Chapter 86: Again.
HAPPY 1 million reads!!!!
TORN's POV
"Bitaw..." sinabi ko sa katabi ko nang makalayo ang kakambal ko kasama si Spring. Hanggang sa makapasok sila sa loob ng kotse ay nanatili ang paningin ko sa kanila.
Nakita ko kung paano siya halikan sa noo ni Cane nang sunduin siya kanina. Kung paano siya inakbayan ni Cane na tila ipinapakita sa lahat na pagmamay-ari niya si Spring. Sa mga oras na 'yon, gusto kong hilahin siya palayo kay Cane. Ang halikan siya katulad nang naganap sa bahay nila. Ang ipaintindi sa kanya na hindi ako naglalaro tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya.
Gusto kong malaman niya na totoo ang nararamdaman ko.
Mahal ko siya gaano man hindi kapani-paniwala ang bagay na 'yon.
Pero...
Hindi puwede.
Dahil hindi ako ang pinili niya.
Dahil alam kong hindi ako ang pipiliin niya.
Gusto kong ipakita na ayos lang sa akin ang lahat. Nilamon ako ng pride ko.
Nang kagustuhan na hindi maging tanga sa pangalawang pagkakataon sa harap ng babaeng mahal ko.
Hindi mo ako mahal? Kung ganoon, bakit ganoon ang tingin mo kanina? Bakit tila nasasaktan ka? Isang salita lang Spring...kaya kong talikuran ang lahat para sa 'yo. Lahat-lahat...
Nang tuluyang makaalis ang kotse ay marahas kong inalis ang kamay na nakaangkla sa braso ko.
Tapos na ang palabas.
"Torn..."
Tila walang narinig na tumalikod ako at pumasok sa loob ng kotse ko.
Sumandal ako sa kinauupuan at napapikit. Inis kong hinampas ang manibela pagkadilat ng mga mata ko. Bakit sa bawat pagpikit ng mga mata ko, ang imahe nilang dalawa ang nakikita ko?
"Torn—"
"Will you shut up and leave me alone?!" sigaw ko sa babaeng nagbukas ng kotse ko.
Napapitlag siya at ayan na naman ang mga mata niyang tila anumang oras ay iiyak. Nakakainis siya. Parang bata.
"Ano pang hinihintay mo?! Alis na!" sigaw ko. Katulad nang inaasahan ko ay tumulo ang luha mula sa mga mata niya.
Anong tingin niya? Maaawa ako sa mga luha niya?
Humikbi siya, "G-ginamit mo lang ako?"
Blanko ang matang tiningnan ko siya. "Ngayon mo lang nalaman? Ganyan ka ba katanga?"
"B-Bakit ang sama-sama mo?"
"Lock the door and leave."
Umiling siya. "No! I-Ihatid mo ko sa bahay namin!" sigaw niya sabay pasok at upo sa front seat.
Onti na lang iisipin kong may dalawang katauhan ang babaeng 'to, kanina ay parang kuting na natatakot ngayon naman ay tila tigre na nagmamatapang.
"Really? Then I think you should fasten your seatbelt."
Hindi pa siya natatapos sa pagkakabit ng seatbelt ay mabilis ko nang pinaandar ang kotse. Walang pake sa nakabibingi niyang tili.
Ginusto niya 'to. Magdusa siya.
"Stop! S-stop!" mabilis akong nagpreno nang marinig ang huli niyang sigaw.
Dahil sa ginawa kong pagpreno ay hindi nakaiwas ang kasunod kong sasakyan. Napamura ako nang maramdaman ang malakas na pagbangga sa likod ng kotse ko.
"Oh my god! A-Anong gagawin natin?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Get out and take a cab. Ayon ang dapat mong gawin."
Bago pa siya makapagsalita ay sunod-sunod na katok ang narinig namin mula sa bintana ng kotse ko.
Imbes na bumaba ng kotse at pagbuksan ang kumakatok ay kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na idinayal ang numero ng taong aayos sa gulong ito.
"Sir--"
"Joe, District six *** St. Avenue...fix this mess."
Pabato kong ibinalik ang cellphone ko sa dashboard.
"H-Hindi ba tayo lalabas?"
Tila walang narinig na muli kong pinaandar ang kotse ko. Mas mabilis ang pagpapatakbo ko sa oras na ito. I'm f*cking tired.
Tired of this girl.
Wala siyang ginawa kung hindi ang tawagin ako.
"T-Torn!"
"What?!" sigaw ko at pinabagal ng kaunti ang takbo ko.
"I'm bleeding."
Kumunot ang noo ko sa narinig ko.
"What?"
"B-Blood. My head is bleeding..."
Itinabi ko ang kotse sa gilid ng daan at binalingan ang babaeng walang ginawa kung hindi sirain ang araw ko.
Nanginginig siya habang ang tingin ay nasa kamay niya na may dugo.
"Sh!t!" Kasabay ng pagmumura ko ang bunghalit ng iyak ng katabi ko.
"IS she okay?"
Tumango ang doktor matapos lagyan ng bandage ang gilid ng noo ng batang kasama ko. Naiirita ako nang maalala ang nakabibingi niyang iyak kanina.
"It's a mild concussion. Kailangan niya lang magpahinga at inumin ang gamot na irereseta ko."
Nagpaalam ang doktor at iniwan kami.
"I'm going. Natawagan ko na ang Mommy mo at papunta na siya..."
"Don't leave me alone, please?"
Marahas kong ginulo ang buhok ko at malalim na napabuntong-hininga. Pinipigilan ang sarili kong sigawan ang makulit na babae sa harap ko.
She's acting like a child!
"Please, Torn..."
She cares for her... that Spring, bakit ba sa lahat ng tao sa HU, eto pa ang kinaibigan niya?
Pabagsak akong naupo sa silyang nasa harap niya. Sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Don't smile. I hate it."
Ngumuso siya. Napailing ako, ano bang nasa isip ng magulang ko at gusto akong ipakasal sa isang bata?
"Torn..."
"What?"
"Hindi mo ba talaga ako natatandaan? Nagkita na tayo dati, you saved me--"
"Vannie!" Isang sigaw mula sa likod ko ang nakapagpahinto sa sasabihin niya.
"Mommy!"
Sa paglingon ko ay bumungad sa akin ang dalawang tao. Isang lalaking matanda at isang babaeng tila kaedad ng Nanay ko.
Mabilis silang nakalapit sa amin.
"Savannah, anong nangyari sa 'yo hija?" saad ng Ginang na buong pag-aalala na hinaplos ang mukha ni Savannah.
Kumunot ang noo ko. The woman looks familiar. Parang nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan.
"I'm fine, Mommy. Torn saved me..." nakangiting pagturo niya sa akin.
Saved? Hindi lang pala tanga ang babaeng 'to sinungaling pa...
"Mauna na ko..."
Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Savannah at tumalikod na ako.
"Iyan ba ang sinasabi ng asawa mo na mapapangasawa ng apo ko? Aba't walang modo at paggalang sa atin!"
Ngumisi ako nang umabot sa pandinig ko iyon. Ganyan nga, magalit kayo sa akin. Things will be easy for me kung kayo na mismo ang aayaw sa walang kuwentang kasunduan ng pamilya ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita kung sino ang makakasalubong ko.
Nagtagpo ang paningin naming dalawa.
"What are you doing here?"
"A-Anong ginagawa mo rito?"
Is she sick?
"Are you okay? Are you sick?"
Namumutla siya. Hindi nga kaya may sakit siya?
Iniwas niya ang paningin sa akin. Why can't she look at me?
Hindi siya nagsalita at nilagpasan ako. Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung bakit siya nandito.
I need to know.
Bago pa siya tuluyang makalagpas sa akin ay mabilis kong nahagip ang braso niya. "I'm talking to you! Answer me!"
Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ko pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.
"Nasasaktan ako, Torn! Pakawalan mo ako!"
"Sagutin mo ang tanong ko at papakawalan kita."
"Ano bang pake mo kung anong ginagawa ko rito?! Sino ka ba?!"
Nabitawan ko siya sa narinig kong sinabi niya. Tama. Sino nga ba ako sa buhay niya?
"Imbes na ako ang pansinin mo, ibuhos mo ang lahat ng atensyon mo sa girlfriend mo!" Mabilis siyang yumuko pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang nangingilid niyang luha sa mga mata. "I-I'm happy for Vannie...sa inyong dalawa. Alagaan mo siya--"
"Tornado?"
Paglingon ko ay nakita ko ang mga taong tinakasan ko kanina ilang dipa ang layo sa amin.
Larawan ang pagkalito sa mukha ng Ginang. Habang ang matanda ay masama ang tingin sa akin.
"N-Nay..." mahina man pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ng katabi ko.
Nay?
"Ate Spring...anong ginagawa mo rito?"
Hindi nagsalita si Spring at nanatili siyang nakatitig sa mukha ng Nanay ni Savannah. Makaraan ay lumipat sa matanda na nawala ang talim sa mga mata. Pinakatititigan niya rin si Spring na tila kinikilala.
"L-Lolo..."
Naglakad papalapit sa amin si Savannah.
"Ate Spring? Bakit ganyan ka makatingin kina Mommy at Lolo?"
"S-Spring?" Namumutla ang mukhang saad ng Lolo ni Savannah.
"Who is she, Vannie?"
"She's Spring, Mommy. My partner when I auditioned in our school dance troupe. She's also my f-friend..."
Ngumiti ang Mommy ni Savannah at doon ko lang napagtanto kung sino siya at kung saan ko siya nakita.
She's Luna Cruz.
Ang ina ni Spring.
SPRING's POV
Ilang beses kong kinurap ang mga mata ko. Inisip kong aparisyon lang ang dalawang taong nakikita ko ngayon. Pero hindi...
Totoo ito.
Matapos ang humigit sampung taon, nasa harap ko na siya ngayon.
Iyong taong naiisip ko araw-araw simula nang iwan niya ako kina Tatay.
Iyong taong nangakong babalikan niya ko.
Sabi ko noon, siguro ako na ang magiging pinakamasayang tao sa buong mundo sa pagkikita namin.
Pero hindi ko inakalang ganito pala kasakit ang muling pagkikita namin.
Sino ako?
Iyon lang ang narinig ko mula sa kanya.
Ang hirap huminga. Tila may mga kamay na pumipisil sa puso ko. May namumuong bikig sa lalamunan ko. May gustong kumawala mula sa mga mata ko.
Tila napakaliit ng paligid ko at unti-unti ako nitong nilalamon.
"Hija, a-ayos ka lang ba?"
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na tumango at ngumiti sa kanya.
"M-Mauna na po ako..."
Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at lakad-takbo ko silang iniwan.
Who is she, Vannie?
Mommy?
Tumakbo ako papanik ng hagdan habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko. Sa bawat paghakbang ng paa ko. Sa bawat pagpikit ng mga mata ko. Mukha niya ang nakikita ko.
Mukha niyang nagtatanong. Nangingilala.
Hindi niya ako kilala. Hindi ako kilala ng sarili kong ina.
Nanginginig ang mga tuhod ko nang makarating ako sa taas. Pilit kong binubuksan ang pinto pero ayaw.
Hanggang sa merong mga kamay na humawak sa akin. Siya ang nagpihit ng pinto at wala pang ilang segundo ay bumukas na iyon.
Malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Akala ko makakahinga na ako pero hindi pa rin. May nakabara pa rin sa paghinga ko.
Bumagsak ako pero may mga kamay na umalalay sa akin. Kahit na alam ko kung sino siya. Hindi ko siya tinulak katulad nang palagi kong ginagawa. Hinayaan kong yakapin niya ako.
Sa mga oras na 'to, humahanap ako ng taong kakapitan. At siya...Siya ang nandito.
Sa lahat ng tao...siya pa.
"Sabihin m-mo, nananaginip lang ako hindi ba? Hindi totoo ang n-nakita ko kanina..."
Hindi nagsalita si Torn. Napakapit ako sa dibdib ko at kinuyumos ang damit ko.
"I c-can't breathe...I can't..." pag-iyak ko.
Ayoko nito. Ayoko ng sakit na 'to.
"I--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may labi na dumampi sa labi ko.
For the third time, Tornado Helios claimed my lips again. And I let him do that.
Again.
TBC
Super duper late update. Hindi rin ganoon kahaba. Sorry. Busy lang talaga. Minsan lang din ako magkasakit pero kapag tinamaan, natatagalan. I'll try my best na makapag-update again, this week. Salamat sa mga nagmamahal at naghihintay sa storyang ito. You guys are so amazing, so much love for you from your busy/lazy author 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top