Chapter 65: Two truths and one lie.


Dedicated sa aking co-author at friend na malakas din ang sapi katulad ko. Siya po ang sisihin niyo sa korni na mababasa niyo sa chapter na ito.


SPRING'S POV

"Dahan-dahan ka lang Spring. Huwag mong biglain ang sarili mo."

Nilingon ko si Nurse Joy mula sa pagkakasilip ko sa bintana. Napangiti ako, sa wakas ay makakaalis na ako sa hospital bukas.

"Okay na ko Nurse Joy. Malakas na ulit ako."

Pumalatak siya. "Hindi ka pa gaano magaling. Kaya kung ako sa 'yo mahiga ka na lang ulit, sige ka at baka hindi ka pa makalabas niyan bukas."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Nurse Joy at muli kong ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang mga pumasok. Sanay na ko sa presensiya ng dalawa.

Sometimes, I still can't believe na totoo ang mga nangyayari sa akin. Sino nga bang mag-aakala na ang dating dalawang bad boys na walang ginawa kung hindi i-bully ako ay magiging ganito.

Kaibigan?

Okay. Hindi na galit sa akin si Torn, but it doesn't mean na magkaibigan kami.

"Bakit na naman kayo nandito?" Lumingon ako at nakita ang dalawa na magkatabing nakaupo sa sofa.

As usual, wala na naman si Nurse Joy. Sa tuwing dumarating ang kambal ay para itong kabute na mabilis na nawawala.

Parehas na nasa cellphone ang tingin ng dalawang buwisita ko.

Argh!

Pinaikot ko ang mga mata ko sa inis nang makitang natuon ang atensyon ng dalawa sa nilalaro ng mga ito.

Hindi ko sila maintindihan. Pupuwede namang sa bahay na lang sila maglaro pero talagang dumadayo pa ang dalawa sa hospital room ko.

Naiinis na bumalik ako sa kama at naupo.

"Lalabas na ko bukas. Hindi na sana kayo nagpunta."

"Utos ni Light."

"Light."

Napailing ako nang marinig ang paulit-ulit na sagot ng dalawa.

Napasimangot ako nang marinig ang pagmumura ng dalawa. Gigil na gigil sila sa kani-kanilang cellphone. Naglalaro ang mga ito at naiirita ako sa tunog na nanggagaling sa cellphone nila kaya kinuha ko ang cellphone ko at nakinig ng playlist ko.

Pumikit ako at piniling matulog na lang pero...may umistorbo sa magiging pagtulog ko sana. May kumalabit sa akin.

Nakangising si Cane ang nabungaran ko. Hindi ko pa rin maiwasang mainis dito dahil sa naging usapan namin ilang araw na ang nakakaraan. Naiinis pa rin ako rito.

Hindi ko na sana ito papansinin. Pero inalis nito ang nakapasak na earphones sa tenga ko.

"Problema mo?"

"I'm bored."

Kumunot ang noo ko. "Oh eh ano naman?"

"Entertain me."

"Ako?"

Ngumisi ang mokong. "May iba pa ba?"

"At bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Kasi bisita mo ako?"

Umismid ako. "Wala akong sinabing bisitahin mo ako."

"Tss." Parang bata nitong saad sa akin na ikinailing ko.

Minsan iniisip ko kung abnormal ba 'to si Cane eh. Kung hindi pa man, papunta na siguro siya roon. Kung anu-anong trip kasi ang ginagawa nito.

"I'm also bored."

Napunta ang tingin naming dalawa kay Torn na tumayo at lumapit sa kanila.

And so? Anong gusto niyong gawin ko?

"Let's play a game."

Nagkatinginan ang kambal at hindi ko nagustuhan ang mala-demonyong mga ngisi nila.

"Ayoko."

"Oh come on, Tagsibol. Napaka—"

"Tigilan mo ngang kakatawag sa aking ganyan! Spring ang pangalan ko!"

Tumawa si Cane na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.

"Fine. Tatawagin kita sa pangalan mo kung makikisama ka sa amin ni Torn."

"Ayoko—"

"Make us laugh."

Napahinto ako sa muling pagtanggi nang marinig ang sinabi ni Torn.

"What?"

Nagkatinginan kami ni Cane nang sabay kaming magsalita.

"Patawanin mo kami ni Cane. Kapag nagawa mo 'yon, hindi ka na namin pipiliting maglaro."

Gahd! We're too old to play! What's wrong with them?

Napailing ako, hindi makapaniwala sa pinagsasasabi ni B1. Mukhang nahawaan na rin ito ng kaabnormalan ni Cane.

Tatanggi sana ako pero alam kong hindi na matatapos ang usapan na ito kung gagawin ko 'yon.

Nagningning ang mata ko nang maalala ang mga jokes ni Nurse Joy sa akin.

Ngumiti ako. "Fine. Kapag tumawa kayo, hindi niyo na ko kukulitin pa."

"Bring it on, Tagsi—"

"Shut up!"

Nagtaas ng kamay ang loko at ako naman ay tumikhim pa. Huminga nang malalim na tila ba isang contestant na naghahanda sa pagkanta.

"Anong hayop ang maganda?"

Napahagikgik ako nang maalala ang joke na iyon mula kay Nurse Joy. Bentang-benta iyon sa akin at hindi ko maunawaan kung bakit nagtataka si Nurse Joy na natawa ako samantalang nakakatawa naman talaga ang joke nito.

Tumaas ang kilay ng dalawa sa tanong ko.

"What?"

"Ano?"

Walang ganang saad nilang dalawa.

Ha! Tignan lang natin kung hindi kayo matawa!

"Eh di pffft hahahahaha..." Sinimangutan ako ng dalawa kaya tumigil ako sa pagtawa. "Eh di BEAUTYKI!"

Tawa ako nang tawa matapos kong sabihin 'yon pero...

"What the fVcK?!" pagmumura ni Cane kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Is that a joke?" walang kabuhay-buhay na saad ni Torn.

Napanguso ako sa reaksyon ng dalawa. Nakakatawa kaya! Bakit hindi sila natawa?!

"Joke 'yon!"

"Buhay pa ba siya?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Torn. "Huh? Sino?"

"'Yung nagsabi ng joke na 'yon?"

"O—"

"Nah. Huwag ka na ring sumagot pa. Inaasahan kong hindi sa sobrang makabago ng joke mo." Gumuhit ang mapang-asar na ngiti ni Torn.

Napangiwi ako. "Nag-joke ka rin?"

Naglaho ang ngiti nito at sinamaan ako ng tingin. "Shut up."

Parang bata na napagalitan ako kaya napayuko ako at napanguso na lang. Isang tikhim ang nagpatingala sa akin. Pagbaling ko kay Cane ay ayon na naman ang tingin nito.

Tingin na para bang may masama akong ginawa.

"A deal is a deal."

"Isa na lang!"

Umiling ang dalawa. "No. Let's start our game—"

"Anong hayop ang nagpaparty?!"

Tila nauubusan ng pasensya na tumingin sa kanya ang dalawa.

"What?!"

"Eh di aso!"

Tinignan ako ng dalawa na para bang isang alien language ang sinabi ko.

"Di niyo magets noh?" makaraan ay tumawa ako. Tinaas ko ang kamay ko sa ere at sinuntok-suntok ito. "DOGZ DOGZ DOGZ DOGZ DOGZ..."

Tumalikod ang dalawa sa akin. Napangisi ako, finally napatawa—Humarap din ang mga ito wala pang ilang minuto.

"Are you sure you don't really need a psychiatrist?"

"Anong—"

"Sigurado bang hindi sa utak mo tumama ang bala?"

Napanganga ako sa tinutumbok ng mga salita ng dalawa.

"Let's start our game."

"No! Tumawa kayo."

"Did you hear it?" nakangising saad ni Cane.

Umiling ako.

"Did you see it?" pagsegunda naman ng kakambal nito.

Umiling ulit ako.

"Then a deal is a deal."

Huminga ako nang malalim at tumingin sa orasan. Twenty minutes pa bago dumating ang doktor ko.

Nasaan na ba kasi si Nurse Joy!

"Fine! Ano bang laro iyan?!"

Nakita kong kumunot ang noo ni Cane, mukhang hindi rin nito alam ang pakulo ni Torn.

"Two truths and one lie. You'll tell two truths about yourself and one lie, the one who guess our lies wins a point."

"What's the catch?" Tumingin ako kay Cane, seryoso itong nakatingin kay Torn.

"Three request will be granted sa mananalo. Siyempre kung sino ang matatalo, siya ang tutupad 'non."

Okay. So a guessing game?

Hmmmm. Not as bad katulad nang iniisip ko kanina.

Hindi rin nila ako ganoon kakilala, imposibleng marami silang alam sa akin.

Three request?

I love that!

"Simulan mo na...Cruz."

Napakamot ako sa buhok ko. Wala akong maisip na two truths and one lie ko.

Lumipas ang ilang minuto at nanatili akong walang imik.

Tumikhim ako. "Ano bang klaseng game yan? Walang thrill."

"You want a game na may thrill? Want me to change it?"

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni Cane.

"Hindi! Sabi ko nga 'yon na lang."

Ngumiti ang loko. "Start."

"Hmmm...one: I love potatoes, two: I hate dogs and three: Hindi pa ako nakakapunta sa amusement park."

Ngumiti ako. Hmmm, tignan lang natin kung mahulaan—

"Hindi ka pa nakakapunta sa amusement park."

"Hindi ka pa nakakapunta sa amusement park."

Nagkatinginan ang dalawa nang sabay silang magsalita. Habang ako ay napanganga. Imposible. Hindi nila ko ganoon kakilala.

Pwede namang mandaya hindi ba?

Hihihihihi.

Tumikhim ako. "Mali. I-I love dogs!"

Ngumisi ang dalawa at sabay na umiling.

"My my my, what a liar. Cheater." Nanunutyang saad ni Cane.

Napanguso ako. Papaano ba nila nalaman 'yon?

"You love dogs? Really? Then who's that girl na nakita namin na nagtitili nang may lumapit sa kanyang maliit na aso?"

Natameme ako sa sinabi Torn. That scene happened in our school na hindi ko na maalala kung kailan.

Magsasalita pa sana ako nang maunahan ako ni Cane. "You love potatoes. Halos ikaw nga lang ang kumakain ng mashed potato ni Chef."

Hindi na ako umimik at sumuko na lang.

May tig-isang puntos na ang dalawa. Hahabol ako! Hindi ako puwedeng matalo.

"Your turn, Hurricane."

"One: I had my first—"

"Hep hep! Bawal ang SPG!"

Tinignan ako ni Cane na para bang nasisiraan ako ng bait.

"What?"

"'Y-Yung sasabihin mo!"

"My first?" Nag-umpisa siyang tumawa na ikinainis ko. Teka, ano ba kasing first ang ibig niyang sabihin?

"Argh! Tatawa ka na lang ba o matutulog na lang ako?"

Tumigil siya sa pagtawa at nginisian ako. "Green-minded."

Namula ang buo kong mukha sa sinabi nito.

"Shut up!"

"Just f*cking continue will you?" asik ni Torn kay Cane.

"Tss. Fine, one: I had my first..." Tumingin siya sa akin na ikinabuwisit ko. "...kiss when I was in grade 4."

Napanganga ako. See? Hindi ako green-minded. SPG—

Spg? Kiss lang? Hindi naman 'yan ang iniisip mong first na sasabihin niya.

"Two: I love singing and three: I never had a girlfriend."

Easy-peasy. Sinong maniniwala na hindi pa siya nagkaka-girlfriend?

"What your answers?"

"Three." nakangiti kong sagot.

"One."

One?

Hindi totoong grade 4 siya nang magka-first kiss?

Napatingin ako kay Torn. Magkaiba kami ng sagot. Don't tell me hindi pa talaga siya nagkaka-girlfriend?

That's impossible...right?

"One point for me Tagsibol. Another point for my brother." nakangising saad ni Cane.

Napanganga ako. "That's impossible! Sa dami nang nilandi mo, wala ka pang naging girlfriend?! Pinagkakaisahan n'yo akong dalawa!"

"Honey, iba ang girlfriend sa flirting. Remember that..."

Binato ko ng unan ang mokong. "Stop calling me honey! You're giving me goosebumps."

Ano na naman bang ibinigay kong sakit ng ulo sa sarili ko?

"My turn."

Napatingin ako kay Torn. Seryoso ang mukha nito.

"One: I don't like cats."

Napalunok ako sa mala-laser na tingin sa akin ni Torn.

"Two: I'm allergic to peanuts."

"Three..." Unang tinignan ni Torn si Cane makaraan ay seryoso ang tingin na bumaling ito sa akin. "I might fall for you."

Okay. This is so awkward. But it's a point for me right?

Because for me, number three is a lie. He'll never fall for me.

TBC

SA SATURDAY NA ULIT! DAPAT KAHAPON PA ITO EH, PERO HINDI KO TALAGA MAKUHA YUNG FEELS. NAKAILANG ULIT AKO NG CHAPTER NA 'TO. PASENSYA SA MAHABANG PAGHIHINTAY. WALA NG KASUNOD NEXT WEEK ULIT.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top