Chapter 52: Revelations.
SPRING's POV
Nasa pintuan pa lang ako ni Light ay rinig na rinig ko na ang pag-iyak nito mula sa loob. Marahil sa pagmamadali nito ay hindi na nito naisara ang pinto ng kuwarto nito.
Sundan mo siya. She needs you.
Nang maalala ang sinabi ni Cane ay walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob ng kuwarto ni Light. Naabutan ko ito na nakaupo sa sofa at umiiyak. Sa loob ng ilang buwan na pagkakakilala namin ni Light ay isang beses ko lang itong nakitang umiyak at iyon ay nang ikuwento rin nito ang tungkol sa pamilya nito sa may tree house. Pagkatapos ngayon naman ay umiiyak ito dahil sa kapatid nito na si Torn. Mas lalo ko tuloy napatunayan na napakahalaga ng pamilya nito para rito.
"Light..." pagtawag pansin ko rito. Tumingala ito at nakita ko ang pamumula ng mga mata nito at ang patuloy na pagdaloy ng mga luha sa pisngi nito.
Waring nakakita ng kakampi ay tumayo ito at mahigpit akong niyakap makaraan ay nagpatuloy ito sa pag-iyak habang ako naman ay marahang tinapik-tapik ang likod nito.
"Sshhhh, huwag ka nang umiyak. I'm sure magiging maayos din ang lahat."
"Paanong magiging maayos lahat Spring? P-Paano?"
Hindi ako nakasagot at hinayaan na lang itong muling magpatuloy sa pag-iyak.
Nang mapagod sa kakaiyak at mabasa na ang damit na suot ko ay hinila ako nito paupo sa kama nito. Kinuha nito ang picture frame na nakalagay sa gilid ng kama nito at marahang hinaplos.
Malungkot nitong pinagmasdan ang larawan kung saan ngiting-ngiti ang dalawang batang lalaki at isang dalagita na hindi ko na kailangan tanungin pa kung sino-sino.
"I wish we could go back to this time, Spring. Noong mga panahong para silang mga buntot ko. Palaging nakasunod, we were so happy kahit na minsan tatlo lang kami. Tuwing gabi nag-uunahan silang pumasok sa kuwarto ko para magpabasa ng kwento. Marahil sa iba masyadong mabigat ang naging responsibilidad ko dahil tumayo ako bilang isang ina at ama sa kanila. Hindi katulad nang iniisip ng marami, hindi ako lumaki sa buhay na puno ng party at gala. My world..." Tumigil ito sa pagsasalita at pinunasan ang luhang tumulo sa picture frame. "...revolves around them. It was never just a responsibility for me to take care of Torn and Cane. It was more than that. It's because I love them. But everything change when they grew up, noong mga panahong kaya na nilang tumayo na mag-isa. Suddenly, nagkaroon kami ng iba't-ibang mundo. Naging busy ako sa pagtulong sa parents namin at hindi ko maiwasang sisihin 'yung sarili ko dahil sa mga pagbabago nila."
Umiling ako. "Wala kang kasalanan Light, choice nila ang mga pagbabagong 'yon."
"It was a choice na maaaring hindi nila pinili kung nakialam ako."
Natahimik ako sa sinabi ni Light at hindi maiwasang isipin kung ano nga bang mga pagbabago ang nangyari sa kambal. Bumalik ang paningin ko sa mga batang parehas na nakangiti. Parang hindi sila ang Cane at Torn na kilala ko. They were different.
"Remember my deal with Torn?"
Naalis ang paningin ko sa litrato at binalingan ko si Light. Napatango ako nang maalala ang sinabi nitong tutulungan nito si Torn na hanapin si Storm kapalit ng pagiging mabait sa akin.
"Nakita niya na si Storm. That girl is now living in Greece with her fiancée. Alam mo bang napakasaya niya roon na pinigilan ko ang sarili kong saktan siya dahil sa loob ng tatlong taon nagpapakasaya siya samantalang ang kapatid ko parang tanga na hinahanap at hinihintay pa rin siya."
Huminga ako nang malalim. "A-ano ba talagang nangyari Light sa kanila three years ago?"
"Tama naman si Torn na may kasalanan din ang parents namin but it's not because umalis ang babaeng 'yon, it's because ang mga magulang namin ang dahilan para paibigin ng babaeng 'yon si Torn."
Paibigin?
"Naikuwento ko naman sa 'yo 'di ba na nagmamay-ari kami ng mga bangko? Iyon talaga ang nature of business namin, Spring."
Tumango-tango ako nang maalala ang isa pa sa negosyo ng pamilya nila. Sila ang nagmamay-ari sa isa sa mga nangungunang bangko sa bansa at ayon din sa mga nalaman ko mula kay Light, meron din silang mga branch sa ibang bansa.
"Almost five years ago, may inilit na kompanya sila Daddy, kinuha nila 'yon dahil baon na sa utang sa bangko namin ang nagmamay-ari 'non. Kahit anong pagmamakaawa ng lalaking 'yon sa parents namin, wala siyang nagawa nang ilitin pa rin nila Daddy ang kompanyang 'yon at ibenta sa iba. Later on, I've found out na nagpakamatay ang lalaking 'yon...nalaman ko 'yon nang paimbestigahan ko si Storm."
Nanlaki ang mata ko sa namumuong ideya sa isipan ko. "D-Don't tell me?"
"Anak si Storm ng lalaking 'yon."
NAKAILANG-buntong hininga na ako habang nakatanaw sa langit. Pasado alas-onse na ng gabi pero heto at nasa may balkonahe ako, gising na gising ang diwa ko dahil sa maraming katanungan na nasa isip ko.
Hindi ko inaasahan ang mga nalaman ko tungkol kay Storm—ang babaeng naaksidente tatlong taon na ang nakakaraan imbes na ako. Ang babaeng dahilan kung bakit naging target ako nang pambu-bully sa HU.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Tornado dahil sa mga nalaman ko.
Dahil ang babaeng minahal pala nito ay ginamit lang siya para mapaghigantihan ang pamilya nila. Marami na akong nababasang ganito, naghihiganti gamit ang pag-ibig. Pero halos ang lahat ng 'yon, sa huli happy ending. Bihira lang ang hindi. Sa kasamaang-palad nabibilang si Torn sa hindi happy ending.
Napapikit ako nang maalala ang mga eksaktong pagkukuwento ni Light kanina.
"Nakipaglapit siya kay Tornado, ang galing din ng babaeng 'yon dahil nagtagumpay siyang paibigin ang kapatid ko. Kahit ako halos naniwala na mahal niya rin ang kapatid ko. Kaya nang humingi sa akin si Tornado ng pabor para ipasok ang babaeng 'yon sa kompanya namin, pumayag ako. Not knowing her agenda. Hanggang nagsunod-sunod ang aberya sa kompanya. Nag-leak ang mga confidential information ng Helios Empire. That's when I started doubting her, kaya pinaimbestigahan ko siya at iyon nga, nalaman kong anak siya ng lalaking nagpakamatay almost five years ago. Siya rin ang spy ng kompanya."
"Kahit gusto kong sabihin ang mga 'yon kay Torn, pinigilan ko ang sarili ko. Kayang-kaya namin siyang ipakulong pero hindi namin ginawa nila Gramps basta lalayuan niya lang ang kapatid ko pero baliw ang babaeng 'yon, ginusto ng dramatic na break-up kaya imbes na magpakalayo-layo na lang gumamit siya ng ibang babae para palabasin na nagtaksil sa kanya si Torn. Ayun tuloy naaksidente siya at nagpanggap na mabubulag siya panghabang-buhay kahit na hindi naman. Ginawa niya 'yon para panghabang-buhay na konsensyahin si Torn."
Sobra-sobra ang ginawa ni Storm na iniisip ko kung ganoon ba talaga ang kayang gawin ng poot at galit sa isang tao? Ang manakit ng taong handang ibigay ang lahat sa 'yo. Hindi man lang ba natabunan ng galit niya ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ni Torn?
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis o galit kay Storm kahit na hindi ko pa naririnig ang version ng storya niya. Wala akong alam sa pinagdaanan niya, oo. Pero bakit kailangan niyang gawin ang bagay na 'yon?
Napapikit ako nang maalala ang mga pinagdaanan ko sa loob ng tatlong taon. Lahat ng pambu-bully sa akin na nagsimula dahil sa –
Napabalik ako sa reyalidad nang makarinig ng pagkabasag. Bumaba ang paningin ko at nakita ko si Torn na may hawak na isang bote sa isang kamay, nasa gilid ito ng pool. Kumunot ang noo ko nang makita ang basag na bote sa tabi nito.
Parang wala sa sarili na tinungga naman nito ang hawak nitong bote na malakas ang kutob kong alak. Napapitlag ako nang ibato rin nito iyon.
Nanlaki ang mata ko nang tumalon ito sa swimming pool. Kumabog ang puso ko ng lumipas ang ilang minuto pero walang Torn na lumitaw mula sa ilalim ng pool.
Namalayan ko na lang na nagmamadali akong tumakbo palabas ng kuwarto ko. Mabibilis ang hakbang ko patungo sa pool area. Kahit na hingal na hingal at nanghihina na ang tuhod ko ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
Nanginginig ang boses na isinigaw ko ang pangalan ni Torn nang makarating ako sa pool area. Nagbabadyang tumulo ang mga luha sa mata ko. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko ang silhouette nito pero nanatili itong nakalubog sa pool.
Pumikit ako at tumalon ng pool not knowing na malalim pala ito para sa katulad kong hindi marunong lumangoy. So instead of saving him, I ended up... being saved by him.
TBC
t
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top