Chapter 81: Don't cry.
Enjoy reading!
SPRING's POV
"Hija, hindi mo na naman inubos ang pagkain mo. Ano bang nangyayari sa 'yo? Aba'y ilang araw ka nang ganyan. Tulala at walang gana. Gusto mo bang ganyan ka maabutan ng Tatay mo?"
Umiling ako sa sinabi ni Yaya Feling. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa mga ikinikilos ko. Tama si Yaya, ilang araw na akong ganito. I'm acting like someone who broke up with her boyfriend. Napangiti ako nang mapait sa naisip.
Tumayo ako at kinuha ang pinagkainan ko.
"Ako na riyan at magpahinga ka sa kuwarto mo. Mukhang ilang araw ka na rin yatang kulang sa tulog," sabi ni Yaya Feling at kinuha ang bitbit kong plato. Sumunod ako sa kanya at nagpasyang magtimpla ng gatas.
"Ano ba kasing nangyari sa 'yo? Aba'y simula nang umuwi kang umiiyak nagkaganyan ka na. May kinalaman ba diyan ang lalaking ikinuwento ni Cosme?" puno ng pag-aalalang saad ni Yaya Feling nang maibaba ang plato sa lababo.
Mabilis akong umiling sa sinabi niya at nagpanggap na abala sa pagkuha ng gatas sa refrigerator.
"Spring...galit ka ba kay Yaya?"
Naguguluhan kong ibinaba ang hawak sa counter table sa narinig.
"Yaya ano bang sinasabi n'yo? Bakit naman ako magagalit?"
"Eh kasi simula nang umuwi ka'y bihira ka na lang magkuwento sa akin. Ni hindi ka rin nagkuwento sa mga naganap sa 'yo nitong ilang buwang wala ka."
Ngumiti ako nang mahimigan ang pagtatampo kay Yaya Feling. Lumapit ako rito at niyakap siya.
"Ya, hindi porke't hindi ako nagkukuwento ibig sabihin galit na ako sa 'yo. Walang dahilan para magalit ako sa 'yo," sabi ko at hinaplos ang likod niya.
Si Yaya Feling ang naging tagapag-alaga ko mula nang bata pa ako. Malapit siya sa akin at sa kanya lagi ako nagkukuwento. Kaya nga tuwang-tuwa siya nang makauwi ako rito sa amin.
"Eh kasi ni hindi man lang kita natulungan nang--"
"Yaya, wala ka namang kasalanan doon, eh. " pagputol ko sa sasabihin niya na alam kong tungkol sa pagpapalayas sa akin ni Lola.
Humiwalay ako sa kanya at naupo sa counter table.
"Yaya, naalala n'yo ba iyong palagi kong sinasabi noon. Na palagi kong pipiliin ang pagkakaibigan kaysa anupaman. Na maging aware ako sa nararamdaman ng ibang tao. Na huwag ako gagawa ng mga bagay na makakasakit sa iba."
Pinagmasdan ako ni Yaya Feling.
"Paano kung ang magiging kapalit no'n ang masaktan ako at ang ibang tao? Bakit ginawa ko naman ang sa tingin kong tama pero nakasakit pa rin ako? At sa tingin ko, may isa pa akong taong masasaktan... Sa pagprotekta ko sa isa I ended up hurting the other one." pagkausap ko kay Yaya Feling.
Lumapit sa akin si Yaya at hinaplos ang buhok ko. Hindi siya nagsalita at niyakap lang ako. Nahihiya man ay ikinuwento ko rito ang tungkol sa dinadamdam ko.
"Spring... kung higit kang nasasaktan, hindi kaya nagkamali ka sa desisyon mo?"
Tumingin ako kay Yaya at hindi nakasagot sa sinabi niya.
"Ate Spring, may tawag po mula raw po sa school n'yo."
Naalis ang paningin ko kay Yaya Feling nang dumating si Isay bitbit ang wireless phone ng bahay. Bumaba ako sa pagkakaupo sa counter top at kinuha ang inaabot niya.
"Hello..."
"Miss Cruz, this is Dean Perez. I just want to congratulate you. You did well on your exams!"
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Dean. Ilang araw na rin akong kinakabahan para sa resulta ng mga exams na kinuha ko ilang araw na ang nakakalipas.
"Salamat po Dean, salamat din po sa inyo dahil pinagbigyan n'yo po akong makapag-retake ng exams."
"You deserve it hija for saving Tornado! I admire you for your bravery!"
Napangiwi ako at tanging thank you na lang ulit ang nasabi. Ang ikipinagtataka ko lang ay talaga bang iyon lang ang pakay ni Dean sa pagtawag sa akin?
"Bueno, kaya nga pala ako tumawag sa 'yo ay para tanungin kung may napili ka na bang kompanya na papasukan for your internship?"
Umiling ako kahit hindi ako nakikita ng kausap. "Wala pa po Dean,"
"Then shall I give you one?"
"Talaga po?" may tuwa sa boses kong balik-tanong.
"Isa ka sa mga ire-recommend ko for internship para sa Helios Group of Companies. Are you up for it?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Dean. Helios Group of Companies. Ang kompanya na pagmamay-ari ng pamilya nila Light.
"Hija, are you still there?"
"Yes dean..."
"So what's your decision? I bet you're thrilled with what I said. Alam mo naman sigurong internship in that big company will give you great opportunities after you graduate..."
Napakagat ako sa labi ko. Tama si Dean, dapat ay masiyahan ako sa sinabi niya. After all hindi biro ang Helios GOC.
"Oh I forgot. Your Dad is Autumn Villafionce right? I bet doon ka na lang papasok sa kompanya n'yo--"
"No!" napapikit ako sa naging sigaw ko at pagputol sa sinasabi ni Dean. "Sorry Dean, what I mean is hindi po ako roon papasok for internship. Thank you rin po for your recommendation. I'll accept it po."
Entering Villafionce Corporation is a big no no. Hindi iyon ikatutuwa ni Lola.
"That's good to hear hija. Your interview will be tomorrow."
"Po?! Interview?"
Narinig ko ang pagtawa ni Dean mula sa kabilang linya, "Hija, of course may interview. Bakit? May lakad ka ba bukas?"
"Wala po Dean, s-salamat po ulit."
"I have to go. Goodluck on your interview. I know you'll do well."
HALOS baligtarin ko na ang buong closet ko pero wala akong makitang matinong corporate attire.
Bukas na ang interview ko. Tinatamad akong pumunta ng mall pero mukhang wala akong choice.
Nahahapong napahiga ako sa kama. Inabot ko ang cellphone ko na kanina pa tunog nang tunog.
Hurricane:
Good morning!
Hurricane:
Nag-breakfast ka na?
Hurricane:
Hoy Tagsibol!
Hurricane:
Hey! Wala ka bang load?
Hurricane:
I'll call you!
Wala pang limang segundo ay tumunog na ang cellphone ko. Tinitigan ko iyon at hindi sinagot. Bakit ba ang sama ko?
Come on, Spring. Sagutin mo, 'wag mong pagmukhaing tanga iyang tao.
Sa naisip ay pikit-mata kong sinagot ang tawag at itinapat sa tenga ko.
"Hello..."
"Why are you not answering my texts?" may bahid ng iritasyong saad ni Cane mula sa kabilang linya.
"Sorry...May ginagawa ako, eh."
Umupo ako at pinaglaruan ang laylayan ng suot kong short. Nanlalamig ang mga kamay ko habang kausap si Cane. Lalo pa nang maalala ang naging usapan namin ilang araw na ang nakakalipas.
"Ano ba yang ginagawa mo at ilang araw ka nang hindi nagre-reply at hindi sinasagot ang mga tawag ko? Umiiwas ka ba sa akin?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
"So umiiwas ka talaga?" Marahas na buntong-hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Hindi sa ganon..."
"Don't tell me you're thinking na bawiin ang sinabi mo?"
Hindi ako nakaimik.
"You can't do that. I won't let you. You're my girlfriend now, Spring Cruz. Bear that in your mind. " Natahimik sa kabilang linya habang ako ay tila napipi na. "I won't disturb you. Magkita na lang tayo next week. Susunduin kita on our first day. Bye, babe."
Napabuntong-hininga ako nang maibaba ang cellphone. Mabuti nga sigurong pumunta ako ng mall. I need to relax.
"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Yaya Feling pagkababa ko matapos makapag-ayos ng sarili.
"Sa mall lang po Yaya. Bibili po akong isusuot para bukas pati na rin ng mga gagamitin ko sa pasukan,"
"Ganoon ba? Oh siya mag-ingat ka at 'wag kang magpapagabi."
Tipid akong ngumiti at tumango.
KANINA ko pa iniisip kung magpe-pencil cut ako for tomorrow or slacks na lang, hindi ako magaling sa ganito. Nakailang pasok na ako sa mga shops pero wala akong mapiling isusuot para bukas. Nakabili na rin ako ng mga gamit ko for school at iilang libro. Tanging isusuot na lang ang wala akong mapili.
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig na may tumawag sa akin.
"Spring?"
Paglingon ko ay bumungad sa akin si Tita Cyclone kasama sina Vannie, Cane at Torn.
Napalunok ako nang magtagpo ang paningin namin. Napadako ang tingin ko sa kamay ni Vannie na nakaangkla sa kanya.
Seems like ayos na sila...
Iniwas ko ang paningin doon at lumapit sa kanila gaano ko man kagustong tumalikod na lang at umalis.
"Tita... good morning po,"
Nakipagbeso sa akin si Tita Cyclone at nakangiti akong hinarap. "Nagsha-shopping ka?"
"Bumili lang po ako ng mga gamit ko para sa school."
"It's almost lunch time. Bakit hindi ka na sumabay sa amin?"
Alanganin akong ngumiti, "H-Hindi na po--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang maramdaman na may humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa tabi ko at nakangiting si Cane ang nakita ko. Bumaba ang tingin ko sa magkasalikop na naming mga kamay. Hihilahin ko na sana iyon nang mas humigpit pa ang kapit niya roon.
Namumula ang mukhang hinarap ko si Tita Cyclone. Nanunukso ang tingin niya sa akin.
"What's the meaning of this? May dapat ba kayong sabihin sa akin?" nangingiting saad ni Tita Cyclone.
"We'll tell it to you over lunch. Let's go?" Nanindig ang balahibo ko sa malambing na boses ni Cane. Hindi na ako nakaimik pa nang hilahin niya ako para muling maglakad.
Ramdam ko ang init ng titig ni Torn sa amin ni Cane nang makaupo kami sa restaurant na napili ni Tita Cyclone. Idagdag pa ang tingin ni Vannie sa akin. Kaya kasehodang makipagtitigan ako sa lamesa nunca na titingnan ko sila.
Mabilis kong hinila ang kamay ko kay Cane. Tumingin siya sa akin at kinunutan ako ng noo.
"N-namamawis, nakakahiya sa 'yo."
"I don't care. All I want is to hold your hand."
Namula ako sa seryosong saad ni Cane.
Isang tikhim ang kumawala mula sa harap namin kung saan nakaupo si Tita Cyclone katabi sina Vannie at Torn.
"Didn't know may tinatago pa lang kalambingan ang anak ko." Natatawang saad ni Tita Cyclone.
Napayuko na lang ako sa hiya. Humihiling na sana kainin na lang ako ng lupa. Nang dumating ang waiter ay roon lang ako pansamantalang nakahinga nang maluwag dahil nawala ang atensyon sa amin ni Tita.
Nang makuha ang order ay muli akong tiningnan ni Tita Cyclone.
"So? You two are together now, huh?"
Inakbayan ako ni Cane. "Yes Mom. She's my girlfriend now."
"Wow! That's good news! Congrats Ate Spring. Bagay na bagay talaga kayo ni Cane." ngiting-ngiti na saad ni Vannie sa akin.
"Kailan pa?" napalunok ako nang marinig ang boses ni Torn. Itim na itim ang mga mata niya na alam kong ako ang dahilan. He's angry.
"Hindi mo na dapat tinatanong pa 'yan. Ang mahalaga ngayon ay may girlfriend na ang kakambal mo at malayong-malayo sa mga babaeng isinusumbong ng Ate mo."
Tumayo ako. Hindi nakayanan ang tensyon.
"Where are you going?" tanong ni Cane.
"Comfort room."
"I'll go with you Ate Spring," saad mni Vannie at magkasabay kaming nagtungo papunta sa rest room.
Wala kaming imikan habang naglalakad patungo sa banyo. It's the first time that this happened. Sa tuwing magkasama kasi kami ay palagi siyang nagkukuwento sa akin.
Nang makapasok sa loob ay pumasok ako sa cubicle kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako naiihi. Narinig ko rin ang pagbukas-sara sa katabi kong cubicle.
Huminga ako nang malalim at napahilamos sa mukha. Nanlalamig ang mga kamay ko at tila sumasakit ang tiyan ko. Hindi rin kumakalma ang mabilis na tibok ng puso ko.
Nang lumipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ako ng cubicle. Paglabas ko ay nakita ko si Vannie na nanalamin at nagsusuklay.
I suddenly miss the old Vannie. Iyong Vannie na palaging nakapigtails ang buhok. Nakasuot ng jumper o di kaya ay romper. Nakakapanibago ang babaeng nakikita ko ngayon.
She's wearing a skirt na halos hindi man lang pumangalahati sa hita niya at sleeveless top. Nakalugay ang umaalon niyang buhok at meron siyang kolorete sa mukha.
Tumabi ako sa kanya. Naninimbang ang tingin niya sa akin habang naghuhugas ako ng kamay.
"I'm sorry Ate..."
Napahinto ako sa ginagawa at binalingan siya.
"Para saan?" mahina ang boses kong tanong.
"For that text that I've sent to you..." tila nakokonsensya niyang saad.
"Vannie, you don't have to say sorry for that. Naiintindihan kita."
Ngumiti siya pero ni hindi man lamang iyon umabot sa mga mata niya.
"You did lie right? G-Gusto mo rin si Torn?"
Hindi ako nakasagot.
"Bakit s-siya pa Ate Spring?"
Napalunok ako at iniwas ang paningin sa papaiyak niyang mukha.
"A-Ano bang sinasabi mo? Hindi ba nandoon ka naman k-kanina? Si Cane..." Lumunok ako nang maramdaman ang bikig sa lalamunan ko. "S-Siya ang gusto ko. He's my boyfriend, now."
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tumalikod ako.
"Maniniwala ako sa sinabi mo Ate Spring kaya nakikiusap ako, iba na lang huwag si Torn."
"Makakaasa ka."
May pagmamadali akong lumabas ng banyo para lang mapatda nang makita kung sino ang nakasandal sa pader.
Tornado...
"So you really don't want me?" may pait niyang saad sa akin.
Hindi ako nakasagot. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader. Naglakad siya palapit sa akin pero...nilagpasan niya ako.
"What's your name, again?"
Lumingon ako at nakita ang gulat na ekspresyon ni Vannie na pinagpapalit ang tingin sa amin ni Tornado.
"Savannah. M-My name is Savannah, Tornado."
Ngumisi si Torn at saglit niya akong sinulyapan bago ibinalik ang tingin kay Vannie. "Can I call you, Sav?"
Napakuyom ang kamao ko nang makitang hinaplos ni Torn ang pisngi ni Vannie.
Ngumiti si Vannie at bumadha ang saya sa mukha niya, "Y-Yes, of course."
"You said you'll do everything to make me fall for you?" yumuko si Torn at
inilapit ang mukha niya sa napapikit na si Vannie.
"Y-Yes..."
"Then make me... make me fall harder for you..."
Matapos niyang sabihin iyon ay dumampi ang labi niya sa labi ni Vannie.
He succeeded in breaking me. Akala ko hindi niya na ako masisira pa dahil paano mo nga naman sisirain ang katulad kong hindi kailanman nakumpleto. Pero...kaya niya pala.
Kaya niya pa palang mas sirain ako.
Hindi ko magawang tumalikod. Parang tanga na pinapanood ko sila sa kanilang ginagawa hanggang sa may nagtakip sa mga mata ko.
Cane...
Naramdaman ko ang paghila niya sa akin paalis sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung bakit naninikip ang puso ko kaya bumitaw ako kay Cane at napaupo at napakapit sa dibdib ko. Kinuyumos ko 'yon at hinampas. Umaasang mawala ang kirot pero nandoon pa rin.
"What will I do with you? Ano bang dapat kong gawin para hindi ka na niya masaktan pa?"
Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang magkabila kong pisngi.
"Let's go. Don't let him see you like this." Sa narinig ay nanghihina man ay tumayo ako.
"Mom, mauuna na kami ni Spring. She's not feeling well." Hindi ko na tinutulan si Cane sa sinabi niya kay Tita Cyclone na napatayo at nag-aalalang pinagmasdan ako.
"Namumutla ka nga hija, mabuti pa ngang mauna kayo. Let's see each other some other time." saad ni Tita at bumeso sa akin.
"Pasensya na po..."
"It's okay. Mag-iingat kayo ah?" Binalingan niya si Cane. "Careful sa pagmamaneho."
HABANG nasa loob ng kotse ni Cane ay nanatili akong nakapikit. Kahit hindi ako inaantok ay pinilit ko ang sarili kong matulog pero hindi ko magawa. Tila isang pelikulang hindi nawawala sa isip ko ang imahe nila Torn at Vannie na naghahalikan.
"Nandito na tayo..." Napadilat ako nang marinig ang sinabi ni Cane at maramdaman ang pagtigil ng kotse.
Pagmulat ng mata ko ay nakita kong nandoon na nga kami sa labas ng bahay.
"Salamat Cane--"
"I hope this will be the last time that you'll cry for him but I know that you can't promise that..." Tila nahihirapan niyang pinagmasdan ako. "Just don't let me see those tears of you because of him. Please Spring... because the next time you cry in front of me because of him," Tumigas ang ekspresyon sa mukha niya. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
"I-I'm so--"
"Enough with those words. I don't need that."
Napapahiyang napayuko ako.
"Goodluck on your interview for tomorrow. See you..."
Bumaba ako ng kotse bitbit ang mga gamit ko nang marinig ang sinabi niya.
Nang makaalis si Cane ay may napagtanto ako. Bakit niya alam ang tungkol sa interview ko para bukas?
Napailing ako. He's a Helios. May nakakapagtaka pa ba roon?
Nanghihina akong pumasok sa loob ng bahay para lang mapatda nang makita kung sino ang mga taong nasa sala.
"T-Tatay..."
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top