Chapter 50: Let's be friends.

Busog ka pa. Busog ka pa. Hindi ka nagugutom. Kaya mo pa. Mag-focus ka na lang sa project mo. Hindi ka nagu—

GUTOM NA TALAGA AKO! Kanina pa ako nagkukulong sa kuwarto ko na kahit ang nakasanayan kong early breakfast ay hindi ko na nakain.

Pasado alas-dose na nang tanghali kaya naman todo pag-iingay na ang sikmura ko. As if on cue, ay may kumatok sa pinto ko. Katulad nga ng inaasahan ko ay bumungad sa akin si Butler Joe.

"Miss Spring, nakahanda na po ang tanghalian sa baba."

Sa narinig ay napalunok ako. "Nandoon po ba si Cane?"

"Wala po." Nakahinga ako nang maluwag sa sagot ni Mr. Joe, sa wakas makakakain na rin ako. Ngiting-ngiti akong nagtungo sa dining area para lang mapagtanto na niloko ako ni Mr. Joe.

Dahil ang 'Wala po' nito ay hayun at sarap na sarap sa pagkain sa hapag.

Parang napagtaksilan akong lumingon kay Mr. Joe.

"Pasensya na po." Saad lang niya at pinaghila ako ng upuan sa tapat ni Cane. Umupo na rin ako dahil hindi ko kayang tanggihan ang mga masasarap na putahe na nasa lamesa.

Saglit kong sinulyapan si Cane at parang malalim ang iniisip nito habang hinihiwa ang steak sa harap nito. Mukha ngang hindi ako nito napansin.

Mabuti naman!

At dahil parang wala din naman si Cane, ganado akong kumain hanggang sa makuntento na ang tiyan ko.

"Are you avoiding me?" Napatigil ako sa tangkang pagtayo nang magsalita si Cane na napansin na pala ang presensya ko.

"B-bakit naman kita iiwasan? Hindi 'noh. Bakit ako pa ang iiwas sa 'yo eh hindi naman ako 'yung lasing na lasing na pumasok sa kuwarto ko, nagdrama—"

Napakagat-labi ako sa nasabi ko. Wala talaga akong balak sabihin kay Cane ang nangyari kanina. Hindi dahil sa gumaganti ako rito kung hindi dahil pakiramdam ko masyadong personal ang nangyari at wala akong karapatan na sabihin o itanong iyon kay Cane.

"I-I'm sorry for barging in your room. Sobrang lasing lang talaga ako. Naabala tuloy kita...pasensya na rin sa pagyakap ko sa 'yo. I thought ikaw si Ali,"

Hindi ako nakapagsalita nang marinig ang sinabi ni Cane. So he remembered everything?

Pinagmasdan ko si Cane at hindi ko maiwasang manibago sa hitsura nito at maging sa boses nito. Parang hindi ito si Cane na flirt, bully at arogante. Weird.

"A-Ah o-okay lang 'yon. I understand."

Tanungin mo kung sino si Ali! Inopen niya naman 'yung topic kaya okay lang 'yan.

Hindi. Bakit ko tatanungin 'yon, close ba kami?

"Ali was my best friend and my first love." Saad ni Cane na para bang nababasa ang nasa isip ko.

"Girlfriend mo?"

Umiling ito. "Hindi. She died before I've got the chance to ask her to be my girlfriend. She killed herself. Today was her death anniversary."

Kumurap-kurap ako na para bang hinihintay kong sabihin ni Cane na biro lang ang sinabi nito pero nanatili lang itong nakatingin sa plato nito na para bang hindi nito sinabi na nagpakamatay ang first love nito.

Tumayo si Cane at bago ito umalis ay hindi ko ito napigilang tanungin.

"B-Bakit mo sinabi sa akin 'yon? I-I—"

Lumapit sa akin si Cane at ikinagulat ko nang iabot nito ang kanang kamay nito sa akin. "I'm Hurricane Helios. Let's be friends, Spring Cruz."

Parang nababatubalani kong pinagpalit ang tingin ko sa palad ni Cane at sa mukha nito. "Nagbibiro ka b-ba?" tanging nasabi ko na lang.

"You saw me in that state, Spring. Nakita mo na kung sino talaga ako. Si Cane na parang bata na umiiyak dahil sa babae hindi ang Cane na nagpapaiyak sa isang babae. You saw my vulnerable side. So let's be friends, Spring."

"Bakit kasi natatakot kang ipagkalat ko 'yun?"

Umiling ito. "Hindi. Alam ko namang hindi mo gagawin at wala ring maniniwala sa 'yo." Tumawa ito pero nakikita ko pa rin sa mga mata nito ang lungkot.

Nag-aalinlangan kong tinanggap ang pakikipagkamay nito na mabilis ko ding binitawan. "Okay. In one condition."

"Talagang may condition, ang lagay ako pa 'tong nakikiusap na maging kaibigan mo? Hindi ka pa maging proud na inalok kang maging kaibigan ng isang katulad ko?"

Napangiti ako. "Ganyan. Ganyan ang hinihingi kong kondisyon. Stop acting like a good guy. It's creepy. Hindi mo bagay."

Tumawa ito pero sa pagkakataong ito ay tawang hindi pilit. "Sinabi mo 'yan ah...sayang I'll try to be a good guy for you because you're my friend. Pero ikaw eh..."

Natawa ako. "Mas sanay ako sa masama mong ugali." Saad ko na totoo naman. Pakiramdam ko hindi si Cane ang kausap ko kapag mababa ang boses nito, mabait at hindi ako binubuska.

"Naligo ka na ba?"

Kumunot ang noo ko sa tanong nito at magsasalita pa lang sana ako nang umangat ang kamay nito na tila ba sinasabing manahimik ako. "Ooops, huwag mo nang sagutin. Alam kong hindi pa. Ang panget mo kasi. Nagsuklay o naghilamos ka man lang ba?"

Nanlaki ang mata ko. "HURRICANE! Bully ka talaga." Saad ko sabay bato ng mansanas dito na naiwasan din naman nito. Tumatawa itong tinalikuran ako.

Napailing ako at inayos ang sinasabi nitong magulo kong buhok. Napanguso ako. Maliligo na nga ako!

Unti-unting nawala ang simangot sa mukha ko at maya-maya lang ay para akong baliw na ngumiti.

Friends?

I'm feeling surreal. Talaga bang kaibigan ko na ang bad boy na isinumpa ko rati? Another unexpected events of my life.

KAKATAPOS ko lang maligo nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Napanganga ako nang pumasok si Cane at umupo sa sofa na para bang hindi nito alam ang salitang privacy.

"Uso kumatok Hurricane."

Nagkibit-balikat ito. "Tinatamad akong kumatok. Sana nag-lock ka."

"You're unbelievable. Paano kung nagbibihis ako 'nung pumasok ka."

Tumingin ito sa akin at ngumisi. "Di maganda."

Sa inis ko ay hinagis ko rito ang suklay ko. "Manyak ka talaga."

"Marami akong babae na napapasaya sa pagiging manyak ko."

"Conceited!"

"Manang."

"Malandi."

"Pabebe."

Ang marinig ang nausong salitang 'yon sa isang tinaguriang bad boy is just enough para mawala ang inis ko kay Cane at matawa ako.

Kumunot ang noo ni Cane na mukhang nagulat sa pagtawa ko. "Why are you laughing?"

"S-seriously hahahaha pabebe? Para kang bakla kung magsalita."

Umismid ang loko at nakita kong namumula ang tenga nito. "Manahimik ka kung ayaw mong patunayan kong hindi ako bakla."

Napatigil ako sa pagtawa at napaatras nang tumayo ito at lumapit sa akin. "Tatahimik na!"

"Good."

Ngumuso ako. "Ano bang ginagawa mo sa kuwarto ko?"

"Let's watch some movie downstairs."

"Ayoko nga!"

"Wow! Iba ka talaga Spring, kung ibang babae ang inalok ko baka magtatalon ang mga iyon sa tuwa."

"Well, hindi kasi ako katulad ng mga ibang babae mo."

Nawala ang ngiti nito at parang bata na nalungkot. "Fine. Akala ko pa naman madadamayan mo ako ngayong araw na 'to. I'll just go."

She died before I've got the chance to ask her to be my girlfriend. She killed herself. Today was her death anniversary.

"Sinabi ko na sa 'yo, hindi bagay sa 'yo maging ma-drama!" saad ko at inunahan ito sa paglabas. "Ano pang hinihintay mo? Kala ko ba manonood tayo?"

Ngumiti ito. Weird. Ngayon lang kami naging magkaibigan pero para bang napakakomportable ko na rito. It's as if hindi ako nito binully ng tatlong taon. Weird din bang matatawag na parang ang saya ko knowing na kaibigan ko na si Cane?

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top