Chapter 59: Don't cry.
SPRING's POV
Consequences? Ano bang pinagsasabi niya? Wait—ano bang nangyari kahapon?! Talaga bang nangyari 'yon? Tornado, ano bang plano mo? Hindi ko maiwasang kabahan sa kung anumang pinaplano mo... Niligtas na kita bakit kailangan ko pang may consequences na haharapin? Torn! You're making me insane.
"What are you thinking?"
Napatigil ako sa pagtitig sa librong binigay sa akin ni Raven. Doon ko lang napansin na kanina ko pa binabasa ang isang pahina pero hindi ko pa rin pala ito natatapos dahil lumilipad sa kung saan ang isip ko.
"Spring?"
Tumingin ako kay Trent na noon ay nagbabalat ng mansanas para sa akin. "Huh?"
Binigay nito sa akin ang nahiwang mansanas. "I said, what are you thinking? Kanina ka pa nakatitig diyan sa page na 'yan. Care to tell me what it is?"
Ngumiti ako at umiling. "Wala. I'm just bored. Nangangalay na rin ang likod ko sa kakahiga."
Tinitigan ako nito na parang hindi naniniwala sa akin. "Really?"
Tumango-tango ako. "Yes. Wala pa bang update kay Tatay? Hindi pa rin ba siya nagigising?" pagbabago ko ng paksa.
Ngumiti ito at kumabog ang puso ko sa ngiting iyon. Sa tingin ko may magandang sasabihin ito sa akin.
"Your Dad...finally opened his eyes."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. "He's awake?"
Umiling ito na siyang nagpakunot ng noo ko. "Hindi pa rin. It was just a split seconds but the doctor said that it's a good sign. Mas malaki raw ang chance na magising na si Tito Autumn."
"Sana talaga magising na siya Trent."
Ngumiti ito. "I'm sure it will happen soon. Dito ka lang I'll talk to your doctor kung pwedeng dalhin kita sa garden ng hospital."
Tumango ako at umasang papayag ang doktor ko. Gusto ko na ring pansamantalang makaalis sa loob ng hospital room na ito. Napabuntong-hininga ako at sinara ang librong hawak ko. Nilagay ko ito sa side table at napangiti ako nang mahagip ng paningin ko ang bulaklak na binigay ni Cane kahapon. Hindi na ito fresh at may nalalanta na rin. Kumuha ako ng isang piraso at iniipit ito sa librong binigay sa akin ni Raven.
Nasa ganoon akong tagpo nang bumukas ang pinto at iluwa noon si Cane kasabay si Nurse Joy.
"Good morning Spring!" masiglang bati sa akin ni Nurse Joy. Ngayong araw na ito siya magsisimula bilang personal nurse ko kahit na may mga nurse naman ang hospital, ipinagpilitan pa rin nito na siya na ang mag-aalaga sa akin. Tutal ay sabado naman na raw at wala rin itong ka-date kahit weekends.
Dalawang linggo pa akong mananatili sa hospital kaya pinagleave muna ito ni Light sa Helios University. Ito kasi ang inatasang magbabantay sa akin dahil lilipad na rin pabalik ng Amerika si Trent sa susunod na linggo. May trabaho rin kasi si Light kaya wala rin akong makakasama.
"Good morning Nurse Joy." Bati ko rito. Ngumiti ito at dumiretso sa banyo.
Nadako ang paningin ko kay Cane na nakangisi? At ang tingin ay nasa hawak-hawak ko?
Bumaba ang paningin ko sa hawak ko at doon ko lang napagtanto na hindi ko pa pala tuluyang nasasara ang libro. Mabilis kong isinara 'yon at inilagay sa ilalim ng unan ko.
"Huwag mo nang itago, nakita ko na naman eh." Nang-aasar nitong saad at umupo sa silyang nasa tabi ko.
Tumikhim ako. "A-anong pinagsasasabi mo diyan? Wala akong tinatago 'no."
Tumawa ito. "Hindi ko naman alam na crush mo pala ako."
Napanganga ako sa sinabi nito. "Excuse me?!"
Ngumisi ito at nginuso ang ilalim ng unan ko. "Hindi ba ite-treasure mo ang bulaklak na binigay ko?"
"Nilagay ko lang 'yung isang rosas sa libro nag-assume ka na agad na crush kita? Mr. Hurricane Helios. Spell ASA."
"If you say so..." Sumipol pa ito na ikinainis ko.
"For your information, ang tinetreasure ko ay 'yung librong binigay ni Raven. I want it to be memorable kaya nilagyan ko ng—"
"What did you say?!"
Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ang tila pag-angil ni Hurricane. Nagulat na lang ako nang tumayo ito at umikot sa kabilang puwesto. Wala akong nagawa nang mabilis nitong kunin ang librong binigay ni Raven.
Ngumisi-ngisi pa ito at binulatlat ang against all odds. Kumunot ang noo ko nang makita ang paghigpit ng kamay nito sa libro.
"Kapag nasira 'yan. I swear I will never ever talk to you again." Seryoso ang boses kong saad.
Maya-maya lang ay isinara nito ang libro at tumingin sa akin. "May sinabi ba akong sisirain ko? Kinuha ko lang kasi baka malukot sa ilalim ng unan mo." anito at tila nag-iingat na ipinatong ang libro sa side table.
Napailing ako at hindi na umimik pa. Doon naman lumabas si Nurse Joy sa loob ng banyo. Mukhang nag-number 2 pa yata ito sa tagal nito sa loob.
"Nako Spring tigilan mo na ang kakasigaw ano? Baka mamaya at sumakit na naman ng bongga 'yang sugat mo. Baka may mag-alala at mataranta na naman, at ang ending ay mabato ako ulit ng mansanas sa noo." Saad ni Nurse Joy na ang tingin ay na kay Cane.
"Hindi ako nataranta kahapon! I'm just...just..."
"Just what?" nang-aasar kong saad.
Payback time Hurricane!
Tumikhim ito at binalingan ng tingin si Nurse Joy na nakaupo na sa sofa at as usual ay kumakain na naman. "Next time don't fall asleep, you're here to take care of her..." Tinuro nito ako. "Not eat..." Napatigil si Nurse Joy sa pagkagat sa tinapay at binitawan iyon. "And sleep... focus on your job." dugtong pa nito at walang paalam na iniwan kami.
"Huwaaaaaaaaaaaaaaah, ang bad bad talaga ng binatang 'yon. Hindi man lang ginalang ang kagandahan ko."
Napailing ako.
Bad boy pa rin talaga!
Ilang minuto ang nakakalipas ay bumukas ang pinto at nakangiting pumasok si Trent na may tulak-tulak na wheelchair.
"Pumayag si Dok."
Napangiti ako. "Yes!"
Mabilis na lumapit sa akin si Trent. Dahan-dahan nito akong binuhat at iniupo sa wheelchair. Sa una ay nahihirapan pa akong mag-adjust dahil matagal akong nakahiga kaya kumikirot ang sugat ko sa bawat pagkilos ko. Pero maya-maya rin ay nawala kahit papaano ang sakit.
"But you have to wear this." Sinuotan ako ng mask ni Trent. Oo nga pala. Naipaliwanag na rin sa akin ni Trent na dahil sa inalis ang spleen ko, mas prone na ako ngayon sa mga sakit. Lalo pa at nasa hospital kami kung saan maraming tao ang may sakit.
"Nurse Joy, maiwan ka na muna namin dito."
Napangiti ako nang nag-thumbs up lang si Nurse Joy at tumango dahil puno ang bibig nito ng tinapay. Parang kanina lang ay halos magwala na ito sa sinabi ni Cane pero heto at siyang-siya na ito ulit sa pagkain.
MALAPIT na kami sa elevator ng hospital nang huminto sa pagtulak ng wheelchair sa akin si Trent.
"Is there a problem Trent?" paglingon ko rito.
"Can you stay here Princess? Naiwanan ko 'yung phone ko sa room mo eh. I forgot na tatawag nga pala ako kay Rain, baka kanina pa naghihintay 'yun at hindi pa natutulog."
Ngumiti ako kahit na hindi nito iyon nakikita dahil sa mask ko at tumango. "I'll just wait for you here."
"Sumama ka na lang kaya ulit sa akin?"
Umiling ako. "Mas mapapabilis kung mag-isa ka na lang."
Tumango-tango ito at dali-daling umalis. Napabuntong-hininga ako, gusto ko nang makita ang mukha ni Rain kahit sa video call lang pero hindi pupwede dahil baka mag-alala pa ito kapag nakita ang hitsura ko. Kung dati ay payat na ako, mas lalo pa akong pumayat.
Ginala ko ang paningin ko sa paligid pero tumigil ang paningin ko sa kakapasok na babae sa elevator.
Nay?
Nanlaki ang mata ko at kumabog nang malakas ang puso ko. 'Yung pumasok na babae sa elevator, kamukha siya ng Nanay ko. Kahit na posturang-postura ito napakalaki ng pagkakahawig nito sa Nanay ko.
Posible kayang siya iyon?
Sa naisip ay lumingon ako umaasang nakabalik na si Trent pero wala pa rin siya. Mabilis kong hinawakan ang gulong ng wheelchair at pinaandar ito. Walang pakialam kung halos matanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Kabado ako habang papalapit ako sa elevator pero bago pa ako tuluyang makalapit ay nagsara na ito.
Naluluha ako habang paulit-ulit pinipindot ang button para muling bumukas ang elevator.
"What are you doing?!"
Tuluyang tumulo ang luha ko bago ko pa maharap ang nagsalita. I know the voice.
Tornado...
"I said what are you doing?! Why are you alone?!" anito at iniharap ang wheelchair ko sa kanya.
"Kailangan kong bumukas itong elevator pero a-ayaw..."
"Cruz ano bang problema? Why are you crying?" Tila hindi malaman ni Torn ang gagawin habang nakatingin sa akin.
"I need to see her..."
"Sino?"
"'Yung nanay ko..."
Lumipat ito sa likod ko at mabilis na pinaandar ang wheelchair ko. Pumasok kami sa isa pang elevator sa kabilang dulo ng hospital.
"Spring!" Narinig ko pa ang boses ni Trent bago tuluyang nagsara ang elevator na pinasukan namin ni Tornado.
"Don't cry. We'll find her." Saad ni Torn at hinagisan ako ng panyo sa hita ko.
Tumingala ako at nagtagpo ang paningin namin ni Torn. Blanko ang tingin nito sa akin.
"Gusto mo bang ako pa ang magpunas sa luha mo?" malamig ang boses nitong saad sa akin.
Mabilis akong umiling at inalis pansamantala ang mask ko makaraan ay pinahiran ang mga luha ko sa magkabilang pisngi. Malakas na tunog ng cellphone ang nagpatigil sa ginagawa ko. Tila naiiritang sinagot ni Torn ang tumatawag sa kanya.
"Yes. She's with me. Don't worry ako na ang bahala—Damn, lower down your voice.—Fine. Thirty minutes. I'll just talk to her okay?"
Malamang ay si Trent ang kausap nito. Pero wala roon ang isip ko. Nasa babaeng nakita ko kanina...Ang Nanay...
Sana...sana siya 'yon. Paano kung siya nga iyon? Anong gagawin mo? Eh hindi ka naman niya naaalala?
Napapikit ako sa mga tanong na iyon sa utak ko. Hindi ko alam. Pero ang alam ko lang gusto ko siyang makita.
Tumingin ako kay Tornado na ang tingin ay nasa repleksyon naming dalawa sa elevator.
Talaga bang tinutulungan niya ako?
TBC
Guys, please understand na tuwing Saturday lang talaga ang updates ng TBBBM. Kahit nga busy ako this week, pinagtiyagaan ko pa ring mai-type ito. Pero 'yon nga lang dalawang chaps lang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top