Chapter 72: Confused.



Don't forget to vote and comment 😉

I enjoyed reading your screams in my last update lol 😂 Love you Natures 😘

SPRING's POV

I think I'm falling for you...

No. This is not happening. Why would he fall for me?

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis nito ay nararamdaman ko ang pagsikip nito. Ang labi ni Cane ay dumidiin sa labi ko. Tinangka ko siyang itulak pero mas lalong humigpit ang kapit niya sa mga kamay ko. Kung kanina ay nakadiin lang ang labi niya sa labi ko, ngayon ay nararamdaman ko ang paggalaw niyon sa ibabang labi ko.

Hindi ko napigilan at tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ito ang nai-imagine kong first kiss ko. I do feel those butterflies in my stomach. Heartbeats fast. But somehow... I felt violated.

First kiss? This is not your first kiss!

Then, an image of Torn crossed my mind.

That was the moment he stopped kissing me.

Binitawan niya ang mga kamay ko kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi humihinto.

Pinunasan ko 'yon at sinalubong ang paningin ni Cane. Nakikita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.

"F*ck, I-I'm sorry--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at tumalikod ako.

I still can't believe with what he said and did.

Moreover, I'm embarrassed with my reactions.

Sino bang babae ang iiyak matapos may magconfess at humalik sa kanya?

Probably, ako lang.

Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Malamang ay ma-dehydrate na ko dahil kagabi pa ko walang ginawa kung hindi umiyak.

"Spring, wait!" Sigaw ni Cane kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko.

Nagulat na lang ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko na pinigilan ang paglalakad ko. Pagtingala ko ay nakita ko si Torn na kunot ang noong nakatingin sa akin. Malamang kung hindi niya naagapan ang paghawak sa akin ay bumunggo ako sa kanya.

"Anong ginawa niya?" Saad ni Torn na ang tingin ay nasa likod ko.

Bumaba ang tingin niya sa mga mata ko pababa sa labi ko...

"Damn it!" aniya at binitawan ako.

Kinabahan ako nang makita ang pagdilim ng mukha niya.

"Torn--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang naglakad ito at lagpasan ako.

Paglingon ko ay napapikit ako nang makitang sinuntok niya si Cane.

Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit sa kanila.

"Damn you!" Sigaw ni Torn at dinuro si Cane. "Did you forget what we promise to Cyclone? That we will never force a girl!"

Tumayo si Cane at napasigaw ako nang undayan niya rin ng suntok si Torn.

"I did not!"

"T-Tumigil na kayo!" sigaw ko pero parang walang naririnig na nagpatuloy sila sa pagsusuntukan.

"Damn it! Anong problema niyong dalawa?!"

Lumingon ako, nakita ko sila Light at Nurse Joy na papalapit.

Mabilis na lumapit sa akin si Nurse Joy at inakbayan ako. Habang si Light naman ay pilit na pinaghihiwalay sila Torn at Cane na masama ang tingin sa isa't-isa at patuloy pa rin sa pagrarambulan.

"I said stop!" Mahabang tili ni Light. Sa sobrang lakas nito ay napahinto si Torn sa muling pagsuntok kay Cane.

Umalis si Torn sa pagkakadagan kay Cane pero hindi pa rin naghihiwalay ang masama nilang tingin sa isa't-isa.

Liningon kami ni Light.

"I-I'm sorry Light... This i-is all my fault. " saad ko.

Umiling si Light. "Wala kang kasalanan, Spring." Pilit ang ngiting saad nito at tumingin kay Nurse Joy. "Nurse Joy, pumanik muna kayo. Susunod ako, kakausapin ko lang ang dalawang 'to." May panggigigil nitong saad sa salitang 'kakausapin'.

"Halika na Spring..."

"Pero--"

Napatingin ako kay Cane na putok ang gilid ng mata ganoon din kay Torn na dumudugo rin ang labi.

Maigi nga sigurong lumayo muna ako.

I'm confused with what's happening...

🌀🌀🌀🌀🌀

Tatlong taon...

Ganoon katagal na walang ginawa sila Torn at Cane kung hindi ang i-bully ako gamit ang mga childish ways nila.

Araw-araw walang palya. Rest day ko a ng sabado at linggo.

Tuwing lunes, may papatid sa akin para madapa ako pagkatapos may magbubuhos sa damit ko ng juice.

Tuwing martes, may maglalagay ng kung anong papel sa likod ko. Ikukulong ako sa kilalang haunted room sa HU.

Tuwing miyerkules, papaliguan nila ako at gagawing human cake.

Tuwing huwebes, gagawin nilang zoo ang locker room ko.

Tuwing biyernes, nagiging missing in action ang mga gamit at upuan ko.

Mapait akong napangiti, hindi ko pa rin pala nakakalimutan. Pero kakatwang walang inis o galit akong nararamdaman.

So anong nangyari makalipas ang ilang buwan?

Ang dami-daming nangyari sa buhay ko na kaugnay ang dalawang bad boy ng HU.

All of it was unexpected.

Ang makasama sila sa iisang bahay.

Maging kaibigan ang Ate nila.

Maging isang model kasama sila.

Maging kaibigan si Cane.

Mabaril para kay Torn.

Most of all, ang marinig ang mga salitang 'yon mula sa kanila.

From I'll break you to

I might fall for you...

From: You became my toy to

I think I'm falling for you...

I'm confused. Panaginip lang ba ang lahat?

Kinurot ko ang sarili ko pero napangiwi ako nang masaktan ako.

Hindi panaginip ang lahat.

This is my reality.

Noon, magkasundong-magkasundo sila sa pambu-bully sa akin.

Ngayon, nag-aaway sila... dahil sa akin?

"Kumain ka muna, Spring."

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Nurse Joy na may bitbit na isang tray na naglalaman ng isang baso ng gatas at platito na may lamang sandwich.

"Wala akong gana Nurse Joy."

"You need to eat, oras na ng mga gamot mo." Seryoso ang boses niyang saad kaya hindi man nagugutom ay kinuha ko ang dala niya at tahimik na kumain.

Nang matapos ay kinuha ni Nurse Joy ang tray at isa-isang inabot ang mga gamot ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Nurse Joy at hinaplos pa ang buhok ko.

Umiling ako at huminga nang malalim. "Hindi ko alam Nurse Joy." Saad ko at napasabunot ako sa buhok ko.

Tumingin ako kay Nurse Joy at nakanguso lang niyang pinagmamasdan ako.

"Hindi mo ko tatanungin kung anong nangyari?"

"Handa ka na bang magkuwento?"

Napabuntong-hininga ako at nanahimik.

"Magkuwento ka na nga!" Napailing ako nang hindi rin makatiis si Nurse Joy.

Ikinuwento ko rito ang mga nangyari at hindi ko alam kung makakahinga ako nang maluwag ng tahimik lang na nakinig si Nurse Joy.

"So habang naliligo ako biglang bumongga ang haba ng buhok mo?"

Napapikit ako.

Nurse Joy will always be Nurse Joy.

"Ha. Ha. Ha." Sarkastiko kong saad.

Tumawa siya. "Charot lang. So sino ang pipiliin mo?"

"Pipiliin? Bakit ko kailangang mamili? "

Mahinang hinampas ni Nurse Joy ang braso ko. "Besh, hindi puwedeng silang dalawa for you! Mamigay ka naman!"

"Nurse Joy, hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"

"Aba eh ano? Mukhang wala kang balak mamili eh, ano 'yon dalawa sila?"

Nahampas ko ang kama sa sinabi niya. "Hindi ko kailangang mamili!"

"At bakit hindi? Gusto ka ni Torn, at gusto ka rin ni Cane. So naturalmente mamimili ka puwera na lang kung wala kang gusto ni isa sa kanila."

Natahimik ako sa sinabi ni Nurse Joy. I should have said Yes. Wala akong gusto ni isa sa kanila pero ewan ko ba at parang napipi ako.

"So wala? Don't tell me si Raven pa rin ang type mo kahit na sobrang haba ng hair mo at pinag-aagawan ka ng dalawang hot na bad boys?" Taas-kilay na saad ni Nurse Joy.

Si Raven?

Come to think of it, simula nang lumiit ang mundo ko gawa nila Cane at Torn. Nawala na sa isip ko ang taong gusto ko. Si Raven.

"Nurse Joy, hindi ako gusto ni T-Torn tapos si C-Cane baka naguguluhan lang siya."

"So may pa-I might fall for you si Torn pero hindi ka niya gusto?"

"Might, Nurse Joy. Might." Pagdidiin niya sa salitang iyon.

"Hindi niya sasabihin 'yon kung hindi ka niya gusto." Pag-ismid niya sa akin.

"He just said it dahil sinagip ko siya! He doesn't mean it!"

Pumalatak si Nurse Joy. "So nakipagsuntukan lang siya kay Cane dahil gusto niya lang gano'n?

Natahimik ako.

"At si Cane, hinalikan ka gaga. Halos mapatay niya na rin ang kapatid niya. Nag-I think I'm falling for you na, duda ka pa."

Napasigaw ako. "Naguguluhan ako Nurse Joy."

Ngumiti si Nurse Joy. "Pati rin ba 'yang puso mo naguguluhan?"

Hindi ako nakasagot.

"Spring, kung hindi kayang sagutin ng isip mo. Puso--puso mo ang pakinggan mo."

Umiling ako. "Nurse Joy, hindi ako dapat maguluhan. Wala rin akong dapat piliin. Wala akong panahon dito. May mga bagay akong dapat unahin. Everything will be okay, makakalayo na ko sa kanila. Hindi na kami sa isang bahay titira. Panigurado hindi rin sila seryoso sa mga sinasabi nila."

Tama. Hindi sila seryoso.

They still haven't move on from their past. They are not serious. I shouldn't be confused.

Hinawakan ni Nurse Joy ang kamay ko. "Ako ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo?"

Hindi ako nakapagsalita. Nurse Joy is right. But... No matter how much I want to convince myself with what I said. I'm still confuse with my... feelings.

TBC


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top