Chapter 54: End of First Half.

Get ready for the rollercoaster ride for this chapter and for the upcoming chapters ☺☺

SPRING's POV

PAGOD na pagod kong isinandal ang likod ko sa front seat nang makapasok ako sa loob ng kotse ni Cane. Finally, nakuha na rin nito ang susi kay Light at namamaneho na nito ang baby daw nito. Matuling lumipas ang dalawang linggo at sa mga panahon na 'yon ay naging busy ako para sa mga projects and requirements ko especially sa thesis namin. Nagpapasalamat ako sa mga professors na tinatambakan kami ng projects, research and exams dahil naging busy na rin ang kapwa ko estudyante imbes na pagtsismisan pa rin ang magazine kung saan naging model ako.

Umandar ang kotse at pumikit na ako. Naramdaman kong bumaba ang inuupuan ko na alam kong kagagawan ni Cane. Sanay na itong makitang pagpasok ko pa lang sa kotse nito ay pipikit na ang mata ko at ilang saglit lang ay lalamunin na ako ng antok.

"Tss. Pinagod mo na naman ang sarili mo. Napaka-nerd mo talaga." anito habang pumapalatak na siyang nakapagpangiti sa akin.

Being friends with a bad boy has its perks. Parang nagkaroon ulit ako ng Trent sa tabi ko. May nag-aalala at may nag-aalaga pero siyempre patuloy pa rin ito sa pagiging alaskador ng buhay ko. Wala na rin akong pakialam sa iniisip sa amin ng mga tao sa HU. Simula kasi ng naging kaibigan ko si Cane, normal na lang para sa akin na palaging nakadikit dito. Kahit nga si Paupau ay sanay na rin sa presensiya ni Cane.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang sinabi nitong tuturuan nito akong lumangoy na hindi rin naman natuloy dahil na rin sa naging busy kami sa pag-aaral.

Wait—ako lang pala.

Chill na chill lang kasi itong katabi ko pero in fairness tumutulong naman ito sa thesis namin. Sila ni Charm—si Charm na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino siya sa buhay ni Cane. Ayokong magtanong dahil malamang ay aasarin na naman ako nito.

Nilamon na ako ng antok ko pero nagising ako sa ingay mula sa likod ko.

"Damn it! I told you na gusto ko pang uminom! Huwag mo nga akong pakialaman!"

Dinilat ko ang mata ko at sinilip si Torn na nagpupumiglas sa likod pero dahil lasing na lasing na ito ay hindi na ito nakapalag nang isara ni Cane ang pinto ng kotse. Mabilis ko namang pinindot ang lock para hindi ito makalabas.

It's the same scenario. Walang pagbabago. Sa unang linggo ng pagdadalamhati nito ay nasa mansyon lang ito. Nagkukulong sa kuwarto nito at doon nag-iinom. Pero ng pumatak ang sumunod na linggo, heto at walang ginawa ito kung hindi mag-inom sa bar, makipag-away at maglasing. Palagi rin namin itong sinusundo ni Cane na mukhang napipikon na sa kapatid nito.

"Shit Tornado! Hanggang kailan ka ba magiging ganito?!" inis na saad ni Cane at padabog na muling nagmaneho.

Lumingon ako at napabuntong-hininga nang makitang nakapikit na si Tornado sa likod. Tulog na ito. Magulo ang buhok nito at nakita kong dumudugo ang kamao nito. May pasa rin ito sa gilid ng mata nito. Nakipag-away na naman siya.

"Just sleep and don't mind that drunkard stupid jerk."

Tumango ako sa sinabi ni Cane at inalis ang paningin kay Torn. Pumikit ako pero gising na gising pa rin ang diwa ko.

Katulad ni Cane iniisip ko rin kung hanggang kailan magiging ganito si Torn...hanggang kailan niya pahihirapan ang sarili niya?

Napadilat ako sa gulat nang malakas na pumereno si Cane. Kung wala akong seatbelt na suot-suot malamang ay sumubsob ako sa dashboard sa sobrang lakas nang pagpreno ni Cane.

"Anong problema—"

"Fucking shit!" masama ang tingin na saad ni Cane habang nasa labas ang tingin nito.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang dahilan nang pagpreno nito. May isang itim na van na nakaharang sa dadaanan namin. Sa harap noon ay may mga nakatayong lalaki. Marami sila at kinabahan ako sa mga ayos nila.

Halos lahat sila ay nakaitim, ang iba ay may mga hawak-hawak pang baseball bat. Masama ito...kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.

"C-Cane sino sila?"

Lumingon sa akin si Cane. "Stay here. Huwag na huwag kang lalabas. Kahit na anong makita mo, huwag kang lalabas."

Umiling ako. "H-Hindi—"

"Makinig ka sa akin Spring!"

Hinawakan nito ang nanginginig kong kamay at pinisil ito nang mahigpit. "A-Ano ba talagang—"

Napatili ako nang makarinig nang malakas na paghampas sa harapan ng kotse ni Cane. Pagdako ng paningin ko sa harap ay bumungad sa akin ang isang lalaki na nakangisi at tinataas-taas ang baseball bat na hawak-hawak nito.

"Fuck! Not my baby!" ani Cane at bago ko pa ito mapigilan ay lumabas na ito ng kotse.

Napasigaw ako nang makitang inundayan ni Cane ng suntok ang lalaki na may malaking tattoo sa braso nito. Nakipagsuntukan ito sa lalaki at halos mapapikit ako nang makitang nasuntok na rin ito.

Kinabahan ako nang mag-umpisang maglakad papalapit kay Cane ang mga kasamahan ng lalaking kasuntukan nito.

Manonood ka na lang ba? Humingi ka ng tulong!

Iginala ko ang paningin ko pero kinabahan ako nang wala akong makitang kabahayan. Nasa shortcut kami na dinadaanan ni Cane para makaiwas sa traffic. Anong gagawin ko?!

Nakita kong nag-umpisa nang makipaglaban si Cane sa mga lalaki. Pero tantya ko ay nasa labing-lima ang mga kalaban nito at alam kong hindi nito iyon kakayanin mag-isa. Kaya ipinagkasya ko ang sarili ko papunta sa back seat at pinaghahampas si Torn para magising ito.

Namalayan ko na lang na sumisigaw at umiiyak na pala ako habang patuloy ako sa paggising kay Torn.

"Torn! Gumising ka! Kailangan ng t-tulong ni Cane! TORNADOOOOOOO!"

Dumilat ito at sinamaan ako ng tingin pero mukhang nagulat ito sa hitsura ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sa pag-iyak ko kaya tinuro ko kung anong nangyayari sa harap namin.

Mukhang nagising ito sa kalasingan nang makita nitong pinagtutulungan ng mga lalaki si Cane. Paulit-ulit itong nagmura at binalingan ako ng tingin.

"Stay here. Tawagan mo si Joe. Tell him kung nasaan tayo." Mabilis nitong saad at nagmamadaling lumabas ng kotse.

Habang ako ay pinilit kumalma at sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mr Joe.

Halos mawalan ako ng ulirat habang iniintay ko ang pagsagot ni Mr. Joe.

"Miss—"

"T-tulungan niyo kami Mr Joe!"

Sa nahihirapang boses ay ipinaliwanag ko rito ang nangyayari ngayon. Nang matapos akong makipag-usap kay Mr Joe ay muli kong ibinalik ang paningin ko kanila Cane na patuloy pa rin na nakikipaglaban.

Sino ba sila? Ano bang kailangan nila kayla Cane at Torn?

Napasigaw ako nang makitang nahampas ng baseball bat si Torn sa likod pero tila balewala lang rito iyon at muling inundayan ng suntok ang kalaban nito.

Unti-unting bumagsak ang mga kaaway ng kambal kaya nakakahinga na rin ako nang maluwag. Nang hindi na makayanan ang tensiyon sa loob ng kotse ay lumabas ako. Wala akong kaalam-alam sa pakikipaglaban pero sa nakikita ko, masasabi kong magaling sa pakikipaglaban ang kambal.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang mga iilang lalaki na nakapikit na at ang ilan sa kanila ay duguan na ang mukha. Sa pag-ikot ng paningin ko ay may nakita akong ikinabigla ko.

'Yung humampas ng kotse ni Cane! Nakangisi ito kahit na may dugong dumadaloy sa noo nito. Hindi 'yon ang ikinabigla ko kung hindi ang hawak nito. Isang baril.

Nakatutok iyon kay Torn na nakaluhod at nakatalikod. Inuundayan nito ng suntok ang lalaking nakahiga na at duguan ang mukha.

Alam kong dapat sumigaw ako at sabihin dito ang nakikita ko pero iba ang ginawa ko. Tumakbo ako, tinawid ang distansya namin at sinalo ang bala na para rito. Isang nakabibinging tunog ng baril ang narinig ko kasabay nito ang nakakamatay na sakit na naramdaman ko sa sikmura ko. Napaluhod ako at naramdaman ang paglabas ng dugo mula sa bibig ko.

Tuluyan na akong napahiga. Narinig ko ang mga sigawan, malakas na mga busina ng kotse pero unti-unti nawala ang lahat ng 'yon.

Naramdaman ko ang pag-alog sa akin. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Cane. Alam kong sinisigaw nito ang pangalan ko pero wala akong naririnig. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nito. Nakita ko sa tabi ko ang tulalang si Torn na tila hindi makapaniwala sa nangyayari.

Iyon ang huli kong mga nakita bago tuluyan akong lamunin ng dilim. Naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng tibok ng puso ko.

Is this the end for me?

END OF FIRST HALF.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top