Chapter 44: Savannah 'Vannie'.

Humihikab kong dinilat ang mata ko. Napatigil ako sa pag-unat ng nangalay kong leeg nang makitang nasa HU na pala ako. Pagtingin ko sa harapan ay wala na ang dalawang kasabay kong pumasok. Nanlaki ang mata ko at tinignan ang relo ko.

Male-late na ako! Dali-dali akong lumabas ng kotse at nagtatakbo pero kung mamalasin ka nga naman pagdating ko sa room nakasarado na ang pinto. It only means one thing. I'm late.

Napapadyak ako sa inis. Hindi ako ginising nila Cane at Torn. Argh! Bully talaga ang dalawang 'yon.

Kasalanan ko rin 'to. Nagpuyat ako kagabi sa pagse-surf sa net. Humanap ako ng mga magagandang solo dance cover. Para saan? Para sa audition ko sana.

Kahapon desidido kong mag-audition pero ngayon...binabawi ko na ang sinabi ko sa sarili ko na kakainin ni Cane ang lahat nang sinabi niya sa akin kagabi. Mukhang malabong mangyari 'yon. Hindi ko talaga kaya na mag-perform mag-isa.

Napabuntong-hininga ako at napagpasyahang tumambay na lang sa pinagdalhan sa akin ni Paupau kahapon. Pumikit ako at isinandal ang sarili ko sa puno. Dalawang oras pa ang hihintayin ko bago ang susunod kong klase. Matutulog na lang ulit ako.

Hindi pa siguro lumilipas ang ilang minuto kong pagkakapikit ay may naramdaman akong pagtapik sa balikat ko. Dinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang isang ngiting-ngiti na babae.

Kumurap-kurap ang mata ko at pinakatitigan siya. Iniisip kung nanaginip ba ako. Pero napagtanto kong hindi ako nanaginip nang magsalita ito.

"Hi! You're Spring right?"

Maganda ang babae na nasa harap ko. Pero mas tamang sabihin na cute siya. Malalim ang biloy niya sa pisngi at napakaputi din niya. Nakatirintas ang magkabilang buhok niya kaya para siyang bata.

Tumango-tango ako at tumayo. "O-Oo. Ako nga."

"It's nice to meet you. I'm Savannah. But you can call me Vannie."

Naguguluhan akong napatango. "A-ano? May kailangan ka?"

"Yes. Can you be my dance partner?"

Napanganga ako. "D-Dance partner? Para saan?"

"Sa audition para sa Helios Dance Troupe."

"Mukhang nagkamali ka nang nilapitan V-Vannie." Nakangiwing saad ko.

Umiling-iling siya at ngumuso makaraan ay bumadha ang pagkalungkot sa mukha niya. Gahd! Ang cute niya talaga! Para siyang si Rain. Namiss ko tuloy ang kapatid kong 'yon.

"A-Ayaw mo din ba sa akin?"

Nanlaki ang mata ko nang makita kong tumulo ang luha niya. Natataranta akong lumapit dito at hindi malaman kung anong gagawin.

"H-Hindi Vannie, it's not like that. Hindi ko lang kasi alam kung bakit ako 'yung napili mong lapitan. I like you! You look adorable!"

Suminghot-singhot siya makaraan ay gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Really? Y-You like me?" parang bata niyang tanong sa akin. Tumango ako at alanganing ngumiti. Bumaba ang paningin ko sa ID niyang nakasabit at nakitang 2nd year college pala siya at parehas kami ng course.

"Of course. I like you. Who wouldn't like you?"

Pagkasabi ko noon ay muling kumibot-kibot ang labi niya at bumunghalit na naman ng iyak. "My classmates. They don't like me. They only like me pag nililibre ko sila sa pagsh-shopping. They said I'm childish and I don't act like a woman should be." Humihikbing saad niya.

Nag-aalangan pa ako kung yayakapin ko siya pero nang magpatuloy siya sa pag-iyak ay niyakap ko na rin siya. "Sshhhh, don't cry..."

Nang kumalma siya ay inaya ko siyang maupo.

"Anyway, p-paano mo nga pala ako nakilala?"

"Y-Yesterday Ate—I mean Spring." Ngumuso siya at tila nahihiyang tumingin sa akin. "Can I call you A-Ate?"

Ngumiti ako at tumango. "Sure, Vannie."

"Yiiiiie thanks Ate!"

"So paano mo ulit ako nakilala?" tanong ko nang para itong koala na kumapit sa braso ko. Wala pa kaming isang oras na magkakilala pero kung umakto ito parang napaka-close na namin na hindi ko naman ikinaiilang.

"Ay sorry Ate! Hihihihihi!" pati pagtawa niya para ring isang bata.

Bakit hindi ito magustuhan ng mga kaklase niya? Napaka-cute kaya nito. Ang sarap gawing keychain at iuwi. Ganoon siya ka-cute. "As I was saying Ate, yesterday while I'm on my way to my class. I saw you talking to Miss Charm!" Kumunot ang noo ko nang makita ang admirasyon sa mata niya para kay Charm. "I know it's bad na makinig sa usapan ng ibang tao but I can't help it. I got curious kasi. I mean you're talking to my idol—"

"IDOL?!"

Mukhang nagulat siyabsa pagsigaw ko kaya napatikhim ako. "Si Miss Charm. She's my idol. She's pretty kasi and cool. Astig daw siya sabi nila Kuya Nico at Kuya Polo—my classmates. Ate, I want to be like her." Ngiting-ngiting saad niya.

Napangiwi ako at napailing. Gusto ko sana siyang pagsabihan na huwag gayahin si Charm pero ayoko namang sumama ang loob niya at sabihin na sinisiraan ko ang idol niya. Mahirap na at baka umiyak na naman ito.

"I heard that she wants you to audition sa Helios Dance Troupe. I really wanted to be a part of that dance troupe. B-But I'm shy na magperform mag-isa. I'm not that good kasi when it comes to dancing. And I think you're nice enough para pumayag na maging partner ko. Wala kasing gustong isali ako sa mga grupo nila." Lumungkot ulit ang mukha niya. "You're planning to audition naman right Ate? Can you be my partner?"

Napakamot ako sa batok ko at hindi alam ang isasagot dito.

"Please? Pretty please with cherry on top?"

Namalayan ko na lang na tumango ako rito. How can I say no to this lovely creature?

Tumayo siya at nagtatalon. Mukhang napakasaya niya. Kaya kahit kinakabahan ako sa desisyon ko. Hindi ko naman maiwasang maging masaya sa reaksyon niya.

"I love you Ate Spring! Let's be friends, forever." aniya sabay yakap sa akin nang mahigpit.

HINDI maalis ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang text ni Vannie sa akin.

Ate! Tomorrow after class, promise me magpa-practice tayo huh?

Yes, Vannie. I promise.

Message sent.

Dapat ngayon ako nito dadalhin sa dance studio na pagmamay-ari ng pinsan nito pero may kailangan pa kasi akong puntahan kaya sinabi kong bukas na lang after our class. Luckily, tugma ang sched namin hanggang 4 lang din pala ang sched niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang may humablot ng cellphone ko.

"HURRICANE!" sigaw ko sa siraulong bad boy na tinakbuhan ako. Naiinis ko siyang hinabol. Nantitrip na naman ang hudyo hindi pa ito nadala sa pantitrip niya sa akin kanina.

Umabsent ako sa isa kong klase dahil hindi nila ako ginising! I mean it's not his fault na nakatulog ako pero sana man lang ginising nila ako.

Hinihingal ko siyang naabutan na nakangisi habang nakasandal sa kotse ni Torn. Hawak-hawak pa niya ang cellphone ko at todo scroll na tila ba tuwang-tuwa na binabasa ang messages ko.

Argh! Tsismoso at pakialamero talaga 'to!

"Give me back m-my phone."

Tumaas ang kilay niya at inabot sa akin ang cellphone ko pero nang mahahawakan ko na 'yon ay itinaas nito iyon sa ere. "Kunin mo." Napakagat-labi ako at naiinis ko
siyang tinignan. Sa tangkad niya imposibleng maabot ko ang cellphone ko.

"Hurricane! Isa—"

"Dalawa."

"Argh! Bakit mo ba ko pinagtitripan?!"

Nagkibit-balikat siya. "Just because." Tila tuwang-tuwa niyang saad sa akin.

"Aaaaaaaaahhhh!" frustrated kong sigaw. Wala akong pakialam kung nagmistula na naman kaming mga bida sa isang pelikula ni Cane at nandiyan na naman ang mga audience namin.

Mukhang natuwa na ito sa reaksyon ko at iniabot na sa akin ang cellphone ko na pagalit kong kinuha. "Wala ka na talagang nagawang matino kahit kailan!"

"Diyan ka nagkakamali Tagsibol. May nagagawa akong matino, gusto mong malaman kung ano?" nanindig ang balahibo ko nang hagurin niya ng paningin ang katawan ko.

Mukhang alam ko na kung anong sasabihin niya kaya tinakpan ko ang tenga ko.

"Bastos ka talaga!" naiinis kong saad sabay talikod dito.

"Vannie? Practice? Practice para saan?"

Napalunok ako at napatigil sa paglalakad. "W-wala ka na doon!"

"Hulaan ko kung anong practice 'yon. Dance practice perhaps? So you're really going to audition. Goodluck! Break a leg!"

Napapikit ako nang malakas niyang tapikin ang likod ko.

Sa inis ko sa ginawa niya ay tinapakan ko ang paa niya nang madiin.

"Fucking sh!t!"

Huli kong narinig na saad niya bago ko makapasok sa kotse ni Torn. Ngiting-tagumpay ako nang makitang namimilipit sa sakit ang bad boy.

Buti nga sa 'yo!

Bumelat ako kahit na hindi niya ako nakikita. Serves you right. Para kong baliw na tumatawa nang pumasok sa loob ng kotse si Cane at imbes na sa front seat siya dumiretso ay tumabi siya sa akin sa backseat!

Nanlaki ang mata ko at napalunok ako nang makita ang matalim niyang tingin sa akin. Napaatras ako nang mag-umpisa siyang lumapit sa akin. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin na siyang nagpalakas ng kabog sa puso ko.

"A-anong ginagawa mo?!"

"Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga babaeng nananakit sa akin? Sadya man o hindi."

"W-wala akong pakialam kung anong—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang muling bumaba ang mukha niya. Napakalapit na niya sa akin sa puntong malapit nang maglapit ang ilong namin. Itutulak ko na sana siya nang bumukas ang pinto ng kotse sa harapan.

"WHAT THE FUCK?!"

Sa sobrang gulat ko sa nagsalita na walang iba kung hindi si Torn ay naitulak ko tuloy nang malakas si Cane. Sa sobrang lakas ay narinig ko ang pagtama ng ulo niya sa salamin ng kotse.

"What the hell! Shit! Shit!" napangiwi ako nang mamilipit si Cane sa sakit habang kapit-kapit ang ulo niyang nasaktan.

Bumalik naman ang tingin ko sa harapan. Kung nakamamatay lang ang tingin. Pinaglalamayan na ako ngayon. Lalo pa at dalawang pares ng mata ang masamang nakatingin sa akin.

Napayuko ako at napakagat-labi. Ano na naman bang kasalanan ko?!

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top