Chapter 53: First Kiss
SPRING's POV
NANLAKI ang mata ko nang maramdaman ang malambot na nakadikit sa labi kong nakabuka at tila may pumapasok na hangin. Kung may ikalalaki pa ang mata ko, baka lumuwa na ito nang mapagtanto ko kung sino ang humahalik—
Hindi ka niya hinahalikan, Spring! Mouth to mouth resuscitation ang ginagawa niya.
Sa naisip ay nabalik ako sa reyalidad at naitulak si Torn na mukhang nakahinga nang maluwag nang makitang nagising ako. Uubo-ubo ako at nilalabas ang mga tubig na nainom ko sa pool. Nang makahuma mula sa pagkakalunod ay hinihingal kong pinagmasdan si Torn na masama ang tingin sa akin at katulad ko ay hingal na hingal din.
"NAGPAPAKAMATAY KA BA?!"
Napapitlag ako nang marinig ang sigaw nito.
Nagpapakamatay?! AKO?!
Baka siya. Bakit ako?!
"I-I'm not. N-nakita kitang tumalon sa pool a-akala ko—"
"Kaya tumalon ka rin kahit na hindi ka marunong lumangoy? Hindi mo man lang ba inisip ang sarili mo? Paano kung hindi kita napansin?! Muntik ka nang mamatay—"
"Hindi ko na naisip ang sarili ko dahil nag-aalala ako para sa 'yo!"
Napatigalgal ito at maging ako sa sinabi ko.
Nag-aalala ako para kay Torn?
Bakit? Sino ba siya sa akin?
Nang hindi ito magsalita ay tumayo ako at tinalikuran ito para lang mapatigil sa linyang binitawan nito.
"Bakit ka nag-aalala sa akin? Wala akong ginawa for the last three years kung hindi ang pasakitan ka, you should be happy seeing me like this. For all the bad things that I've done to you. I deserve this."
Nilingon ko si Torn na malamlam ang matang nakatingin sa akin malayong-malayo sa matatalim nitong tingin na kinasanayan ko mula rito.
Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung anong tamang isagot dito. Kasi ako mismo hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako para sa lalaking naging dahilan ng impyerno kong buhay sa HU.
"Paano ba maging katulad mo? Bakit parang napakadali para sa 'yo ang patawarin ang mga taong nanakit sa 'yo?" Pumikit-pikit ito at doon ko napagtantong nilalamon na ito ng kalasingan.
"Two years ago, you helped that mean girl na kabilang sa mga nambu-bully sa 'yo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Hindi ko matandaan ang sinasabi nito. Sino ang tinulungan ko?
"That mean girl named Sabrina."
Doon lang nagbalik sa alaala ko ang tungkol kay Sabrina—kabilang siya sa grupo nila Fiona. Isang rich girl at ugali rin niyang pagtripan ako. Pero nalugi ang kompanya ng mga ito na nagresulta para maging outcast ito sa HU.
Isang araw habang pinagtataguan ko ang mga nambu-bully sa akin, napadpad ako sa rooftop ng building nila Fiona. I saw Sabrina. Depress and suicidal.
Gusto niya nang tumalon sa building para wakasan ang buhay niya pero sinagip ko siya. Hindi ko na matandaan kung anong pagkausap ang ginawa ko sa kanya noon para sa huli ay pumayag siyang hindi na ituloy ang binabalak niya. The next day, kumalat sa buong HU ang ginawa ko pero imbes na hangaan para bang kinainisan pa ako ng mga kapwa ko estudyante. Iba talaga ang mga topak ng mga schoolmates ko.
"Why is it easy for you to be concern with people who have always been hurting you?"
Hindi ako muling nakapagsalita sa sinabi nito at iniwas ko ang paningin ko sa puno ng katanungan nitong mga mata.
"Pwede bang turuan mo ako kung paanong maging katulad mo? Kung paano magpatawad? Because I'm starting to hate her...I'm starting to loath her... and it's making me insane because for the past four years in my life. Only love is what I had felt for her."
Pumikit ito at humiga, hindi alintana na basang-basa ito. Habang ako ay nanatili ang paningin dito. Bumigat ang paghinga nito at doon ko lang napagtantong nakatulog na ito sa kalasingan. Lumapit ako rito at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagpatak ng luha sa gilid ng mata nito.
"Storm..." bulong nito habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha mula rito.
Parang kagabi lang ang kakambal nito ang nasa ganitong sitwasyon pero ngayon ito naman. Talaga bang destiny ko na makita ang kambal sa ganitong mga estado?
Dumako ang paningin ko sa labi nito na mamula-mula. Makaraan ay wala sa loob akong napahawak sa labi ko.
Ang first kiss ko!
Sa naisip ay puno nang pagmamadali ko itong iniwanan pero siyempre ayoko namang magising at malaman na namatay ito dahil sa hypothermia kaya dumiretso ako patungo sa kuwarto ni Cane at ginising ito mula sa mahimbing nito na pagkakatulog.
Nanginginig na ako sa lamig dahil basang-basa pa rin ako at nanakit na rin ang kamao ko sa pagkatok ng sa wakas ay lumabas mula sa kuwarto ang pupungas-pungas na si Cane na nakapikit pa at simangot na simangot. Nanlaki ang mata ko nang makitang tanging boxer short lang ang suot-suot nito. Tumalikod ako kahit na narinig ko na ang makasalanan nitong bibig.
"What the hell—Spring?"
Hindi lumilingon na nagsalita ako. "SiTornnasaswimmingpoollasingattulog—"
"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Masyadong mabilis at bakit ba nakatalikod ka—"
"SI TORN NASA SWIMMING POOL AREA TULOG AT LASING, PUNTAHAN MO NA SIYA KUNG AYAW MONG MAMATAYAN NG KAKAMBAL." Nakapikit kong sigaw at nagmamadaling iniwanan ito kahit na tinatawag pa rin ako nito.
"YUHOOOOOO! Ate Spring!"
Inaantok kong inangat ang paningin ko mula sa pakikipag-usap sa spaghetti na kanina pa nasa harap ko pero wala pa rin akong naibawas. Ramdam ko ang mga nakakapasong tingin ng mga tao sa akin na nasa loob ng restaurant sa tapat ng HU na kinaroroonan namin ni Vannie.
Pero wala akong pakialam sa kanila. Nasanay na ako sa tingin nila mula kaninang umaga pagpasok ko. Titingin sa akin makaraan ay sa magazine na mga hawak ng mga ito kung saan ako ang model at ang kambal.
Para bang hirap para sa mga itong mapaniwalaan na ang katulad ko ay may kakayahan pa lang maging isang model and worse ay maka-partner ang tinagurian na bad boys ng HU.
"P-Pasensya ka na talaga Vannie, inaantok kasi ako. Napuyat kasi ako." Saad ko kay Vannie na nakanguso na at tila nagtatampo sa hindi ko pagpansin dito mula kanina pa.
Balak ko sanang hindi na kumain at matulog sa bakanteng classroom pero ito at nahila ako ni Vannie na mag-lunch. Hindi na naman ako nakatanggi sa pagiging charming at persistent nito. Ang ending kasama nga ako nito pero ang utak ko naglalakbay papunta kung saan...
Papunta saan? Sa mga nangyari kagabi?
Umiling-iling ako para mapalis ang mga alaalang iyon.
"Saan ka ba kasi napuyat Ate? Tuloy parang wala naman akong kausap ngayon."
Napangiwi ako sa tanong ni Vannie at nag-isip ng magandang palusot. "S-sa thesis. Isang buwan na lang kasi mock defense na namin."
Tumango-tango ito. "So Ate, can you please tell me na kung paano ka naging model?"
Malamang hindi lang si Vannie ang curious sa pagiging modelo ko. Pati na rin ang mga schoolmate ko na walang ginawa kung hindi titigan ako.
"Vannie hindi naman kasi ako talaga model, you see nagkaroon kasi ng problema si Light—"
"Light? Iyong Ate ng kambal? Close kayo?"
Napakamot ako sa batok ko sa sunod-sunod nitong tanong.
"We're friends."
Tumango-tango ito pero maya-maya lang ay kumunot ang noo nito. "Friends? How come naging kaibigan mo siya Ate kung binubully ka ng mga kapatid niya?"
"It's a long—"
"Vannie, too much curiosity can kill you..."
Nawala ang tingin namin ni Vannie sa isa't-isa at napunta kay Cane na dikit na dikit kay Vannie at nakaakbay pa sa huli.
Lumalandi na naman ang loko-loko.
Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Vannie na mukhang hindi komportable sa posisyon nila ni Cane. As usual ay dumami na naman ang bubuyog sa paligid namin.
"Hurricane hands off." Nakasimangot kong saad sa bad boy na nginisian lang ako.
Lumayo ito kay Vannie at sa akin naman lumapit. "Why? Jealous?"
Peke akong umubo at tinuro pa ang sarili ko. "Ako? Nagseselos? Kailan ka pa naging assumero?"
Ngumisi ito. "Awww baby, huwag ka na ngang magtampo at magselos...kasi kahit ilang babae pa ang lapitan ko, sa 'yo pa rin ako babalik hanggang sa huli."
Napanganga ako sa malakas na pagkakasalita ni Cane at sa mga sinabi nito na dahilan para magsinghapan ang mga nakarinig. What the—
Naiinis kong binatukan si Cane na ngayon ay tawang-tawa habang nakatingin sa ekspresyon ko.
"Nakakainis ka talaga!" irita kong saad sa lalaking ngumisi lang at kumindat pa.
"Awww bagay na bagay kayo Ate Spring."
Umiling-iling ako sa sinabi ni Vannie na ngiting-ngiti sa amin ni Cane. "Nagkakamali ka, hindi—"
"Ay nako Ate male-late na pala ako sa class ko. Mauna na ako sa inyo. Bye bye."
Napapadyak ako nang umalis si Vannie na mukhang iniisip na talagang may relasyon ako dito sa lalaking katabi ko na kinakain na ang spaghetti na hindi ko nagalaw.
Tumayo ako. Bahala siyang kumain mag-isa. Pero hinila ako nito at muling pinaupo.
"Male-late na ako sa class ko!"
Pinunasan nito ang bibig nito at ngumisi sa akin. "Magkaklase tayo sa thesis remember?" sinilip nito ang relo nito. "May 30 minutes pa bago ang klase."
"Argh! Bakit ka ba nandito?!"
"Isn't it obvious, malamang para kumain. Don't tell me iniisip mo na ikaw ang ipinunta ko rito?"
Napabuga ako ng hangin sa sinabi nito. "Hindi ako assumerong katulad mo!"
"If you say so... hindi ka ba kakain?"
Ngumiti ako ng peke. "Busog na po ako. At isa pa hayan po at kinakain niyo na ang pagkain ko."
Iniurong nito ang plato at inilapit sa akin. "Share tayo."
Nagbibiro ba siya?
"What? I'm serious. Kumain ka nga kaya ang payat-payat mo eh." Pinaikot-ikot nito ang spaghetti sa tinidor, hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginawa.
Inilapit nito sa akin iyon. "Say ahhhh..."
Napalunok ako at iniwas ang paningin ko rito. Naramdaman kong nag-iinit ang pisngi ko. What the—Nagba-blush ako?!
"Someone's blushing..."
"Manahimik ka nga!" Kulang na lang ay yumuko ako at itago ang sarili ko sa ilalim ng lamesa.
"Fine. Serious na. I have a question for you. What really happened last night?"
Huminga ako nang malalim. "Hindi ba natanong mo na sa akin kanina 'yan sa kotse? Sinabi ko na nga sa 'yong nakita ko lang si Torn doon mula sa kuwarto—"
"Bakit basang-basa ka rin kagabi?"
Sa isip-isip ko ay nahampas ko ang noo ko sa tanong nito. Oo nga pala. Basa rin ako kagabi.
"A-ano kasi kuwan—argh fine! Tumalon ako sa pool kagabi kasi akala ko nagpakamatay na 'yung kakambal mo!"
Hinarap ko ito at nakitang kunot na kunot ang noo nito. "You saved him?"
Napangiwi ako at umiling. "H-Hindi. S-Siya pa nga 'yung sumagip sa akin eh. Malay ko bang malalim pala 'yung pool niyo."
"How did he save you?"
Sa narinig na tanong nito ay muli kong naalala ang malambot na labi—
Stop Spring! Don't go there.
"Hindi ka naman tuluyang nalunod hindi ba? Nasagip ka pa niya bago 'yon?"
Nanahimik ako sa mga tanong ni Cane.
"Don't tell me—" bumaba ang paningin nito sa labi ko na ngayon ko lang namalayan na hinahaplos ko na pala ng hintuturo ko.
"Aish!" Tumayo ito pero isinama ako nito sa pagtayo nito at hinila na parang isang maleta. Walang pag-iingat na muntik na akong masubsob sa daan.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa swimming team."
Kumunot ang noo ko sa sagot nito. "Ano namang gagawin natin doon?!"
Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako. "I'll teach you how to swim so that next time you won't need that kind of saving." Seryosong saad nito at hindi ko alam kung bakit nag-umpisang kumabog ang puso ko habang pinagmamasdan si Hurricane na seryoso pa rin ang tingin sa akin.
TBC
vuwx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top