Chapter 40: Different Side of Torn & Cane

"Smile and make it natural, dear."

Ngumiti ako pero alam kong nauwi na naman ito sa isang ngiwi.

Napakagat-labi ako at pinigilan ang sarili kong tumakbo paalis sa lugar na ito.

Lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin at hindi iyon nakatulong para magawa ko nang maayos ang hininging pabor sa akin ni Light. Ang maging isang model.

Pero paano ko naman magagawa 'yon kung ang isa sa pinakaayaw ko ay ang mag-pose sa harap ng camera. To think na hindi ito basta-basta isang photo shoot lang. Maraming tao ang makakakita ng mukha ko sa magazine. Iniisip ko pa lang 'yon pakiramdam ko lulubog na ako sa kahihiyan.

"August, unahin mo muna sila Torn at Cane. Kakausapin ko muna si Spring." saad ni Light sa photographer na halatang napapagod na sa akin.

Tumingin sa akin si Light at itinuro ang dressing room signaling me to follow her. Bago ko umalis ay yumukod ako at humingi ng sorry sa mga taong naaabala ko.

"Spring, right?"

Tumango ako sa photographer na tinawag na August ni Light kanina. Honestly, mas bagay pa nga yatang maging isang model ito kaysa maging isang photographer.

"You're beautiful, dear. Be confident because I have this feeling that my camera will love you." Ngumiti siya at hindi ko naman mapigilang pamulahan ng pisngi.

Bukod kasi sa ang gwapo nito, ito ang unang beses na may pumuri sa aking lalaki bukod kay Trent at Tatay ko.

"T-Thanks po."

Tumawa ito. "I'm not that old. Stop using po."

"Hey Gus, do your work. Stop flirting..."

Great.

Here comes the villain of my life.

Masama ang tingin na hinarap ko si Cane na hindi ko namalayang nakalabas na sa lungga nito. Kasama nito si Torn na mukhang naiirita pa rin sa suot nitong bulaklakin na polo.

Kung sa ibang pagkakataon lang ay nagawa ko pang matawa sa hitsura ng mga ito pero ngayon ang tangi ko lang nagawa ay lagpasan ang mga ito at dumiretso sa pinasukan ni Light. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mapang-asar na namang bunganga ni Cane.

"Wow. Akalain mo nga naman ang nagagawa ng make-up sa isang tao. Awesome."

"Shut up Hurricane and let's finish this freaking photo shoot so I can burn this fucking polo."

Nawala ang mga tinig nila nang makapasok ako sa dressing room kung nasaan si Light.

"Light I'm sorry. Sa tingin ko--"

"No Spring, I should be the one to say sorry. Pinahihirapan kita para lang sa project na 'to na wala ka namang kaalam-alam." malungkot na saad niya sa akin.

Natahimik ako at hindi malaman kung anong sasabihin dito.

"Kung hindi mo talaga kaya then wala akong magagawa. I guess I will just schedule another photo shoot."

Pinagmasdan ko ang sarili ko at hindi ko na naman maiwasang manibago sa hitsura ko. Sayang naman ang effort ng mga make-up artist sa pagmumukha ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Hindi sa hindi ko kaya Light. Hindi ko lang talaga alam kung paano maging m-model. I mean, ano namang alam ko roon eh wala sa hinagap ko na mangyayari sa akin 'to. I- I'm nervous. Scared. I feel like—"

"Spring!" Napatigil ako sa pagsasalita at hinarap si Light na kasalukuyan nang nakangiti sa akin.

"I'll teach you how to be a model."

Napangiwi ako. Kung sana ganoon lang kadali matutunan ang maging isang model. Papaano naman ako matututo sa maikling oras.

"First, stand up." Tumayo ako at nagpasalamat na wedge ang heels na suot-suot ko kung hindi ay baka mas lalo akong nahirapan. "Raise your head. Stomach in. Chest out. Chin up and be confident."

Bagama't nahihiya ay sinunod ko ang sinasabi niya at dahil dalawa lang naman kami ay nagawa ko ito.

"Now, smile."

Ngumiti ako at alam kong palpak ang ngiti kong 'yon base na rin sa pagngiwi ni Light.

Napailing si Light at ilang segundo akong pinakatitigan. Maya-maya ay ngumiti ito.

"Close your eyes, Spring."

Kumunot ang noo ko. "Eh?"

"Just listen to me, sis. Close your eyes."

Naguguluhan man ay pumikit ako. "Now think of your happiest moments. Isipin mo rin 'yung mga bagay na nagpapasaya sa 'yo."

Ginawa ko ang sinabi ni Light at mabilis na bumuhos ang alaala ng mga masasayang sandali ko kasama sila Nanay...Tatay...Rain...Trent pati na rin sila Kuya Paeng at Paupau.

"There. That smile. You did it, Spring!"

Pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko si Light na hawak-hawak ang cellphone nito na nakatutok sa akin.

"See. You can do it." Saad nito sabay abot sa pakita sa akin ng picture ko kanina nang pinapikit ako nito. Napangiti ako. Sa kuha nito, hindi pilit ang pagngiti ko. "Hindi naman kailangan na gayahin mo 'yung mga nakikita mong model sa magazine. You just have to be natural, Spring. If August ask you to smile, then isipin mo 'yung mga naisip mo kanina. If he ask you to laugh, then think of those things na nakapagtawa sa 'yo. That's the key, Spring. And I'm sure you'll do well."

NATULALA ako sa nakita ko paglabas namin ni Light ng dressing room. Bumungad sa akin sila Torn at Cane na mga tumatawa at nakangiti sa harap ng camera. Tila natural lang ang mga galaw nila habang patuloy si August sa pagkuha ng litrato sa kanila.

Pakiramdam ko hindi sila ang dalawang bad boy na ginulo ang buhay ko sa loob ng tatlong taon. Ibang-iba sila. Nakakamanghang pagmasdan ang mga ngiti at pagtawa nila. Tila buhay na buhay ang bawat ngiti nila. Nang pagmasdan ko ang bawat tao sa loob ng studio ay mga nakangiti rin sila.

Napangiti rin tuloy ako at sa unang pagkakataon, napahanga ako ng dalawa.

I saw a different side of the two bad boys...Kahit na ngumingiti ang mga ito dahil lang sa trabaho. Still...hindi ko alam na makikita ko silang ganito. It's as if they are really happy.

Makalipas ang tatlumpong-minuto ay natapos na rin ang mga ito. Lumakas ang kabog ng puso ko dahil alam kong ako na ang susunod.

"You can do it, Spring." Saad sa akin ni Light at marahang tinapik ang likod ko.

You can do it, Spring. Fighting.

"Goodluck, Tagsibol." Nakangising saad ni Cane nang makasalubong ko ito. Napapikit ako nang imbes na dumiretso ito sa dressing room nito ay naupo ito sa tabi Light. At ganoon din si Torn.

Argh! Papanoorin nila ako? Bakit?!

Ano pa para makita ang kahihiyang gagawin mo!

Napailing ako. Hindi puwede. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to!

"Are you ready, now?" nakangiting tanong sa akin ni August.

Pumikit ako at huminga nang malalim. "Yes. I think so."

Mahina itong tumawa at kinindatan ako. "Just relax."

"Okay. Smile."

Now think of your happiest moments.

With that thought, pakiramdam ko nagawa ko nang maayos ang instructions ni August. Namalayan ko na lang na lumipas ang oras at natapos ko ang pictorial nang hindi ako ninenerbyos. Kinalimutan ko muna ang mahiyaing si Spring at ini-enjoy ang pagtawa at pagngiti sa harap ng camera.

Sa huling shot sa akin ay dumako ang paningin ko sa magkakapatid na Helios. Si Light ay ngiting-ngiti sa akin habang hindi ko maiwasang makaramdam nang pagkailang nang mapansin ang pagtitig sa akin ni Cane. At si Torn... ayun na naman ang tingin niya. Ang tingin na parang sinasabi sa akin na wala akong karapatan maging masaya.

"YOU did well, Spring."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas ay natapos na rin ako sa pagiging model pero iyon ang akala ko. May mas lalala pa pala sa kanina.

Dahil hindi lang pala solo shots ang gagawin ko kung hindi by partner at sino pa bang makakapares ko?

"I'm tired. Let Torn do it." Saad ni Cane at bago pa may makapagprotesta ay walang lingon-likod itong iniwan kami.

Napakagat-labi ako at tumingin kay Light. Umiling-iling ako na parang sinasabi ko na hindi ko kaya. Kanina hindi ko alam kung paano. Pero ngayon hindi ko na talaga kaya.

Kami ni Torn? Magdidikit? Magsasama sa isang picture?

Malamang sasabog na talaga 'to si Torn any minute now. Inaasahan kong magw-walk out din siya katulad ni Cane pero nagkibit-balikat lang siya at dumiretso sa dressing room. Ilang saglit lang ay lumabas siya na nakaayos na.

Hindi ko maiwasang titigan siya dahil aaminin ko na ang guwapo niya kapag hindi na rugged ang style niya. Ito siguro ang dahilan kaya madaming babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "What are you waiting for? Change. Nang matapos na natin 'to."

Bago ko mamalayan ay naipasok na ako nila Light sa dressing room.

Umiling-iling ako nang ayusin ang buhok ko. Inipit nila ito at pinaikli. Nilagyan din nila ako ng headband na para sa akin nakakatawa ang hitsura. Pero ni hindi ko magawang matawa dahil nanlalamig ang mga kamay ko at nag-uumpisang kumabog ang puso ko sa kaba.

"Light, I can't do this!" frustrated kong saad nang matapos na sila sa pagpapasuot sa akin ng dress na parang mas bagay pa sa Lola ko. Meron pa silang nilagay sa leeg ko na choker at pinagsuot nila ako ng heels na napakatingkad na kulay fuchsia. May medyas pa ako. Ano bang klaseng theme ang balak nila?

Baliw-baliwan lang?

"Spring, please. Nagawa mo naman kanina and you did well—"

"Iba 'yung kanina Light. I was alone but now you're expecting me to take it with Torn?"

Pinalabas ni Light ang dalawang staff at pinaupo ako sa silya. "I know it will be hard for you. Dahil hanggang ngayon ilag ka pa rin sa kapatid ko. But just this once Spring, forget that—"

"How can I forget that? Just last week, halos patayin na ko sa sama ng tingin—"

"Hindi na ngayon. Nakita mo naman 'di ba? He still hates you but he's civil with you. It's not as if sasaktan ka niya habang nagp-pictorial kayo."

Napabuntong-hininga ako. "Pero—"

"Ma'am start na daw po."

Tumango si Light sa pumasok na staff at binigyan na naman ako ng isang tingin na hindi ko mahindian.

Nagtagpo ang tingin namin ni Torn paglabas ko ng dressing room. Bigla siyang tumalikod at nakita ko ang pag-alog ng balikat niya.

He's laughing.

The bad boy is laughing at me. Sino ba namang hindi?

Kung nakakatawa naman talaga ang hitsura ko.

"Okay. Torn, tigilan mo na 'yang pagtawa mo." Saad ni August nang makalapit ako sa kanila.

Tumikhim si Torn at hinarap kami. "Who told you, I'm laughing?!"

Umiling-iling lang si August at nagkibit-balikat. "Ang theme ng photo shoot na ito is about a woman who is hopelessly in love with a cold hearted man."

I'm doomed. Paano naman ako aarte na in love kay Torn?

"Spring? Meron ka bang boyfriend?"

Namula ako sa tanong ni August at mabilis na umiling. Tumango-tango ito,

"Ganoon ba? Perhaps, crush?"

"Seriously, at her age? Crush?" Torn said with a scoffed.

"So meron ba?"

Siyempre meron. Babae pa rin naman ako 'noh.

Dahan-dahan akong tumango habang naiisip ang mukha ni Raven.

Napayuko tuloy ako para itago ang pagkapahiya ko.

"That's good to hear. Isipin mo na lang na si Torn 'yung crush mo."

Nasamid ako kahit na wala naman akong iniinom sa sinabi ni August.

Oh God! Just help me please! Papaano ko na naman lulusutan ito?

"Okay, let's start."

Magkatabi kami ni Torn sa harap pero bulag na lang ang hindi makakakita na hindi ako komportable sa taong nasa tabi ko.

"Just relax, Spring. Hindi naman nangangain ng tao 'yan si Torn."

Umismid si Torn sa biro ni August at nakita ko ang pag-irap niya sa akin sa gilid ng mga mata ko.

Darn. He still hates me. What's new? He will forever hate me.

"Okay, for our first shot. Torn, umupo ka diyan sa couch." Pagturo ni August sa couch na pang-isahang tao lang. Tila tamad na tamd namang sumunod si Torn. "Spring punta ka sa likod ni Torn and do this." Saad ni August sabay lagay ng dalawang palad niya sa baba niya at umarteng tila nagpapakyut. "Act like you really like Torn."

Pumikit ako at inisip na kung hindi ko 'to magagawa. Mas lalo kaming magtatagal at ako rin ang mahihirapan.

Isipin mo na lang hindi siya si Torn. Hindi siya si Torn, Spring. Hindi siya ang bad boy na si Torn. Ang bully ng buhay mo. Siya ang taong gusto mo. Si Raven...

(See picture below to see their pose.)

So far nagawa ko naman nang matino ang pose na sinabi ni August pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang pinagawa.

"Now, sit on his lap, Spring."

Nanlaki ang mata ko at inisip kung nabingi lang ba ako. "PO?!"

"Kumandong ka nang pa-sideway sa kanya, Spring." Paguulit ni August.

Hindi nga ako nabingi. Pinagpalit-palit ko ang tingin kay August, Light (na sumesenyas na gawin ko at hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero tila may mapaglarong ngiting gumuhit sa labi niya) at kay Torn na mukhang naiinip na.

"Pwede bang gawin mo na lang?"

Nang hindi ako kumilos ay hinila niya ako papaupo sa kandungan niya na ikinagulat ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahila niya sa akin ay nawalan ako ng balanse na siyang nakapagpaliyad sa akin pero mabilis niyang naipulupot ang kamay niya sa bewang ko.

Nagtagpo ang tingin naming dalawa at nag-umpisang lumakas ang kabog ng puso ko. Pakiramdam ko rin nabingi ako dahil parang nawala ang ingay sa paligid ko.

Anong nangyayari sa akin?

Napalunok ako nang marahan akong iangat ni Torn. Gusto ko mang umalis sa pagkakandong sa kanya ay tila naestatwa ako.

"I want to finish this fast, Cruz. So please, stop acting dumb and just follow Augusts' instructions." Bulong ni Torn sa tenga ko na mas lalong nagpalakas ng kabog ng puso ko.

Pumikit ako at pinilit ang sarili kong kumalma.

Pero papaano ko kakalma kung masyadong malapit si Torn sa akin?

"I-I understand so please l-lumayo ka. M-masyado kang malapit s-sa akin." Uutal-utal kong saad.

"Tss. What a nerd."

Nakahinga ako nang maluwag nang lumayo na rin siya sa akin pero nanatili pa rin akong nakaupo sa kandungan niya.

(see pictures below for their poses)

Ilang awkward shots pa ang sumunod na kinunan ni August.

Nandiyang yakap-yakap ko si Torn mula sa likod.

Buhat-buhat niya ako na parang sakong bigas.

At iba pang sweet poses na hindi ko naisip na magagawa ko kasama ang isang Tornado Helios.

Oh God, Light what have you done?!

Indeed. Life is full of unexpected events. Sometimes kung sino pa 'yung pinakainiiwasan natin, 'yun pa 'yung taong makakasama natin.

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top