Chapter 85: Congratulations, Tornado Helios.

SPRING's POV

Huminga ako nang malalim nang makita ang papalapit na pagpatak ng alas-tres ng hapon sa relo ko.

"Class dismissed." saad ng Professor namin sa harap. Pagtingin ko sa relo ko ay kinse minutos na lang ang natitira sa pagpatak ng alas-tres ng hapon.

Napalunok ako at iniligpit ang mga gamit ko. Habang pinapasok ko ang mga ito sa loob ng bag ko ay ramdam ko pa rin ang bulungan ng mga tao sa paligid ko. Ang mga tingin nila ay nakakapaso. Tila gustong lumapit at tanungin ako pero nangingimi silang lahat.

Kung noon ay para akong basura kung tingnan o layuan. Ngayon ay tila babasaging kristal na ayaw nilang magsilapit sa akin.

Nagpanggap pa rin akong walang nakikita o naririnig hanggang sa makalabas ako ng silid. Paglabas ko ay nakita ko si Cane na nakasandal sa pader. Tutok na tutok ang atensyon sa kanyang cellphone. Walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.

Marami-rami ang kumukuha ng litrato niya. Parang isang modelo na patuloy siyang pinipiktyuran ng mga schoolmates namin.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Mabilis siyang tumingala at napangiti nang makita ako. Pinigilan kong iikot ang mga mata ko nang marinig ang mangilan-ngilang tili mula sa paligid namin.

"How's your class?" tanong niya at mabilis na kinuha ang backpack ko at isinukbit sa balikat niya.

"Cane a-ako na..." paghila ko sa gamit ko pero hinigpitan niya lang ang kapit doon.

Napailing ako at hinayaan na lang siya. Useless ang makipagtalo kay Cane.

"C-Cane, hindi ba may klase ka pa?"

Ngumisi siya. "Woah! Alam na alam yata natin, Tagsibol? Ganyan mo ba ako kagusto para alamin ang schedule ko?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pinamulahan ng mukha. Bago ko mapigilan ang sarili ko ay naiinis ko siyang hinampas sa braso. "Puro ka kalokohan!"

Binilisan ko ang lakad ko at inunahan siya. Pero anong aasahan ko, natural sa tangkad niya ay inilang hakbang niya lang ako para maabutan.

"Nagbibiro lang ako!" nasa boses pa rin ang pang-aasar niyang saad sa akin. 

"Heh! Tigilan mo ako Hurricane! Of course, malalaman ko ang schedule mo like duh sa eskuwelahang 'to basta tungkol sa 'yo o kaya kay Torn--" Napahinto ako sa pagsasalita nang mabanggit ang pangalan na 'yon.

Doon siya umakbay sa akin at marahang pinisil ang balikat ko. "Ihahatid muna kita sa practice room at didiretso ako sa klase ko. Just text me kung tapos na kayo, I'll pick you up."

Bumagal ang lakad namin hanggang sa huminto kami sa tapat ng elevator. Pinapakiramdaman ko siya matapos marinig ang sinabi niya. Kalmado ang mukha niya na para bang hindi niya ako pinipigilan kanina sa pagpunta. Napayuko ako at nakita ko ang nakakuyom niyang kamay. Kitang-kita ang mga ugat doon na tila ba nakaamba siyang manuntok.

"C-Cane..."

"What?" paglingon niya sa akin. Bumaba ang paningin ko sa kamay niya at sinundan niya iyon. Inalis niya ang pagkakakuyom ng kamao niya.

Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang elevator. Maraming tao sa loob at halos mapuno iyon dahil nga naman ongoing pa ang ilang mga klase. Tumingin ako sa relo ko, less than ten minutes bago pumatak ng alas-tres. Nasa ground floor ang practice room at kung--

"Labas." Napahinto ako sa pagbibilang ng oras sa isip ko nang marinig ang sinabi ni Cane.

Just one word at wala pang isang minuto ay nagsilabasan ang mga tao sa loob.

"Let's go..." paghila niya sa akin papasok. Mabilis niyang pinindot ang elevator para sumara.

"Bakit mo naman ginawa 'yon? Paano kung ma-late sila? Okay lang naman maghintay--"

"Ang dami nila, mamaya meron pa roong may sakit at mahawa ka."

That shut me up.

"Cane..." Nilingon niya ako.

"Thank you..."

Hindi siya nagsalita at ngumiti lang.

Palaging I'm sorry ang nasasabi ko kay Cane, sa pagkakataong ito naisip kong mas tama na thank you ang sabihin ko kay Cane.

Ang magpasalamat sa kanya para sa lahat nang ginagawa niya sa akin.

"TEXT me when you're done." saad ni Cane nang maihatid niya ako sa labas ng practice room ng HDT.

Tumango ako. Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Bakit?" takang tanong ko.

Ngumisi siya at yumuko. Mukhang mahuhulaan ko ang gagawin niya kaya mabilis akong pumaling pakaliwa. Narinig ko ang pagtawa niya makaraan ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng noo ko. Pinamulahan ako ng mukha nang mapansin na nakuha namin ang atensyon ng ibang dumadaan.

"Take care..." tatawa-tawa niyang saad sabay alis. Napailing-iling ako habang pinagmamasdan ang papalayo niyang bulto. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at katulad kanina ay nakakuyom iyon. Napapabuntong-hininga na binuksan ko ang pintuan ng practice room para lang mapatda sa kinatatayuan ko nang sumalubong ang malakas na musika sa akin at bumungad ang isang tao na nagsasayaw sa gitna.

Si Torn...

Pakiramdam ko naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang pagsasayaw niya.

It's not the first time na nakita ko siyang sumayaw but it's the first time I saw him dance this way.

Full of emotions and...love?

Iyong mga mata niya iba.

BABALIK-James Reid

Oohhh oh no oh woah...
Kailan ba nagsimulang matapos ang lahat
Kailan ba ang anumang hindi pagtatapat
Aminado sigurado di gaanong nagampanan
Ang pangakong ginawa ko kaya lalo kang nasaktan

Di maiwasang mapagsisihan
Na ako'y lumisan

Sino kayang iniisip niya?

Si Storm pa rin ba?

Ang simoy ng hangin na lamang ang tanging
Kayakap sa piling ng napiling iwanan ka
At waring ang buhay may taning
Di kayang sabihing madali ring bitawan ka
At ngayon masaya ka na sa kanya
At sakin hindi ka na muling babalik
Babalik babalik babalik pa

Sino pa nga ba?

Mahal niya ako?

Kalokohan. Hindi niya ako mahal. Ginagamit niya lang ako. Kung totoo ang sinabi niya bakit ganito na lang kadali para sa kanya ang tanggapin si Vannie sa buhay niya?

Nababaliw ka na, bakit mo naiisip yan? You should be happy for Vannie! She's your friend...

Lumitaw sa isip ko ang imahe nilang dalawa kanina. Magkahawak-kamay.

Maging masaya? Para sa kanila?

Hindi ko pa yata kaya.

Meron pang nadarama di lang pinapansin
Meron pang natitirang labis na pagtingin
Aminadong di masyadong sigurado nang nagpapasya
At malabong maging tayong muli pagkat wala ka na

Di maiwasang mapagsisihan
Na ako'y lumisan

Sa pag-ikot niya ay nagtama ang paningin naming dalawa.

Alam kong dapat iiwas ko na ang paningin ko sa kanya. Ang ibaling ang atensyon sa iba pero tila may magnet siya at nanatili ang tingin ko sa kanya.

Masakit.

Iyong puso ko bumibilis ang tibok at sumisikip. Pinigilan kong hawakan iyon. Ito na naman ang pamilyar na kirot sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa. Hindi ko kayang tagalan ang tingin niya kaya yumuko ako at binalewala ang tingin sa akin ng mga tao sa loob. Tumuloy ako sa pagpasok. Magpapatuloy sana ako sa paglalakad nang may humawak sa kamay ko.

Paglingon ko ay si Vannie iyon at iminuwestra ang tabi niya. Ngumiti siya sa akin. Pilit akong ngumiti at tumabi sa kanya.

At waring ang buhay may taning
Di kayang sabihing madali ring bitawan ka
At ngayon masaya ka na sa kanya
At sakin hindi ka na muling babalik
Babalik babalik babalik pa
(Babalik babalik babalik babalik babalik pa)

Pumalakpak ang lahat nang matapos si Torn sa pagsayaw. Agad tumayo si Vannie at lumapit kay Torn. Bitbit niya ang isang towel. Inaabot niya iyon kay Torn. Imbes na tanggapin iyon ay lumapit si Torn at may binulong sa tenga ni Vannie habang nakangising nakatingin sa akin.

Napuno ng ingay ang practice room nang punasan ni Vannie ang pawis sa mukha ni Torn.

Tinukso sila ng mga tao sa loob habang ako ay napayuko na lang. Huminga ako nang malalim. Hindi dapat ako maapektuhan.

O hindi niya dapat makitang naaapektuhan ako.

Tumingala ako at nagpanggap na walang nakikita. Inilibot ko ang paningin sa malawak na practice room ng HDT. Lahat kami ay nakaupo sa lapag maliban kay Charm na nakangisi sa akin habang nakaupo sa harap katabi ang mesa na may nakalagay na laptop at speaker.

Malamig sa loob ng practice room. Tipikal na dance studio. Merong salamin sa dingding kung saan nakikita ang mga galaw namin.

Umupo sa tabi ko si Vannie na pulang-pula ang mukha. Sumunod sa kanya si Torn.

"You're late..." kaswal na saad sa akin ni Torn.

Napalunok ako at sinilip ang relo ko.

3:10 na pala.

"Late nagpalabas a-ang prof namin..." pagsisinungaling ko.

Tumango siya. "Buti pinayagan ka ng boyfriend mo.." muli niyang saad.

Hindi ako sumagot at ibinaling na lang atensyon sa harap kung saan naroon si Charm.

Nagpakilala siya sa aming mga baguhan pa lang. Lima lang ang natanggap sa audition.

Sampu lang silang miyembro ng HDT. Ngayon nga ay labinlima na kaming lahat.

Isa-isang nagpakilala kaming mga baguhan. Nang mapunta kay Vannie ay nag-umpisa na namang umingay ang paligid.

"I'm Savannah... I'm taking--"

"Girlfriend ka ba ni Torn?" pagsabat ng isang lalaki at hindi pinatapos ang sasabihin ni Vannie.

Pinagmasdan ko ang pamumula ng buo niyang mukha sa salamin na nasa harap namin.

"A-ano h-hindi I mean--"

"Yes. She is my girlfriend."

Yes...she is my girlfriend.

Yes...she is my girlfriend.

Buti pinayagan ka ng boyfriend mo...

Paulit-ulit kong narinig sa isipan ko ang mga salitang 'yon.

He doesn't care anymore kung boyfriend ko si Cane.

Bakit pa nga ba magkakaroon ng pake sa akin samantalang may girlfriend na siya?

Isang tapik sa balikat ko ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Turn mo na, Ate Spring..." bulong sa akin ni Vannie.

Doon ko lang napansin na nasa akin na ang atensyon ng lahat. Nahihiyang tumayo ako.

"I'm Spring..." mahina ang boses kong saad.

"The legendary Spring of Helios University..." nangingising saad ng isang lalaki.

Hindi ko gusto ang tingin niya sa akin. Kinikilabutan ako.

"Girlfriend ni Hurricane?"

Hindi ako sumagot at naupo na lang. Yumuko ako.

"Pucha! Masakit Torn!" napatingala ako nang marinig ang boses ng lalaki kanina.

Masama ang tingin nito kay Torn na sumipol lang. Bumaba ang tingin ko sa bote ng mineral na nasa lalaki.

"Problema mo? Bakit ka nambabato?"

"Gusto ko lang..." nakangising tugon ni Torn.

Tumayo ang lalaki pero bago pa siya makalapit ay nagsalita si Charm.

"Sit down, Mortis. Huwag mong antayin na pilitin kitang umupo." may awtoridad ang boses na saad ni Charm.

Nagmumura na muling umupo ang lalaking Mortis pala ang pangalan.

"In two weeks time will be Helios University Foundation. Of course alam kong alam ninyo naman na hindi puwedeng walang performance ang HDT sa araw na iyon... this year....."

Nagpatuloy sa pagsasalita si Charm. Nag-iisip ng ideya kung anong tema ng gagawing sayaw ngayong taon. Hinihingan ng ideya ang bawat isa pero nanatiling tikom ang bibig ko at nakikinig lang.

"How about tango? Jazz?" suhestiyon ng isang babae.

"Hmmm, with a touch of hip-hop ang modern dance...That will be our highlight..."

Tumango-tango si Charm at mabilis na pumitik.

"Are you up for this idea?"

Pinaliwanag niya ang naiisip niyang routine at bawat isa sa amin ay sumang-ayon. It's unique. A modern dance mixed with a touch of classics. It's different.

Sa pinakahuling parte ng sayaw ay mapapalitan ng classical dance tango with jazz ang modern dance.

"So sinong sasayaw ng classical?"

"How about Torn?" nakangising tanong ni Charm sa aming lahat.

Muli ay mabilis na sumang-ayon ang lahat.

"So, okay lang ba sa 'yo Torn?"

"Hindi ba nagdesisyon na kayo? Why bother asking my permission?" malamig ang boses na balik-tanong niya kay Charm.

Imbes na mangilag ang mga tao sa loob ay nagtawanan na lang maliban sa aming mga bago. Tila sanay na silang lahat sa ugali niya.

"How about his partner?"

"Let him choose kung sinong gusto niya..." pagkibit-balikat na sagot ni Charm sa tanong ni Jesse-- isa sa mga miyembro ng HDT.

"So...sinong pipiliin mo?"

Tumayo si Torn at isa-isa kaming pinagmasdan.

Huminto ang paningin niya sa akin. Tumaas ang kamay niya at itinuro...

ang katabi ko.

"Of course, I'll choose my girlfriend."

With what he said. Another pain pierce through my heart.

You said you'll break me...

Congratulations Tornado Helios.

Nagtagumpay ka...

TBC

-Rush update hindi siya ganoon kahaba. I've been so busy this past few weeks. Walang tulog sa pagbabantay sa hospital dahil may sakit akong inaalagaan. Not so sure kung kelan ulit. Huwag ninyo kong kulitin 😭

15 chapters to go~Goodbye Toring/Caring 😂 Wew!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top