Chapter 56: I want to live.
SPRING's POV
DAHAN-dahan akong tumayo habang nagtatakang pinagmasdan ang kapaligiran ko.
Nasaan ako? Ano bang nangyari?
Puro puti ang nasa paligid ko, walang kahit ano akong nakikita kung hindi puti. Hinintay kong tumibok nang malakas ang puso ko dahil sa isip ko kinakabahan na ako pero wala...wala akong naramdaman.
Kinurot ko ang sarili ko. Wala ulit. Wala akong naramdamang sakit.
Panaginip?
O baka naman...
Patay na ko?!
Wait—paano kong mamamatay?
Dumako ang paningin ko sa suot-suot kong uniporme ng Helios University. Napatitig ako sa tiyan ko na para bang inaasahan kong may makikita akong mantsa rito. Pumikit ako at parang sa pelikula na nagbalik sa akin ang mga nangyari kanina.
Kanina?
Kanina nga lang ba nangyari ang lahat?
May humarang sa amin nila Cane. May lalaking may baril. Sinalo ko ang bala na para sana kay Torn.
Nabaril ako.
Kung ganoon, patay na ba ko talaga?
"Hindi ka pa patay. Hihihihihi."
Nagulat ako nang biglang may sumulpot na bata sa harap ko. Nanlalaki ang matang umatras ako palayo rito. Nakasuot ito ng puting bestida. Ngiting-ngiti itong nakatingin sa akin. Napakaganda nitong bata para katakutan ko kaya tumigil ako sa pag-atras palayo rito.
Anghel siguro siya...at sinusundo niya ako. Kung ganon patay na talaga ko?
"Hindi ka nga patay Spring."
"K-Kilala mo ako?"
Tumango ito. "Matagal na kitang gustong makilala. Ako nga pala si Alyanna."
Alyanna? Bakit ba siya parang pamilyar sa akin?
"Malalaman mo rin 'yon mamaya."
Huh?
"Naririnig ko lahat ng iniisip mo hihihi."
"N-Nasaan ba ako?" tanong ko imbes na pansinin ang sinabi nito.
"Ano sa tingin mo ang lugar na 'to?"
"Langit?"
Ngumiti ito at umiling. "Hindi ka pa nga kasi patay."
Inilibot ko ang paningin ko sa puting kapaligiran makaraan ay binalik ko ang tingin ko kay Alyanna. "Kung ganoon anong ginagawa ko rito?"
"You're here because you're in between of your life and death."
"Do you want to go back?"
Kahit wala akong nararamdaman ay hindi ko pa rin makalimutan ang sakit na naramdaman ko bago ko mawalan ng malay. Pati na rin ang lahat ng sakit na nararanasan ko sa buhay ko. Gugustuhin ko pa nga bang bumalik? Ano pang babalikan ko? Hindi ba mas maigi na 'to? Ang mawala ako?
Kasi para kanino pa ba ako nabubuhay?
Napabalik ako sa reyalidad nang hawakan ni Alyanna ang kamay ko. "Halika, may ipapakita ko sa 'yo." Hinila ako nito at napapikit ako nang masilaw sa liwanag na bumalot sa amin.
Pagmulat ng mga mata ko ay hinanap ko si Alyanna pero wala ito sa tabi ko. Nagpalinga-linga ako para lang magulat sa kinaroroonan ko.
Nasa bahay ako. Sa dati kong bahay kung saan kasama ko ang Nanay. Pumasok ako at dumiretso sa kwarto namin ni Nanay. Inaasahan kong wala akong makikita pagpasok ko pero nagulat ako sa nakita ko.
"Nay...Nanay..." paulit-ulit kong pagtawag sa Nanay ko pero hindi ako nito nililingon at patuloy pa rin ito sa mahinang pag-iyak habang hinahalikan kamay ng batang nasa higaan.
Gusto kong umiyak pero walang luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Gusto kong makaramdam pero wala akong nararamdaman. Pero sa isip ko alam kong nalulungkot at nasasaktan ako para kay Nanay na iniiyakan ang batang ako...Ang batang si Spring.
"Alam kong pagod ka na anak...Nahihirapan ka na rin pero nakikiusap ako, huwag mong iiwanan si Nanay. Kailangan mong mabuhay. Mahal na mahal kita Spring at kahit buhay ko pa kayang kong ibigay huwag ka lang mawala...pero patawarin mo ko kung pipiliin kong mawala ka sa piling ko. Hindi ko g-gustong iwanan ka pero mas pipiliin kong mawala ka sa akin kaysa wala akong magawa para mabuhay ka. Pero promise anak, babalikan kita. Kahit ano pang mangyari, babalik ako."
Sinubukan kong yakapin ang Nanay pero tumagos lang ang mga kamay ko.
"Nay...sinungaling ka. Hindi ka bumalik. Kinalimutan na ako...Nay, kung lalaban ba ko para mabuhay, babalik ka? Makikita pa kaya kita?"
Muling nagliwanag kaya napapikit ako at sa muling pagdilat ko wala na ako sa bahay namin ni Nanay. Wala na rin si Nanay.
Nasa isang hospital ako. Sa isang pamilyar na lugar.
"Ayokong magpa-opera Tatay, natatakot ako." Dumako ang paningin ko sa batang nakahiga sa kama.
Ang batang 'yon ay ako sampung taon na ang nakakalipas.
"Bakit ka matatakot? Nandito naman si Tatay para sa 'yo." Nakangiting saad ni Tatay.
Ang ngiting 'yon. Makikita ko pa kaya?
Paano mong makikita kung sumusuko ka na?
"Pero m-masakit ang magpaopera hindi ba Tatay? Ayoko 'nun, natatakot ako. Pagod na rin ako, Tay. Ayoko na..."
"Spring...ayaw mo na bang makasama si Tatay? Eh ang makita ang Nanay mo? Ayaw mo na ba?"
Natahimik ang batang ako at maya-maya lang ay umiling ito. "Then fight Spring. Fight for your life, for us."
"Gagaling na po ba talaga ako pagkatapos nito?"
"Oo anak, gagaling ka na."
Malungkot na ngumiti ang batang ako. "S-sino po ba ang magbibigay ng puso para sa akin Tatay?"
"You want to see her?"
Tumango ang batang ako at nanlaki ang mata ko nang malaman kung bakit pamilyar para sa akin si Alyanna...dahil siya ang batang nagbigay ng tsansa sa akin para mabuhay. Sa kanya ang pusong nasa akin...
Muling nagliwanag at sa pagdilat ko ay nakabalik na ko sa lugar na kinaroroonan ko kanina.
"Tatanungin ulit kita, Spring. Do you still want to live?"
Hindi ko sinagot ang tanong ni Alyanna at niyakap ko ito. "Salamat, Alyanna. Thank you for giving me your heart."
Ngayon alam ko na kung anong dahilan kung bakit ko nakita ang mga 'yon kanina. Pinakita ang mga 'yon sa akin para ipaalala kung bakit ako patuloy na lumalaban sa buhay. I live for them. But more than that, I live for myself and for my dreams.
"I want to live. Gusto ko pa silang makita at makasama." Pagkasabi ko ng mga 'yon ay muli kong naramdaman ang pagtibok ng puso ko at ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.
Pumikit ako at alam kong sa mga sandaling ito. Babalik na ako sa buhay na iniregalo Niya sa akin.
Sa pagdilat ng mga mata ko, naramdaman ko ang sobrang sakit. Parang may pumipilipit sa kalamnan ko at gusto kong sumigaw pero may nakaharang sa bibig ko patungo sa lalamunan ko.
Nag-umpisang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nararamdaman ko.
"Oh my God! She's awake."
"What's happening?!"
"Call the doctor!"
Naramdaman ko ang pagpisil sa magkabila kong kamay. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko sila...kahit na may mask sila. Sa boses pa lang nila kilala ko na sila.
Sina Light at ang kambal. Kahit na nahihirapan ako ngayon, masaya akong makitang ayos lang sila Cane at Torn. Narinig ko ang mga pagmumura nila Cane at Torn na para bang normal na lang na salita para sa kanila. Ang natatarantang boses ni Light at ang pagsaway nito sa mga kapatid nito.
I can't imagine life without them...I guess I already found another reason why I want to live...why I still want to stay...
Hindi ko alam kung gaano ko katagal nakapikit. Pagod na pagod ang katawan ko pero gising ang diwa ko, naririnig ko sila. Ang paulit-ulit na paghingi ng sorry ni Light kahit naman hindi dapat. Ang hindi ko mawari kung malungkot o naiinis na si Cane.
Pero may isang boses akong hindi makakalimutan rather linyang hindi ko inaasahan mula kay Tornado. Kahit parehas sila ng boses ni Hurricane. Alam kong siya 'yon.
"Just fight...just goddamn fight and I swear after this I can be your slave..."
Slave? Naglalasing pa rin ba siya? Wait nananaginip pa rin ba ako?
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top