Chapter 75: Battle of the Twins.
SPRING'S POV
I can feel my hands shaking while looking at the man on the screen.
"Tatay..."
Ngumiti si Tatay sa akin. Tuluyang tumulo ang luha mula sa mga mata ko nang makita ko ang ngiting iyon. Akala ko hindi ko na masisilayan pa iyon.
Kanina nang sabihin ni Rain na gising na si Tatay, hindi na ako mapakali lalo pa nang sabihin niya na ako ang hinahanap ni Tatay. Kung kaya ko lang lumipad papunta sa amerika, ginawa ko na para lang mayakap nang mahigpit ang ama ko. Pero alam kong imposible kaya nagtiyaga akong maghintay sa pangako ni Rain na ipapakausap niya ako kay Tatay. Umabot man ng alas-dos nang madaling araw ay naghintay ako at hindi naman ako binigo ni Rain.
Nagsisikip ang puso ko habang pinagmamasdan ang kalagayan ni Tatay. Masaya akong makitang gising na siya pero hindi ko mapigilang masaktan nang makita ang laki nang ibinagsak ng katawan niya.
Umangat ang kamay ni Tatay at napapikit ako nang makita ang palad niya sa screen ng cellphone ko. Hinahaplos niya ang screen na tila pinupunasan ang mga luha ko. Napahikbi ako nang makita ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya.
"I-I'm s-sorry, anak."
Humikbi ako at pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ko. Lumunok ako at pinipigilan ang pagtulo na naman nito.
"Tay a-ako 'yung dapat humingi ng sorry. Sorry kung hindi ako nakinig sa 'yo, sorry k-kasi hindi ka sana maaksidente kung hindi dahil sa pag-alis ko."
Yumuko ako. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang nangyari ilang buwan na ang nakakalipas.
"Wala kang kasalanan Spring. It was an accident. But why didn't you come with us? G-galit ka pa rin ba kay Tatay?"
Napaangat ako sa narinig na sinabi ni Tatay. Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Rain kanina.
"Ate hindi alam ni Tatay ang ginawa sa 'yo n-nila Lola."
Umiling-iling ako. "Hindi po ako galit Tay. Remember my promise sa inyo na mag-aaral ako nang mabuti para matulungan na kita sa business? I-I can't leave because of my studies, Tay."
Hindi ko kayang tagalan ang tingin ni Tatay. Pakiramdam ko hindi siya naniniwala sa sinasabi ko pero pinilit kong ngumiti at salubungin ang tingin niya.
"I miss you, Tay."
Sa sinabi ko ay ngumiti na siya kaya naman nakahinga na rin ako nang maluwag.
"I miss you too, anak. I wish you're here."
Ngumiti ako. "Kaya magpagaling ka Tay para makauwi na kayo. Miss na miss na kita eh."
"About what happened-"
"Hep hep, we'll talk about it when you're better, but rest assured Tay, I'm not mad at you."
Tumango-tango si Tatay at ngumiti sa pagputol ko sa sasabihin niya. Pero maya-maya lang ay kumunot ang noo niya.
"Where are you? It doesn't look like you're in your room. And I don't think you're in our house."
Uh-oh. Lumingon ako at nakita na ibang-iba ang kuwartong kinaroroonan ko sa kuwarto ko sa bahay namin. There's a huge painting above my head. I can easily say na binili ko ang painting but Tatay will never believe me.
Dahil ayoko sa mga aso. At ang painting lang naman na nakasabit sa dingding ay mga aso.
"I'm here in...Palawan." Ngumiti ako na nauwi sa pagngiwi.
"What? Sino ang kasama mo diyan? Bakit ka nandiyan?"
"Calm down Tatay, I'm with my friends."
Muling kumunot ang noo ni Tatay. "Friends?"
Tumango-tango ako. "Yes. Friends."
"No boys in there?"
"Wala po." Pagsisinungaling-wait, I'm not lying.
Wala naman talaga sila Cane at Torn eh.
"As much as I want na makausap ka nang matagal Tay. Alam kong kailangan mo pang magpahinga. Let's talk again, tomorrow. Bye bye~ I love you!"
"Is that your way of avoiding my questions?" Nangingiting saad ni Tatay.
I just laugh and wave my right hand before I ended the video call with a flying kiss.
Nahiga ako at pumikit.
I just talked with my father. He's awake.
I'm elated with the thought that probably in just a month, we'll see each other again.
Nakatulog akong may ngiti sa labi at may tumulong luha mula sa mga mata ko dahil sa labis na kaligayahan.
Unconsciously, I held my necklace.
♥♥♥♥♥♥
"Good morning!" nakangiti kong bati kanila Light at Nurse Joy na parehas nang nakaupo sa hapag-kainan.
Ngumiti silang dalawa sa akin. "Good mood?" tanong ni Light.
"Hmmmm, nakausap ko na si Tatay." Puno ng galak ang boses kong saad.
Umupo ako at naglagay ng pagkain sa plato ko.
"I'm really glad na nagising na ang Dad mo. How is he?"
"He's doing fine. Wala naman daw nakitang problema sa mga lab results ayon kay Rain. He just needs to undergo some therapy and makakauwi na sila."
Pumalakpak si Nurse Joy. "Bongga! Masaya ko para sa 'yo Spring."
"Thanks Nurse Joy."
"How about your sister? Uuwi ba siya?"
Umiling ako. "She's insisting na umuwi but we have to be careful. Hindi puwedeng malaman ni Tatay ang nangyari sa akin. Knowing him, magtataka 'yon kung bakit uuwi si Rain."
Lumungkot ang mukha ni Light. "I'm really sorry, Spring. I wanted to personally apologize to your Dad but-"
Napatigil si Light sa pagsasalita nang abutin ko ang kamay niya at marahang pisilin. "How many times do I have to tell you na hindi mo kailangang mag-sorry. It's not your fault."
"I failed in protecting you katulad nang sinabi ko kay...T-Trent."
Nanahimik ako sa sinabi ni Light. Nakikita ko sa mga mata niya ang sakit nang mabanggit niya ang pangalan ng pinsan ko.
"Light, are you sure you're not going to talk to Trent?"
Malungkot na ngumiti si Light at hindi ako sinagot. Napabuntong-hininga na lang ako.
Tumikhim si Nurse Joy. "Ang ganda-ganda ng panahon dito sa Isla niyo Miss Light. Spring, doon tayo sa labas mamaya ah. Magsa-sun bathing me."
Natawa ako at maging si Light sa sinabi ni Nurse Joy.
She will always be the ice breaker.
♥♥♥♥
"Oy wala kang balak magpalit ng suot?" napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko sa sinabi ni Nurse Joy.
Lumingon ako at napabunghalit ako ng tawa nang makita na nakaitim na one piece bathing suit si Nurse Joy.
"Seriously Nurse Joy?"
Ngumiti si Nurse Joy. "Mamahalin 'to bruha, ang ganda di ba? Love na love ko talaga 'yan si Miss Light, biruin mo pati ako binilhan ng damit?"
Napailing ako nang umikot-ikot si Nurse Joy sa harap ng vanity mirror. Akala ko ay poproblemahin namin ni Nurse Joy ang mga damit namin pero nasolusyunan iyon ni Light sa isang tawag lang bago kami pumunta ng Palawan.
"Ikaw? Hindi mo ba susuotin 'yung binigay ni Miss Light?"
Umiling ako. "Nurse Joy, wala akong balak at isa pa hindi rin naman ako magsu-swimming dahil bukod sa hindi ako marunong lumangoy. Bawal."
"Ang KJ mo naman eh! One piece naman 'yon, hindi rin naman makikita ang-
" Napahinto siya sa pagsasalita nang makita ang naging reaksyon ko.
Wala sa loob kong nahawakan ang gitnang dibdib ko.
Tumikhim si Nurse Joy. "Ay ano ba 'tong bunganga ko. Pero bruha, nasa beach tayo, naka-pajama ka? Okay ka lang?"
Napatingin ako sa pang-ibaba ko at doon ko napagtantong nakapantulog pa nga pala ako.
"Hindi ba masyadong maikli?" naiilang kong tanong kay Nurse Joy habang pinagmamasdan ang sarili ko sa harap ng salamin suot-suot ang maong short na sa tingin ko ay...napakaikli.
"Hindi ah! At kung ako lang ay may makinis na balat at mala-porselana aba'y araw-araw akong magsusuot ng ganyang short at rarampa. If you have it, flaunt it. Pak pak ganern..."
Hindi ko na hinintay pa na matapos sa pagsasalita si Nurse Joy at lumabas na ako ng kuwarto. Saktong paglabas ko ay ang siyang pagbukas ng pinto sa harap ko.
Lumabas doon si Light at napanganga ako nang makitang nakapulang two piece bathing suit ito.
Kuhanan ko kaya ng litrato si Light at i-send kay Trent with caption 'Ayan ang babaeng sinayang mo.'
Natawa ako sa naisip ko pero nakaramdam na naman ako ng lungkot sa isiping nagkahiwalay silang dalawa.
"Spring?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang nagtatakang boses ni Light. Kung dati-rati ay siya ang nauunang umangkla sa braso ko. Ngayon ay ako ang lumapit sa kanya at umangkla. Natawa si Light at sabay kaming naglakad.
"Talaga bang aalis ka na Light?"
"Hmmm, I have to. That's why I'm happy knowing na okay na kayo ng pamilya mo."
"Mami-miss kita..." bulong ko.
Umalis sa pagkakaangkla sa akin si Light at niyakap ako.
"Thank you Spring, I'll miss you too. But we'll keep in touch okay? Update me kung sino sa mga kapatid ko ang-"
"Light!"
Natatawang humiwalay sa akin si Light. "What? What I mean is kung sino sa mga kapatid ko ang mananakit na naman sa 'yo." May mapanuksong ngiti niyang saad.
Napailing ako at inunahan na siya sa paglalakad palabas.
"Spring..."
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Light.
"I hope you'll make your right decision."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong-"
"Ready na meeeeeeeee!"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang marinig ang sigaw ni Nurse Joy na kabababa lang. Nag-pose ito na tila isang modelo. Nagkatinginan kami ni Light at sabay na nagkatawanan.
♥♥♥♥♥
"This is life. Akala ko hanggang pangarap na lang 'to eh. Pwede na kong mamatay charot lang. Gusto ko pang ikasal, ang kulang na lang talaga ngayon ay mga Papa eh para kumpleto ang bakasyong ito."
Hindi ko pinapansin ang litanya ni Nurse Joy at nag-concentrate ako sa binabasa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at earphone, sinalpak ko ito sa tenga ko. Sa kabilang sun lounger naman ay busy si Light sa pagta-type sa laptop niya. Nasa kalagitnaan na ko nang binabasa ko nang may mag-alis nang nakasalpak sa tenga ko.
"Oh my gosh! Bakit ang bait-bait ni Lord sa 'yo bruha ka?"
Inis kong isinara ang librong binabasa ko at nilingon si Nurse joy na inaalog ang braso ko.
"Nurse Joy-"
Tumuro-turo ito sa dagat kaya kunot ang noong ibinaling ko ang tingin doon para lang magulat.
"What the-anong ginagawa nila rito?" sigaw ni Light sa tabi ko sabay tayo.
Hindi ako nakapagsalita at nanatili ang tingin ko sa dalawang speed boat kung saan magkasabay na bumaba ang dalawang lalaki.
Sina Tornado at Hurricane.
Parang model na naglakad sila papalapit sa amin. Parehas na naka-sando kaya litaw na litaw ang biceps-I mean naka-board shorts din sila. May suot-suot din silang sunglasses at bago sila tuluyang makalapit sa amin ay magkasabay na naman nilang hinubad ang suot-suot nilang salamin.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Light sa dalawa pero hindi nila sinagot si Light at ang tingin ay nasa akin partikular sa nakalitaw kong...hita?
Mabilis kong kinuha ang tuwalya ni Nurse Joy-na naglalaway este nakatingin sa katawan ng kambal-at itinakip ito sa hita ko.
"Oy dalawang hudyo, tinatanong ko kung bakit kayo nandito. At paano niyo nalaman na nandito kami?" Nakapamewang na paglapit ni Light sa mga kapatid niya.
"I'm here to talk to her." Magkasabay na saad nila Torn at Cane sabay turo sa akin.
Sa pagkagulat ay naituro ko rin tuloy ang sarili ko.
Nagtama ang paningin namin ni Cane at mabilis kong iniwas ang paningin sa kanya nang maalala ang nangyari sa amin kahapon ng umaga.
"I think I'm falling for you..."
Sa pag-iwas ko kay Cane ay nagtagpo naman ang paningin namin ni Torn.
Napalunok ako nang makita ang pasa sa gilid ng labi niya, ang nagpaalala kung ano pa ang nangyari kahapon ng umaga.
Tumayo ako at nalaglag ang tuwalyang ipinatong ko sa hita ko. Yumuko ako at pinulot iyon habang nararamdaman ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi.
Parang tanga kung itatapi ko iyon kaya huminga ako nang malalim at inilapag iyon sa sun lounger.
Ano bang masama sa suot ko? Nakahubad ba ako? Bakit ba ako nahihiya?
Sa naisip ay tumayo ako nang diretso at hindi pinansin ang dalawa.
Tumingin ako kay Light at ngumiti nang pilit. "M-Mauna na ako s-sa loob. Iinom pa pala ako ng gamot." Pinigilan kong mapapikit sa inis dahil sa pagkakautal ko.
What's wrong with you?
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Light at tumalikod na ako para lang mapahinto ng may parehas na kamay ang humawak sa magkabilang palapulsuhan ko.
What the-
"Let's talk."
"We need to talk."
Hindi ako lumingon at tinangka kong pumiksi sa pagkakahawak nila pero mas lalong humigpit ang kapit nila sa palapulsuhan ko.
"Bitiwan niyo nga si Spring!" Kasunod ng sigaw ni Light ay nakarinig ako ng lagapak.
"F*ck!"
"Damn it!"
Nang mawala ang mga kamay sa palapulsuhan ko ay mabilis kong hinimas iyon at lumingon. Bumungad sa akin sina Cane at Torn na sapo-sapo ang parehas nilang batok habang parehas na masama ang tingin kay Light. Malamang ay nasaktan na naman sila ni Light.
"Ano bang problema mo?!"
"The hell Light! Napaka-sadista mo talaga!"
"Kapag ayaw kayong makausap, 'wag kayong mamilit!"
"Kausapin mo na kasi..." bulong ni Nurse Joy sa akin sabay siko.
Umiling ako. "Gusto kong matahimik-"
"Matahimik? Nasaan ang katahimikan? Bruha ilang saglit na lang ay magrarambulan na ang mga 'yan." Pagputol ni Nurse Joy sa sasabihin ko.
"Simpleng bagay hindi n'yo maintindihan! Ayaw nga kayong makausap!"
"Bakit ba pakialamera ka?!"
"Kaya ka iniiwan-"
"Enough!" sigaw ko at napangiwi ako ng bahagyang kumirot ang sugat ko.
"Fine. Let's talk." Isa-isa kong tiningnan sina Torn at Cane bago ako tumalikod.
Akala ko ay matatapos na ang pagtatalo nila pero...hindi pala.
"Me first, Tornado."
"Ako muna, mas importante ang sasabihin ko."
"Ako ang nakaalam kung nasaan sila kaya ako ang mauuna!"
"Sino bang nakahanap ng susi ng speed boat?"
"That was easy to find! Naunahan mo lang ako!"
They're hopeless.
Lumingon ako at napapalatak habang pinagmamasdan silang dalawa na parang batang nagtatalo. Hindi pa nga gumagaling ang sugat nila, mukhang madadagdagan na naman ito.
"You two."
"WHAT?!" magkasabay na naman na sigaw ng kambal.
Napangiwi ako nang pukpukin ni Light ng nirolyong magazine ang dalawa sa ulo.
"Until when are you going to hit us?! Hindi na kami mga bata!" sigaw ni Cane.
"Kapag napatunayan n'yo ng dalawa na hindi na nga kayo mga bata pa! " balik-sigaw naman ni Light. Namumula na si Light na marahil ay sa inis sa kambal. "Now, give me your keys!" aniya sabay lahad ng kamay.
Padarag na magkasabay na inabot nila Torn at Cane ang mga susi nila kay Light.
"Let's go."
Pare-parehas na kumunot ang mga noo namin.
Anong gagawin ni Light?
Naglakad si Light papunta sa nakaparadang speed boat sa dagat.
Nagtatakang sinundan namin siya. Mas lalo akong nagtaka nang umupo siya sa speed boat.
"The two of you are going to race. The winner will be the one na mauunang makausap si Spring. Understand boys?"
Napakamot ako sa batok ko nang magkatinginan sina Torn at Cane at sabay na tumango.
"Light-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pinaandar ni Light ang speed boat. Ilang metro ang itinakbo ng speed boat at huminto iyon, tinaas ni Light ang kamay niya na tila nagbibilang ng tatlo.
Nanlaki ang mata ko ng sabay na maghubad ng sando sina Torn at Cane.
"OMG!"
Kung si Nurse Joy ay lantarang pinagmasdan ang hubad na katawan nila Torn at Cane, ako naman ay napatalikod.
"Masyadong kang maria clara! Exciting na bruha tingnan mo na!"
Hinila ako ni Nurse Joy kaya napaharap ako pero nakahinga ako nang maluwag nang makitang nasa dagat na ang dalawa at sabay na...lumalangoy.
Ito ang race na tinutukoy ni Light.
There's no need for this. Para lang makausap ako, they're doing this?
"Go Tornado! Go kaya mo yan!" sigaw ni Nurse Joy samantalang ako ay natutulalang pinagmasdan ang dalawa na lumalangoy papunta kay Light.
Halos magkasabay na nakaabot ang dalawa papunta sa speed boat at sabay na lumangoy pabalik.
Habang palapit sila nang palapit papunta sa dalampasigan, pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko.
10...9...8...7...6...5...4...3...2...1.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang nanalo. Nawala ang ingay sa paligid ko at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko habang naglalakad siya papalapit sa akin.
"Damn it!" sigaw ni Cane na masama ang tingin kay Torn na hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako paalis.
(A/N: Introducing ang papalit sa sadista na si Light)
CYCLONE's POV
"It's good to be back, Joe." Nakangiti kong saad habang pumapasok sa loob ng bahay na halos isang taon ko na ring hindi nauwian.
"Maligayang pagbabalik, Madam Cyclone."
Napahinto ako sa paglalakad nang may mapansin. Tumungo ako sa gilid ng hagdan at napapalatak ako nang makita na wala ang vase ko rather nabawasan sila dahil nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita kong wala ang iilan sa mga 'yon.
"Mr. Joe! Anong nangyari sa mga vases ko?!"
Nakita ko ang pamumutla ni Joe at ang pagpapahid niya ng pawis sa kanyang noo. Tumaas ang kilay ko at pinagkrus ko ang aking mga kamay.
"Those brats! Sino sa kanila?!"
Tumikhim si Joe. "Tatlo po kay Sir Torn. Dalawa kay Sir Cane."
Napapadyak ako sa inis. Ang mga batang 'yon talaga.
"Humanda sila sa akin! Nasaan ang mga 'yon?!" sigaw ko at muli akong nagpatuloy sa paglalakad papanhik.
"Kasalukuyan po silang nasa rest house niyo sa Palawan."
"Sinu-sino sila?" kalmado na ang boses kong tanong.
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang nadadaanan kong parte ng mansiyon. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang... puting pusa?
Patuloy ito sa pagngiyaw at lumapit sa mga paa ko. Tila naglalambing na kumiskis ito sa paanan ko.
"Kanino ang pusang ito?" tanong ko kay Joe na mabilis na kinuha ang pusa at binuhat.
"Kay Miss Spring po."
Spring...ah, that woman who saved my sons' life.
Ngumiti ako at tumango. "I can't wait to meet her." Saad ko at hinaplos ang pusa na mukhang nami-miss na ang kanyang amo.
Kakapasok ko pa lang sa loob ng kuwarto nang tumunog ang cellphone ko. Napailing ako nang makita kung sino ang tumatawag.
"What?"
"How's Philippines, my lovely wife?"
"Nothing changed Al, Pilipinas pa rin." Malamig ang boses kong tugon.
Tumawa ang asawa ko sa kabilang linya. "Still angry at me, Agape mou?"
Umismid ako. "You promised that you're coming with me."
"I love to come home with you but-"
"Business first."
Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. "Agape mou, I'm sorry."
Napanguso ako nang marinig ang paghihirap sa boses ng aking asawa. "Basta susunod ka, promise me."
"Promise. Don't forget about your appointment with the Delos Carlos tomorrow, alright?"
Napailing-iling ako. "Ilang beses mo nang pinaulit-ulit sa akin 'yan. I won't forget, because tomorrow I'm going to meet the fiancée of our son."
TBC
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! J
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top