Chapter 42: Thesis Proposal.

"Wow!" puno ng paghanga kong saad sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Paupau. Ga-graduate na ako sa HU pero hindi ko pa napuntahan ang parte na ito ng HU kung saan tanaw na tanaw ang malawak na field at ang naglalakihang buildings ng HU.

Sariwa pa ang hangin na narito at mangilan-ngilan lang ang tao na ang iba ay nagbabasa at 'yung iba naman ay natutulog. Hindi rin sagabal ang mainit na araw dahil nakaupo kami sa ilalim ng mayabong na puno.

"Hindi ka pa ba nakakapunta rito?" tanong sa akin ni Pau sabay abot sa akin ng sandwich at juice na binili daw niya sa labas ng school.

Hindi na rin naman ako nagtaka na hindi siua nagpupunta ng cafeteria. Ang isa sa natutunan ko bilang isang certified bullied, huwag na huwag pupunta ng cafeteria tuwing break. Dahil sa lugar na 'yon mas malapit ang kapahamakan sa 'yo.

Umiling ako. "Hindi eh. Come to think of it, sa tinagal ko rito sa HU. Madami pa pala akong lugar na hindi napuntahan dito." Saad ko dahil nga naman ang tanging laging destination ko lang naman sa HU ay ang building ng Business Ad, library at siyempre ang clinic.

"I understand. Ako din naman, for the reason that I am avoiding those bullies."

Napatingin ako sa kanya at hindi ko maiwasang maawa. Until now, hindi pa rin tumitigil ang mga nambubully sa kanya. Mahirap ang ma-bully. 'Yung pakiramdam na ayaw mo nang pumasok kasi itinuturing kang basura ng mga kapwa-estudyante mo. Pero ang mas mahirap 'yung gusto mong lumaban pero hindi mo magawa kasi mahina ka. Kasi hindi mo kaya. Kaya hinahayaan mo na lang sila thinking na magsasawa rin sila at mapapagod.

But it never happen, siguro kung hindi dahil kay Light baka hanggang ngayon nasa loob na naman ako ng clinic habang ginagamot ni Nurse Joy ang mga sugat ko.

"Kaya nga hindi ako nagpakilala sa 'yo Spring eh..."

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang sinabi ni Pau. Iyon ang tanong na gusto kong itanong dito noong malaman ko na siya si Paupau.

"Bakit?"

Malungkot siyang ngumiti. "Because I can't protect you. And I am ashamed of that. Paano kita ipagtatanggol sa kanila kung ako mismo hindi mapagtanggol ang sarili ko?"

"Pau..."

"Naalala mo ba 'yung promise natin noong mga bata pa tayo?"

Napayuko ako at napangiti. "Na poprotektahan natin ang isa't-isa hanggang paglaki natin?"

"I failed in keeping that promise, Spring. I was not able to protect you."

"I also failed Pau. Hindi din naman kita naprotektahan eh kaya quits na tayo."

"It's not your fault. Hindi mo nga ako kilala eh."

"Isa pa 'yan. Ni hindi man lang kita nakilala. At tsaka isa pa hindi pa naman huli ang lahat para sa pangako na 'yon hindi ba? We can still fulfill it."

Umiling ito. "I don't think you need my protection."

Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagngiwi. "And why is that?"

"Dahil may nagpoprotekta naman na sa 'yo? And it turns out na sila pa 'yung mga taong nambully sa 'yo."

Napailing ako. "Hindi nila gustong gawin 'yon. Sooner or later, baka mag-umpisa na naman sila sa pambubully sa akin."

Kapag nakita na ni Torn ang babaeng mahal nito, wala nang dahilan para sundin pa niya si Light.

"Hindi ko maintindihan. Ang isa pang hindi ko pinakamaintindihan ay ang nangyari noong Saturday. Totoo ba talagang magkasama kayo sa iisang bahay ni Hurricane? At kung kasama mo siya ibig sabihin pati si Tornado?"

Napabuntong-hininga ako. "G-ganito kasi 'yon eh. 'Yung Ate nila Cane at Torn is girlfriend ng pinsan ko."

Napatigil ako sa pagsasalita. Handa na ba akong ikuwento ang lahat-lahat kay Paupau?

Why not?

"Promise me, Pau that whatever you learned about my life. You won't take pity on me."

Tumango-tango naman siya na mukhang curious na curious na sa ikukwento ko.

"I promise."

Pero pagkatapos kong maikuwento rito ang mala-MMK kong buhay. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gumuhit na awa sa mga mata niya.

"Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan. Magiging okay na naman ang lahat eh, kasi sandaling panahon na lang magigising na ang Tatay ko."

"I'm sorry I just can't help it. You were forced to live with those bad boys because of what happened to your Dad. Of all people sila pa talaga, bakit ba kasi hindi mo na lang sinabi ang tungkol sa pambubully sa 'yo 'nung kambal. Kung sinabi mo 'yon, I'm sure na hindi hahayaan ng pinsan mo na tumira ka kasama sila."

"And what would happen kung ginawa ko 'yon? Magwawala si Trent at baka magkaroon pa sila ng gulo ng girlfriend niya. Mahal ni Trent si Light at ayokong maging dahilan kami nila Torn para magkalamat 'yon. At isa pa, kung tutuusin wala naman silang ginawang masama sa akin. Takot lang nila kay Light."

"I can't believe na may tao pa palang nagagawang pasunurin ang dalawang 'yon."

Ngumiti ako. Hindi ko ikinuwento rito ang dahilan kung bakit sinunod ni Torn ang utos ni Light. It is not my story to tell.

Umiling-iling siya. "In the first place, hindi ka rin naman nila dapat binully eh. It's not your fault na naaksidente 'yung girlfriend ni Tornado."

Hindi na ako nagulat na alam niya kung bakit ako binully nila Torn. Of course, he would know. Kalat na kalat 'yon sa HU. Kalat na kalat pero ni hindi ko man lang nalaman na hindi pala namatay ang girlfriend niya.

Hindi nga namatay pero pinatay ko naman ang pangarap niya.

"Hindi ko nga ba talaga kasalanan?"

"Meron pa ring hindi nagbabago sa 'yo. At 'yon ang pagsisi sa sarili mo sa bagay na hindi mo ginusto. Na hindi mo kontrolado." Iiling-iling niyang saad.

"BIRDS of the same feather really flock together, huh?"

Napasimangot ako at hindi na pinansin ang patutsada ni Cane pagkapasok na pagkapasok namin ni Pau sa conference room. Nasa unahan ito at katabi nya ang kakambal niya (na tulog. Lagi naman.) pati na rin ang mga circle of friends nila. Typical rich kids.

As usual ay para na namang mga bubuyog ang mga kaklase ko na kung magbulungan ay naririnig naman ng lahat.

"Oh my gosh! Sabi na nga ba may LQ sila ni Cane eh. Remember kanina sa corridor...Cane left with Britanny!"

Yuck! Lovers Quarrel? Sila ni Cane?

"Lucky girl! But why are they still together kanina with Torn baby pa!"

"I can't believe na ipagpapalit niya na nga lang si Cane sa isang loser pa."

"Can't blame her, she was a loser right?"

"Rephrase that. She is still a loser!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap ang mga babaeng kung mag-inarte akala mo eh kagaganda eh parang mga walking make-up lang naman ang peg.

Gusto ko mang sigawan ang mga ito at sabihin na wala kaming relasyon ni Cane pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong bumaba sa mga lebel ng mga ito.

Mga mapangmata at walang respeto sa kapwa.

Figures. Sarili nga ng mga ito hindi nila magawang irespeto eh. Ibang tao pa kaya?

Naisip ko nang pagmasdan ang mga damit nilang kinulang sa tela. Pero hindi lang naman iyon ang basehan ko kung hindi pakikipaglandian nila sa oras ng klase.

Pakikipaglandian means like hinahalikan nila ang mga boyfriend nila habang nakatalikod ang Professor namin.

"Stop frowning. Akala ko ba let's pretend that they don't exist?"

Binalingan ko si Paupau na mukhang kinarir ang sinabi ko kanina dahil tila wala siyang pakialam sa mga taong pinagtatawanan na naman kami.

Tumango ako at bumuntong-hininga. Tama. Pretend that they don't exist.

Ngumiti siya na ginantihan ko rin ng isang ngiti. Pero nawala ang ngiti na 'yon nang may tumamang binilog na papel sa mukha ni Paupau.

Naikuyom ko ang kamao ko at tinignan ang pinanggalingan ng papel na 'yon.

"Ooops sorry, akala ko basurahan eh." Saad ni Cane na tila enjoy na enjoy sa ginawa niya.

Nagtawanan siya at ang mga kasama niya na natigil nang pumasok si Kuya Paeng sa loob ng conference room.

"I don't tolerate bullies in my class, students. And I hope that this will be the last time that it will happen, Mister Helios." Puno ng kaistriktuhang saad ni Kuya Paeng na nakatutok ang paningin kay Cane. "And I also do not tolerate lazy students." Malakas ang boses niyang saad at malakas na hinampas ang lamesang nasa harap niya.

Humihikab na umangat ang ulo ni Torn at tila tamad na tamad na sumandal siya sa upuan. Pero hindi ito nag-iisa dahil naglakad si Kuya Paeng papunta sa likod kung saan natutulog din ang isa naming kaklase. Si Charm.

"Miss Tsukawa!" Dumagundong ang boses ni Kuya Paeng sa buong conference room.

Nagkamali ako nang sinabi na hindi bagay ditong maging isang Professor. Sa likod pala ng palangiting si Kuya Paeng nagtatago ang isang terror Professor Rafael.

"PVtang!na!" sigaw ni Charm na naalimpungatan at tila nagulat.

Masamang tinignan niya si Kuya Paeng at hindi ko maiwasang panindigan ng balahibo. Nakakatakot talaga siya kung tumingin.

Pero tila balewala lang iyon kay Kuya Paeng at nilabanan din ng masamang tingin si Charm. "Watch your language, Miss Tsukawa. Next time I saw you—"

"Sorry." saad ni Charm na ni hindi man lang pinatapos ang sinasabi ni Kuya Paeng at pabagsak siyang umupo.

Umangat ang ulo niya at tinaasan ng kilay si Kuya Paeng. "What Prof? Nag-sorry na ho ako."

Namula si Kuya Paeng. He's pissed off. Mukhang any minute hihilahin na niya si Charm palabas ng klase nito.

"Prof, how about we start our class now? Sayang sa oras eh." Saad naman ni Cane sa boses na walang paggalang.

Well, kailan ba naman ito nagkaroon ng paggalang sa nakatatanda rito?

Kumuyom ang kamao ni Kuya Paeng makaraan ay pumikit ito nang mariin.

Ilang saglit pa ay naglakad siya papunta sa harapan at isa-isa silang tinignan. "Tumayo kayo at lahat nang magkakagrupo ay magtabi-tabi."

Nahampas ko ang noo ko nang maalala kung sino ang mga kagrupo ko.

Bagama't maraming umangal ay wala rin naman kaming nagawa. We all stood up and minutes later. Eto na ang seating arrangement namin ng mga kagrupo ko.

Charm-Paupau-Ako-Cane!-Torn.

"I suppose naiready ninyo na ang mga thesis proposal ninyo. Kindly submit it in front."

Nagkatinginan kami ni Paupau at sabay naming inilabas ang tig-isang folder. Dahil nga may naumpisahan na kami napag-usapan na lang namin na parehas ipasa ang proposal namin. Inilagay na lang namin ang pangalan nila Torn dahil sa grupo kami at baka hindi tanggapin kapag pangalan lang naming dalawa ang nakalagay.

At dahil kami ang nasa first row, nauna kaming magpasa.

Seryoso ang mukha na binasa ni Kuya Paeng ang proposal namin ni Paupau. Kampante ako na isa sa proposal ay maapprove dahil talagang pinag-isipan namin ang proposal na 'yon. Nabasa ko rin ang kay Paupau at interesting din ang pinili niyang topic.

Pero 'yun ang akala ko.

"Mister Tornado and Hurricane Helios, what is the topic that Miss Spring Cruz proposed?"

Hindi nakasagot ang dalawa at nagkibit-balikat lang sila.

"Hindi ninyo alam o nakalimutan ninyo?"

"We forgot."

"We don't know."

Napangiwi ako sa magkaibang sagot nila.

"Miss Charm Tsukawa what is—"

"I don't know, Sir."

Naibagsak ko ang ulo ko sa libro ko sa lamesa nang marinig ang sagot ni Charm.

We're doomed.

HUMINGA ako nang malalim at sinundan si Charm pagkalabas namin ng conference room. Kasabay ko si Paupau na lumong-lumo rin dahil sa problema namin sa mga kagrupo namin. So we need to talk to her. We need her to cooperate.

As for Torn and Cane?

Bahala na si Batman. Siguro naman matutulungan ako ni Light—

Iling-iling, No. Hindi ko na hihingian ng pabor si Light. School matters ito and I suppose hindi rin naman siguro gugustuhin nila Torn na bumagsak?

Napangiwi ako. Ano bang pakialam nila kung bumagsak man sila?

Basta. By hook or by crook kailangan kong mapapayag silang maki-cooperate sa akin.

Papaano naman?!

"Are you following me?"

Napatigil kami sa paglalakad nang bigla na lang humarap si Charm sa amin. Napalunok ako nang magtagpo ang tingin namin.

Scary...

"What do you want?"

Iniwas ko ang paningin ko rito at yumuko. "A-about our p-proposal—"

"I don't give a shit about that proposal."

Then bakit hindi ka na lang mag-drop?!

Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero para akong napipi. Ano ba kasing trip ni Kuya Paeng? Kasalanan ba namin ni Paupau kung ayaw makicooperate sa amin ng mga kagrupo namin?! Bakit kailangan pati kami mag-suffer?

"On second thought, I might give a care about that proposal."

Mabilis kong inangat ang ulo ko at tinignan si Charm. "Talaga?!"

Ngumisi siya at may naalala ako sa ngisi niyang iyon. Ngising may sasabihing alam kong hindi ko magugustuhan.

"It depends."

"Depende saan?"

"Kung magagawa mo ang gusto kong ipagawa."

Kinabahan ako sa sinabi niya. Pero teka nga para rin naman sa grade niya ang thesis na 'yon. Bakit may ipapagawa pa siya sa akin?!

Kasi nga wala siyang pakialam sa pag-aaral niya hindi katulad mo...

Kasalanan 'to ni Kuya Paeng eh. Bakit ba kasi hindi niya na lang i-drop ang mga ayaw maki-cooperate sa klase?!

"A-ano ba 'yung gusto mong ipagawa kay Spring?"

Wow. Nasa tabi ko pala si Paupau. Nakalimutan ko. Paano ba naman tila napipi na ito sa isang tabi.

"Simple lang..."

Nakahinga ako nang maluwag. Simple lang pala eh.

"Mag-audition siya—"

Audition?!

"—sa Helios Dance Troupe. If she pass, then wala na kayong poproblemahin sa thesis. And when I say I will cooperate. I will do it well."

Napailing ako. No freaking way. Ako? Sasayaw? Sa harap ng maraming tao? Ipapahiya ko ang sarili ko?!

May isa pa ding problema kung kumapal man ang mukha ko at gawin ko 'yon. Tapos makapasa ako (as if that would happen). Parte lang naman ng HDT ang isa sa bad boy ng university.

And that is Tornado Helios.

So there's no way that I would do that. Never!

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top