Chapter 62: Drastic Changes (Part 1)

SPRING’s POV

“Es tut…ano nga ‘yon?”

Pumikit ako at pinilit alalahanin ang mga salitang sinabi sa akin ni Torn days ago. Iniisip ko pa rin kung anong ibig sabihin ‘yon nang maalalang si Google ang sagot sa problema ko.

Kaya heto ako ngayon at kanina pa iniisip kung anong ise-search ko sa google. Walang pakialam sa tingin na ibinibigay sa akin ni Nurse Joy.

“Hoy Spring, kanina ka pa diyan nakatitig sa cellphone mo. Anong problema mo?”

Kumunot ang noo ko at muling pumikit. Nasaan na ang talino ko?

“Huy—”

“Quiet Nurse Joy may iniisip ako.”

Hindi na muling nagsalita si Nurse Joy habang ako naman ay muling binalikan ang nangyari days ago.

“Es tut mir leid. Danke, dass du mich gerettet hast.”

Dumilat ako at napangiti dahil sa wakas ay naalala ko ang sinabi nito pero naglaho ang ngiti na ‘yon dahil hindi ko rin alam kung paano ita-itype ang sinabi nito.

Why does it seems like, pamilyar sa akin ‘yung language?

Nasa ganoon akong tagpo nang bumukas ang pinto at magkakasunod na pumasok sila Scarlette, Nicolette at Light.

Kumalat sa paligid ang mabangong amoy ng pumpon ng rosas na bitbit ni Scarlette. Isang basket naman ng mga prutas ang dala-dala ni Nicolette.

“Good morning Spring, pasensya ka na at ngayon lang kami  nakadalaw. We had to attend a fashion event kasi in Paris.” Saad ni Nicolette na bumeso sa akin gayundin ang kakambal nito.

“We’re glad na okay ka na.”

Ngumiti ako. “Salamat sa pagdalaw Nicolette at Scarlette.”

“Nag-almusal na ba kayo ni Spring, Nurse Joy?” tanong ni Light kay Nurse Joy.

“Opo Miss Light. Pero puwede po bang kausapin niyo si Spring? Kanina pa po nababaliw ‘yan.”

Napanguso ako sa sinabi ni Nurse Joy lalo na nang magtawanan ang kambal.

“Miss Light, alis lang po muna ko ah.” Pagpapaalam ni Nurse Joy.

“So anong ibig sabihin ni Nurse Joy na nababaliw ka na?” nakangiti si Light but I knew better that she’s not okay.

“Hindi ka na sana pumunta pa Light, maiintindihan ko kung—”

“Spring, a-ayoko munang pag-usapan. I-I mean, I’m still not okay and I think I will never be okay but I have to. In order for me to do that, ayoko munang marinig ang tungkol sa kanya.”

Tumango-tango ako. Naiintindihan ko ito. Nakatingin sa amin ang kambal at magkasabay na niyakap nila si Light.

Ito ang buhay na meron tayo, cruz. We can never be entitled of our own decisions in life.

Tama nga si Torn. Hindi lahat makukuha mo o papabor sa ‘yo.

“Enough with dramas.” Natatawang saad ni Light pero yumuko ito at pinahiran ang luhang namalisbis sa pisngi nito.
“So ano ‘yung sinasabi ni Nurse Joy kanina?”

“Ahhh-ano kasi. Eh ah—”

“Girl, we’re not kids trying to learn the alphabets.”

Bumuntong-hininga ako. “Ano kasi may sinabi sa akin si Torn…”

Isa-isang nagsi-upuan ang tatlo sa tabi ko. “Ano ‘yon?”

“H-Hindi ko kasi maintindihan ‘yung sinabi niya.”

Kumunot ang noo nilang tatlo. “Why?”

“Ibang language eh.”

Ngumiti si Scarlette.  “Spill it.”
Sinabi ko ang mga sinabi ni Torn kahit na hindi ko sigurado kung tama pa ba ang pagkakabigkas ko. Nagtawanan sila matapos kong sabihin ‘yon.

“OMG!”

“I can’t believe it. The high and mighty Tornado Helios actually said that.”

“Finally, may isang matinong mga salita na rin na sinabi ang kapatid ko.”

Napakamot ako sa batok ko. “A-Ano pwedeng paki-translate?”

Ngumiti si Light sa akin. “I’m sorry and thank you for saving me.”

Napanganga ako sa sinagot nito. Okay. Now, she understands kung bakit ganoon ang naging reaksyon nilang  tatlo.

I no longer hate you…

So he really meant what he said?

“I know it’s not a good thing to say this considering that you almost lost your life.” Napabalik siya sa reyalidad nang marinig ang sinabi ni Light. “But I want to consider na blessing in disguise ang nangyari. Masamang pakinggan pero kasi s-siguro kung hindi ‘yon nangyari. Nasa bar pa rin ang kapatid ko, naglalasing at nakikipag-away…”

“Oy akala ko ba enough with dramas na…” Napangiti ako at kinuha ang kamay ni Light at marahang pinisil iyon.

“Thank you Spring, for saving him. Not just his life. But for everything. You’re really an angel na ibinigay  Niya sa amin para magbago kami. Especially  Cane and Torn.”

“Thank you rin Light for accepting me… lalo na ngayon.”

Ngumiti ito. “We’re friends right?”

“Right. Friends.”

“Group hug na lang tayooo mga bes.” Saad ni Scarlette pero sila lang ang mga nagyakapan dahil malamang ay natatakot ang mga itong maipit ako.

“Ay sayang girl, magba-bar kami mamaya—”

“Kahit wala sa hospital si Spring. Hindi na ‘yan sasama. Hindi ba Spring?” nanunuksong saad sa akin ni Light.

Hindi ako nagsalita at napanguso na lang. Never na kong pupunta sa isang bar!

“NURSE Joy bakit kanina ka pa ba hindi mapakali?” tanong ko sa nagbabantay sa akin na parang nawawala sa sarili niya.

Kanina pa ito tingin nang tingin sa orasan.

“Ano kasi bhe, m-may date ako.” Natawa ako nang makitang namumula ang pisngi nito. Mukhang nagbubunga ang panghaharot nito kay Nurse Michael.

“So? Okay lang naman maiwan ako ritong mag-isa eh.”

Umiling ito. “Hindi pwede.”

“Kaya iindiyanin mo ang date mo?”

“Mas lalong hindi puwede!”

“Kung ganoon—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.

“Good evening Tagsibol. I’m your guardian for tonight.”

Napanganga ako nang makitang parang modelo na naglalakad sa isang fashion show na lumapit sa akin si Cane. Nakangisi ito at as usual ay black na naman ang suot nito.

“Ay naku salamat talaga Hurricane at nagpunta ka. Hayy akala ko walang pupunta sa inyong dalawa eh.”

“Dalawa?!” magkapanabay na tanong namin ni Cane kay Nurse Joy at sakto namang pagpasok pa uli ng isang tao sa loob ng kuwarto ko.

Walang iba kung hindi si Torn.

May nakapasak na malaking headphone sa tenga nito. Binaba nito iyon at kunot ang noong tinignan si Hurricane.

“Anong ginagawa mo rito?” parehas na tanong nila Cane at Torn sa isa’t-isa.

“Nurse Joy anong—”

“Spring, bawasan mo na lang ang sahod ko. Hihihihihi.” Iyon lang ang sinabi ni Nurse Joy at mabilis itong umeskapo not minding those deadly stares coming from Cane and Torn.

Pabalik-balik kong pinagmasdan sina Torn at Cane.

Sure. Nasasanay na ko sa presensya nila pero…spending the night with the two of them?

Nurse Joy, uubusin ko ang buhok mo.

Sabay na tumikhim ang dalawa at binalingan ako.

“Did you already eat?”

“Kumain ka na?”

Sabay na naman silang nagsalita. Muling nagtinginan ang dalawa. Weird.

“Oo—”

“Nacheck ka na ba ng doctor mo?”

“Nakainom ka na ba ng gamot?”

Awkward.  Bakit ba sabay na sabay sila magsalita?!

“I’m perfectly fine.” Nasabi ko na lang.

“A-Ano nauuhaw ako pwedeng—”

“Juice?”

“Water?”

Napakagat ako sa labi ko at umiling na lang.

“Maupo na lang kayo. Matutulog na pala ako.”

Better yet, iwanan niyo na lang ako.

“CAN’T sleep?”

Dumilat ako nang marinig ang tanong na ‘yon. Napabuntong-hininga ako. Mukhang nasobrahan na siguro ako sa tulog o baka dahil tense ako sa dalawang bad boy na bagama’t nakapikit ay damang-dama ko ang tingin ng mga ito sa akin.

“Huwag mong pilitin kung hindi ka makatulog.” Saad ni Torn na ang tingin ay nasa magazine na hawak-hawak niya.

“Gusto mo munang lumabas?” tanong ni Cane sa akin.

Nag-aalangan ako pero namalayan kong napatango na lang ako.

Akala ko ay magpapaiwan lang si Torn pero ikinagulat ko nang tumayo rin siya.

Binilisan ko ang pagkilos sa takot na buhatin na naman ako nito. Nagtaka ako nang makatayo na ako ay hinila pa rin ako ni Torn patungo sa wheelchair at pinaupo ako ron.

Nilagyan pa niya ng jacket ang balikat ko habang si Cane naman ay pinatungan ng kumot ang hita ko.

“K-Kaya ko nang maglakad.”

Hindi ako sinagot ng dalawa at nagkatinginan lang ang mga ito.

Itinulak ni Cane ang wheelchair ko habang nasa gilid ko si Torn. Dumiretso kami sa elevator pero nagtaka ako nang hindi sa ground floor ang destinasyon namin.

Anong pakulo na naman ba ng dalawang ito?

TBC

BUKAS ANG KASUNOD. ANTOK NA KO TALAGA.
PS. PART 2 ANG KASUNOD PO NITO. PATAWARIN SA PAMBIBITIN.

UNEDITED. MOBILE LANG ANG GAMIT.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top