Chapter 88: Treat you better.
Dedicated to you guys, thank you for reading @racquelpablo @itsGorgStar (Christine Irinco 😂) @TentenPineda4 @Ainominako @Imjaebeum (Thank you for buying my book 💋) @caryylz @Annrezelreid @Legnaaa12 @asawa ni Steve Harrington (jusko ang haba Atey! Haha!) @AngelicPersonality @khaelsky0203 @Maxzen Santos @iamjazzyminaaa_ @XxStrangerHerexX @strawbabe802 @JohnAronGonzales @YoshinoSaram @bebepiggymon @angelxscxsc @akira5654 (Push ko ang all or nothing next time! LSS ako sa kanya noong pinakinggan ko 😂) and lastly @canyeols! Wew! Nabati ko ba lahat? Anyways, thank you so much for reading TBBBM! Mahal ko kayo~
SPRING's POV
"Tagsibol..."
"Hmmm?"
"Tagsibol..."
"Hmmm?"
"B-Babe?"
"Oh?"
"Hey!"
Napapitlag ako at nabitawan ko ang sandwich na nasa kamay ko. Doon ko lang inalis ang paningin ko sa labas at binalingan si Cane na nakasimangot at may mayonnaise sa ilong. Makalat din ang paligid ng bibig niya. Napangiwi ako nang dumako ang paningin ko sa hita niya. Namantsahan na ang suot-suot niyang pantalon.
"A-Anong nangyari?"
Gusto kong batukan ang sarili ko sa tanong na namutawi sa akin.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay itinabi niya ang kotse sa gilid ng daan. Inabot niya ang box ng tissue sa dashboard at pinunasan ang dumi sa mukha niya. May pagmamadali kong binuklat ang bag ko at kinuha ang alcohol.
Inagaw ko ang tissue na hawak niya at binuhusan iyon. Mabilis kong pinunasan ang namantsahan niyang pantalon.
"Damn! A-Ako na!" pag-agaw niya sa hawak ko. Pagtingala ko ay sumalubong ang namumula niyang mukha sa akin.
Gahd. Galit na siya.
Sino ba namang hindi magagalit kung ingudngod sa mukha mo ang isang sandwich?
"S-Sorry..."
"Apology not accepted."
Napangiwi ako sa tugon niya at napayuko na lang.
Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse niya. Nang matapos siya sa paglilinis ay malakas siyang bumuntong-hininga.
"What's the problem?"
Umiling ako. "W-Wala..."
"Do you expect me to believe that?"
"Then don't!" Napapikit ako nang mapagtanto na nasigawan ko siya.
"S-Sorry--"
"Enough! Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung anong problema mo."
Napatingin ako sa relo at napagtantong tatlumpung minuto na lang ay oras na ng internship namin.
And knowing Cane, kahit anong gawin ko hindi siya aalis dito.
"I..."
Napalunok ako at hindi alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya.
"I what?"
I kissed him--
Are you crazy?!
"I saw her..."
"Sinong nakita mo?"
Huminga ako nang malalim bago magsalita. "My mother..."
"Your Mom? Your biological mother?" kunot ang noo niyang magkasunod na tanong. "Where? Kailan pa?"
"Kahapon, sa ospital--"
"Anong ginagawa mo sa hospital? Are you sick?"
Umiling ako. "No, dinalaw ko si Tatay..."
"Nakauwi na ang Tatay mo? He's awake?"
Tumango ako at sinimulang ikuwento sa kanya ang mga nangyari sa akin.
Natahimik siya nang matapos kong ikuwento ang pagkikita namin kahapon ng Nanay ko.
"We're really not in a relationship..." mapait siyang ngumiti matapos sabihin iyon.
"C-Cane..."
"Kung hindi pa ba kita tinanong hindi mo sasabihin sa akin ang mga nangyayari sa 'yo?
"Hindi sa g-ganon, hindi ko alam kung paano--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hilahin niya ako at yakapin.
"Hindi mo kailangan alamin kung paano...just say it. Kung anong dahilan kung bakit ka masaya, kung bakit ka malungkot, kung anong gumugulo sa isip mo. Lahat-lahat... hindi mo kailangan solohin ang lahat. Kasi nandito ako...para sa 'yo."
Kung natuturuan lang sana ang puso, wala sigurong problema pagdating sa pag-ibig. Madali lang ang lahat.
Mamahalin mo kung sino ang taong magmamahal sa 'yo. Hindi iyong ganito na kung sino pa ang taong nagmamahal sa 'yo, siya 'tong nasasaktan dahil hindi siya ang kayang piliin ng puso mo.
"I-I--"
I'm sorry...pero hindi lahat kaya kong sabihin sa 'yo.
Umiling ako at ginantihan ang pagyakap sa akin ni Cane. "Thank you Cane..."
"MISS Cruz, this will be your assigned seat." mataray na saad sa akin ni Miss Minchin este ni Miss Feudo--siya ang assistant head sa Finance Department.
Matangkad, maputi at nakapusod ang buhok. Nakasuot ng makapal na salamin at kuntodo taas ang kilay mula kanina pa sa akin. Hindi ko alam kung may kinalaman ang pagtataray niya sa akin dahil sa nakita niya kong kasama si Cane kanina.
Pero ano namang magiging kinalaman non? Hindi kaya sadyang mataray lang siya?
"And...Mr. Helios, this will be your seat." Nakangiti niyang saad kay Torn.
Pinigilan kong ngumiwi nang makitang mabilis na nagbago ang ekspresyon niya nang lapitan si Tornado.
Tinuro niya ang katapat kong cubicle at kahit hindi pa kami pinapaupo ay dire-diretsong nagtungo roon si Torn at yumukyok.
Pero tila balewala lang iyon kay Miss Feudo at isa-isa kaming tiningnan na mga intern.
"This will be your work for today..." pag-abot niya ng papel kay Heidi at Paupau na mabilis na naupo sa kanya-kanya nilang puwesto.
Hinintay kong abutan niya ako ng papel pero tumalikod lang siya at iniwan ako.
Anong gagawin ko?
Nag-aalangan man ay lumapit ako sa puwesto niya. "M-Ma'am?"
"What?!" Napapitlag ako sa halos pasigaw niyang tanong sa akin. Nang makitang nagtinginan sa amin ang mga empleyado ay tumikhim siya at inayos ang antipara niya.
"M-Ma'am, tatanong ko lang po sana kung anong gagawin ko?"
Ngumisi siya. "Just seat and take a rest."
"Po?"
"Iyon ang gagawin mo,"
"Pero--"
"I still have so many things to do. Excuse me."
Bumalik ako sa upuan ko at nalulungkot kong pinagmasdan ang mga kasabayan kong intern na busy na sa kani-kanilang ginagawa. Siyempre maliban sa lalaking nasa tapat ko. Nakasandal lang ito sa upuan niya habang nakasalpak sa tenga niya ang headset.
Nakapikit siya at panaka-naka ay kumukunot ang noo niya na tila may iniinda. Doon ko lang napagmasdan ang hitsura niya. Namumutla siya at kita ko ang namumuong pawis sa noo niya.
May sakit ba siya?
Doon ko lang muling naalala na nagpabasa siya sa ulan kahapon.
Kung may sakit ka, bakit pumasok ka pa?
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang pouch na naglalaman ng mga gamot ko. Nang makita ang paracetamol ay kinuha ko iyon at inilabas.
Tumayo ako at umikot papunta sa kanya.
Anong ginagawa mo?
Isang bulong sa isip ko ang narinig ko na siyang dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Tinitigan ko ang hawak kong gamot.
Tatalikod na sana ako at babalik sa puwesto ko pero muli akong napatingin sa kanya. Huminga ako nang malalim at naglakad papalapit sa kanya.
May sakit nga kaya siya?
Luminga ako sa paligid at nakitang busy pa rin ang lahat sa kani-kanilang gawain. Unti-unti kong inangat ang kamay ko at ipinatong sa noo niya. Napangiwi ako nang maramdaman ang init sa noo niya.
He's really sick.
Ibaba ko na sana ang kamay ko nang dumilat ang mga mata ni Torn at mabilis na nahawakan ang kamay ko.
"W-What are you doing?" paos ang boses niyang tanong.
Umubo siya at inalis ang palad kong tila nanigas sa noo niya.
"Go away..." Tumayo siya at lumayo sa akin. "Mahirap na at baka mahawa ka pa..." matapos sabihin iyon ay mabilis siyang naglakad papalabas.
Napatingin ako sa hawak kong gamot. Imbes na dalhin iyon ay ipinatong ko iyon sa mesa niya.
This is nothing...I'm just being nice to a person who's sick.
Lumipas ang tatlumpung minuto na nakatunganga lang ako sa desk ko. Napatingin ako sa kabubukas lang na pinto nang pumasok si Torn na nakasuot ng itim na facemask.
Nakita ko si Heidi (isa sa mga kasamahan kong intern) na napatigil sa kanyang ginagawa at sunod-sunod na kinuhanan ng picture si Torn gamit ang kanyang cellphone.
Kung hindi pa siya nahuli at sinamaan ng tingin ni Torn ay hindi siya titigil sa ginagawa niya.
Kapag nagsuot ako ng facemask mukha akong pasyente pero siya mukhang model.
Umiling-iling ako. Ano ba 'tong iniisip ko?!
Inalis ko ang paningin kay Torn at inilibot ang paningin sa paligid. Busy pa rin sila samantalang ako ay kanina pa inaantok dahil sa kawalan nang ginagawa.
Umiling-iling ako nang unti-unting bumagsak ang talukap ng mga mata ko. Nangangalay na ang panga ko kakahikab.
Kailangan kong maghilamos nang mawala itong antok ko.
Naghilamos ako at nagtungo sa isa sa mga cubicle ng restroom. Napahinto ako sa pagbukas ng butones ng pantalon ko nang marinig ang pagbukas-sara ng mga katabi kong cubicle kasunod ang pag-uusap ng dalawang babae.
"Olivia, kumusta naman ang mga interns mo?"
"Okay lang naman ako roon sa dalawa. Napapakinabangan..."
"Eh iyong dalawa? Balita ko napunta sa Finance ang isa sa kambal na Helios ah?"
"Hay nako. Ano pa bang aasahan sa anak-mayaman? Hayun at walang ginagawa. Natutulog lang..."
"Eh iyong isa? Sabi ni Philip, girlfriend daw 'yon nung isa sa kambal. Balita ko nagpunta iyon sa department ninyo at binantaan kayong huwag utusan ang girlfriend niya? Hayyy, napakasuwerteng bata naman non. Maganda ba?"
"Manahimik ka nga! Anong maganda sa patpating babae? Nako, kung hindi lang ako natatakot na mawalan ng trabaho--"
Hindi na natapos ni Miss Feudo ang sinasabi niya nang lumabas ako ng cubicle at tulala silang pinagmasdan na dalawa.
"T-Totoo po ba ang sinabi ninyo? Kaya hindi ninyo ko binibigyan ng trabaho dahil sa sinabi ni Hurricane?"
Napalunok siya at inirapan lang ako matapos ay hinila ang kasamahan niyang natulala sa akin.
Kumuyom ang kamao ko at nagmamadaling lumabas ng restroom pero imbes na dumiretso sa department namin ay tinungo ko ang department ni Cane.
Naiinis man ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng Marketing Department.
Inikot ko ang paningin ko at mabilis na natagpuan ang hinahanap ko. Tutok na tutok siya sa computer habang mabilis na kumikilos ang mga kamay sa keyboard.
Himala yata at masipag siyang nagtatrabaho. Umiling ako. Hindi mo siya dapat purihin. May kasalanan sa 'yo ang bad boy na 'yan.
Naglakad ako papalapit sa kanya. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya namaan hindi niya ako nakikita dahil na rin sa focus siya sa ginagawa niya.
Masipag?
Iyon ang akala ko. Napanganga ako nang makita ang nasa desktop niya. Naglalaro pala ang mokong.
"Cane..." pigil ang galit sa boses kong pagtawag sa atensyon niya.
"Shit! I f*cking lost! Ano bang kailangan--" Napahinto siya sa pagsasalita rather sa pagsigaw sa akin nang makita ako.
Bigla siyang ngumiti habang ako naman ay napapahiyang pinagmasdan ang paligid. Halos lahat ay nakatingin sa amin.
"Anong tinitingin-tingin ninyo? Go back to work!" boss na boss niyang sigaw.
Napanganga ako at mabilis siyang hinila paalis.
"I CAN'T BELIEVE YOU!" sigaw ko kay Cane nang hilahin ko siya papunta sa fire exit.
"What? What did I do?" inosente niyang tanong sa akin.
"Anong ginawa mo?! My gad Hurricane! Anong pumasok sa isip mo at kinausap si Miss Feudo para pagbantaan na--"
"Hindi ko siya binantaan! I just talked to her! Magkaiba 'yon!" pagputol niya sa sinasabi ko. Pumikit siya at ginulo ang buhok niya. "Damn! That old hag, nagsumbong ba siya sa 'yo?! Humanda siya sa akin!"
Hindi ko na napigilan at malakas ko siyang nahampas sa braso.
"Nakakainis ka!"
Imbes na masaktan sa ginawa ko ay tumawa lang siya. "Sorry na! Fine, I'll talk to her again."
"Please do it, Cane! Nasa workplace tayo. Let's be professional. Kung para sa 'yo laro lang ang internship na 'to. Sa akin hindi. Magseryoso ka naman."
Tumalikod ako at iniwan siya.
"Sabay tayong maglunch, babe!" pahabol niyang sigaw sa akin.
Pagpasok ko sa loob ng department namin ay nahahapo akong dumiretso sa cubicle ko at umupo. Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay tinawag ako ni Miss Feudo.
"Get those boxes and arrange the files alphabetically in the storage room." Pagturo niya sa magkapatong na katamtaman ang laki na dalawang kahon.
Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang telepono sa lamesa niya. Sinagot niya iyon at iniikot ang swivel chair patalikod sa direksyon ko.
Nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Nilingon ko muna si Miss Minchin at nang makitang busy pa rin ito sa kausap ay dinukot ko ang cellphone ko at binasa ang nagtext na walang iba kung hindi si Cane.
I already talked with that old hag...Are we okay, now? See you later 💋
Napailing ako at ibinulsa ang cellphone ko. Napangiwi ako nang magkasabay kong buhatin ang karton. Masyadong mabigat.
Kaya isa na lang ang binuhat ko pero mabilis din iyong nawala sa mga kamay ko nang kunin iyon ni Paupau na hindi ko namalayang nakalapit sa amin.
"Paupau, b-baka mapagalitan ka ni Miss Min--este Miss Feudo..." bulong ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Saglit lang naman, matatapos na rin naman ako sa ginagawa ko."
Hindi na ako tumutol pa at magkasabay kaming nagtungo sa storage room.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya nang makapasok kami sa loob at naibaba niya sa mesa ang kahon.
"Huh?"
"The last time, you c-can't breath..."
Ngumiti ako. "Ayos lang ako..."
"That's good to hear." aniya at tinulungan akong ilabas ang mga folder mula sa kahon. Napangiwi ako nang makitang napakarami non.
"T-Talaga bang kayo na ni Hurricane?"
Nabitawan ko ang hawak kong folder sa biglaan niyang tanong.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Nevermind. M-Mauna na ako, kukunin ko na iyong isang box."
Bago pa ako muling makapagsalita ay nakaalis na si Paupau. Napabuntong-hininga ako at inumpisahan nang trabahuhin ang mga files.
Bumukas-sara ang pinto at sa pag-aakalang si Paupau iyon ay hindi ako lumingon at nag-focus sa ginagawa ko.
"Paupau, sige na bumalik ka na baka magalit si Miss Feudo--"
"Saan 'to ipupuwesto?"
Mabilis akong napabaling sa kaliwa at nakita si Torn na nasa kabilang dulo nang mahabang lamesa.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
"Working..."
Oo nga naman, nagtatrabaho siya...pero may sakit siya. Hindi ba dapat ay magpahinga na lang siya?
"Where would I put these files?"
Tinuro ko ang istante at muling nagpatuloy sa ginagawa ko. Lumipas ang ilang oras na nagpatuloy kami sa pagpa-filing. Naririnig ko ang pag-ubo-ubo niya.
Tumikhim ako. "U-Uminom ka na ba ng gamot?" hindi na nakatiis kong tanong nang matapos ako sa ginagawa ko.
Tumango lang siya at hindi nagsalita.
"Y-You should go home. Baka mas lalong lumala ang sakit mo..." saad ko at iniwanan na siya.
Paglabas ko ay bumungad sa akin si Cane na mukhang hinahanap ako. Pagtingin ko sa orasan ay saktong alas-dose na pala ng tanghali.
"Where did you go?" Nakasimangot niyang paglapit sa akin nang makita ako.
"Storage room..."
"Anong ginawa mo ro'n--"
Hindi natapos ang sasabihin niya nang bumukas ang pinto sa likod ko at lumabas si Tornado.
Nagsalubong ang kilay ni Cane at papalit-palit kaming pinagmasdan ni Torn.
"Don't give us that look...w-wala kaming ginawa--"
"Let's go, gutom na ko." paghila sa akin ni Cane.
Nagtungo kami sa cafeteria at natapos kaming kumain ni Cane na walang nagsasalita sa aming dalawa.
Guilty. That's what I'm feeling right now, wala kaming masamang ginawa ni Torn kanina pero kahapon...
"Don't you want to see her again?"
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang sinabi ni Cane.
"Huh?"
"Your mother, gusto mo ba siyang makita ulit?"
Umiling ako. "I don't want to...there's no need."
"Are you sure?"
Yumuko ako at umiling pa rin.
Hindi na kailangan pa...Para saan pa?
"CANE, hindi ito ang way pauwi sa amin. Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.
"Let's have some dinner first..."
"Pero--"
"Please?"
Hindi na lang ako tumutol at hinayaan siya. Huminto kami sa isang sikat na hotel--
Hotel?!
"A-Anong ginagawa natin dito?!" sigaw ko.
"Hey, tone down your voice. Mabibingi ako sa 'yo!"
Hinampas ko sa braso si Cane.
"Bakit ba kasi tayo nandito?"
"We're just going to eat..." ngumisi siya. "Bakit may iba ka bang gustong gawin?"
Isa ulit hampas mula sa akin ang nakuha nito.
Bumaba ako ng kotse at tatawa-tawa niya naman akong sinundan.
Tumatawa siya pero pakiramdam ko may mali sa pagtawa niya. Nilingon ko siya at nakita ang mga mata niya.
Siguro nasa mga mata niya ang mali. Wala kasing mababakas na saya sa mga 'yon.
Pumasok kami sa loob. Ikipinagtaka ko naman nang imbes na sa restaurant kami pumasok ay dumiretso kami sa elevator.
"A-Akala ko ba kakain tayo?"
Muli siyang tumawa pero hindi na ako sinagot pa.
"Hoy! Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Relax. Wala akong gagawin sa 'yo na hindi mo magugustuhan."
Napailing ako at nanahimik na lang. Paglabas namin ng elevator ay may lalaking lumapit sa amin at iminuwestra ang pinto. Binuksan iyon ni Cane at naramdaman ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi nang makita na nasa isang restaurant nga kami.
An open restaurant sa rooftop ng hotel. The place is magical. It's romantically beautiful.
May mangilan-ngilan na kumakain na animo may mga sariling mundo. Marahan akong hinila ni Cane. Dumiretso kami sa gitnang parte. Ipinaghila ako ng upuan ni Cane. Inakala kong mauupo siya sa katapat kong upuan pero dumiretso siya sa makeshift stage sa gilid kung saan may mga tumutugtog.
Sumaludo si Cane sa vocalist na babae. Tumawa ang babae at bumaba ng stage. Inabot niya ang microphone kay Cane na nagtungo sa stage at pumuwesto sa tapat ng keyboard piano.
Play- Treat you better-(cover by Boyce Avenue)
I won't lie to you
I know he's just not right for you
And you can tell me if I'm off
But I see it on your face
When you say that he's the one that you want
And you're spending all your time
In this wrong situation
And anytime you want it to stop
Hindi ito ang unang beses kong narinig ang boses niya pero ngayon ko lang siya nakita na tumugtog gamit ang keyboard piano. Nakita kong marami ang napatigil sa pagkain at napatingin sa kanya. He really has the soul for music.
I know I can treat you better than he can
And any girl like you deserves a gentleman
Tell me why are we wasting time
On all your wasted crying
When you should be with me instead
I know I can treat you better
Better than he can
I'll stop time for you
The second you say you'd like me to
I just wanna give you the loving that you're missing
Baby, just to wake up with you
Would be everything I need and this could be so different
Tell me what you want to do
Better than he can
Give me a sign
Take my hand, we'll be fine
Promise I won't let you down
Just know that you don't
Have to do this alone
Promise I'll never let you down
Sa buong durasyon nang pagkanta niya ay nanatili ang tingin niya sa akin. Alam kong may ipinaparating siya gamit ang kantang inaawit niya.
'Cause I know I can treat you better than he can
And any girl like you deserves a gentleman
Tell me why are we wasting time
On all your wasted crying
When you should be with me instead
I know I can treat you better
Better than he can...
Pumalakpak ang lahat nang matapos siya sa pagkanta. Pagkaupo niya ay pinitik niya lang ang daliri niya at may lumapit na kaagad sa amin na waiter at isa-isang inilapag ang pagkain sa mesa.
"Let's break up..."
Nabitawan ko ang kubyertos sa narinig kong sinabi niya.
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top