Chapter 43: Challenge Accepted?
"So are you going to audition or not?"
Sumama ang timpla ng mukha ko sa tanong ni Kuya Paeng. "Siyempre Kuya, Hindi!"
Natawa siya at muling ipinokus ang sarili sa pagkain. Ganoon din naman ako, mabuti na lang at niyaya ako ni Kuya at Paupau na mag-dinner sa labas para ituloy ang naudlot naming bonding noong sabado na kagagawan ni Cane. Bukod sa masasarap ang putaheng inorder ni Kuya Paeng, stress din ako sa mga kagrupo ko siyempre bukod kay Paupau.
Paraan ko na rin ang dinner na 'to para makaiwas sa kambal pauwi. Wala ako sa mood sa pang-aasar ni Cane at sa poker face ni Torn. Bad trip ako sa mga ito. Isa pa kasi ang mga ito sa problema ko.
Puno ng pagkadisgusto ang mukha ni Cane nang sabihin kong sila Kuya Paeng na lang ang maghahatid sa akin pauwi. Malamang ay kung ano na namang masama ang tumatakbo sa isip niya. Habang si Torn ay ngumisi lang at mukhang natuwa pa.
Napailing ako para mawala ang mga bad vibes sa isip ko. Good vibes pa rin dapat ako dahil sa balita sa akin ni Trent. Sa naisip ay ganado na akong kumain at hindi maiwasang ngumiti na naglaho nang marinig ang pagtawa ng dalawa kong kasama.
"Problema ninyo?" saad ko matapos punasan ang gilid ng labi ko.
Nagkatinginan ang mga ito at nag-usap na naman gamit ang mga mahiwagang mata nila.
"Wala kaming problema. You're just funny." Saad ni Kuya Paeng na mukhang natatawa na naman sa akin.
"And why is that?"
"One moment you're frowning like this-"
Ginawa naman ni Kuya Paeng ang sinabi ni Paupau at parang hindi Professor na sumimangot na may kasama pang pagnguso.
"Then suddenly you're smiling like this-"
Imbes na mainis sa paggaya sa akin ni Kuya Paeng ay natawa ko.
"Tigilan ninyo nga ako. May mga iniisip lang ako."
"At ano naman ang iniisip mo, Angel?"
Napatingin kaming dalawa ni Kuya Paeng kay Paupau nang marinig ang tinawag nito sa akin. Ito kasi ang unang beses niyang binanggit ang palayaw ko simula nang magkita kami.
"And now you're calling her Angel again..." nanunudyong saad ni Kuya Paeng.
Para namang nahiya sa akin si Paupau at yumuko siya. Marahan ko namang hinampas ang braso niya.
"I'm glad na narinig ko ulit 'yan sa 'yo. I'm still calling you Paupau pero ikaw Spring na ang tawag sa akin. Nagtatampo na nga ako eh, ikaw pa naman nagbigay sa akin ng nickname na 'yon."
Tila nawala ang hiya niya at nginitian ako. Honestly speaking, guwapo kaya si Paupau pero hindi 'yon nakikita sa HU dahil sa pananamit niya. Siguro kung aayusin lang niya ang style niya sa pananamit, malamang ay pagkakaguluhan din siya ng mga kababaihan sa HU.
"Want to know kung bakit pinalayaw niya sa 'yo ang Angel?"
Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Paupau makaraan ay umaray si Kuya Paeng. At mukhang alam ko na kung bakit. Sinipa siya ni Paupau mula sa ilalim ng mesa.
"Fine. I'll shut up."
Napanguso ako. "Bakit ayaw mong sabihin? Curious kaya ako."
Umiling si Paupau. "Next time. I'll tell you next time." Makaraan ay bumaling siya kay Kuya Paeng. "So kuya, anong gagawin namin ni Angel kung ayaw talagang makipag-cooperate ng mga kagrupo namin?"
Nagkibit-balikat si Kuya Paeng. "It's your task guys. Anong malay ko?"
Napapadyak ako sa frustration. "Kuya it's unfair! Kasalanan ba namin na ayaw nilang makipag-cooperate?"
"Hindi."
"That's it. Pwede naman sigurong kaming dalawa na lang ni Paupau ang magkagrupo."
Umiling si Kuya Paeng. "Alam ko kaya ninyong dalawa na tapusin ang thesis without the help of those three. But do you think kakayanin ninyong dalawa ang defense?"
Natahimik kami ni Paupau at nagkatinginan. Alam kasi naming dalawa na iyon ang magiging problema namin sa Thesis na 'to. Ang defense. Dahil hindi lang naman utak ang kailangan doon. Kailangan din ng lakas ng loob na magsalita sa harap ng panel. Matalino ka nga pero paano kung pangunahan kami ng kaba?
At pagdating doon maaaring pumalya ako. Doon kasi ako laging pumapalya pagdating sa presentation at mukhang ganoon din si Paupau base sa reaksyon niya.
"You see Pau and Angel, hindi ko tinanggap ang proposal ninyo kanina hindi dahil may mali doon. The proposals are great. Onting adjustments na lang and I'm sure madali niyong matatapos 'yon bago ang mock defense ninyo. But I am also disappointed with the two of you."
Kumunot ang noo ko at balak na sanang magsalita nang maunahan ako ni Paupau.
"Kuya we did our best! Why are you disappointed with us?"
"Dahil hindi kayo nag-effort na kausapin ang mga kagrupo ninyo. Dahil confident kayong dalawa na magagawa ninyo pa ring matapos ang thesis na 'to without them."
Natahimik ulit kami ni Paupau sa sinabi ni Kuya Paeng. Alam naman kasi namin na totoo ang sinabi niya. Hindi namin kinausap ang tatlo pa naming kagrupo dahil alam naman namin ang magiging outcome kung kinausap namin ang mga ito. Wala.
"Nakita mo naman ang ugali nila Kuya hindi ba? Sa tingin mo ba sila 'yung mga tipo ng taong makikipagcooperate sa thesis na 'to?" inis ang boses na saad ni Paupau.
"I know. But don't you think that this thesis will be easy kung mapapapayag ninyo silang makipagcooperate?"
Napailing ako. "Cooperate? Sila? Mas posible pa ngang maging puti ang uwak kaysa mangyari 'yon, Kuya."
"Posible naman hindi ba? Miss Tsukawa gave you an option to make her cooperate."
Napabuga ako ng hangin sa sinabi ni Kuya. "Kuya! Are you saying na mag-audition ako sa Helios Dance Troupe?!"
"Why not? You love dancing-"
"Yes. I do. But auditioning? That's a different thing. That's suicide."
"And why is that?"
Nagkatinginan kami ni Paupau dahil mukhang alam din niya ang dahilan ko bukod sa wala akong lakas ng loob na magperform sa harap nang maraming tao.
Parte kasi ng Dance troupe na 'yon ang pinakaiiwasan kong tao.
Tornado Helios.
Well, that's ironic. Kahit naman kasi iwasan ko ito, it doesn't change the fact na magkasama pa rin kami sa iisang bahay. Pero it's not as if, magtatagal pa ko sa bahay nila.
"Kasi Kuya, magiging sagabal lang 'yon sa pag-aaral ko. Graduating na ko tapos sasali pa ako roon? I can't manage it. Magiging busy na rin ako sa internship ko next sem."
See. Ito pa ang isa sa kinapagtataka ko, bakit ako iimbitahan ni Charm sumali sa HDT kung alam niyang graduating na ako. Maiging mga freshmen ang hikayatin niyang sumali ron.
Ang naiisip kong dahilan ay wala talaga siyang balak makipag-cooperate sa amin kaya isang imposibleng task ang ibinibigay niya sa akin.
Tumango-tango siya. "But still, last year mo na rin naman sa HU. Don't you want to make it memorable?"
Memorable?
Sobra-sobrang memorable na ang huling taon ko sa HU. Hindi na kailangan pang dagdagan.
"I'm just telling you guys. I still won't accept that proposal hangga't clueless ang mga kagrupo ninyo sa topic ninyo."
Argh! Bakit ba ganito si Kuya Paeng?! Unfair! Unfair talaga! Pero kahit na! Hindi pa rin ako papayag sa gusto ng Charm na 'yon!
IT was past eight nang nakauwi na ako sa bahay. Hinatid ako nila Kuya Paeng (na namangha sa bahay ng mga Helios) at Paupau. Hindi ko na naikuwento kay Kuya Paeng na bahay iyon ng nagmamay-ari ng HU. Tiyak naman ay ikukuwento rin iyon ni Paupau.
Pagkapasok ko ay namataan ko ang kambal na nasa sala at mukhang may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Himala ata at nasa bahay pa rin ang dalawa samantalang sa ganitong oras ay nawawala ang mga ito at umuuwi na ng madaling-araw.
Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at nagmamadaling pumanhik sa hagdan pero hindi pa nga ako nakakailang hakbang ay nagsalita na ang lalaking palaging sinisira ang araw ko.
"Oh? Nandito na pala ang housemate natin Torn na galing sa isang date."
Date?! Baliw na nga talaga ang lalaking ito.
Gusto ko mang pansinin ang damuho at patulan siya ay mas pipiliin ko na lang na matulog kaysa sayangin ang oras sa pakikipag-usap sa kanya. Kaya muli ko ulit itinuloy ang paghakbang ko.
"So magpa-practice ka na ba ng sasayawin mo para sa audition? Sabihin mo lang, I'm nice enough to convince Torn na pagamitin ka ng dance studio niya."
Bumukas-sara ang bibig ko sa sinabi niya. Alam niya?! Napapikit ako. What do I expect? Basta tungkol sa akin, may pakpak yata ang balita at mabilis na nalalaman 'yon ni Cane. Tsismoso ito para sa isang lalaki.
"As if that would happen." Rinig kong saad ni Torn.
"Well, you're right. Imposible nga namang mag-audition si Tagsibol sa grupo ninyo. No matter how desperate she is about that thesis. As if naman kaya niyang magsayaw sa harap nang maraming tao. Baka kailangan niya pang malasing ulit bago gawin 'yon." Ani Cane na binuntutan pa nang pagtawa,
Kumuyom ang kamao ko at pinigilan ang sarili kong harapin si Cane. Matutuwa lang siya lalo kapag nakita ang inis sa mukha ko. Mas natutuwa kasi ang nang-aasar kapag napipikon ang taong binubuska nila.
Nanatili lang akong nakatayo roon at kinalma ang sarili ko. Naghahanda pa lang ako ng magandang sagot mula rito nang magulat nang may magsalita malapit sa tenga ko. Sa gulat ko ay napaurong ako at nawalan ng balanse ang paa ko. Napapikit ako at hinintay ang pagkahulog ko sa hagdan pero walang nangyaring paghulog.
Dahil naramdaman ko ang mga kamay na umalalay sa akin.
Pagdilat ng mata ko ay bumungad sa akin si Cane na nakangisi habang mahigpit na hawak ang palapulsuhan ko pero meron din akong mga kamay na naramdaman sa likod ko. Mabilis akong umayos sa pagkakatayo at lumingon para lang salubungin nang matalim na tingin ni Torn.
"Kung gusto mong malaglag sa hagdan huwag ka nang mandamay pa ng iba." Masungit na saad niya.
"S-sorry at s-salamat din."
He just tsk-ed and left me with Cane.
Kumunot ang noo ko at hinabol nang tingin si Torn. Makaraan ay nagtataka kong tinignan ang malawak na baitang ng hagdan. Hindi naman makipot ang hagdan, bakit of all places nasa likod ko pa ito?
"Next time, be careful. If you fall, there's no guarantee that someone will catch you."
Masama kong tinignan si Cane."Kasalanan mo kung bakit muntik na kong mahulog!"
Ngumisi ito. "Kasalanan ko bang magugulatin ka pala? Anyway, kasalanan mo rin naman kasi kung bakit ikaw ang napagtripan ni Tsukawa. Sa susunod kasi, huwag kang uminom kung hindi mo naman pala kaya."
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Tsukawa was there, that night when you are so drunk that you danced like a madwoman. May pagka-weird talaga ang babaeng 'yon. Mukhang nagustuhan niya ang mala-uod mong sayaw."
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. So dahil nakita ako ni Charm na sumayaw ng gabi na 'yon, naisipan na niya ang ideya na mag-audition ako para sa HDT?!
Gusto din ba niya akong ipahiya?
Argh!
Malamang ay ito ang paraan niya para sabihin sa akin na hinding-hindi siya tutulong sa thesis namin. Dahil mag-audition man ako sa troupe, imposible naman akong pumasa roon.
"Don't think too much. Hindi mo rin naman gagawin hindi ba?"
"What made you think na hindi ko gagawin?"
"Because you're weak. A typical shy nerd." Nakakainsultong saad niya.
Kumuyom ang kamao ko at pinigilan ang sariling itulak siya sa hagdan.
"At p-paano kung magawa ko?" madiin kong saad.
Ngumisi siya. "Then I'll also help you with our thesis." aniya sabay panhik sa itaas.
"I don't need your help."
"Really? Let's see about that."
Hah. Hinahamon niya ba ako?
Sa tingin niya ba uurungan ko ang hamon niya?
Mahina? Ako?
If there's one thing na ayaw na ayaw kong sabihin sa akin ng mga tao, iyon ay ang sabihin nilang mahina ako.
Kasi hindi ako mahina. Hindi.
Napapadyak ako sa inis. Fine. Hindi ako mahina. Pero tama ito sa isang bagay. Mahiyain ako!
But maybe kung mago-audition ako nang may kasama. Magkakaroon ako ng lakas ng loob na mag-perform?
Frustrated akong napahampas sa noo ko. Sino naman ang magiging kapartner ko?
Nasagot ang problema ko kinabukasan ...
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top