi ni Cane at nagsimulang kumain.

Gusto ko man pag-usapan ang tungkol sa sinabi niya kanina ay may nag-uutos sa utak ko na manahimik na lang at huwag nang balikan pa ang usapang iyon.

"How did you met her?" tukoy ko kay Elai.

"Classmate ko siya ng high school. Why? Jealous?"

"Jealous your face!" sikmat ko sa kanya na tinawanan niya lang.

"Elai is my friend. Pero may sayad 'yan kaya nag-drop out siya right after we graduated from high school." Pagpapatuloy niyang pagkukuwento sa akin.

Nagsimula siyang ikuwento ang mga kalokohan nila ni Elai noong high school pa lang sila at dahil sa mga kuwento niya ay nakalimutan ko ang mga problemang mga dinadala ko.

Tila matagal na ang lumipas simula nang makatawa ako nang ganito.

"—there's this one time when a guy ask her on a date, and you know what she said?" Tumawa si Cane kaya kahit hindi ko pa naririnig ang susunod niyang sasabihin ay natawa na rin ako. "You stinks. I don't want to date you, matuto ka munang mag-deodorant bago mo ko alukin makipagdate."

Habang nagmamaneho si Cane ay hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Pinasaya niya ako ngayong gabi, kung hindi dahil sa kanya ay baka natapos na naman ang araw ko na umiiyak ako.

He's making me happy, but why? Why can't he make my heart flutter?

Bakit hindi ko maramdaman sa kanya ang nararamdaman ko kay Tornado?

Bakit kahit na nakatingin ako sa kanya lumilipad ang isip ko sa kakambal niya? Inaalala kung ayos na ba siya, kung may lagnat pa siya. Kung uminom na ba siya ng gamot—

"Make sure na ako ang iniisip mo at hindi ibang tao habang nakatingin sa akin."

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Cane. Huminto ang kotse at doon ko lang namalayan na nasa harap na pala kami ng bahay.

Tumikhim ako at nginitian siya. "Thank you for this night, Cane." Saad ko imbes na pansinin ang sinabi niya.

"Thank you lang wala man lang kiss?" pagbibiro niya sa akin.

Inalis ko ang seatbelt ko at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya nang tumingkayad ako at halikan ang pisngi niya.

"Spring..."

Ngumiti ako, "Have a good night Hurricane." Matapos kong sabihin iyon ay nagmamadali akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng bahay.

Naghahanda na ako sa pagtulog nang tumunog ang cellphone ko. Naghihikab ko itong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

"Wala ka na ba talagang hindi sinasabi sa akin?"

Kumunot ang noo ko sa tanong na bumungad sa akin. Tiningnan ko ang tumatawag at nakitang si Cane iyon.

"Cane..."

"You know I'll always believe you. Always. Just tell me the truth, wala na hindi ba?"

May mali sa boses ni Cane at hindi ko maiwasang kabahan dahil doon.

"A-Ano bang sinasabi mo?"

"Just answer me!"

Napapitlag ako sa sigaw niya. Pumasok sa isipan ko ang naganap sa amin ni Torn sa rooftop. Umiling ako. Hindi ko na dapat isipin 'yon.

"W-wala..."

Katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya at ang huli kong narinig ay ang pagkabasag ng kung ano bago mamatay ang tawag.

KINABUKASAN walang Cane na sumulpot para isabay ako sa pagpasok sa HU. Nasa gate pa lang ako ay ramdam ko na ang mga tingin at bulungan ng mga tao sa paligid ko. Sanay na ako sa kanila pero sa araw na 'to pakiramdam ko may iba. May mali.

Karamihan sa mga kababaihan kong kaklase ay masama ang tingin sa akin. Tumitindig naman ang balahibo ko sa mga kindat na natatanggap ko sa lalaki.

Titingin sila sa mga hawak nilang cellphone tapos ibabalik ang tingin sa akin kaya mas lalong lumalakas ang kabog sa puso ko. Nasa hallway na ako nang humahangos na lumapit sa akin si Paupau. Pawis na pawis siya at nasa mga mata ang takot.

"A-Anong ginagawa mo rito? H-Hindi mo ba nabasa ang text ko? Sabi ko huwag kang pumasok Spring!" nauutal niyang saad sa akin at mabilis akong hinila pabalik sa pinanggalingan ko.

"Pau ano bang nangyayari? A-Ano bang sinasabi mo?!" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"I'll tell you later, let's just go!" mariing saad niya sa akin. Kung kanina ay takot ngayon naman ay pag-aalala ang nasa mga mata niya.

Para saan?

"Well well nandito na pala ang slut!"

Kumunot ang noo ko sa tinawag sa akin ni Moira na galit na galit na nakatingin sa akin. Kasunod niya ang mga kaibigan niya na mga nakangisi sa akin.

"M-Moira, tigilan mo si Spring!" pagharang ni Paupau sa harap ko.

Napasinghap ako nang sampalin niya si Paupau at malakas na tinabig paalis sa harap ko.

"A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" hindi ko na napigil na pagsigaw sa kanya. Lalapitan ko na sana si Paupau nang mariin niyang hilahin ang braso ko.

"Ang lakas ng loob mo Spring! Sinasabi ko na nga ba nasa loob ang kulo mo! Malandi ka!" sigaw ni Moira at malakas akong sinampal.

Tumulo ang luha ko sa sakit na naramdaman ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. I'm so clueless.

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, please Moira t-tigilan mo na ako!"

"Hindi mo alam?! Gusto mong ipaalam ko sa 'yo?!" dinukot niya ang cellphone niya at bago pa ako makapalag ay lumapit sa akin sila Fiona at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Tingnan mo!"

Hinarap niya sa akin ang cellphone niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang video na nagpe-play sa cellphone niya.

It's me and...Torn.

Kissing each other.

"Tongue-tied? May boyfriend ka na nga! Nagawa mo pang makipaglandian sa iba at talagang si Tornado pa!" Hindi ako umiwas nang muli niya akong sampalin.

"Tigilan ninyo si Spring! P-Paano kayo nakakasigurong si Torn 'yan?! Magkamukha sila ni Cane—"

"Oh shut up Fausto! Sino naman tanga ang maniniwalang si Cane 'yan?! And do you really think na wala kaming basis na si Tornado 'yan? ..." muling nagpatuloy sa pagsasalita si Moira pero tila nabingi ako at ang tangi ko lang naririnig ay ang boses ni Cane kagabi.

"You know I'll always believe you. Always. Just tell me the truth, wala na hindi ba?"

Tumulo nang tumulo ang mga luha ko habang iniisip kung gaano kasakit para kay Cane ang bagay na 'to. I lied not just once. Niloko ko siya. I hurt him again.

I need to talk to him.

"Tapos ngayon iiyak-iiyak ka?! What are you expecting na darating ang mga prince charming mo at sasagipin ka?! Dream on, bitch!" muli akong sinampal ni Moira at naramdaman ko ang paghila sa buhok ko nila Fiona.

"Sinabi nang tigilan ninyo siya!"

"Oh ayan may prince charming ka naman pala. Lampa nga lang!"

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Paupau at siya ang sumalo sa lahat ng pananakit sa akin nila Moira.

"What the f*ck is happening here?!" nawala ang kamay na mahigpit na humihila sa buhok ko nang umalingawngaw ang sigaw mula sa likod ni Moira.

Sa nanlalabong paningin ay nakita ko ang madilim niyang mukha na tila anumang oras ay may kakayahang gawan ng masama sila Moira.

"T-Torn..." nanginginig ang boses ni Moira na hinarap si Tornado.

"Do you want me to kill you?" napapikit ako nang umangat ang kamay ni Torn at hilahin sa kuwelyo si Moira. Malakas niyang isinalya ang huli sa pader. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Moira kaya nanghihina man ay tumayo ako at lumapit sa kanila.

"S-Stop...please stop." Hinawakan ko sa braso si Torn at pinigilan siya sa gagawin niya kay Moira.

Nawala ang dilim sa mga mata niya nang tingnan ako. Bumaba ang kamao niya at pabalyang binitawan si Moira na hindi nakapagsalita at tulalang hinawakan ang leeg niya.

Nanginginig ang mga tuhod kong binalingan si Paupau, "Let's go..."

Mabilis siyang lumapit sa akin at inalalayan ako kahit nakikita kong nasaktan din siya nila Moira. Tahimik ang hallway at wala ni isa ang nagtangkang magsalita. Ramdam ko ang pagsunod sa amin ni Torn pero hindi ko siya nilingon.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita kung sino ang makakasalubong namin.

Si Hurricane.

Nagtagpo ang paningin naming dalawa.

Walang galit sa mga mata niya.

Wala kahit ano.

Blanko at malamig. Tiningnan niya ako na para bang hindi niya ako kilala. Lumagpas ang tingin niya sa akin at doon ko nakita ang galit sa mga mata niya. Kumuyom ang kamao niya at nahulaan ko kung anong susunod niyang gagawin.

And that's the last thing that I want to see right now.

Nagmamadali akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Cane...I—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lagpasan niya ako at dumiretso papunta sa likod ko.

Napapikit ako nang marinig ang malakas na hiyawan ng mga tao. Paglingon ko ay nakita kong sunod-sunod na inundayan ni Cane ng suntok si Torn.

Pero hindi lumalaban si Torn. Hinayaan niya lang si Cane. At walang kahit sino ang nagtangkang umawat sa kanila.

Nang makita ko ang muling pag-angat ng kamao ni Cane ay napasigaw ako. "Stop!"

Nabitin sa ere ang suntok ni Cane. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya pero malakas niyang pinalis iyon.

"Don't f*cking touch me!"

Napahikbi ako sa sigaw sa akin ni Cane. Si Tornado ang duguan at nasaktan pero sa kanilang dalawa alam kong si Cane ang nahihirapan.

Kaya nang tumalikod siya at mabilis kaming iniwanan ay lakad-takbo ko siyang sinundan.

"Cane!" tawag ko sa kanya bago siya tuluyang makapasok sa kotse niya. Hindi niya ako nilingon pero hindi rin siya kumilos para pumasok sa loob.

Hindi ko siya tinangkang hawakan nang makalapit ako.

"I-I'm sorry..."

"Sorry?! Putang*na! Ilang sorry pa ba Spring?!" Hinarap niya ako at may pumiga sa puso ko nang makita ang sakit sa mga mata niya.

"Tinanong kita pero nagsinungaling ka! Pinagmukha mo kong tanga! I just want you to be honest with me! Pero pati iyon ipinagkait mo sa akin. Last night, I meant it when I said that let's break up..." Pagak siyang tumawa at hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulgol nang makita ang pagtulo ng luha niya.

"Kahit na nakakatawang pakinggan iyon kasi sa umpisa pa lang naman ako lang 'tong ipinilit ang sarili sa 'yo. Ang maging desperado para mapasaakin ka. Umasa kong malilimutan mo rin siya at matutunan mo rin akong mahalin pero sa tuwing nakikita ko ang tingin mo sa kanya, nararamdaman kong talo na ko. Kaya gusto kong pakawalan ka na pero..." Pumikit siya at tila hirap siyang ipagpatuloy ang mga susunod niyang sasabihin. "—at the last minute naisip kong hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang ipaubaya ka sa kanya kasi mahal kita. Putang*na mahal na mahal kita! Pero sana hindi na lang."

"Because right now I felt like loving you was the biggest regret I will have in my life, Spring Cruz."

TBC

UNEDITED!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top