Chapter 78: The Fiancée.


Sa chapter na ito, masasagot na ang katanungan kung sino nga kaya ang nagwagi sa puso ni SpringJ. Sorry for the super duper late update. Guys, alam kong mahaba na ang TBBBM, supposed to be iyong second half separate book na sana siya, eh, kaya lang tinamad si author kaya isinama ko na rin dito lol. Sa mga nagtatanong kung ilan pa ang natitirang chapters, I think 20 plus chapters to go na lang po ang TBBBM J Pwedeng i-stop n'yo muna ang pagbabasa kung naiinis na kayo sa paghihintay. Probably by December tapos na ang isa sa pinakamahabang storyang isinulat ko...

SPRING's POV

"Hija, why don't you stay for the night at bukas ka na umuwi sa inyo?" Napahinto ako sa pagsisilid ng mga gamit ko sa maleta ko nang marinig ang boses na iyon mula sa likod ko.

Lumingon ako at nakita si Tita Cyclone na nakangiti sa akin. Tipid din akong ngumiti rito bago nagsalita. "Hindi na po, sobrang a-abala na po ang—"

"Hindi ka abala hija, don't think that way." Strikta ang boses niyang saad na nakapagpahinto sa sinasabi ko.

Hindi na ako nakaimik at napahimas na lang ako sa batok ko habang napayuko. Hinawakan niya ang kamay ko na siyang nakapagpatingala sa akin.

Her face is gentle. Malayong-malayo sa ginang na nakita ko kanina habang kausap niya or rather habang pinapagalitan niya ang kambal.

"Nakapagpasalamat na ako sa 'yo sa pagsagip mo sa buhay ni Torn. I really wanted to go home right there and then nang malaman ko ang nangyari but I can't. And I don't think saying thank you was enough, I knew na hindi lang iyon ang ginawa mo para sa mga anak ko. Wala man ako rito, hindi ibig sabihin no'n na hindi ko nalalaman ang pagbabagong nangyari sa kanila dahil sa 'yo. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran lahat nang ginawa mo, Spring." Nangilid ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Malaki ang pagkukulang ko sa kanila. At gusto kong bumawi pero..." mapait siyang ngumiti. "...kahit anong gawin ko, magagalit at magagalit sa akin ang mga anak ko lalo na si Torn. Lalo na ngayon," makahulugan niyang saad na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin.

Bakit magagalit sa kanya si Torn?

Hindi pa man tumutulo ang luha sa mga mata niya ay pinahid na niya iyon.

Mabilis nawala ang lungkot sa mukha niya at napalitan ng isang ngiti. "Bueno, kung hindi na talaga kita mapipigilan, hayaan mong tulungan kita sa ginagawa mo." Bago ko pa siya mapigilan ay sinimulan niyang itupi nang maayos ang damit ko at isilid sa maleta ko.

Hindi ko maiwasang mahiya. "T-Tita, ayos lang po ako, ako na ho riyan. Ako nga po ang dapat magpasalamat dahil hinayaan n'yo po akong tumira rito."

"Matitigas ba ang ulo ng mga anak ko?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Iniisip kung para saan ang tanong, "Po?"

Hindi pa rin ito huminto sa ginagawa at saglit lang akong sinulyapan. "Kung matitigas ba ang ulo ng mga anak ko?"

Hindi ako nakasagot rather ayokong sumagot. Alanganaman sabihin kong 'oo'?

Lihim akong napailing sa isipan ko nang maalala ang katigasan ng mga ulo nila Torn at Cane. Well, kasama na rin si Light.

"I guess it's a yes?" nangingiting sabi ni Tita Cyclone.

Awkward naman akong tumawa at hindi alam kung kokontrahin ko pa ba siya.

"Sa akin nagmana ang mga anak ko, so kahit na sabihin mong 'wag kitang tulungan gagawin ko pa rin." Aniya na binuntutan ng isang pagtawa.

Napabuntong-hininga ako at kalaunan ay sinabayan na rin ito sa pagtawa.

Makalipas ang tatlumpung-minuto ay natapos na rin kami sa ginagawang pag-ayos ng gamit ko.

Saktong pagkasara ng maleta ko ay ang paghikab ko. Napangiwi ako nang makaramdam ng pagkirot sa sugat ko.

"Are you okay, hija?"

Tumango-tango ako. "O-opo," tugon ko at ibaba na sana ang maleta nang unahan ako ni Tita Cyclone.

"You should take a rest first, bago ka umuwi sa inyo." Pinal ang boses niyang saad. Inalalayan niya ako sa paghiga at kinumutan na tila nagsasabing 'wag na akong kumontra pa.

"Saka isa pa, magluluto ako ng masasarap na putahe para sa dinner. You should go after mong matikman ang mga luto ko." Nakangiti niyang saad at hinaplos ang buhok ko. "Pero ayos lang ba sa 'yo kung may bisita mamaya?"

"T-Tita, there's no need for you to ask permission, after all this is your house po," awkward akong tumawa. Ayan na naman ang pakiramdam ng pagkapahiya.

"My house is also your house, you're welcome here."

Habang pinagmamasdan ko ang papalayong bulto niya palabas ng kuwarto. Naisip ko kung gaano ka-suwerte sila Torn dahil sa ina nila. I suddenly wish na sana, katulad nila ako may isang ina na umalis man, babalik at babalikan pa rin sila.

☼☼☼☼☼

Nagising ako nang makaramdam na may kumikiskis sa hita ko. Bumangon ako at napangiti nang mabungaran si Kitty na umalis sa hita ko at gumapang papunta sa dibdib ko.

"Kitty, did you miss me?"

Ngumiyaw ito at inisip kong ayon ang sagot nito. Natawa ako at ibinaba ang pusa sa tabi ko. Huminga ako nang malalim at iniikot ang mga mata sa apat na sulok ng kuwarto na kinaroroonan ko. Bumangon ako at tumungo sa balcony, at pinagmasdan ang papalubog ng araw. I guess this is goodbye.

"Kitty, I'm going home. You'll come with me, right?" nakangiting pagkausap ko sa pusang ngumiyaw lang at nahiga sa kama.

Inayos ko ang sarili ko at nagsuot ng simpleng bestida na pinaresan ko ng cardigan. Huling sulyap sa kuwartong tinirhan ko ng ilang buwan at lumabas na ako rito bitbit ang isang maleta at si Kitty.

Bye...

Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Mr. Joe. Agad niyang kinuha ang maleta ko.

"Mr. Joe..."

"Yes, Miss?"

"Thank you po sa lahat." Nakangiti kong saad.

At sa kauna-unahang pagkakataon nasilayan ko ang isang ngiti kay Mr. Joe. Hindi siya nagsalita at tumango lang sa akin.

"Are you really going?" may lungkot sa mukhang tanong sa akin ni Light nang salubungin niya ako sa ibaba.

Ngumiti ako, ibinaba si Kitty at niyakap si Light, "We'll see each other again, right?"

"Hmmm, definitely sis."

Humiwalay ako kay Light at doon ko lang namalayang kagaya niya ay may luha na rin ako sa pisngi.

"Bakit ba ang drama natin?" natatawang saad ni Light habang pinapahiran ang pisngi niya.

"Let's go? Nakahanda na ang mga niluto ni Mommy..." paggiya niya sa akin sa dining area. Pagdating namin doon ay nakaupo na si Tita Cyclone sa kabisera habang sa kanan niya ay magkatabi sina Torn at Cane. Agad nabaling ang tingin nila sa akin.

Iniwasan ko ang parehas na tingin ng dalawa. Kahit na nang makaupo ako ay ipinokus ko ang tingin ko sa pinggan na nasa harap ko.

"Did you have a good rest, Spring?" tanong sa akin ni Tita Cyclone.

Tumango ako at pilit na ngumiti, "Opo,"

"Are you sure aalis ka na talaga ngayong gabi?"

Naiilang akong ngumiti at tumango. Magsasalita pa sana siya nang lumapit si Mr. Joe at bumulong dito. Nagliwanag ang mukha ni Tita Cyclone at tumayo.

"Nandito na pala ang bisita natin." Nakangiti niyang pag-anunsyo pero ang tingin ay napunta kay Torn na napansin kong humigpit ang kapit sa basong kababa lang nito.

Ngumisi si Cane na nasa tabi niya.

"Please Tornado, umayos ka," strikto ang boses niyang saad kay Torn.

Hindi nagsalita si Torn. Umalis si Tita Cyclone at hindi ko maiwasang ma-curious kung sino ang bisita ni Tita Cyclone. Bakit ganito ang mga reaksyon nila?

Ilang saglit lang ay nasagot ang tanong ko nang bumalik si Tita Cyclone kasama ang isang babae na kilala ko.

Nagtagpo ang paningin naming dalawa at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Tornado, this is Savannah Delos Carlos, your fiancée."

Kumabog ang puso ko sa sinabi ni Tita Cyclone. Napunta ang paningin ko kay Torn at sa hindi ko mawaring dahilan ay tila may kumurot sa puso ko nang makitang nakatingin siya kay Vannie.

Anong problema mo, Spring?

Pinigilan kong iangat ang kamay ko at ipatong sa dibdib ko. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit tila may nakabara sa lalamunan ko. Lumunok ako at huminga nang malalim.

"H-Hello Tornado," tila nahihiyang saad ni Vannie at inabot ang kamay kay Torn.

Ibang-iba ang Vannie na nakikita ko ngayon. Nakalugay ang palaging naka-pigtail nitong buhok. Nakasuot siya ng eleganteng knee-length blue dress. Halatang naghanda siya para sa araw na ito.

Tumayo si Torn, at inaakala kong aabutin niya ang kamay ni Vannie pero...ibinulsa niya ang parehas niyang kamay. Napapahiyang ibinaba ni Vannie ang kamay niya.

"Tornado!" pananaway ni Tita Cyclone sa kagaspangan ng ugali ni Torn.

"Find someone else to be your fiancée Miss Delos Carlos." Walang kaemo-emosyong saad ni Tornado kay Vannie na halatang nasaktan sa sinabi ni Torn.

Kinagat niya ang labi niya na tila pinipigilang umiyak.

"Tornado! What are you saying?" histerikal ang boses na sabi ni Tita Cyclone.

"I like someone else." dumako ang paningin sa akin ni Tornado matapos niyang sabihin iyon kaya naman lahat sila ay napatingin na rin sa akin. "Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko gusto." Dugtong niya na ang tingin na ngayon ay napunta kay Light.

"T-Tita, I think I should go na po." Pagbasag ni Vannie sa katahimikan na namayani. Hindi ko maiwasang makonsensya nang makita ang papaiyak na hitsura ni Vannie.

Tila napapagod na huminga nang malalim si Tita Cyclone, "No, you're not going," makaraang sabihin iyon ay binalingan niya si Torn.

"Don't tell me you still love that girl after what she did to you?"

Ngumisi si Torn, "Sinabi ko bang siya ang tinutukoy ko?" balik-tanong ni Torn at muling ibinalik ang tingin sa akin.

Kumunot ang noo ni Tita Cyclone at pinagpalit-palit ang tingin sa aming dalawa. "Don't tell me, si Spring ang tinutukoy mo?"

Napalunok ako at naikuyom ko ang mga kamay kong parehas nanlalamig.

"Yeah, I like her."

Yeah, I like her...

Nagpaulit-ulit iyon sa isip ko na parang sirang plaka. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nagsalita si Tita Cyclone pero hindi ko naririnig ang sinasabi niya. Kinakausap niya ako pero hindi ko alam kung bakit tila nabingi ako sa paligid ko at ang tanging malinaw lang sa pandinig ko ay ang malakas na tibok ng puso ko.

"Stop using her to escape from this f*cking arrangement!" Isang malakas na sigaw ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Napatingin ako kay Cane na ngayon ay hawak-hawak na sa kuwelyo si Torn.

Using me? Anong ibig sabihin ni Cane?

Isang paghikbi ang nagpaalis ng tingin ko sa dalawa. May kumurot sa puso ko nang makitang umiiyak na si Vannie.

"Let go!"

"What?! Mali ba ako?"

"Cane, let go of your brother." nanayo ang balahibo ko sa boses na ginamit ni Tita Cyclone.

Mukhang hindi lang ako ang natakot sa boses niya kung hindi pati na rin sina Torn at Cane na mabilis naghiwalay pero hindi pa rin nawawala ang masamang tingin nila sa isa't isa.

"Now, uulitin ko ang sinabi ko. Kung nagkataong gusto ka rin ni Spring, then you're free from this arrangement." Saad ni Tita Cyclone na ikinagulat ko.

Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang balingan ako ni Tita Cyclone.

"Let me ask you again Spring," ngumiti si Tita Cyclone pero halatang pilit lamang iyon.

"Gusto mo rin ba si Tornado?"

May sagot siyang gustong marinig sa akin. Iyon ang nakikita ko sa mga mata ni Tita Cyclone.

Hindi.

Bumuka ang bibig ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang sabihin ang salitang iyon.

What? Hindi ba hindi mo naman gusto si Tornado?

"A-Ate Spring..." napunta ang paningin ko kay Vannie na hindi na umiiyak pero bakas pa rin ang sakit sa mga mata niya. It's like she's pleading me to say no.

"I really like Tornado, Ate Spring..."

Tumayo ako at mabagal na umiling. "Hindi po. Hindi ko po gusto si Torn." Ngumiti ako pagkasabi ko no'n.

"Really?" nasa boses ni Tita Cyclone na hindi siya kumbinsido sa sagot ko.

Nakalimutan mo na ba? You're not a good liar, Spring Cruz.

No. Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko gusto si Torn. Paano ko magugustuhan ang isang taong walang ginawa kung hindi pahirapan ako noon?

"She's telling the truth, Mom. She doesn't like him. Dahil ako ang gusto niya." saad ni Cane at naglakad papalapit sa akin. Kahit na nang akbayan niya ako ay hindi ako tumutol. "At gusto ko rin siya."

Kahit hindi ako nakatingin kay Cane ay nakikini-kinita ko na ang ngisi niya. "So brother, congratulation on your engagement. I think it would be awkward kung dito pa kami kakain ni Spring, Mom. Mauna na kami."

Hindi na ako tumutol pa nang parang bata na hinila ako ni Cane paalis sa lugar na 'yon. Nang makalabas kami ay tumigil ako sa paglalakad at lumayo kay Cane. Tila ngayon lang nagsink-in sa utak ko ang mga sinabi niya.

"B-Bakit mo sinabi 'yon? B-Bakit mo sinabing gusto kita?"

Walang emosyon na tiningnan ako ni Cane. "Then bakit hindi ka rin tumutol? Is it because what I said is the truth or is it because you don't want them to know that you lied?"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa tanong ni Cane. Isang tikhim ang ikipinagpasalamat ko na naging dahilan para makaiwas ako sa tanong niya.

"Miss Spring, nakahanda na po ang kotse na maghahatid sa inyo."

Iniwas ko ang paningin ko kay Cane at tinanguan si Mr. Joe. Doon ko lang napansin ang kotseng nakahinto sa harap namin. Hindi ko na binalingan si Cane at may pagmamadaling binuksan ko ang pinto ng kotse para lang mapahinto sa pagpasok nang may humawak sa braso ko.

"Cane—"

"Let go of her, Tornado!"

Napalunok ako. Kung ganoon hindi si Cane ang may hawak sa akin?

"Let's talk."

Huminga ako nang malalim at tila napapasong lumayo kay Torn.

"Wala tayong dapat pag-usapan. H-Hindi ko alam kung bakit kailangan mo akong idawit sa gulo ng buhay mo. Hindi ako isang bagay para gamitin Tornado."

"Nasabi ko na hindi ba? You're not a good liar."

Lumunok ako at tumawa nang pagak. "Sinasabi mo bang nagsinungaling ako nang sabihin kong hindi kita gusto?"

Ngumisi si Torn, yumuko at lumapit sa akin. "Hindi nga ba?"

"Oo, hindi. Totoo ang sinabi ko. Hindi..." Inangat ko ang kamay ko at tinulak siya palayo sa akin. "...kita gusto. Paano kong magugustuhan ang katulad mo na walang ginawa noon kung hindi pahirapan ako? Anong tingin mo sa akin? Tanga?"

Naglaho ang ngisi sa labi niya, hindi ko na hinintay na may sabihin pa siya at mabilis akong pumasok sa loob ng kotse.

Yumuko ako at doon ko nakita ang panginginig ng mga kamay ko.

Hindi ko siya gusto. Hindi...ko...

"Tornado, this is Savannah Delos Carlos, your fiancée."

Hindi ko nga ba siya gusto?

Oo, hindi mo siya gusto. Papaanong mong nagustuhan ang taong 'yon?

Hindi ka tanga, Spring.

Then, bakit may tumutulong mga luha sa akin?

Bakit?

"I already told you, don't fall for him." Napatingin ako sa driver's seat kung saan nakaupo si Cane imbes na ang driver na si Mang Joel.

"Now look what happened, you're hurting because of him." Umangat ang kamay ni Cane at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Spring, just forget him. And, fall for me."

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top