Chapter 66: Tornado (part 2)

DISCLAIMER: ANG STORYANG ITO AY PURELY FICTION. LAHAT PO NG ITO AY KATHANG-ISIP. 

Torn's POV

"They already got him."

Mabilis ang paglingon sa akin ni Cane. Nagdilim ang mukha nito at ibinalibag ang hawak nitong cellphone. Hindi ko na ito hinintay at tumalikod na ako.

May pagmamadali sa kilos akong lumabas ng mansiyon. Mabilis kong pinasibad ang kotse ko. I can't wait to see that motherf$cker. Iniisip niya bang nakatakas na siya?

Think twice bastard. We won't let you get away from this.

In just a span of thirty minutes, I arrived in an old abandoned building. 

Sa labas ay may tatlong kalalakihang nagtatawanan at may kanya-kanyang hawak na bote.

"Dude! What took you so long?" 

Hindi ko pinansin si Damien at tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Naramdaman ko ang pagsunod ng tatlo.

"Nasaan?" tanong ko sa lalaking nakauniporme pa talaga. Kinuha ko ang sobre sa bulsa ko at iniabot iyon dito. Malawak ang ngiti nitong itinuro ang isang nakasaradong pinto.

"Easy dude, baka hindi na nila maibalik 'yan nang humihinga pa." natatawang saad ni Gabby.

"After this, let's have some fun Torn. Tagal mo nang hindi sumasama sa amin ah." tumango na lang ako sa sinabi ni Migs. Lalo pa at isa rin ito sa tumulong para sa balak ko.

Damien, Gabby and Migs. They're my annoying friends. Simula pagkabata ay kasa-kasama na nila ni Cane ang tatlo. We don't have a f#cking name. That's not cool, lame and sounds gay.

Wala pang isang minuto ay narinig ko ang ugong ng sasakyan mula sa labas. 

"Nasaan ang tarantadong 'yon?!"

Hindi ko na nilingon ang kakambal ko at dumiretso papunta sa pinto kung nasaan ang paparusahan namin sa gabing ito.

"Diyan na lang kayo, kami ng bahala rito." narinig kong saad ni Cane pero wala na sa kanila ang atensyon ko kung hindi nasa lalaking naabutan ko na nakatali sa isang upuan. 

Tulog at walang kamalay-malay na ito ang gabing pinakahindi niya makakalimutan.

I grabbed a cigarette from my pocket and lit it. Nakangising lumapit ako sa lalaki. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na alamin ang pangalan niya. 

How will I wake you up, bastard...

Binugahan ko ito ng usok sa mukha. Nang hindi pa rin ito nagising ay idinikit ko ang sigarilyo sa leeg nito. Sumigaw ito nang napakalakas pero sa ginawa nito ay mas lalo akong nasiyahan kaya mas lalo kong idiniin ang sigarilyo rito.

Nang mainis sa malakas na sigaw nito ay inilayo ko rito ang sigarilyo.

"Putang!nA! Anong g-ginagawa ko rito?" 

Imbes na sagutin ito ay malakas na suntok ang dumapo sa mukha nito pero hindi galing sa akin kung hindi kay Cane. 

"Mga gago! Pakawalan niyo--"

"Masyado kang maingay!" Pinagmasdan ko lang si Cane na pinaulanan ng suntok at sipa ang lalaki na hindi magawang makalaban. Kahit na makawala pa ito sa pagkakatali imposibleng makalaban pa ito.

"This is what you get for what you did to Spring!" 

Ngumisi ang gag* kahit na hindi na nito magawang maimulat ang mga mata nito. "Tang!n@ kasing babae 'yon. M-Masyadong p-pabida--"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nito nang tumumba ito kasama ang upuan sa malakas na tadyak sa tiyan na ginawa ni Cane.

I went to the table and smirked when I saw the knife. 

Those punches and kicks is not enough.

I'm still not satisfied.

"A-Anong g-gagawin mo--" Hindi na nito naituloy ang sasabihin at napalitan ng malakas na sigaw ng ibaon ko sa hita nito ang kutsilyong hawak-hawak ko. 

"Next time, kilalanin mo muna kung sino ang kakalabanin mo. You'll not die but I'll make sure na hihilingin mong namatay ka na lang. This will not be the last time. son of a b!tch."

Hindi ko inalis ang kutsilyo rito at pinagmasdan ang dugong bumabakas sa suot nitong pantalon. Nawalan ito ng malay at napangisi siya nang makita ang pumatak mula sa mga mata nito.

Hindi sapat ang pagkakakulong nito sa ginawa nito kay Spring Cruz.


"SATISFIED?" saad ni Gabby at  inabot sa kanya ang isang bote ng beer.

Si Damien naman ay tumabi kay Cane na kasalukuyang binebendahan ang kamao. 

"Pucha masyado niyong pinag-initan mamomroblema si Chief niyan." natatawang saad ni Migs.

"Halos hindi na makilala ang mukha ng gagO eh." 

Hindi ako nagkomento sa mga ito. Sanay na ako sa ingay ng mga ito at sanay na rin sila sa pananahimik ko. Mabuti na lang at nakatunog ang mga ito na wala sila sa mood ni Cane para pumunta sa maingay na bar. Nasa condo sila ni Damien. 

"What's the status mga brad, masyado kayong nagiging busy sa babaeng 'yon ah--"

"Don't call her that. She has a name." Nagkatinginan kami ni Cane nang sabay kaming magsalita. 

"Woah! Iba na 'to. May hindi ba kami alam?"

Umiling ako. These guys?

Sometimes I think they were gays. Parang mga babae kung magtsismisan.

"Itatanong pa ba natin iyan Gabby?" saad ni Migs.

"Malamang meron." 

Nag-apir pa ang dalawa na tila ba tuwang-tuwa sa pang-aalaska sa amin ni Cane.

"Hey, in fairness maganda pala si Nerd. May ibubuga rin sa pagsayaw."  

"Yeah. Did you see her legs--"

Hindi na natapos ni Migs ang sasabihin nito nang masipa ko ito sa tuhod. 

"Pucha, problema mo dude?"

Natawa si Gabby. "Move on ka na ba kay Storm the bitch?" 

Kung nasa ibang pagkakataon ay sinapak ko na ito dahil sa tinawag nito kay Storm but it seems like unti-unti na kong nawawalan ng pakialam para sa babaeng ginamit at niloko lang pala ako.

How ironic that weeks ago, I almost ruined my life because of her but this past weeks. I didn't even think of her nor dreamed about her.

Dahil ba sa kanya?

"Learn to appreciate your life. Value it and treasure those people who loves you."

"Sometimes people we love left us not because they want to but they have to."

Iniisip ko na naman siya. Her words were imprinted on my mind for a reason that I can't comprehend.

"I like her."

Nabalik ako sa reyalidad at nagtagpo ang paningin namin ni Cane. Napatigil sa pagkukuwentuhan sila Gabby at kunot ang noong pinagmasdan ang kakambal ko.

"What are you talking about dude?"

"I like her. That nerd you guys talked about. I like her so don't you dare mess with her. She's mine."

Ngumisi ako. Iniisip kung para ba kayla Gabby ang sinasabi ni Cane o para lang sa akin.

Finally, he admitted it but sorry my brother, I won't stop being around her.

"She's yours?" Pumalatak ako. "Did she know it?"

Sumeryoso ako at blanko ang matang pinagmasdan si Hurricane. "She's not yours, keep that on your mind, bro."

What the f3ck is wrong with me? 

TBC

~Next week ulit :) Yay! Start na ng madugong labanan. Char :D




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top