Chapter 71: I like you.
Here's an update! Don't forget to vote and comment Team Natures!
Spring's POV
Napangiwi ako nang idilat ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko may kung anong mabigat na nasa mga mata ko. Pagtingin ko kay Nurse Joy ay tulog na tulog pa rin siya sa tabi ko. Halos nakapikit na bumangon ako sa pagkakahiga at pumasok sa loob ng banyo. Hinubad ko ang mga damit ko at hinawi ang shower curtain, napapikit ako nang buksan ko ang shower at tumama sa mukha ko ang tubig na nanggagaling dito.
Habang naliligo ay bumalik sa isipan ko ang mga naganap kagabi. From Tita Amethyst confession to Tornado...
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakasandal sa balikat ni Torn at umiiyak kagabi. Ang natatandaan ko na lang ay kusang huminto ang mga luha ko at nahihiyang lumayo ako kay Torn. Walang imik kaming umalis sa dalampasigan at umuwi ng bahay.
Isang mahinang thank you lang ang nasabi ko sa kanya na duda ko ay hindi niya rin narinig.
But what happened last night was unexpected. I didn't expect that Torn would do such a good thing. Who would have thought that he's capable of acting like a sweet guy?
Sweet? Oh come on, Spring.
Umiling-iling ako at napadiin ang pagsha-shampoo ko sa buhok ko.
Wala lang 'yon Spring. Siguro may sapi lang si Torn kagabi kaya siya pumayag na maging human handkerchief mo.
Utang na loob lang ang lahat nang pinapakita sa 'yo ni Torn. Huwag kang masanay.
Masanay? Saan nanggaling 'yon?
Walang dahilan para masanay ako sa pagiging 'mabait' ni Torn.
I no longer hate you...
So what? It doesn't mean he likes me.
I might fall for you...
Impossible. He'll never like me.
Pero teka nga--bakit ba siya ang nasa isip ko?
Umiling-iling ako at tinapos ang paliligo ko. Pagkalabas ko ng banyo ay bumungad sa akin si Nurse Joy na gulo-gulo ang buhok at may hawak na... jacket?
Jacket ni Torn. Nalimutan ko nga palang ibalik iyon sa kanya kagabi.
Tumikhim ako at doon ako tinignan ni Nurse Joy. Kunot ang noo niyang nagtaas ng paningin sa akin.
Mas kumunot ang noo niya at hindi ko alam kung bakit parang nakakita ng multo na pingmasdan niya ako.
"Anyare sa 'yo?!" Sigaw niya na may pagturo pa sa mukha ko.
Kumunot ang noo ko. "B-Bakit?"
"Mukha kang intsik na hindi ko mawari." Sa sinabi niya ay naupo ako sa silya na nasa harap ng tokador. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at napangiwi ako nang makita ang mga mata kong namamaga ang paligid.
"Umiyak ka ba?" Saad ni Nurse Joy na nasa likod ko na. Hindi ko namalayan ang paglapit nito.
Mahimbing na ang tulog niya nang pumasok ako sa loob ng kuwarto kaya wala siyang kaalam-alam sa kadramahan ko kagabi.
Huminga ako nang malalim at hinarap si Nurse Joy. She knew almost everything in my life. Walang dahilan para hindi ko ikuwento rito ang mga nalaman ko.
Pagkatapos kong maikuwento rito ang napag-usapan namin ni Tita Amethyst. Matapos niyang yakapin ako at purihin ang pagiging sobrang 'bait' ko. Hindi ko nagustuhan ang sumunod niyang tanong.
"Kanino ang jacket na 'yon?" Pagnguso niya sa jacket na nasa kama.
Oh.. Uh...
"Nurse Joy, kain na tayo?" Saad ko at tumayo pero pinigilan niya ako.
"Parang pamilyar eh... hmmm saan ko nga ba nakita 'yan?" Tumayo siya at kinuha ang jacket at pinakatitigan niya iyon. "Don't tell me... Kay Torn?!"
Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Nurse Joy. Naglakad ako papalapit sa kanya at hinablot ang jacket.
Masauli na nga ito!
"N-Napulot ko lang 'yan sa baba. Nalimutan kong isoli. Maligo ka na nga Nurse Joy!"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at nagmamadali akong lumabas ng kuwarto.
Wala akong planong ikuwento sa kanya ang nangyari sa amin ni Torn kagabi!
Nangyari?! Ano bang klaseng pananalita 'yan, Spring?
🌀🌀🌀🌀🌀
Bumaba ako bitbit pa rin ang jacket ni Torn. Dumiretso ako sa kusina at nagpasyang uminom ng gatas. Papalapit pa lang ako rito ay kumunot ang noo ko nang marinig ang ingay mula roon na waring may nagtatalo.
"This is mine!"
"May pangalan mo?!"
"Nauna kong kunin kaya akin 'to!"
"Hindi porke't ikaw ang nauna, sa 'yo na!"
"Just f*cking let go!"
"Bakit ba ang damot mo?!"
Pagsilip ko ay nakita ko sila Torn at Cane na nag-aagawan sa bote ng nutella?!
Umagang-umaga, nag-aaway sila para sa nutella? At bakit ba nitong mga nakaraan wala na silang ginawang dalawa kung hindi ang mag-away?
Tumikhim ako at doon lang sila natigil sa paghihilahan sa kaawa-awang bote ng Nutella. Tumingin silang dalawa sa akin.
"Anong nangyari sa mga mata mo?" Saad ni Cane at biglang nawalan ng pakialam sa nutella na sinamantala ni Torn. Mabilis nitong kinuha ang nutella at binuksan pero parang balewala lang iyon kay Cane na kunot ang noong lumapit sa akin.
"Did you cry?" Tanong niya na hinawakan pa ang balikat ko.
Pero hindi ako nakasagot dahil ang tingin ko ay na kay Torn na sinubo ang isang kutsarang nutella.
Nutella.
Nutella.
May peanuts ang nutella hindi ba?
"Naririnig mo ba ako?!" Napapitlag ako sa sigaw ni Cane.
"B-Bakit ka ba sumisigaw?" Nauutal kong sigaw rito.
"Because you're not listening!"
Huminga ako nang malalim. Pinilit ko ang sarili kong alisin ang paningin kay Torn pero hindi ko alam kung bakit tila may magnet ang mga mata kong bumabalik pa rin dito.
"Why?" Anito at napalunok ako nang muli siyang sumubo ng nutella.
"Until when are you going to stare at him?!" Ani Cane na humigpit ang kapit sa balikat ko.
"He's eating... Nutella." Saad ko at nabitawan ang jacket na hawak-hawak ko.
Kumunot ang noo ni Cane. "And so--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Cane at tinalikuran ko sila.
"Spring!" Sigaw ni Cane pero hindi ako lumingon. Ang kamay ko ay nasa dibdib ko na pabilis nang pabilis ang kabog.
I might fall for you...
Waring sirang plaka na umuulit-ulit 'yon sa pandinig ko.
He's lying.
He didn't mean it Spring!
Why are you so affected?!
No. Probably hindi nutella ang nakita ko kanina. Or allergic talaga siya sa peanut, baka ibang klase 'yung nutella na 'yon!
"Spring?" Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Light.
"What happened?"
Lumunok ako. "Light, a-allergic ba si Torn sa peanuts?"
Kumunot ang noo ni Light na waring naguluhan sa tanong ko.
"Pardon?"
"A-allergic ba si Torn sa peanuts?" Pag-uulit ko sa tanong ko.
"Bakit mo natanong?"
Huminga ako nang malalim. "Just answer me please?"
Umiling si Light. "He's not allergic with it Spring."
"R-Rea--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may humablot ng braso ko.
"Why does it seem like you're affected about it?!" Napangiwi ako sa higpit ng kapit sa akin ni Cane.
"L-let me go Cane, it hurts!" Saad ko pero madilim ang anyo nito. Nabaling ang paningin ko sa gilid nang dumating si Torn at hawakan sa braso si Cane.
"Let go of her bro--"
Binitawan ako ni Cane pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Sinuntok niya si Torn.
"Hurricane!" Sigaw ni Light habang ako ay napasinghap sa gulat.
"I told you to stop messing with her!" Sigaw ni Cane at muling sinuntok si Torn.
Napahawak ako sa bibig ko at tinangkang lumapit sa kanila pero naunahan ako ni Light.
"What's wrong with you, Hurricane?!" Hinila ni Light si Cane palayo kay Torn.
Parang balewala namang pinahid ni Torn ang labi niyang dumudugo.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Naguguluhan ako kaya tumalikod ako at iniwan sila.
Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa pool area. Malakas pa rin ang kabog ng puso ko.
What happened? What's wrong with Cane?
Ilang beses akong huminga nang malalim. Ilang minuto ang nakalipas at nag-umpisa nang kumalma ang pakiramdam ko.
"Spring..."
Lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Cane. Namumula ang pisngi niya na malamang ay kagagawan ni Light.
"Cane please, tsaka na lang tayo mag-usap... "
Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko. Kumpara kanina ay wala ng diin ang pagkakapit niya sa akin.
"You were with him last night."
It's not a question but a statement.
Kumunot ang noo ko at hinawi ang kamay niya.
"Cane, hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag sa 'yo."
Tinitigan ako nito at hindi ko nagustuhan ang panlalamig ng tingin niya sa akin.
"You were affected knowing that he's not allergic with peanuts. Why?"
"I was with him last night! So what?! Oo, affected ako sa lintik na larong pinasimulan niyo! Bawal ba?! I don't understand you, every time nasa paligid ko si Torn napaka-big deal na para sa 'yo!" Puno ng iritasyon kong saad.
Nakita ko ang pagtatagis ng bagang niya at pagkuyom ng kanyang mga kamao.
"Hindi mo ko naiintindihan!" Sigaw niya.
"Dahil hindi mo pinaiintindi! Hindi ako manghuhula para alamin ang tumatakbo diyan sa isip mo!"
"Dahil manhid ka!"
Naiinis kong hinampas sa dibdib si Cane. "Hindi ako manhid!"
"Kung hindi ka manhid eh di sana alam mo na may gusto ako sa 'yo!"
Napanganga at napahinto ako sa paghampas sa dibdib ni Cane. Babagsak na sana ang mga kamay ko pero mahigpit niyang hinawakan ang mga ito.
"A-Anong sabi mo?"
Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata namin.
"You wanna know why am I acting like this? It's because I'm jealous! I'm jealous because I like you, Spring Cruz."
Hindi pa nga ako nakakahuma sa sinabi niya nang magulat ako sa sumunod niyang ginawa.
Hinila niya ako at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"I like you, Spring...and I think I'm falling for you."
Nanlaki ang mga mata ko nang yumuko siya at bago pa ako makaiwas ay dumampi na ang labi niya sa labi ko.
TBC
🙈🙈🙈🙊🙊🙊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top