Chapter 77: Cyclone Helios
@shannadaynne Thank you for reading TBBBM! Sa next update na ang dedication for you :)
Enjoy reading! Don't forget to vote and comment! :)
SPRING's POV
"What I've said doesn't mean that I'm playing games with you."
Is he really serious?
"You're the only one who could affect me and make my heart beats fast. You can mess up my mind just like a hurricane, but you're also the spring that calms the calamity down."
How did this happen? Paano siyang nagkagusto sa akin?
"I found her..."
"Gising na si Daddy...wait for me, Ate."
"Spring..."
Isang siko ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad mula sa mga gumugulo sa isip ko. Nilingon ko ang katabi kong si Nurse Joy.
"Kinakausap ka ni Light...saka Spring naman, kumain ka naman nang matino. Hindi ka puwedeng uminom ng gamot kung wala pa sa kalahati nang nakakain ko ang nasa sikmura mo." Umiling-iling niyang saad.
Nahimas ko ang batok ko sa panenermon ni Nurse Joy. Tumango-tango ako at binalingan si Light na kanina pa pala ako tinatawag.
"I'm sorry Light, ano nga 'yon?"
It's 7 o'clock in the evening. Matapos kong makausap ang kambal ay dumiretso ako sa kuwarto at nakatulog. Kung hindi nga lang ako ginising ni Nurse Joy para kumain malamang ay hindi ko na nanaisin pang bumaba.
Bakit ba nandito pa sila?
Tukoy ko sa kambal na nasa akin ang tingin partikular sa plato kong walang kabawas-bawas pa.
"We need to go home. Umuwi kasi si Mommy, eh, but you guys can stay in here. There's no problem in that. Mauuna na lang kaming tatlo nila Torn at Cane—"
Mommy? Umuwi ang Mommy nila?
"Ayoko pang umuwi," naalis ang paningin ko kay Light sa pagsabat ni Torn.
"Same. I don't want—"
"Manahimik kayong dalawa." Pagputol ni Light sa sasabihin ni Cane.
Umiling ako. "Light, uuwi na rin ako—" naramdaman ko ang pagsiko ni Nurse Joy sa tabi ko. "I mean kami pala ni Nurse Joy."
"Spring naman eh..." bulong sa akin ni Nurse Joy. Tumututol sa kagustuhan kong umuwi na.
"No, pwede pa rin naman kayo rito, eh,"
Muli akong umiling. "Light, kaya lang naman ako pumayag na sumama papunta rito ay dahil sa 'yo. Isa pa, kailangan ko na ring ayusin ang mga gamit ko at umuwi na sa bahay namin."
"Are you sure?"
Tumango ako. Ngumisi si Light at hinarap ang mga kapatid niya.
"Then, it's settled. We're going home, tomorrow at maiiwan dito sina Torn at Cane."
Napabungisngis si Nurse Joy sa tabi ko na ikipinagtaka ko.
Lalo pa nang sabay na tumayo sina Torn at Cane.
"Forget what I said. I'm going home tomorrow." Nakangising saad ni Cane at ang tingin ay nasa akin. "Wala na ring rason para manatili ako rito."
Umismid si Torn at muli akong siniko ni Nurse Joy habang may mapaglarong ngiti naman si Light sa tinuran ni Cane. Hindi ko maiwasang mailang kaya yumuko ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
"How about you Torn?"
"I—"
"Oops, wala ka nga pa lang choice. You need to go home, after all you're going to meet—"
"SHUT THE F*CK UP, LIGHT!"
Napapitlag ako sa kinauupuan ko sa sigaw ni Torn. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Torn. Kuyom ang kamao niya at matalim ang tingin kay Torn.
Pagak na tumawa si Light at umiling. Walang lingon-likod namang umalis si Torn.
"Anong problema no'n?" tanong ni Cane kay Light.
"Less than two months." Tugon ni Light.
Kumunot ang noo ni Cane pero mayamaya ay nagliwanag ang mukha ni Cane na para bang may maganda siyang balitang natanggap sa sagot ni Light.
Tumingin sa akin si Cane. "This year will be my best birthday ever." Ngumiti siya at sumisipol na iniwan kaming lahat.
Nagkatinginan kami ni Light. Ngumiti siya.
Isang ngiting kakaiba. Isang ngiting nag-iwan ng katanungan sa isip ko.
☼☼☼☼☼
"Spring, anong problema?" Hindi ko pinansin ang kalalabas lang ng banyo na si Nurse Joy at nagpatuloy ako sa pagkalkal sa bag na dala-dala ko.
Kinakabahang itinaktak ko ang laman ng bag ko sa kama. Nanlumo ako nang hindi ko makita ang hinahanap ko. Ilang beses kong tiningnan ang bulsa ng short na suot ko kanina pero wala ito roon.
"Uy anong hinahanap mo?" hinarap ko si Nurse Joy habang ang kamay ko ay nasa leeg ko.
"Iyong kuwintas ko Nurse Joy...nawawala."
"Ano?! Teka—papaanong nawala? Hindi ba suot mo pa 'yon no'ng nasa beach tayo?"
Napakagat ako sa labi ko at napatango.
Suot ko pa nga iyon kanina...
Then I remembered...I removed it...
Nanlaki ang mata ko sa napagtanto. Mukhang naiwanan ko iyon sa dalampasigan.
"Sandali lang Nurse Joy, m-may pupuntahan lang ako." Lalabas na sana ako nang pigilan niya ang braso ko.
"Anong lalabas? Gabi na!"
"Saglit lang ako Nurse Joy!"
"Malamig sa labas! Magsuot ka nga ng jacket!"
Hindi ko na pinansin ang sigaw ni Nurse Joy at lumabas ako ng kuwarto. Malamang ay nagawa ko nang tumakbo kung hindi nga lang bawal sa akin.
Sana nando'n sana....
Bilog na bilog ang buwan at ito ang naging tanglaw ko sa dalampasigan. Madali akong tumungo sa lugar kung saan ko huling natandaan na hawak-hawak ko ang kuwintas na ibinigay ni Nanay.
Yumuko ako at kinapa-kapa ang buhanginan pero nanlumo ako nang hindi ko nakita ang hinahanap ko. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang hapdi sa palad ko. Pag-angat ko ng kamay ay nahahapo akong napaupo nang makita ang sugat sa kamay ko na dumudugo. Ibinaba ko ito at malalim na napabuntong-hininga.
Pinagmasdan ko ang agos ng dagat. Marahil ay tinangay na iyon ng alon. Tadhana na ang gumawa ng paraan para mapakawalan ko ang kuwintas na 'yon.
I guess, it's all for the best.
Tumingala ako at pinagmasdan ang langit na punong-puno ng mga bituin.
Sampung segundo. Pagkalipas ng sampung segundo. Kakalimutan na rin kita, Nanay.
Pumikit ako at nagbilang sa isipan ko...isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sam—
"Never lose it again." Napadilat ako at napahawak sa leeg ko kung saan nakapa ko ang pamilyar na kuwintas.
Tumayo ako at nilingon ang nagsuot sa akin ng kuwintas na si Tornado pala.
"Papaanong napunta sa 'yo 'to?"
Nagkibit-balikat siya pero kumunot ang noo niya at nagulat ako nang hilahin niya ang kanang kamay ko na nasugatan. Hihilahin ko na sana 'yon nang higpitan niya ang kapit sa palapulsuhan ko. "Bakit ba ang hilig mong saktan ang sarili mo?"
"H-Hindi ko sinasaktan ang sarili ko 'no! Ano ko suicidal?!"
Umiling-iling si Torn at sinipat-sipat ang sugat ko. "Tss. Let's go."
Hihilahin ko na sana ang kamay ko pero hinila niya ako. Parang bata na karay-karay niya ako papasok sa loob ng bahay.
"Stay there." Saad niya at iniwan ako sa sala.
Why do I feel like I'm an underdog every time I'm with Tornado?
Ilang segundo lang ang lumipas at mabilis na nakabalik si Tornado sa kinaroroonan ko bitbit ang isang medicine kit.
"Hindi ka na sana—"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maupo siya sa tabi ko at hilahin ang kamay ko papunta sa hita niya. Aalisin ko na sana 'yon nang samaan niya ako ng tingin.
"Ako na—aray!" sigaw ko nang maramdaman ang hapdi. Napapikit ako at pinigilan ang sarili kong sipain ang katabi ko sa ginawa niya.
Binuhusan niya lang naman ng alcohol ang sugat ko nang wala man lang pasabi sa akin sa gagawin niya.
"Masakit!"
Aalisin ko na sana ang kamay ko sa hita niya pero mabilis niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Yumuko siya...at hinipan ang kamay ko.
Napalunok ako at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko lumiit ang malawak na sala na kinaroroonan namin. Hindi lang basta malakas ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko sumisikip din ito.
"H-Hindi n-na masakit." Utal-utal kong saad para tigilan na ni Torn ang paghipan sa palad ko. Walang imik niyang ipinagpatuloy ang paggamot sa palad ko.
Habang ako naman ay pilit pinapakalma ang sarili ko. Nang matapos niyang lagyan ng bandage ang palad ko ay mabilis kong hinila iyon at tumayo.
"T-Thank you." Halos pabulong at mabilis kong saad. Makaraan ay tumalikod ako at iniwanan siya. Habang naglalakad ako papunta sa hagdan naramdaman kong may nakatingin sa akin. Tumingala ako at nakita si Cane na seryoso ang mga matang pinagmamasdan ako.
Napalingon ako kung nasaan si Torn. Don't tell me kanina pa niya kami tinitingnan?
Huminga ako nang malalim at pumanhik pa rin kahit na ang gusto ko na lang gawin ay umiwas kay Cane. Tila walang nakikita na nilagpasan ko si Cane pero napahinto ako nang magsalita siya.
"Fall for someone else Spring, not with him. You're just going to hurt yourself if you choose him. He's not for you. He'll never be."
Yumuko ako. "A-Ano bang pinagsasasabi mo? M-Matulog ka na nga lang, Cane." Nasabi ko na lang at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang kuwartong tinutuluyan ko kasama si Nurse Joy.
Tutop ang dibdib na napasandal ako sa likod ng pinto nang tuluyan ko iyong maisara. Pinagmasdan ko ang palapulsuhan ko at ang kamay kong ginamot ni Torn. Tila ramdam ko pa rin ang kapit niya rito.
Ano bang nangyayari sa akin?
Napabuntong-hininga ako at naisip ang sinabi ni Cane.
I'm not going to fall for Torn...moreover I'm not going to fall to someone...Not now.
☼☼☼☼
"Are you okay?" Napatingin ako kay Light na nasa tabi ko. Kasalukuyan na kaming nasa eroplano pabalik ng Maynila. Maaga pa lang ay umalis na kami ng Isla. Sa harap na row namin ni Light ay nandoroon ang kambal na kanina pa rin walang imik at tila may malalim na iniisip katulad ko.
"Huh?"
"Kanina ka pa tahimik. May problema ka ba?"
Umiling ako. "Wala, marami lang akong iniisip."
"Kagaya ng?"
Ngumiti ako nang alanganin. "Kagaya ng kung ano ang magiging reaksyon ng Mommy n'yo kapag nakita ako?"
Tumawa si Light. "Don't worry about her. I'm actually thankful na sumama ka pauwi. She's excited na makilala ka."
Hindi na ako nagtaka na kilala ako ng Mommy ni Light dahil nabanggit ng huli na palagi niya akong naikukuwento sa ina nila.
"Really?"
Tumango si Light at umangkla sa braso ko. "Don't worry, my mother is not as bad as you think she is."
"Hey, hindi ko iniisip na masama ang Mommy n'yo." Mariin kong saad.
Muling tumawa si Light. "Really? Aren't you even curious kung saan kami nagmana ng mga kapatid ko?"
Hindi ako nakaimik sa tanong ni Light.
Fine. I would be a liar kung itatanggi ko na minsan ko na ring naisip na baka may pagkakahawig ang ugali nina Light, Torn at Cane sa mga magulang nila.
"M-Malapit na ba tayo?"
Natawa si Light sa pag-iwas ko sa tanong niya. Nakahinga ako nang maluwag nang sinagot ni Light ang tanong ko at hindi na inungkat pa ang pinag-uusapan namin kanina.
Makalipas ang dalawang oras, heto at nanlalamig ang kamay ko habang pumapasok na ang kotseng sinasakyan namin nina Light, Cane at Torn papasok ng mansyon nila.
As for Nurse Joy, naihatid na namin siya sa bahay nila. Trent assigned Nurse Joy as my personal nurse pero ngayong uuwi na ako sa bahay talaga namin, she'll be my companion every time kailangan kong magpacheck-up. After all, hindi pupuwedeng may makaalam sa mga kasam-bahay namin ang nangyari sa akin. Mahirap na at baka makaabot pa ito kay Tatay.
Huminto ang van na sinasakyan namin. Nakababa na silang lahat pero tila nasemento na ako sa kinauupuan ko at hindi ko makuhang umalis dito.
"Spring? Let's go." Nakangiting pag-anyaya sa akin ni Light. Tumango ako at nanginginig ang tuhod na lumabas ako ng kotse.
Fine. I'm scared and at the same time, embarrass.
Nahihiya ako sa ina nina Light, ilang buwan na akong nakatira sa pamamahay nila pero ngayon ko pa lang makikita ang ina nina Light na tanging sa larawan ko lang nakita.
Napapalatak si Light at napanganga naman ako sa eksenang naabutan namin pagpasok sa loob ng bahay.
"Mom! F*ck! I can't breathe!" sigaw ni Cane habang may isang ginang na mahigpit na nakayakap sa kanya. Isang malakas na hampas sa likod ang natanggap ni Cane mula sa babaeng nakayakap sa kanya.
"What the hell—para saan 'yon?!"
"Anong sabi ko? No bad words in this house!" sigaw ng Ginang.
Walang duda. Siya nga si Cyclone Helios. Ang ina ng mga magkakapatid.
Kung maganda na siya sa larawan na mga nakita ko. Walang-wala ang mga 'yon sa nakikita ko ngayon.
She looks like a Royal Queen.
Ang hitsura, pananamit at ang kanyang tindig. Nagsusumigaw ng karangyaan.
"Saan ka pupunta?!" muli niyang sigaw kay Cane na tatalikod na sana pero parang bata na hinila siya pabalik ni Miss Cyclone.
"In my room. Magpapahinga. I'm tired Mom."
"No. Maupo ka diyan at may ipapagawa ako sa 'yo. Sa inyong dalawa pala ng kakambal mo." Saad niya at tiningnan si Torn na nakaupo sa sofa.
Pumitik siya at sumulpot si Mr. Joe bitbit ang isang...malaking vase?
"I heard halos maubos niyo na ang vase ni Mommy." Saad ni Miss Cyclone na parang bata ang mga kinakausap.
Tumikhim si Mr. Joe nang mapunta sa kanya ang masamang tingin nina Torn at Cane. Ibinaba niya ang vase sa gitna ng sala.
"Now, it's payback time, my twin babies."
Parang nanonood ng sine na inabangan ko ang susunod na gagawin ni Miss Cyclone. Napasinghap ako nang naglakad siya papalapit sa vase at malakas niyang sipain iyon dahilan para magkabasag-basag ang vase.
Umalingawngaw ang malakas na tunog mula roon. Kasunod no'n ang malakas na pagtawa ni Light sa tabi ko.
"Mr. Joe, freeze all their credit and debit cards hangga't hindi nila nabubuo ang vase na 'yan."
"What the f*ck!"
"Damn it!"
"At...huwag mo rin kalimutan na kunin ang mga susi ng mga kotse nila. Hangga't walang pagbabago sa pananalita nila." Nakangiti niyang saad.
She's...cool. So cool.
Inabangan ko ang pagpoprotesta nina Torn at Cane pero tanging naiinis na pag-angil na lang ang ginawa ng dalawa bago sabay na tumayo at umalis.
Pakiramdam ko namutla ako nang dumako ang paningin sa akin ng Mommy nila. She looks at me from head to toe and then she gracefully walked towards us.
Hindi ko kayang tagalan ang pagtitig niya sa akin kaya napayuko ako.
Inangat ko ang paningin ko nang makitang nasa harap na talaga namin siya ni Light.
"G-good morning po." Mahina ang boses kong saad. Hindi siya umimik at napalunok ako nang makitang hindi pa rin naaalis ang panunuri niya sa akin.
"Mom, 'wag n'yo ngang takutin si Spring." Saad ni Light at umalis sa tabi ko. Niyakap niya si Miss Cyclone.
She smiled. "Natakot ba kita hija?" tanong niya sa akin matapos humiwalay sa kanya si Light.
Umiling-iling ako. "H-Hindi po."
Mas lalo siyang lumapit sa akin at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako.
"Thank you for saving my son."
"Mom, enough may sugat pa si Spring." Paghila ni Light sa Mommy niya palayo sa akin.
"Oh gahd, I forgot, did I hurt you hija?" may pag-aalala sa boses niyang saad.
"Hindi po. Okay lang po ako." Tugon ko habang unti-unting nawawala na ang kaba sa akin.
"Good thing. I'm sorry I was just excited seeing you. You're so beautiful." Nakangiti niyang saad sabay haplos sa buhok ko. "By the way, you can call me Tita Cyclone or much better kung tatawagin mo akong Mommy. Malay mo, maging Mommy mo rin pala ako in the near future." Saad niya sabay kindat.
Napangiwi ako at hindi na lang nakapagsalita. Rather, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya.
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top