Chapter 83: Mistaken Identity

Enjoy reading! Don't forget to vote and comment~

Hurricane's POV

"I-Ibaba mo na ako..." bulong ni Spring nang makapasok kami sa loob ng elevator.

"I won't! Dadalhin kita sa ospital--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang malakas siyang sumigaw. "Hindi na kailangan! I'm fine!"

"Galit ka ba?" mahina ang boses na tanong ko.

Hindi siya sumagot at nagpumilit na makababa sa pagkakabuhat ko. Sa huli ay wala na rin akong nagawa kung hindi pakawalan siya.

Nag-alala ako nang makita ang pagngiwi niya na tila may iniindang sakit.

"Are you okay?"-

"Pagod na ako, Cane." Saad niya at sumandal sa gilid ng elevator.

"Kaya nga dadalhin kita sa hospital!"

Umiling siya at malungkot na ngumiti sa akin. "Iyong pagod na kahit ilang beses ko pang itulog, ipahinga hinding-hindi na yata mawawala."

"Spring..." tumulo ang luha sa mga pisngi niya kaya tumaas ang kamay ko para sana pahirin iyon pero hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon. "Buong buhay ko pakiramdam ko wala akong ginawa kung hindi manira ng relasyon ng iba...Na ipinanganak lang ako para sirain sila."

"Relasyon ni Tatay kay Lola, sa kapatid ko at maging sa asawa niya. At ngayon..." Lumunok siya at iniwas ang paningin sa akin pero kitang-kita ko ang sakit at paghihirap sa mga mata niya. "Kayo ni Torn...sinisira ko ang relasyon n'yo bilang magkapatid. And I hate myself for that, I'm unhappy because of that. Pagod na pagod na akong maipit sa inyong dalawa..."

Alam kong hindi ko magugustuhan ang susunod niyang sasabihin kaya bago pa niya maipagpatuloy ito ay hinila ko siya at niyakap.

"Please...kung anuman ang sasabihin mo keep it to yourself. I won't do it again, hindi na ako makikipag-away sa kanya! I'll do anything para magkaayos kami...kaya huwag mong iisipin na makipaghiwalay."

"Cane..."

"Mas lalo lang kaming magkakagulo kung hihiwalayan mo ako. It will be like a domino effect. Dahil pati si Vannie masasaktan mo."

F*ck! You're an asshole Cane!

But what am I going to do?

Mapait akong napangiti.

Spring...I can live without you but my life will never be the same again...Kahit na masaktan ako sa ginagawa ko, ayos lang basta nasa akin ka. Use me all you want, its okay. Just please...kahit hindi katulad ng pagmamahal ko ang ibigay mo pero sana kahit konti maibigay mo. Sapat na sa akin 'yon.

"How much more do I have to love you for you to love me?"

"Cane..." Tinangka niyang umalis sa pagkakayakap sa akin pero hindi ko siya hinayaang makawala.

Hindi ko siya kailanman bibitawan. Kahit kailan.

"Forget what I said. Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal..."

****

"WHAT do you want Damien?" bored kong sagot sa tumawag sa akin. Kakahatid ko lang kay Spring sa bahay nila. Kahit anong pilit kong dalhin siya sa hospital, sa huli ay siya pa rin ang nasunod.

"Tss. Kambal nga kayong dalawa, parehas na parehas ang sinasabi sa tuwing tinatawagan naming kayo. Nakakapagtampo tagal na nating hindi nagkikita-kita—"

"Huwag ka ngang bakla!" nangingiti-ngiti kong sigaw sa kabilang linya bago pa maipagpatuloy ni Damien ang pagdadrama niya.

"We're here at Sixth Avenue. Punta ka naman..."

"Umiinom kayo? It's still early, maawa nga kayo sa mga atay n'yo,"

He sneered. "Nagsalita ang lalaking ginagawang tubig ang alak."

Ngumisi ako. "Nagbago na ko."

"Oh come on Hurricane, wala kang maloloko rito. Hihintayin ka namin bro, kapag hindi ka nagpunta guguluhin ka namin sa bahay n'yo."

Napailing-iling ako nang babaan ako ng kausap.

Mabilis kong iniliko ang kotse ko papunta sa Sixth Avenue—ang bar na palaging tinatambayan naming magkakaibigan. Napahinto ako sa paglakad papasok nang makita ang nakapark na kotse sa labas.

So, he's here?

Napailing ako. I don't think it will be a good idea kung magkikita kami. Tumalikod ako pero napapikit nang maalala ang sinabi ko kay Spring kanina.

Right. Kailangan naming mag-usap.

Ayoko man na makausap siya dahil walang ginawa ang kakambal ko kung hindi pag-initin ang ulo ko. Pero ayokong malungkot si Spring kapag nag-away na naman kami sa harap niya. Maybe we can fight but not in front of her.

Napangisi ako sa naisip ko.

Kakapasok ko pa lang ay dinig na dinig ko na ang mga tawanan nila Damien, Migs at Gabby.

"You should have seen Damien's face when he saw Alexandra last night while Monica was in his lap."

"Parang nakakita ng multo!"

"Then malakas niyang tinulak si Alexandra,"

"His night ended with two marked palms on his face..."

"Shut the f*ck up guys!"

"Kahit kailan talaga ang iingay ninyong tatlo..." saad ko nang makalapit sa kanila kaya napatigil si Damien sa pagbatok kay Gabby.

"Woah! Akala naming iindiyanin mo na kami, eh."

Napangiwi ako nang parang bakla na tumayo si Migs at niyakap ako.

"I miss you, bro."

Malakas ko siyang tinulak at tatawa-tawa naman siyang bumalik sa pagkakaupo sa pabilog na sofa.

"Pucha, anong meron sa suot mo? Kakapangilabot bro..." pang-aasar ni Damien sa suot ko. Nagkibit-balikat ako at hindi siya sinagot.

Dahil maaga pa ay hindi pa bukas ang Sixth Avenue pero dahil pagmamay-ari ito ng Tito ni Gabby ay malaya kaming nakakapasok dito anumang oras.

"How is she?"

Napatingin ako sa likod ko nang marinig ang boses ng kakambal ko.

"Dude, tagal natin sa restroom ah, hindi ba nangalay kamay mo?" tatawa-tawang pang-aalaska ni Migs kay Torn na sinamaan lang siya ng tingin.

"Uminom ka na nga lang Migs, bastos talaga iyang bunganga mo!"

"Nagsalita ang hindi bastos..."

"I'm asking you, how is she? Why are you even here? Hindi ba dinala mo siya sa hospital?" sunod-sunod na tanong ni Torn. Napakuyom ang kamao ko, imbes na sagutin siya ay naupo ako at inagaw kay Damien ang bote ng alak.

"Damn it, I'm talking to you!"

Pabagsak kong ibinaba ang bote sa lamesa at hinarap siya. "S-Sino ka ba?"

"What?!"

"Sino ka para alamin kung anong kondisyon ng girlfriend ko?"

You're here to make amends not to start a f*cking war again, Hurricane!

Sigaw ng isip ko pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam na naman ko ng pag-iinit ng ulo para sa kakambal ko. Lalo pa at naaalala ko ang mga sinabi niya kanina.

Kinuwelyuhan niya ako at hinila patayo. "Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Hurricane!"

"Oy anong problema n'yong dalawa?" sigaw ni Damien na mabilis na tumayo at pilit kaming pinaghihiwalay pero mas humigpit ang kapit ni Torn sa kuwelyo ng suot ko.

"Tigilan mo na siya put*ngina Tornado! She's mine! Stop asking about her! Stop being concern! Hindi ka niya kailangan, just focus your attention with your fiancée, layuan mo na siya!" sigaw ko at marahas na inalis ang pagkakahawak niya sa kuwelyo ko. "N-Nakikiusap ako, ikaw na lang ang lumayo..." Tila pagod na pagod na napaupo ako at sumandal sa sofa.

Lumayo ka dahil tama ka natatakot ako na baka isang lapit mo pa sa kanya, tuluyan na siyang mawala sa akin...

Iniangat ko ang kamay ko at tinakpan ang mga mata ko. Na sa hindi ko mawaring dahilan ay nagtutubig.

"Sa tingin mo ba, ginusto ko 'to? Hindi ba ikaw na rin ang may sabi na hindi mo kontrolado ang nararamdaman mo? Ganoon din ako! Hindi ko gustong magustuhan siya pero...nangyari na. I didn't expect that I would like him this way. I didn't expect that I would fall for someone like him..."

Bakit hindi na lang ako? Bakit si Tornado pa, Spring?

"Hey man, are you crying?"

Yumuko ako at pasimpleng pinunasan ang mga mata ko pero alam kong napansin din nila iyon.

"Sinong umiiyak? Ako? Mga gag*!" Kukunin ko na sana ang bote ng alak nang agawin iyon sa akin ni Torn at mabilis na ininom.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" wala ng halong biro na tanong ni Migs.

Ngumisi ako at kumuha ng panibagong bote.

"Nagkagusto kami sa iisang babae..." parang balewala kong tugon sa tanong ni Migs. "Iyon ang nangyari..."

Binalingan ko si Torn, "Desidido ka ba talaga sa sinabi mo noon na sisirain mo siya? Kasi sa ginagawa mo, unti-unti mo siyang sinisira."

Blanko ang matang tiningnan niya lang ako at hindi nagsalita.

"Committed ka na sa iba kahit ayaw mo wala kang magagawa. Masasaktan mo lang siya kung ipipilit mo pa. Hayaan mo na siya Torn...hayaan mo na kami." Tumayo ako at hinarap ang mga kaibigan ko. "Mauuna na ako, let's drink some other time." Mabilis akong umalis kahit na naririnig ko ang pagtawag nila sa akin.

"She doesn't love you, why are you such a fool?" sigaw niya sa akin na siyang nakapagpahinto sa pag-alis ko.

Kumuyom ang kamao ko. "Kung hindi niya ako mahal, bakit ako ang boyfriend niya ngayon?"

Isang malakas na pagkabasag ang narinig ko bago ko tuluyang makalabas sa lugar.

****

"Nandito ka na naman?"

"Hurricane! Ayan ba ang tamang pagbati sa bisita natin?"

Hindi ko pinansin si Cyclone at dire-diretso akong nagtungo sa kusina.

"Aba't napakawalang-modo talaga ng batang ito!"

"Tita, ang sarap po talaga nitong cookies ninyo..." Napangisi ako at sinilip si Savannah habang kagat-kagat ang cookies na gawa ni Cyclone.

"Talaga? Alam mo bang ikaw lang ang nagsabi sa akin niyan, ayaw nga kainin nila Torn 'yan, eh. Gusto mo bang turuan kita?"

Napangiwi ako. Ang cookies ni Cyclone? Masarap?

Is that a joke? Parang kumain ka kaya ng bato sa cookies na ginagawa niya. My Mom loves baking unfortunately hindi siya mahal nito.

Papanhik na sana ako ng hagdan nang maramdaman ko ang pagtama ng kung ano sa batok ko.

"Ouch motherfu—"

"Ituloy mo 'yan at sisiguraduhin kong hindi mo na talaga mababawi ang kotse mo sa akin!"

Irita kong pinulot ang ibinato sa akin ng magaling kong ina. Nawala nga si Light pero parang nandito rin siya sa katauhan ng Nanay namin na mas brutal pa sa demonyita kong kapatid.

Napanganga ako nang makita ang cookies na ibinato niya. Ni hindi man lang nasira. Ayos pa ba ang ngipin ng babaeng nasa tabi niya?

"Ano na naman ba 'yon Ma? Pwede mo naman akong tawagin, kailangan mo pang mamato!" puno ng iritasyon kong saad.

I'm not in a good mood to tolerate my Mom's childish ways. Naiinis ako at kung pwede lang ay sirain ko na naman ang pinakamamahal niyang vase pero nadala na ako. I still can't believe na pinagdikit-dikit niya sa amin ng kakambal ko ang binasag niyang vase. It will take us a month kung hindi nga lang siya naawa nang masugatan ang kamay ni Torn.

"Entertain Savannah habang wala pa ang kakambal mo. Nakalimutan kong magvi-video call pala ang Papa mo."

Iritable kong binalingan si Savannah. Kung dati-rati ay naaaliw ako sa kanya dahil sa porma niyang pambata ngayon ay hindi ko mapigilang mainis habang pinagmamasdan siya suot ang dress na hapit na hapit sa katawan. In an instant, nawala ang batang Savannah na nakasuot ng jumpsuit at palaging nakatirintas ang buhok.

"What? I'm not a babysitter Ma! Umalis na lang siya, baka abutin ng madaling-araw ang hinihintay niya." Tatalikod na sana ako pero malakas na sumigaw ang Nanay ko.

"Joe! Where are you? Pakikuha—"

Mabilis akong humarap at sinamaan si Savannah na ayan na naman ang mukhang tila papaiyak.

Tss, iyakin!

"Let's go, napakita na ba sa 'yo ni Mama ang garden namin?" Pilit ang ngiti kong lumapit sa kanila at hinila ang fiancée ng kapatid ko papunta sa likod ng mansiyon.

He's f*cking tired pero wala siyang choice kung hindi i-entertain ang 'paboritong' manika ng Nanay niya ngayon.

****

"GALIT ka ba sa akin?"

Napahinto ako sa pagsindi sa sigarilyong hawak-hawak ko. Ibinaba ko iyon at binalingan si Savannah na nakaupo sa swing habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa harap namin.

"Bakit ako magagalit sa 'yo?"

Nagkibit-balikat siya. "Pakiramdam ko lang...hindi mo ba ako gusto?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit kita magugustuhan?"

Namula ang mukha niya na mukhang napagtanto ang maling nasabi. "I mean hindi mo ba ako gusto para sa kakambal mo?"

Ngumisi ako at naupo sa katabing swing. Hindi siya sinagot at pinagpatuloy ang naudlot na pagsindi sa sigarilyo.

I honestly don't know kung bakit naiirita ako sa kanya. I should be glad na umeksena siya sa pagitan naming tatlo nila Spring at Torn. Mas napadali ang lahat. Nagamit ko siya para maging girlfriend si Spring.

Girlfriend? Gumising ka, sa tingin mo ba tinuturing ka niyang boyfriend?

Binalingan ko siya at pinagmasdan, nalaman ko kung bakit ako naiinis sa kanya dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Trying to change para lang mahalin ng taong mahal niya. Ang magmukhang tanga habang umaasa na darating din ang araw na mapapansin din siya ng taong mahal niya. Siya ang nagpapaalala sa akin kung gaano ko katanga ngayon.

"Girlfriend mo ba talaga si Ate Spring?" muli niyang tanong na tila dinamdam ang hindi ko pagsagot sa tanong niya kanina.

Hindi ko nagustuhan ang tanong niya. "Why? Hindi ka rin ba naniniwala na naging kami dahil mahal niya ako?!"

Napapitlag siya sa sigaw ko. Napalunok ako at napahilamos sa mukha.

"I'm sorry, m-mauuna na ako—"

"Don't go. Just stay there. Hihintayin mo pa ang fiancée mo hindi ba?"

Parang robot na muli siyang naupo. Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.

"Bakit kaya natin minamahal ang taong may mahal nang iba? Marami pa naman diyan pero bakit natin pinagsisiksikan ang sarili natin sa kanila..."

Napakuyom ako sa narinig ko. "Shut up."

Ngumiti siya sa akin at hindi ko nagustuhan ang ngiting iyon. "Parehas lang tayo Cane, instead of being angry with me. You should thank me dahil kung wala ako mas madali para sa kanilang dalawa ang lahat. Talo ka kaagad. Kasi..." Lumunok siya at tumulo ang mga luha sa mga mata niya. "Mahal nila ang isa't-isa..."

Dapat na akong umalis bago pa ako may magawang masama sa kanya pero nanatili ako sa kinauupuan ko.

"So let's do each other a favor. I'll do anything para magkalayo silang dalawa at ganoon ka rin dapat..."

Nagulat ako nang kunin niya ang sigarilyong hawak-hawak ko at isinubo iyon. Uubo-ubo siya matapos niyang hithitin iyon.

Mabilis niyang ibinato iyon sa lupa at inapakan.

"Hindi naman masarap! B-Bakit gustong-gusto n'yo?"

Hindi ko napigilan at natawa ako. Damn this girl!

Tumayo ako at iiwanan na sana siya pero hinawakan niya ang laylayan ng damit ko.

"What?"

"Saan ka pupunta?"

"I'm tired, matutulog na ako."

Inalis ko ang kamay niya sa laylayan ko pero ngumuso lang siya umiling. "Dito ka muna...usap tayo."

"Wala ako sa mood makipag-usap."

"Susumbong kita kay Tita!"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "You little witch!"

Ngumisi siya at parang magic words ang sinabi niya kaya bumalik ako sa pagkakaupo sa swing. Dahil nga wala ako sa mood sa pakikipag-usap. Hinayaan ko lang siya magkuwento ng kung anu-ano.

"Alam mo ba matagal ko nang kakilala ang kakambal mo? I like him since that day na niligtas niya ako mula sa lalaking gusto akong halikan—"

"WHAT?!"

Nagulat siya sa sigaw ko at naputol ang sinasabi niya. "B-Bakit?"

Tumikhim ako. "Nevermind. Just continue..."

Napanganga ako nang matapos ang ikinukuwento niya.

"Kaya nga nang pinapili ako ni Daddy kung sino sa inyong dalawa ang gusto kong maging fiancée, siya ang pinili ko."

Napalunok ako at binalingan siya. "Did you really like him because of that?"

Tumango-tango siya at ngumiti. "Alam mo ba—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at mabilis ko siyang iniwanan. Walang pakialam sa pagtawag niya sa pangalan ko.

"Oh? Nasaan si Vannie?" bungad sa kanya ng ina nang makasalubong niya ito pero tuloy-tuloy lang siya sa pagpanik sa hagdan patungong kuwarto niya.

"Ikaw talagang bata ka! Kinakausap kita, Hurricane!"

Pabagsak akong humiga sa kama ko at tinakpan ang buo kong mukha. Mayamaya ay para akong nababaliw na tumawa.

"Shit! Shit! Ha-Ha-Ha-Ha!"

Pumikit ako at nagbalik-tanaw ilang taon na ang nakakalipas. Noong mga panahong nagpanggap ako bilang si Tornado sa isang party. Noong panahong may babae akong tinulungan. At si Savannah ang babaeng 'yon. So that's the reason why she's familiar when I first met her.

Because I'm the one she was supposed to like.

The person she was supposed to choose to be her fiancée.

Hindi ang kakambal ko.

TBC

UNEDITED. Minadali ko na po ito, pasintabi sa typos at wrong grammars.Ciao~ Till next update, team Caring/Toring! ♥

S;œ

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top