Chapter 82: Pain.

SPRING's POV

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo ba talaga 'to?

Kumurap-kurap ako pero hindi imahinasyon ang lahat. Malakas ang tibok ng puso kong naglakad palapit sa mga tao na nasa sala.

Si Rain...

Si Tita Amethyst...

Si Summer...

Si Lola...

At si Tatay...

"Tay..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napabulalas na ako ng hikbi.

Iminuwestra niya ang mga kamay niya na tila nag-aabang ng isang yakap mula sa akin. Sa nakita ay tinakbo ang kakarampot na distansya namin.

Nang mayakap ko si Tatay at maramdaman ang mahigpit niyang pagtugon. Napatunayan kong hindi nga ito panaginip. Totoong nakabalik na sila.

"I missed you, anak..."

Humikbi ako at umalis sa pagkakayakap kay Tatay. Hinarap ko siya at nakita kong katulad ko ay umiiyak na rin siya.

Pinahid ko ang luha sa mga pisngi niya.

"I'm sorry Tay..." bulong ko at muli siyang niyakap.

"Spring..." Tumingala ako at tumayo nang makita ang paglapit sa akin ni Tita Amethyst.

"Tita..."

Ngumiti siya, "How are you?"

"Ate okay ka na ba--"

"Rain!" sigaw ni Summer kay Rain. Pinandilatan nito si Rain.

Ngumiti ako. "Ayos lang po ako. I didn't expect na uuwi po kayo ngayon.."

Tuluyan nang lumapit sa akin si Tita at hinawakan ang kamay ko.

"Your Dad insisted, sinunod niya lahat ng utos ng mga doktor para payagan siyang makauwi rito. Pero kailangan pa rin ng Daddy mong manatili sa hospital for his further treatments."

Tumingin ako kay Tatay, "Tay, bakit po dito kayo dumiretso sana ay sa hospital na lang."

Ngumiti si Tatay. "I can't wait to see you."

Tumikhim si Lola, "Enough with this, Summer at Rain, ihatid n'yo muna ang Daddy n'yo sa guest room."

"Mama, I still want to talk--"

"Autumn, you need to rest marami pang oras para mag-usap kayo ng anak mo."

Nasa mukha pa rin ni Tatay ang pagtutol sa kagustuhan ni Lola pero sa huli ay pumayag na rin ito. Hindi maalis ang tingin sa akin ni Rain kahit na sinimulan nang itulak ni Summer ang naka-wheelchair na si Tatay.

"Let's talk, Spring."

Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Lola.

NANLALAMIG ang mga kamay ko nang makapasok ako sa study room ni Lola. Isang pisil sa balikat mula kay Tita Amethyst ang kahit papaano ay nakapagpakalma sa akin.

Naupo si Lola sa swivel chair niya habang kami naman ni Tita Amethyst ay naupo sa two-seater sofa.

"You're no longer a part of this family. You don't deserve to be a Villafionce, you ungrateful child."

Iyon ang huling mga salitang narinig ko kay Lola. Papaano kung paalisin niya na naman ako? Anong gagawin ko?

"How is your wound?"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig 'yon mula kay Lola. Hindi iyan ang inaasahan kong maririnig mula kay Lola.

"Spring?"

Lumunok ako at tiningnan si Lola. Katulad ng dati ay blanko pa rin ang mukha niya sa tuwing kausap ako.

Gaano na nga ba katagal kong hinahangad na ituring ako ni Lola katulad ng pagtrato niya kina Rain?

Huminga ako nang malalim at napahawak sa sugat kong papahilom na.

"Ayos na po..."

"Let me see it."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lola.

"Po?"

Imbes na sagutin ako ay tumayo siya at naglakad papalapit sa amin.

"Itaas mo ang damit mo..."

Napakagat-labi ako at dahan dahan kong inangat ang suot kong damit. Narinig ko ang pagsinghap ni Tita Amethyst nang makita ang sugat ko.

Hindi ko natagalan ang tingin nila sa akin kaya mabilis kong ibinaba ang suot kong damit.

"Amethyst, call Dr. Winston. Let him check her."

Umiling ako, "Lola ayos na po--"

Napatigil ako sa pagtutol sa kagustuhan niya nang balingan niya ako at samaan ng tingin.

"What are you thinking?! Trying to act like a hero. Are you insane para saluhin ang balang hindi para sa 'yo?!
Naisip mo bang baka ikamatay mo ang ginawa mo?"

Tumulo ang mga luha sa mga pisngi ko pero hindi dahil sa sakit na idinulot nang pagsigaw sa akin ni Lola. I don't know why pero masaya ako. Masaya akong makita ang reaksyon niya.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay ginawa ko na ang matagal ko nang gustong gawin kay Lola. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I'm sorry Lola... I'm sorry..."

Inaasahan kong itutulak niya ako pero hindi ko inaasahang gagantihan niya ang yakap ko.

Walang salita mula sa kanya pero alam kong may nagbago na sa relasyon naming dalawa.

Paglabas na paglabas namin ng study room ay umiiyak na niyakap ako ni Rain. Parang batang sumiksik siya sa akin hanggang sa aming pagtulog.

KINABUKASAN...

"Pagkatapos ng interview ko Tay, doon na ako didiretso sa hospital." Matapos sabihin iyon ay hinalikan ko sa pisngi si Tatay.

"Goodluck anak, you can do it. Mag-iingat ka..."

Nang makaalis sina Lola, Tita Amethyst at Tatay ay naghanda na ako para sa interview ko sa HGOC.

"Don't tell me ayan ang isusuot mo sa interview mo?"

Napalingon ako sa likod ko at nakitang nakatayo si Summer sa hamba ng pinto ng kuwarto ko.

"Oo nga Ate, ang manang mo..." pagtawa ni Rain na kanina pa naghahalukay sa closet ko.

Dahil sa nangyari kahapon ay hindi na ako nakabili nang isusuot ko. Kaya sa huli ay napagpasyahan kong magsuot ng slacks na tinernuhan ko ng long sleeve polo.

"Here..."

Napatingin ako kay Summer na ibinato ang isang paper bag kay Rain.

"Summer..."

Tinaasan ako ng kilay ng kapatid ko. "Don't look at me like that! Itatapon ko l-lang 'yan pero sayang naman kaya sa 'yo na lang!"

Matapos sabihin iyon ay nagmamartsa niyang nilisan ang kuwarto ko.

Nagkatinginan kami ni Rain at nagkatawanan. Binuksan ni Rain ang paper bag na naglalaman ng isang pencil-cut skirt and sleeveless top with blazer.

"Hindi ba masyadong masagwa?" tanong ko kay Rain.

"Masagwa iyong kanina!"

Natawa ako sa tinuran ni Rain.

I'm happy right now.

Sapat na 'yon para mawala sa isip ko ang imahe ng dalawang taong naghalikan sa harap ko.

HUMINGA ako nang malalim bago pumasok sa loob ng building ng HGOC. Naiilang akong naglakad papasok sa malawak na lobby ng kompanya.

Bawat taong nakikita ko ay madaling-madali ang kilos. Dumiretso ako sa information desk at sinabi ang pakay ko.

Nang mabigyan ng pass ay naglakad ako patungo sa elevator nang magulat nang may umakbay sa akin.

Paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita si Hurricane.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti siya. "Interview," simpleng usal niya. "Let's go?" Hindi niya na hinintay ang sagot ko at basta niya na lang akong hinila.

Nagpatianod ako kay Cane nang hilahin niya ako. Gulat pa rin ako sa presensiya niya. Idagdag pa ang ayos niya ngayon.

Taliwas sa palagi niyang suot. Ibang-iba siya ngayon. He's wearing a sky blue long sleeve paired with a slacks. Ang buhok naman niya ay ayos na ayos. Napapansin kong pinagtitinginan kami sa elevator. Mukhang alam nila kung sino ang kasama ko.

Napuno nang napuno ang elevator na naging dahilan para maging madikit ako kay Cane. Sa harap ko ay may dalawang lalaki na natabig ako. Sinamaan sila ng tingin ni Cane. Nagulat ako nang iharang ni Cane ang sarili niya sa mga lalaking nasa harap ko. Inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko.

Sobrang lapit niya sa akin na naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Nanlaki ang mata ko nang bumaba ang ulo niya.

Unconsciously, I covered his mouth with my hand. Tumawa siya. Aalisin ko na sana ang kamay ko sa bibig niya nang maramdaman ko ang paghalik niya sa palad ko.

Pakiramdam ko hanggang paa ko umabot ang pamumula ng buong mukha ko.

Sa inis ko sa ginawa niya ay tinapakan ko ang paa niya.

"Ouch! Motherf*cking h$ll!" sigaw niya at sinamaan ako ng tingin.

Iniwas ko ang paningin ko. Walang pakialam sa pananakit ng paa niya.

Nang tumunog ang elevator at bumukas ay dali-dali akong lumabas.

Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.

"Hey!"

Hindi ko siya pinansin.

"Tagsibol!"

Wala akong naririnig.

"Babe!"

Napahinto ako sa paglalakad. Hindi dahil sa sigaw niya kung hindi dahil sa lalaking nasa harap ko na napahinto rin sa paglalakad.

Torn...

Bumaba ang paningin niya sa labi ko papunta sa suot ko. Blanko ang ekspresyon niya nang maramdaman ko na may umakbay sa akin.

"I thought you don't want to have your internship here?" pagkausap ni Cane kay Torn.

"It's none of your business." malamig na tugon nito sa kakambal.

Lalagpasan niya na sana kami nang hawakan ni Cane ang balikat niya.

"Bitter, eh?"

"Cane!" pananaway ko rito.

Ngumisi si Torn at pinalis ang kamay ni Cane. "Why would I be?" Binalingan ako ni Torn. "Did you tell my brother what happened between us a week ago?"

Kumunot ang noo ni Cane sa sinabi ni Torn habang ako ay nanlamig sa kinatatayuan ko.

"Poor Cane...don't be so confident, Bro." Matapos sabihin iyon ay tumalikod si Torn at iniwan kami.

Masama akong tiningnan ni Cane.

"What happened?"

Iniwas ko ang paningin ko. "M-Mauna na ako, baka ma-late pa ako sa interview..." Naglakad ako pero hinaklit ni Cane ang braso ko.

"F*cking tell me!"

"N-Nasasaktan ako C-Cane..." nangingiwi kong saad nang humigpit nang humigpit ang kapit niya sa braso ko.

Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ko.

Yumuko ako. "I'm sorry but please C-Cane, don't ask me what happened that day. I c-can't tell it to you..."

Lumarawan ang sakit sa mukha niya.

Tumalikod ako at hindi niya ako pinigilan.

I'm sorry... kung sana kaya kong turuan ang sarili kong magustuhan ka. Hindi kita masasaktan nang ganito.

"WELCOME to Helios Group of Companies Miss Cruz." Tumayo si Miss Allison na siyang nag-interview sa akin.

Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti.

"It's a pleasure for me to be a part of this company."

"Janica will bring you to the conference room. Nandoon ang ibang mga interns na natanggap din." tukoy niya sa babaeng kanina pa busy sa computer nito.

Tumango ako at ngumiti. "Thank you po,"

Muli niyang tinawag ang babaeng nagngangalan na Janica.

Ilang pasilyo ang nilikuan namin bago kami huminto sa two-door room.

"Here's the conference room. Pumasok ka na lang." Parang wala sa sariling saad sa akin ni Janica at iniwan ako.

Binuksan ko ang pinto at napatda ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang nasa loob.

Binalingan niya ako pero parang walang nakita na nagpatuloy siya sa pagkausap sa cellphone.

"Hmmmm...so where do you want to go?"

Nanginginig ang tuhod ko na nagtungo sa isa sa mga upuan sa loob ng conference room. Sa pinakadulo at kaliwang bahagi ako umupo malayo sa kanya.

"I don't know that place, Sav..."

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang binanggit niyang pangalan.

"Can I call you, Sav?"

"Y-Yes, of course."

"You said you'll do everything to make me fall for you?"

"Y-Yes..."

"Then make me... make me fall harder for you..."

Matapos niyang sabihin iyon ay dumampi ang labi niya sa labi ni Vannie.

Nakuyom ko ang kamao ko nang maalala ang pangyayaring 'yon. Napahawak ako sa dibdib ko nang kumirot ito.

Napangiwi ako. Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang bottled water. Mabilis ko itong ininom. Napakagat-labi ako nang maramdaman pa rin ang kirot sa puso ko.

Huminga ako nang malalim.

"Are you okay?"

Napatingala ako mula sa pagkakahawak sa dibdib ko.

Ang kaninang hawak niyang cellphone ay basta na lang niyang binaba. Kunot ang noong pinagmasdan niya ako.

Binaba ko ang kamay ko at ikinuyom ko ito.

"I-I'm fine..."

Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pinto at pumasok ang isa na namang taong hindi ko inaasahan.

"Angel?"

Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Paupau?"

Napangiti ako. "Dito ka rin?"

Masaya rin siyang ngumiti sa akin at tumango. "Kumusta ka na?" tanong niya nang makaupo na siya sa tabi ko.

Nanlaki ang mata niya nang makita si Torn. Pero saglit lang iyon at ibinalik niya rin ang tingin sa akin.

"Ayos lang..." tugon ko at kinalimutan ang sakit na naramdaman ko kanina.

"Good to hear that. Siya nga pala, nalalapit na ang birthday ni Mama, gusto ko sanang imbitahan ka--"

"Not a chance, nerd. She's not going," sabay kaming napalingon ni Paupau sa kapapasok lang ng conference room na si Cane.

Nagtagpo ang paningin namin. Wala na ang talim ng tingin niya sa akin. Katunayan ay ngumiti pa siya at tumabi sa akin. Inakbayan niya ako at hinila ang upuan ko papalapit sa kanya.

"C-Cane..."

I was expecting him to ignore me. Galit siya sa akin hindi ba?

"S-Sino k-ka ba para p-pagbawalan si Angel?" nauutal na tanong ni Paupau kay Cane.

"Sino ako? Boyfriend niya, ikaw? Sino ka ba para imbitahan ang girlfriend ko sa party ng Nanay mo?"

Tumingin sa akin si Paupau. "A-Angel..."

"Tss. Stop calling her Angel! Spring ang pangalan niya!"

"Cane! Huwag mo ngang pagsalitaan ng ganyan si Paupau!" suway ko kay Cane.

Umismid lang ang huli.

"Pwede bang manahimik kayo?!" sigaw ni Torn sa amin.

"What the--" tumayo si Cane at tila handang sugurin ang kakambal niya nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na babae.

Saktong pagpasok niya ay siya ring pagpasok ng lima pang sa tingin ko ay intern din.

"C-Cane... maupo ka na!" Parang walang narinig si Cane kaya napilitan akong hilahin siya paupo.

Tumikhim ang babae na nasa harap.

"Everyone, I'm Miss Leila Echavez and I will be your supervisor for your internship here in HGOC."

Nagsimulang sabihin ni Miss Leila ang mga rules and regulation ng kompanya.

"Hurricane, David, Helga-- the three of you will be assigned to the marketing department."

Kuminang ang mga mata no'ng Helga nang marinig ang sinabi ni Miss Leila. Hindi nakaligtas sa akin ang malagkit niyng tingin kay Cane na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Miss Leila.

"Marionne and Jace, sa HR department kayo."

"The rest will be assigned in Finance Department."

The rest?!

Napatingin ako kay Torn at hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o talagang ngumisi siya.

"No! Change that f*cking arrangement!" sigaw ni Cane na siyang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Mr. Helios! Watch your words!"

Tumayo si Cane at napapitlag ako nang sipain niya ang lamesa.

"Change the arrangement Miss Leila." madiin ang bawat salitang saad ni Cane.

"No. That's our final decision."

"Do you know me?"

Nagtiim ang labi ni Miss Leila. "Yes."

"Well then, are you going to change the arrangement or you'll be fired from your job? Choose one, Miss Leila."

Ngumisi si Miss Leila. Hindi kakakitaan ng takot sa sinabi ni Cane.

"Wala akong pipiliin Mr. Helios. You're just a son of the owner of this company. You can fire me when you have the authority."

Matapos sabihin 'yon ay ngumiti si Miss Leila.

"Well interns, see you next week."

Tila nang-aasar pa siyang ngumisi kay Cane bago umalis.

Napapitlag ako nang malakas na hampasin ni Cane ang lamesa.

"Scared?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Torn.

"What did you say?!"

"Wala ka bang tiwala sa girlfriend mo?"

Tumingin ako kay Tornado.

"Please Torn... stop it!"

Tila walang narinig na ngumisi siya kay Cane at nagpatuloy sa pang-aasar.

"Chill bro, napaghahalataan ka, eh."

Bago ko pa mapigilan si Cane ay mabibilis ang hakbang na tinungo niya ang puwesto ni Torn.

Sumigaw ako bago pa dumapo ang kamao ni Cane kay Torn. Napaupo ako at nagkunwaring nahihirapan ako sa paghinga.

"Angel? Anong nangyayari?" natatarantang tanong ni Paupau sa akin.

Nakita ko ang pagtigil ni Cane sa gagawing pagsuntok kay Torn.

Mabilis siyang nakalapit sa akin.

"What's wrong?"

"I-I can't breathe..."

Binuhat ako ni Cane. "I'll bring you to the hospital."

Nagpapanggap lang ako noong una pero nang magtagpo ang paningin namin ni Torn at nakita ko ang mga mata niya na nakatingin sa amin.

Unti-unting nagkatotoo ang pagpapanggap ko. Nanikip ang dibdib ko at tila may sumuntok sa dibdib ko.

Why do you always cause me this kind of pain? Why Torn?

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top