Chapter 69: I think... what?
EVERY OTHER DAY NA ANG UPDATE NG TBBBM. THOUGH I DON'T KNOW KUNG HANGGANG KAILAN KO MAPAPANINDIGAN ANG GANITONG SCHEDULE.
SPRING's POV
Bakit ganito ang suot ko?
Sa isip-isip ko habang hindi maalis ang paningin sa wedding dress kong suot.
Ikakasal ako? Kanino?
Bumukas ang pinto sa harap ko at wala sa sariling pumasok ako roon. Nang iikot ko ang paningin ko ay napagtanto kong nasa simbahan ako. Tumutugtog ang himno ng pangkasal.
Naguguluhan kong ibinaling ang paningin ko sa harapan at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang mga nasa harap ng altar.
Sila Cane at Torn...sabay silang lumapit sa akin at inabot ang magkabila kong kamay.
Pinagpalit-palit ko ang tingin ko sa dalawa. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na boses sa akin.
"She's mine!"
"She's mine! Back off!"
Nahihilo na ko sa paghila-hila nila sa akin. Kaya pumikit ako at humingi ako nang malalim. Isang sigaw ang kumawala mula sa akin...
"Spring! Gising uy!" pag-alog ng kung sino sa balikat ko. Nagmulat ako ng mga mata.
Hinihingal akong bumangon at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Nurse Joy. Napahawak ako sa leeg ko at paulit-ulit na lumunok.
"Uminom ka muna, oh." Inabot sa akin ni Nurse Joy ang isang baso ng tubig na mabilis kong naubos.
Anong klaseng panaginip 'yon?
Ako? Ikakasal?
Umiling-iling ako at napahilamos ako sa mukha ko.
"Ay nako ayan na nga ba ang sinasabi ko, napanaginipan mo na naman ba 'yong bumaril sa 'yo? Pagbalik natin ng Maynila ako na mismo magdadala sa 'yo sa Psychiatrist." Sermon ni Nurse Joy at hinimas-himas ang likod ko.
Tumingin ako kay Nurse Joy at umiling. "H-Hindi 'yon Nurse Joy,"
Kumunot ang noo niya at napatigil sa paghaplos sa likod ko. "Huh? Eh ano? Kung makasigaw ka eh parang nababangungot ka eh."
Tumango ako. "Tama, binabangungot nga ako. Biruin mo Nurse Joy napanaginipan kong ikakasal ako pero pagdating ko sa altar pinag-agawan ako nila Torn at Cane! See? Anong klaseng panaginip 'yon?"
Nanlaki ang mata ni Nurse Joy. Tignan mo pati siya ay hindi makapaniwala—
"Premonition 'yan Spring! Malay mo in the near future ayan ang mangyari."
Napanganga ako sa sinabi niya. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo Nurse Joy?"
Ngumiti siya. "Eh hindi ba 'yon ang nangyayari? Aba'y walang ginawa ang dalawang 'yon kung hindi magtalo basta tungkol sa 'yo. Kanina nga eh muntik pang ako ang magbuhat sa 'yo dahil sa dalawang 'yon—"
"Magbuhat?!" pagputol ko sa sinasabi niya at doon ko lang napagtanto ang isang bagay. Nasa hindi ako pamilyar na kuwarto, at ang huli kong naaalala ay nakatulog ako sa van kanina.
"Eh hindi ka magising kanina eh kaya binuhat ka na lang."
"K-Kung ganon sino nagbuhat sa akin?" kinakabahan kong saad.
Tumawa si Nurse Joy. "Hulaan mo..."
"Nurse Joy naman eh!"
"Si Tornado!"
Nanlaki ang mata ko at kumabog ang puso ko sa sagot niya.
"Joke lang! CaRing ang nagwagi eh! Naunahan si Papa Torn."
Hindi ko na kailangan pang tanungin kung ano ang CaRing kaya malalim akong bumuntong-hininga bago sinigawan ang katabi ko.
"Nurse Joy! Nakakainis ka!"
Tumawa lang siya na para bang balewala lang ang iritasyon ko sa baba. "Joke lang eto naman hindi na nasanay sa akin. Mag-ayos ka na nga at bumaba. Kailangan mo nang kumain, oras na nang pag-inom mo ng gamot." Aniya at tumatawa pa ring lumabas ng silid.
Naiwan akong sumasakit ang ulo dahil sa napanaginipan ko at sa mga sinabi ni Nurse Joy.
♥♥♥♥♥
Mangha kong pinagmamasdan ang paligid ng vacation house nila Light. Makaluma ang style ng bahay pero halatang naaalagaan ito. Antigo rin ang mga gamit na nasa paligid katulad ng hilig bilhin ng abuela ko.
May mga painting na nakasabit sa dingding na pakiwari ko ay mga ancestors nila Light base na rin sa mga kasuotan nila. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang isang portrait. Lumapit ako roon at nakangiting pinagmasdan ito.
It's a family portrait. Nakilala ko ang parents ni Light base sa portrait nila na nasa mansiyon pero iba ang portrait na ito kumpara roon. Bata pa ang kambal at merong pilyong ngiti sa kanilang mga labi. Hindi rin seryoso ang mukha ng mga magulang nila Light. Lahat sila nakangiti at kitang-kita ko sa mga mata nila ang saya.
"You look crazy."
Napapitlag ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Pagbaling ko ay si Torn lang pala. As usual ay tila patay na naman ang mga mata niya.
"Bakit ka ba nanggugulat?"
Ngumisi lang siya. "Sorry." May pang-asar sa boses niyang saad.
Umiling na lang ako at muling ibinalik ang pansin sa larawan. Natutuwa ako sa hitsura nila Cane at Torn. Sana nanatili na lang silang bata.
"Cute pala kayo nung bata kayo ni Cane."
"W-What?"
Nasabi ko ba 'yon nang malakas?
Nanlaki ang mata ko at natutop ko ang bibig ko. Binalingan ko si Torn at ngising-ngisi siyang nakatingin sa akin.
"Cute?"
Lumunok ako at ibinaba ang kamay ko. "Noon! Nung bata pa kayo."
Humakbang na naman siya papalapit sa akin pero ngayon maingat na akong umatras. "Bakit ngayon?" tanong niya at hindi na lumapit sa akin.
Wew. Mabuti naman.
"Hindi na 'no!" todo ang pag-iling ko.
Cute? Saan banda silang cute ngayon?
"Kasi guwapo na kami?"
"Oo kasi guwapo—"
Napahinto ako sa pagsasalita nang ma-realize na napagtripan ako nito. Humalakhak siya bago pa ako makapagsalita and for the first time inisip ko kung si Torn o si Cane ba ang kausap ko.
"Ikaw ba talaga si Torn?"
Napatigil siya sa pagtawa na para bang natauhan sa ginagawa niya. Bumaling siya sa akin at inismiran ako. "Who else?" aniya sabay talikod sa akin.
"You've changed." Nasabi ko.
Huminto siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon. "Why? You don't like it?"
Hindi ako nakasagot at umiling lang siya bago naglakad pababa.
Habang pinagmamasdan ko ang likod ni Torn hindi ko alam kung bakit may gumuhit na ngiti sa labi ko.
I think I like it...
Naramdaman kong may nakatingin sa akin, pagtingin ko sa kaliwa ko ay nagsalubong ang tingin namin ni Cane. Madilim ang mukha niya at mukhang wala na naman siya sa mood.
"Cane thank—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lagpasan niya lang ako.
Kung si Torn nagbago, ganoon din si Cane...
Pakiramdam ko lumalayo siya sa akin...
Akala ko ba magkaibigan na kami?
♥♥♥♥♥
Hindi ko maintindihan si Cane. Sanay akong wala siyang ginawa kung hindi ang asarin ako. Ang buwisitin ang araw ko. Ang makipagtalo sa kanya. Pero simula nang ma-ospital ako parang unti-unti siyang nagbabago.
Ano ba talagang problema niya?
"Spring...Uy Spring!"
Nabalik ako sa reyalidad mula sa malalim na pag-iisip nang maramdaman ang pagsipa sa paa ko. Pagtingala ko ay nakita kong pawang mga nakataas ang kilay na nakatingin sa akin sila Light at Nurse Joy.
Napakamot ako sa batok ko kahit hindi naman makati. "B-Bakit?"
Nginuso sa akin ni Nurse Joy ang plato ko at napangiwi ako nang makitang na-murder ko pala ang fish fillet na kinakain ko.
"May problema ba Spring?"
Umiling ako sa tanong ni Light. "W-Wala iniisip ko lang 'yung mga na-miss kong exams sa school." I mentally cross-finger hoping that they'll get convince with my alibi.
"Sows, yakang-yaka mo 'yon."
"Nurse Joy is right, nakausap ko na ang Dean. Pwede kang mag-exam this summer break." Nakangiting saad sa akin ni Light.
Alanganin akong ngumiti. "Salamat Light."
"Eat your food, sabi ni Nurse Joy iinom ka pa ng mga gamot mo."
Tumango ako at sinimulan ang pagkain kahit na wala akong gana.
Tatlo lang kaming nasa hapag at wala ang kambal. Sabi ni Light ay tapos na ang dalawa sa pagkain pero I doubt kung totoo 'yon o ayaw lang ako makasabay ni Cane. Pakiramdam ko talaga galit siya sa akin.
♥♥♥♥♥
I looked at my phone. It's already 9:00 pm. Ganitong oras tumatawag si Trent sa akin pero mukhang delay ang tawag niya. Pero aantayin ko pa rin ito dahil nagtext siya sa akin kahapon na tatawag siya.
Lumabas ako ng bahay at napayakap sa sarili ng umihip ang malakas na hangin. Dahil nga tulog ako kanina ay hindi ko nakita ang labas ng bakasyunan nila Light kaya napanganga ako nang matanaw ang dagat sa labas.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit doon. Gigising ako nang maaga dahil nakatitiyak akong maganda pagmasdan ang pagsikat ng araw rito.
Play ► Unexpectedly-Jason Chen
"I've always been a man with a plan...Always prepared never once to leave it to chance...But it's all unscripted when I'm with you...It seems familiar, yet it all feels so new..."
Napahinto ako sa paglakad nang may marinig ako na kumakanta. Naglakad ako papunta sa pinanggagalingan ng tunog.
Sa gilid ng batuhan ay nakita ko si Cane na nakasandal at nakapikit habang kumakanta siya at tumutugtog gamit ang gitara.
So he knows how to sing and play guitar.
Kahit naiinis ako sa kanya ay hindi ko mapigilang humanga sa boses nito. Malamig ang boses niya at suwabeng pakinggan. Masarap sa pandinig, I didn't expect na may tinatago rin pala siyang talento.
"All of the sudden I miss you...Thinking about all of the things that we've been through...Oh no it's not that I planned to...But I think it feels like maybe I'm falling for you—"
Dumilat siya at nagtagpo ang paningin naming dalawa, Sandaling nanlaki ang mga mata nito na napalitan ng kunot ng noo.
Ibinaba niya ang gitara at tumayo.
"N-nice! A-Ang galing natin ah!" naiilang kong saad. Hindi siya nagsalita at isinukbit lang ang gitara niya. Naglakad siya pero bago pa niya ako lagpasan ay maagap kong nahawakan ang braso niya.
"A-Ano bang problema mo?" naiinis na ang boses kong tanong dito.
"Wala akong problema." Aniya at inalis ang kamay ko sa braso niya.
Humarap ako sa kanya at naiinis akong pagmasdan ang malamig niyang tingin sa akin.
"Nakakainis ka! Kanina ka pa, ano bang pinagpuputok ng butse mo at parang galit ka sa akin?! H-Hindi pala parang! Galit ka talaga!"
Kumunot ang noo niya. "I'm not angry with you!"
"Really? Do you expect me to believe that?!" sigaw niya rito.
"I'm not mad at you! I'm f*cking mad at myself!"
Naguguluhan kong tinignan siya. "Why?"
"Because I didn't expect that I...that I..."
"That I?" nasa boses ko ang antisipasyon sa sasabihin niya. Baka sakaling maintindihan ko kung bakit kung umarte siya ay dinaig niya pa ang babaeng may PMS.
"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko Tagsibol dahil hindi ko na uulitin pa ito."
Parang batang tumango ako.
"I think—"
Hindi natapos ang sasabihin niya dahil umeksena ang tunog ng cellphone ko. Pagtingin ko ay may tumatawag sa akin. Kumunot ang noo ko nang makitang unknown number ito pero international call.
I was about to reject the call para marinig ang sasabihin ni Cane pero parang batang nagmamaktol na sinipa ni Cane ang buhangin at tinalikuran ako.
"Aish! Wrong timing!" sigaw niya at nagmamartsang iniwanan ako.
Tinawag ko pa siya pero hindi niya na ako pinansin pa.
I think? I think what?
I absentmindedly answered my phone not knowing the person who's on the line.
"S-Spring..."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses sa kabilang linya.
"T-Tita Amethyst..."
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top