Chapter 46: Good luck on your audition.
"And 1...2...3...4 okay then turn around and...pose!"
Pumalakpak si Ate Elisse—na pinsan ni Vannie at siyang nagtuturo sa amin sa loob ng apat na araw. Napangiti kami ni Vannie at hindi na ko nagulat nang mahigpit niya akomg niyakap. Nasanay na ko sa pagiging touchy niya. Sa loob ng limang araw kong pagkakakilala sa kanya, ay talaga namang naging ka-close ko na siya.
Nakilala na rin niya si Rain via Skype at hindi na ako nagtaka nang magkasundo ang dalawa.
"Finally Ate! Na-perfect na natin!" tuwang-tuwa niyang saad.
Napangiti lang ako at marahang inayos ang nagulo niyang buhok makaraan ay humarap ako kay Ate Elisse.
"Salamat Ate sa matiyagang pagtuturo!"
"Hindi naman ako nagtiyaga. Sa lahat nang naturuan ko, kayo ni Vannie ang pinakamadaling turuan. Basta tandaan ninyo na bukas dapat alisin niyo ang mga hiya-hiya ninyo at huwag kayong kabahan. Kasi kapag hinayaan ninyong mangyari 'yon, masasayang lahat ng pinaraktis natin."
Dahan-dahan kaming tumango ni Vannie at sabay pa kaming napabuntong-hininga. Bukas na ang Audition para sa HDT. Kinabahan nga ako noong mag-sign up kami ni Vannie dahil doon ko lang nalaman na Saturday na kaagad ang audition.
Balak ko na sanang umurong dahil sa pakiramdam ko hindi kaya ng apat na araw na practice pero nang makita ko ang mukha ni Vannie na papaiyak na naman. Pikit-mata kong isinulat ang pangalan ko. Buti sana kung whole day kami magpa-practice pero dahil may klase kami ni Vannie. 5 hours lang ang nailalaan namin sa isang araw. Pero magaling ang pinsan ni Ate Elisse at masasabi kong maayos naman ang kinalabasan ng dance piece namin ni Vannie. Hopefully, maipasa namin ang audition bukas.
"Ate, alam mo ba kung bakit ko gustong sumali sa HDT?"
Napahinto ako sa pag-inom ng tubig at hinarap si Vannie. "Hindi ba dahil kay Charm?"
Ngumiti ito at umiling-iling. "Hindi lang dahil kay Miss Charm. Actually, I have someone that I like in that group." Saad niyabat natawa ako nang mamula ang mga pisngi niya. Napaka-cute talaga niya.
"Sino naman 'yun?" tanong ko sabay subo ng sandwich ko na mabilis kong nalunok kahit hindi ko pa nangunguya nang marinig ang sagot niya.
"Si Tornado Ate. Tornado Helios."
Natatarantang inabot sa akin ni Vannie ang inumin nang makitang nabulunan ako. Agad-agad ko itong ininom at uubo-ubong hinarap si Vannie.
"Okay ka lang Ate?"
Dahan-dahan akong tumango. "Tama ba 'yung narinig ko? Si Tornado ang gusto mo?"
Ngumiti siya pero agad nawala ang ngiting 'yon na tila may naalala siya. "Galit ka ba Ate?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Nagulat. Oo. Pero ang magalit? Bakit?
"Hindi. Bakit mo naman naisip 'yon?"
Malungkot ang matang tumingin ito sa akin. "He was your enemy right?"
Natahimik ako sa sinabi niya.
"He used to bully you hindi ba Ate? Actually, kahit gusto ko siya hindi ko kailanman nagustuhan na nambu-bully siya especially dahil ikaw ang binully niya pero... I can't help myself but to like him."
"Naiintindihan kita Vannie, don't worry about me." Ngumiti ako pero hindi ko maiwasang mag-alala para rito.
Dahil alam ko na maaaring masaktan lang ito. Dahil may ibang mahal ang lalaking gusto nito. Pero anong malay ko? Baka magkagusto rin si Torn kay Vannie. After all, Vannie is beautiful, kind and innocent. Any guy would like her.
"Alam mo Ate, he's the reason kung bakit pinilit ko si Daddy na i-transfer ako sa HU. I found out kasi na doon nag-aaral si Tornado. I met him at a party and he saved me from a guy who's trying to kiss me. Para siyang knight in shining armor ko that night, Ate. It's the first time na maranasan ko 'yung mga nababasa ko lang sa libro, that fast heartbeat, butterflies in my stomach and then when he touched my hand, parang may spark, Ate. Sa tingin mo ba Ate, magugustuhan niya rin kaya ako?"
Ngumiti ako kay Vannie. "He will, Vannie. He will like you. Who wouldn't like a girl like you? You're lovely."
Hopefully, he will.
"SO paano Ate, magkita na lang tayo bukas. Goodluck sa atin—" Napatigil sa pagsasalita si Vannie nang may bumusinang kotse malapit sa amin at bumaba doon si Hurricane na ngiting-ngiti na hinahagod ng paningin si Vannie na litaw na litaw ang kaputian at kaseksihan sa suot-suot nyang sando at maikling short.
Kahit kailan talaga napakamanyak ng lalaking 'to.
"Hi Savannah..."
Namula si Vannie at nag-blush kay Hurricane na malandi. "Hello Kuya Cane..."
"Awww, I told you na huwag mo na akong tawagin na kuya—"
"Vannie! Mauna na kami ah. Kasi alam mo na, magpapahinga ako nang maaga dahil baka malate pa ako bukas. Bye bye." Nagmamadali kong pagpapaalam kay Vannie sabay mabilis na hila kay Cane.
Pagkapasok na pagkapasok ng kotse ni Cane ay nakasimangot itong humarap sa akin. "What's with you? Nakita mo na ngang nagsasalita—"
"Sinabi ko na sa 'yo na huwag mong isali si Vannie sa mga babae mo! You're flirting with her!" naiinis kong saad kay Cane.
Ngumisi ito at tinaasan ako ng kilay. "Nagseselos ka?"
Napailing ako sa pagiging assumero nito. "Kapal. At bakit naman ako magseselos? Kahit na manlandi ka ng sangkaterbang babae, wala akong pakialam. Huwag mo lang idamay ang kaibigan ko sa listahan ng mga babaeng pinaiyak mo at pinaglaruan mo."
"Ikaw puwede bang masali sa listahan na 'yon?"
"HURRICANE HELIOS!"
Natatawa niyang pinaandar ang kotse at naiinis ko na lang na sinalpak ang earphone sa tenga ko.
As usual, kagagawan na naman ni Light kung bakit naging driver ko na naman ang asungot na nasa tabi ko. Ang sabi kasi nito, masyadong delikado kung magta-taxi pa ako sa gabi. At dahil namimiss daw ni Cane ang kotse nito, ipinapagamit sa kanya ito ni Light tuwing gabi given the condition na susunduin niya ako. Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay mabilis itong aalis at malamang ay mambababae.
Tuwing gabi lang ito pinapagamit sa kanya ni Light so meaning tuwing umaga nakasakay pa rin ako sa kotse ni Torn.
Si Torn na pakiramdam ko bumait ng konti sa akin since that day in the hospital...
FLASHBACK...
Halos hindi ko na makita ang nilalakaran ko sa magkakapatong na folder na ipinadala sa akin ng Professor ko para ihatid sa faculty nito. Kulang na lang magpapadyak ako sa frustration nang makitang under maintenance ang elevator ng HU.
Nanlulumo akong pumanik ng hagdan. Limang floor pa bago ang faculty at nangangalay na ang mga braso at kamay ko. At kapag minamalas-malas ka nga naman, natilapid ako sa hagdan. Mabuti na lang at mabilis akong nakahawak sa handrail pero naglaglagan lahat ng hawak ko.
"Argh!" naiinis kong sigaw sabay dampot ng mga folder. Umangat ang ulo ko ng may pares ng sapatos ang tumigil sa harap ko. Pagtingala ko ay bumungad sa akin si Torn. Inasahan kong lalagpasan niya ako pero nagulat ako nang yumuko siya at isa-isang pulutin ang mga nagkalat na folder.
Sa sobrang pagtitig ko sa kanya ay namalayan ko na lang na napulot na niya ang mga folder at bitbit na niya ang mga iyon.
"Saan mo 'to dadalhin? Kay Professor Mendez ba?"
Tumango ako. "O-Oo, s-salamat Torn." Saad ko at akmang kukunin na ang mga hawak niya nang mabilis itong tumalikod.
"Ako na... doon din naman ang punta ko. Mahirap na at napakalampa mo pa naman."
Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala sa inasal nito...
PRESENT...
Hindi lang doon natapos ang lahat. Nitong Wednesday inaasahan ko nang papalpak na naman ang proposal namin sa Thesis. Ipinirint namin ni Paupau ang proposal na 'yon at inabot namin kila Charm, Cane at Torn bago ang klase. Inaasahan kong hindi nila papansinin ang mga iyon pero nang tanungin sila ulit ni Kuya Paeng tungkol sa proposal namin. Nasagot iyon ng tatlo.
Kaya naman natanggap na ang proposal namin sa Thesis. Pero siyempre kahit na nakisama si Charm noong araw na 'yon. A deal is a deal. Kapag hindi ako nakapasa sa audition, malamang ay mawawalan na naman ito ng pakialam sa Thesis namin. At ganoon din si Hurricane.
Pero si Torn kaya? Siguro naman makikicooperate na siya hindi ba?
Kasi kung hindi, bakit niya pa binasa ang proposal namin?
Cross finger. Cross finger. Sana talaga.
PAGKABABANG-pagkaba ko ng kotse ay mabilis na umarangkada papaalis si Hurricane. Iiling-iling akong pumasok sa loob ng bahay. Pipikit-pikit ako habang pumapanik sa hagdan. Antok na antok na talaga ako. Ang sakit na nga ng panga ko sa kakahikab kanina pa.
Napatigil ako sa paglalakad nang humampas ako sa isang bagay. Mali. Hindi pala bagay. Kung hindi tao. Pagdilat ng mata ko ay bumungad sa akin si Torn.
"S-Sorry..." nasabi ko na lang. Tumingin lang siya sa akin at muling naglakad.
"Good luck on your audition..." mahina ang boses niyang saad na iniisip ko kung narinig ko ba talaga o sadyang inaantok lang ako.
Huminga ako nang malalim at nilingon siya. "Torn!"
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon.
"H-Happy trip sa inyo ni Light." Saad ko nang maalala ang sinabi kanina ni Light na aalis sila ni Torn bukas papunta sa Greece.
Napakamot ako sa batok ko sa nasabi ko rito. Bago ko pa makita ang reaksyon niya ay mabilis na akong naglakad papasok sa kuwarto ko.
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top