Chapter 55: It's all my fault.
LIGHT's POV
"Don't worry Light, he'll be fine. Isn't it a good thing na hindi siya pumunta ng Greece kahit na binigay mo na sa kanya ang passport niya?"
"Hindi nga siya umalis Gramps pero wala naman siyang ginawa ngayon kung hindi maglasing at makipag-away! He's ruining his life. Hindi na nga siya pumapasok eh. I really don't know what to do with him."
Tumawa ang lolo ko sa kabilang linya na ikinailing ko. Typical attitude of Teodoro Helios. Parang balewala lang dito na malapit ng maging alcoholic ang isa sa mga apo nito. But I know better, tiyak ay nag-aalala na rin ito para kay Tornado.
"Don't worry. May inaasikaso lang ako rito sa Germany at pag natapos ko na 'yon. You should expect some old man knocking at your door."
Iiling-iling na natawa ako sa sinabi ni Gramps at nagpaalam na rin dito. I'm hoping na sana naman ay mapabilis ang pag-uwi nito at sana ganoon din ang mga magulang namin.
Kakababa ko pa lang ng cellphone ko ay muli itong tumunog at lumakas ang kabog ng puso ko nang makita ang pangalan ng boyfriend ko.
Miss na miss ko na ito.
"Babe! Finally, sinagot mo na rin ang tawag ko."
Napapikit ako nang marinig ang boses ni Trent. Ang tagal-tagal ko ng hindi naririnig ang boses nito. Umiiwas ako rito not just because I'm guilty with what I've been doing with Spring. Kailangan ko na rin kasing masanay na wala na ito sa buhay ko.
Because soon he'll be gone in my life.
"I miss you babe."
"I miss you too."
"Bakit mo ba hindi sinasagot ang mga tawag ko?"
"I was--"
"Miss Light!"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng walang katok-katok na pumasok ang secretary ko sa loob ng opisina ko.
"Anong problema Gia?"
Siguraduhin mo lang importante iyang sasabihin mo kung hindi mawawalan ka ng trabaho. Gusto ko pa sanang idagdag pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Emergency po Miss Light. Tumawag po si Mr. Joe. Nasa hospital daw po sila."
Itinapat ko muli sa tenga ko ang cellphone ko. "Babe, I'll call you later."
Mabilis ko itong binaba at hinarap ang sekretarya ko.
"Sinong nasa hospital?"
"Ang mga kapatid niyo daw po Miss Light--"
"Saang hospital?"
Nang marinig ang sagot nito ay nagmamadali kong nilisan ang opisina ko.
"ANONG nangyari?! Nasaan ang mga kapatid ko?!"
"Kumalma po kayo Miss Light. Maayos lang po sila." Saad ni Mr. Joe pero kahit na sinabi nitong maayos ang mga kapatid ko hindi pa rin maalis ang kaba sa akin.
Pakiramdam ko may iba pa itong hindi sinasabi sa akin.
"Akala ko ba ayos lang ang mga kapatid ko? Bakit tayo papunta sa operating room?" Kinakabahan kong tanong nang makita ang signage na tinatahak namin.
Hindi na ito nakasagot nang makarating kami sa waiting area ng operating room.
"A-anong ginagawa niyo rito? Anong nangyari sa inyo?"
Pahina nang pahina ang boses kong saad kayla Torn at Cane na parehas tulala na ni hindi man lang ako sinulyapan. Madungis ang mga ito at hindi nakaligtas sa akin ang nanginginig nilang mga kamay na halos mabalot ng dugo. Kitang-kita ko rin ang duguan at pasa-pasang mga mukha ng dalawa.
"Mr. Joe anong nangyayari rito?"
"It's Miss Spring. Kasalukuyan po siyang inooperahan."
Nanghina ang tuhod ko sa narinig ko. Pakiramdam ko papanawan ako ng ulirat kaya nanghihina akong napaupo.
"B-bakit? Papaano?"
Napapikit ako at nakita ko ang nakangiting mukha ni Spring kanina habang nagpapaalam sa akin. This is impossible. Okay lang ito.
"It's all my fault."
"It's all my fault."
Napadilat ako nang sabay na marinig ang boses ng dalawa kong kapatid.
"A-Ano na namang ginawa niyo?!" Hindi ko napigilang sigaw sa dalawa. Hindi sumagot ang dalawa kaya binaling ko ang paningin ko kay Mr. Joe.
"A-Anong nangyari Mr. Joe?"
Halos hindi ako makahinga habang naririnig ko ang pagpapaliwanag sa akin ni Mr. Joe.
"Are you telling me that Spring was shot by a gun?"
Nang tumango si Mr. Joe ay unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Nag-uumpisang manginig ang mga kamay ko sa takot sa maaaring mangyari kay Spring.
"S-She's gonna be okay right? Hindi naman malala hindi ba?"
Hindi sumagot ang tatlo at nanatili akong umiiyak habang pinagmamasdan ang kinaroroonan ni Spring.
Lumaban ka Spring, nakikiusap ako.
Hindi ko alam kung gaano ko katagal umiyak pero nang makita ko ang hitsura ng kambal ay binalingan ko si Mr. Joe.
"Natignan na ba sila ng mga doktor?" pagtukoy ko sa dalawa.
"Tumanggi po silang magpatingin Miss Light."
Binalingan ko ang dalawa. "Sumama kayo kay Mr. Joe—"
"We don't need it Light. Okay lang ako—"
"I'm fine—"
"Just this once! Makinig kayo sa akin! Please." Bumaling ako kay Torn. "You're guilty right? Dahil niligtas ka ni Spring. Dahil sinalo niya ang bala na para sa 'yo. Do it for her. Huwag mong sayangin ang ginawa niya. Kapag napagamot niyo na 'yung sugat niyo, tsaka kayo bumalik dito."
"Cane, I know you're blaming yourself dahil sa gulong ito but please listen to me."
Tumayo ang dalawa at sumama kay Mr. Joe habang ako naman ay naiwang naghihintay sa magiging resulta ng operasyon kay Spring.
Napapitlag ako sa tunog na nagmumula sa cellphone ko. Muling bumagsak ang mga luha sa mga mata ko nang makita kung sino ang tumatawag.
Trent...
Anong gagawin ko? Paano kong ipapaliwanag na nag-aagaw buhay ang pinsan niya?
Alam ko kung gaano niya kamahal si Spring at alam kong baka hindi nito kayanin kung may mangyaring masama kay Spring.
Sasabihin ko ba?
May karapatan siya, Light... you need to tell him.
Nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag ni Trent.
"Babe!"
Tuluyan na akong napahagulgol nang marinig ang boses ni Trent. "I-I'm s-sorry babe...I'm sorry babe."
"Light, what's the problem? W-What happened?"
Imbes na masabi rito ang nangyari kay Spring ay paulit-ulit lang akong nag-sorry rito.
"Light Ryie! Please stop crying. I'm getting nervous here. What's happening? Why are you crying?"
"I-I failed Trent... I failed in taking care of her."
"Hindi kita maintindihan! A-Ano bang sinasabi mo?!"
"S-Spring...s-she needs you."
HOURS LATER...
NAGISING ako nang marinig ang pagbukas ng pinto na kinaroroonan ni Spring. Sa labis na pag-iyak matapos ang pakikipag-usap ko kay Trent ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kinakabahang tumayo ako at lumapit sa lumabas na Doktor.
"Kumusta na po siya Doc?"
Inalis ng Doktor ang face mask nito bago ako tinignan. "Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?"
Umiling ako. "Nasa amerika po ang family niya. But I'm her guardian. Light Helios."
Tumango-tango ito. "Naalis na namin ang balang tumama sa kanya. But we need to remove her spleen because of the damage. The operation was successful but she needs to be intubated and stay in the ICU."
"Magiging okay naman po siya hindi ba Dok?"
"Hindi ko pa masasabi 'yan sa ngayon. There's a high risk of infection especially now that we removed her spleen. But rest assured Miss Helios, we're going to do our best to save her."
Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ng Doktor. At least she survived the operation. Iyon pa lang ay dapat ko nang ipagpasalamat sa Diyos.
Tumunog ang cellphone ko at mabilis ko itong sinagot nang makitang si Trent ang tumatawag.
"Babe—"
"I'm on my way to the airport. How is she?"
"Her operation was successful. She will be transferred to the ICU."
"Okay."
"Babe I'm sorry—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naputol na ang linya namin. Nanlulumong pinagmasdan ko ang cellphone ko. Seems like mapapaaga ang pagkawala ni Trent sa buhay ko. Kasabay ba ng pagkawala niya ang paglalaho rin ni Spring sa buhay naming magkakapatid?
NAPATAKIP ako sa bibig ko nang makita ang kalagayan ni Spring. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin nila Scarlette at Nicolette na kadarating lang pero nanatili ang tingin ko kay Spring.
Nakakaawa ang hitsura nito. Para bang hirap na hirap na ito sa kalagayan nito pero patuloy itong lumalaban. Katulad nang sinabi ng doktor ay naka-intubated si Spring dahil hindi pa nito kayang huminga nang wala ang tulong ng machine.
"Oh God. She's too young for this. She doesn't deserve this. What if hindi n-niya kayanin? What if sumuko siya?"
"Light...kahit na hindi namin ganoon katagal na kakilala si Spring, we know na lalaban siya. Hindi ba she survived from a heart surgery noong bata pa siya? She's a fighter and I'm sure na lalaban pa rin siya ngayon dahil alam niyang maraming masasaktan pag nawala siya."
Tumango-tango ako sa sinabi ni Scarlette at hinaplos ang salamin na para bang sa pamamagitan nito ay mahahawakan ko rin si Spring.
Please Spring...keep on breathing...this will never be the end for you.
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top