Chapter 73: Hurricane Thoughts.
HURRICANE's POV
"Motherf*cker! Shit Light, dahan-dahan naman--aray!" Sinamaan ko ng tingin ang maldita kong kapatid na lalong diniinan ang pagkakalagay ng bulak sa gilid ng labi ko.
Brutal talaga. Nasa sala kami at kanina pa niya pinanggigilan ang paggagamot sa mukha ko.
"Shut up! Kasi inis na inis ako sa inyong dalawa ngayon at pinagsisisihan ko na isinama ko pa kayong dalawa rito!" Sigaw niya at kung naiba-iba lang ang pagkakataon ay pinagtawanan ko pa siya dahil sa inis na inis niyang mukha.
Pero wala ako sa mood na matawa sa hitsura ni Light.
Nang matapos lagyan ng band-aid ang gilid ng kilay ko ay lumayo siya sa akin at lumipat sa kabilang sofa kung nasaan ang kakambal kong panira sa buhay ko.
"I'm fine Light, there's no need--"
"Fine? Really?"
Natawa ako nang diinan ni Light ang gilid ng labi nito na naging dahilan para mapamura si Torn.
Ganyan nga Light. Nice move.
"Tinatawa-tawa mo diyan?" Maangas na saad sa akin ng kakambal ko.
"Ba't ang angas mo?" Saad ko sabay tayo.
"I said enough! Kapag hindi pa kayo tumigil na dalawa isasama ko kayo sa Germany and trust me, I can do that!"
Hindi ako nagdududa sa kakayahan ni Light kaya muli akong naupo. Wala akong planong pumunta sa Germany. I don't want to be an underdog to our parents and grandfather.
"I'm out of here." Saad ko at akmang tatayo na sana.
Hindi ako dapat nandito. I need to talk to Spring.
"No! Mag-uusap tayong tatlo kaya diyan ka lang!"
Inis akong muling naupo. Napangiwi ako nang maramdaman ang pananakit ng likod ko. Masyadong malakas ang pagkakabagsak ko kanina kaya hindi na ako magtataka sa sakit na naramdaman ko.
Sumandal ako sa sofa at pumikit.
Sa pagpikit ko ay naalala ko ang naganap kanina.
"I think I'm falling for you... "
I confessed.
I kissed her.
And then she cried.
Inuna ko na naman ang emosyon ko. Sapat na ang mga sinabi ko hindi ko na dapat siya hinalikan pa. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko, it's as if everything went blank and all I want to do was to kiss her.
Kung hindi pa siya umiyak malamang ay mas pinalalim ko ang halik na iyon.
Malamang kung nangyari 'yon, baka ako mismo ang sumapak sa sarili ko.
Galit kaya siya sa akin?
Ayaw niya na ba akong makita?
F*ck! Hindi dapat ganito ang nangyari.
And it was all because of my jealousy.
It was all because of my annoying brother.
"Hurricane!"
I snapped out from my reverie when I heard Lights' irritating voice.
"What?!"
Tumikhim ako nang sinamaan ako ng tingin ni Light lalo na nang makita ko ang bote ng alcohol na malapit dito. Knowing her, malamang ay ibabato niya sa akin 'yon.
Umayos ako ng upo at dumekwatro.
"What?" Mahinahon ko nang saad.
Malalim na bumuntong-hininga si Light at pinamewangan ako.
"I said what happened? What did you do to Spring? Ano bang dahilan ng lahat ng 'to? Umagang-umaga sinuntok mo si Torn! Tapos nalingat lang ako saglit halos magpatayan na kayo!"
Nag-iwas ako ng tingin kay Light.
"I-I...just said that I like her!" Mabilis kong saad sabay yuko.
The f*ck. Bakit pakiramdam ko namumula ang mukha ko.
No. I'm not blushing! Mainit lang!
"What?! Y-You did what?"
Napapikit ako nang marinig ang boses ni Light.
"Wow! Tama ba ang dinig ko, my playboy brother confessed?" Natatawang sabi ng abnormal kong kapatid.
"S-Shut up!"
Tumigil sa pagtawa si Light at nginisian lang ako.
"And what happened? Bakit kayo nag-away na dalawa?!"
See. Abnormal talaga. Kanina natatawa, ngayon galit na naman.
"Bakit hindi mo itanong sa kanya kung bakit umiyak si Cruz?"
Nag-angat ako ng tingin at masama kong tinignan si Torn.
"What? Bakit siya umiyak? What did you do Hurricane?"
Tumingin ako kay Light na kunot na kunot ang noo.
"I don't know! I confessed and then..."
"And then what?" May talim sa boses na tanong ni Light.
"I... I kissed her!"
"You forcefully kissed her kahit ayaw niya!" Sigaw ni Torn sa akin.
Tumayo ako. "Hindi ko sinasadya!"
"Hindi mo sinasadya o hindi mo na naman napigilan ang tawag ng laman mo?" Sinamaan ko ng tingin si Torn.
"Don't act as if you're the good guy here. Wala kang maloloko Tornado! I don't understand kung bakit bigla ka na lang nagkainteres kay Spring! You hate her right? Just f*cking hate her! Stop acting like her knight in shining armour. Stop playing with her!" Umismid ako at muling nagpatuloy sa pagsasalita. "You might fall for her? That's bullshit. You won't fall with Spring because you're still stuck with Storm. You won't fall if you're still in love with someone else."
Inaasahan kong tatayo siya at susugurin ako pero tumawa siya.
"How sure are you that I'm still not over her? How sure are you that I'm still in love with that bitch?"
Hindi ako nakasagot sa tanong nito. Hindi ko ipinakitang nagulat ako sa pagtawag niya ng ganoon kay Storm.
"Enough. What you need to do now Cane is to apologize to Spring." Napatingin ako kay Light.
Huminga ako nang malalim. "I'll do that." Maglalakad na sana ako nang muling magsalita si Light.
"Not now."
Lumingon ako kay Light. "And why is that?"
"I don't think handa na si Spring na kausapin ka."
I badly want to talk to her. Gusto kong malaman kung bakit ganoon ang mga mata niya. Kung anong dahilan ng pag-iyak niya. Kung magkasama ba sila ni Torn kagabi. Kung bakit apektadong-apektado siya sa kaalamang may tsansa na mahulog sa kanya si Torn.
But then, I remembered her face a while ago. Maybe Light is right, and to be honest I'm not yet ready to face her.
Pabagsak na muli akong umupo.
"Do you really like her?" Seryoso ang boses na saad ni Light.
Do I really like Tagsibol?
Yes.
"Yes, I do." Tugon ko na ang tingin ay nasa kakambal ko.
"Then if I ask you to throw that necklace you're wearing, will you do it?"
Lumunok ako at sinamaan ng tingin si Light. "Bakit ko kailangang sundin ang sinasabi mo? Bakit ko kailangang patunayan ang nararamdaman ko sa inyo?"
Bullshit. Why do I sound defensive?
Tumayo si Light. "Hindi naman kailangan, I'm just asking. You don't need to sound so defensive."
Unconsciously, nahawakan ko ang kuwintas na suot-suot ko. Ang kuwintas na kailanman ay hindi ko hinubad dahil ito ang kahuli-huliang bagay na binigay ni Alli.
Removing this means letting go of her. Alam kong iyon ang ibig sabihin ni Light. Pero imbes na muling magsalita ay muli akong naupo at humugot ng sigarilyo sa bulsa ko.
"What about you Torn? Do you like Spring?"
Napatingin ako sa kakambal ko.
Tumayo ito at ngumisi.
"Kung magkakagusto ko sa isang tao, siya ang unang makakaalam, hindi kayo." Anito at tinalikuran kami ni Light.
Umiling-iling si Light at tumingin sa akin.
"This vacation has been toxic dahil sa inyong dalawa. Kaya maiwan muna kayo rito at wala na akong pakialam kung magpatayan kayo." Pumalatak siya at tinalikuran din ako.
"What do you mean?"
Hindi sumagot ang maldita kong kapatid. Nasagot ang tanong ko kinagabihan nang magising ako at mapagtanto na ang tanging mga tao lang sa bahay ay kaming dalawa ni Tornado.
What the hell?!
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top