Chapter 39: Lights' Game

Nginitian ko si Light nang saglit niya akong sulyapan para i-assure siya na okay lang ako. Hindi naman ako naiinip kahit na nga ba nakaupo lang ako sa gilid at umiinom ng mocha frappe. Naaaliw rin kasi akong pagmasdan ang mga nakikita ko.

Bawat tao ay busy sa kani-kanilang ginagawa. I love observing things. Boring man sa iba pero masaya akong pagmasdan ang bawat galaw ng tao sa paligid ko. Mukhang hindi naman ako nagkamali na sumama kay Light dito.

Habang pinagmamasdan ko si Light ay dumoble ang paghanga ko rito. Kitang-kita ko ang pagiging niya responsable sa trabaho. Maayos din siyang makisama sa mga tauhan niya.

Hayy naku Trent…kapag pinakawalan mo pa ang babaeng ‘to ewan ko na lang…

“I told you that I don’t want to wear that! It’s too girly!” sigaw ng isang boses at lumabas mula roon si Torn na masama ang hilatsa ng mukha habang nakasunod rito ang isang babae na mukhang papaiyak na bitbit ang isang polo na bulaklakin?!

Napailing ako, imposibleng mapasuot nila ‘yan kay Torn.

“P-Pero Sir, ito po kasi ang theme dahil summer—”

Hinarap niya ang pobreng babae at sinamaan ng tingin. “I don’t care about that fucking theme!” Napangiwi ako nang tuluyan nang napaiyak ang babae pero parang walang nakita si Torn at tumalikod lang siya.

Walang puso.

Mali. Meron pala. Dinala nga lang ng babaeng mahal nito.

“TORNADO HELIOS!” nag-echo ang boses ni Light sa lakas ng sigaw niya.

Bawat isa ay natigil sa mga ginagawa nila kahit nga ako napatigil sa pag-inom sa mocha frappe ko at parang nanonood ng palabas na inantay ang pagka-clash ng dalawa.

“You want to bet?”  Napalingon ako sa gilid ko nang umupo si Cane sa mesa na nasa tabi ko na mukhang nakamove on na sa pagkabadtrip kanina dahil nakangisi nitong pinagmamasdan ang dalawa nitong kapatid.

Inalis ko ang paningin rito at binalik kay Light na madilim ang mukha na lumapit kay Torn.

Nakatalikod si Torn at hindi pa rin hinaharap si Light. Nakakuyom ang kamao nito at mukhang pinipigilan sigawan ang kapatid nito.

“Hey, you want to bet?” pag-uulit na tanong ni Cane.

Umiling ako. “Ayoko.”

“Awww, you’re such a killjoy. Fine. So let me ask you, do you think mapapapayag ni Light na ipasuot sa kakambal ko ang jologs na polo na yan o hindi?” 

Napaisip ako sa tanong niy, wala sana akong balak sagutin siya pero kusang bumukas ang bibig ko. “I don’t think so…”

“Hmmm…let’s see.” Nilingon ko si Cane at nawala ang atensyon ko sa mga kapatid niya nang makita ang suot niya.

Suot-suot niya ‘yung kaparehas na damit na ibinibigay ‘nung babae kanina kay Torn. Hindi nga lang ito color pink kung hindi yellow.

Pfffft. Huwag kang tatawa, Spring. Huwag—

Hindi ko napigilan at mahina akong natawa. I just can’t believe na mapapasuot nila ‘to kay Cane. Doon ka lang napagmasdan ang hitsura nito. Maliwanag ang mukha niya at wala ang nakasanayan kong eyeliner niya sa mga mata. Maayos din ang hairstyle niya at hindi ang nakasanayan kong rugged hairstyle tipong ‘I just woke up like this’.

In short, ibang-iba ang hitsura ni Cane sa bad boy get up niya na nakasanayan ko.

Wala rin ang mga piercings niya sa tenga. Wow. Define cute—

Cute? Si Cane?!

“Why are you laughing?!” nakasimangot nang saad niya.

Sinulyapan niya ang suot-suot niya makaraan ay sinamaan ako ng tingin. “I’m a professional model, wala sa ugali ko ang mag-inarte sa ipapasuot sa akin.” aniya at iniwanan ako. Talk about mood swings.

Nang umalis si Cane ay ibinalik ko ang tingin ko kay Light at Torn na kasalukuyan nang nagsisigawan.

“You’re gonna wear that whether you like it or not!”

“No, Light I’m going to do whatever you ask but spare me with this one.”

“You’re a model Torn! Kung anong gusto naming ipasuot sa ‘yo. Isusuot mo!”

“You knew very well na napipilitan lang akong gawin ‘to!”

“Puwes lubus-lubusin mo na! Stop being a burden to this photo-shoot! Rush na ‘to and we need to finish this today!”

Hindi na nagsalita pa si Torn at iniwas na lang ang paningin kay Light.

“Please Torn, hindi kita uutusan na isuot ‘yan at iblackmail sa ‘yo ang napag-usapan natin. I’m asking you this as your sister. Do it for me, okay?” malumanay na ang boses ni Light na saad kay Torn. Mukhang napagod na rin ito sa pakikipag-argumento kay Torn.

Saglit na tinitigan ni Torn si Light makaraan ay frustrated na sumigaw ito at lumapit sa napaatras na babaeng humahabol rito kanina. Hinablot nito ang damit at nagdadabog na pumasok sa isang kuwarto.

Ngiting-tagumpay naman si Light na isa-isang tinignan ang mga staff nila na halatang mga nakahinga na rin nang maluwag.

Nawala ang ngiti ni Light nang may lumapit rito na lalaki at may binulong rito.

“WHAT?! ARE YOU FUCKING KIDDING ME?!” sigaw ni Light at nag-umpisang mamula ang mukha niya.

Pumikit ito at ilang beses huminga nang malalim makaraan ay binalingan niya ang lalaking namumutla at tila takot na takot na kay Light.

“Ulitin mo nga ang sinabi mo!”

“Hindi daw po makakarating si Miss Nicole dahil sa isang emergency—”

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tumili si Light. Ito ang unang beses na nakita kong nawala sa poise si Light. Kahit naman kasi palagi siyang nakikipag-away sa mga kapatid niya at nagagalit. Kalmado pa rin naman siya at hindi katulad ngayon na tila ba anumang oras ay magwawala na siya.

Ano kayang problema?

“Call her and tell her na wala akong pake kung anong emergency meron siya basta pumunta siya rito! Dahil kapag hindi niya ginawa ‘yon I will sue her!”

Tumango ang lalaki at nanginginig ang kamay na nagtipa sa cellphone niya habang si Light ay kuyom na kuyom ang kamao. Hindi ko alam ang problema pero mukhang malaki ito base na rin sa mukha ni Light at sa mga tila naging problemado na staff.

Ilang sandali pa ay ibinaba ng lalaki ang cellphone niya at hinarap si Light.

“What?”

“Nakapatay po—”

“That bitch! I swear pagsisihan niya ‘to.” aniya sabay baling sa lalaki. “Call our other models! NOW!”

“Nagawa ko na po Miss Light, pero lahat po sila hindi available. May fashion show po rin kasi—”

Hindi na pinatapos ni Light ang sasabihin ng lalaki at lumapit ito sa akin. Kinuha niya ang pouch niya sa mesa at nagulat ako nang maglabas siya ng isang pakete ng sigarilyo.

Halatang tense na tense siya dahil mabilis niyang naubos ang isang stick. Kukuha pa sana siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

“Everything’s a mess Spring. I can’t believe that of all days ngayon pa ‘to mangyayari!” Umupo siya sa tabi ko at hindi na kumuha pa ng sigarilyo.

“A-ano bang nangyari?”

“Hindi raw makakapunta ang model namin. And we’re in a rush dahil we only have three days sa pagpa-publish ng issue this month. In short, wala kaming model—”

Napatigil siya sa pagsasalita at pinagmasdan ako. Tumayo siya at nagulat ako nang itinayo rin niya ako. Pinaikot-ikot pa niya ako at hindi ko maiwasang kabahan. Nang matapos siya sa pagsuri sa akin ay hinarap niya ako at hinawakan ang magkabila kong balikat.

I don’t think magugustuhan ko ang sasabihin niya.

“Naalala mo ‘nung sinabi mo sa akin Spring na hindi mo alam kung paano makakabayad sa akin sa mga tulong na ibinigay ko sa ‘yo. Hindi naman ako humihingi ng kapalit ‘di ba?”

Napalunok ako at dahan-dahang tumango.

“Sinabi ko ‘yon pero pwede bang bawiin ko ‘yun ngayon?”

Napapikit ako at inantay ang susunod niyang sasabihin na mukhang alam ko na.

“Help me just this once Spring, be our model.”

Napadilat ako at matigas ang pag-iling na isinukli ko kay Light. “No. I’m sorry Light, but I can’t.”

Lumungkot ang mukha ni Light at nanlaki ang mata ko nang may tumulo na luha sa mga mata niya. Nag-umpisa sa isa hanggang sa magsunod-sunod ito. Ilang saglit lang ay nag-umpisa na siyang umiyak.

“I don’t want to be a failure Spring. My parents will be disappointed kapag nalaman na hindi ko nasolusyunan ang problema na ‘to.”

Oh no!

“Hindi n-naman sa tinatanggihan kita pero kasi I’m not fit to be a model Light. T-tignan mo nga ako, baka imbes na makatulong ako mas—”

Umiling-iling si Light. “Trust me, Spring. You can do it. Sa tingin mo ba hihilingin ko ang pabor na ‘to kung alam ko naman na hindi mo ‘to kaya. Please Spring, h-help me.”

Napapikit ako at namalayan ko na lang na tumatango ako. Sa pagdilat ng mga mata ko nasalubong ko ang tingin ng kambal. Si Cane at si Torn.

Pagkaaliw ang nasa mukha ni Cane.

Pero si Torn…halatang hindi niya nagustuhan ang isinagot ko.

Oh God help me!

LIGHT

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko sa mga mata at inilabas ang make-up ko para ayusin ang maganda kong face.

I’m so brilliant talaga! Mabuti naman may napala ako sa acting workshop na pinuntahan ko nang maboring ako sa buhay ko kung hindi ay hindi ako makakaiyak katulad ng ginawa ko kanina.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe sa kausap ko kanina na si Ronnie. Magaling din pala siyang umarte like me. Aakalain ko talaga na takot na takot siya kanina sa akin.

Good job Ronnie! Expect a bonus for a job well done!

Message sent.

Yes. It was all just an act. Hindi totoo na naubusan sila ng model na gagamitin para sa photo-shoot na ‘to.

“Sorry Spring. I just need to do this. Malakas ang kutob ko na ikaw lang ang makakatulong sa mga kapatid ko.”

Babae ang nagpabago sa mga kapatid ko and I’m sure babae rin ang magbabalik sa kanila sa dati.

Tumunog ang cellphone ko at rumehistro ang pangalan ng boyfriend ko na si Trent. Hinayaan ko lang ito na tumigil at hindi ko ito sinagot. Although, miss na miss ko na si Trent. Nakokonsensya ako na makausap ito dahil sa ginagawa ko.

Dahil sa pinaglalapit ko si Spring at ang mga kapatid ko.

Paglabas ko ng cr ay bumungad sa akin ang dalawa kong kapatid na mukhang inaabangan ako.

“What games' are you playing Light?” madilim ang mukhang saad ni Torn samantalang si Cane ay tahimik lang sa isang tabi at pinagmamasdan lang sila.

“What are you talking about?”

“It is impossible na maubusan tayo ng models na gagamitin—”

Pinutol ko ang sasabihin nito at ngumisi ako. “Alam mo naman pala eh bakit nagtatanong ka pa?”

Tumiim ang labi nito. “Hindi ko alam ang pinaplano mo pero huwag mo kong isali sa larong ‘yan. Siguro nga sinusunod kita ngayon para kay Storm but it doesn’t mean na hahayaan kitang kontrolin ako.” anito at walang lingon-likod na iniwan lang sila ni Cane.

“What? Ayaw mo rin ba sa larong niluluto ko?”

Ngumisi si Cane. “You know me Light, I love games.”

Napangisi ako at pinagmasdan si Cane na nauna na ring maglakad sa akin.

Yeah right, Hurricane. I’m sure you will love this game. At si Torn? Sisiguraduhin ko na darating ang araw na magpapasalamat siya sa larong inumpisahan ko nang makilala ko si Spring…at magsisimula ‘yon, malapit na.

Lakad-takbo akong sumunod sa mga kapatid ko at umabrisete kay Torn.

“Prepare your passport this coming Saturday.”

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. “And why is that? Ano na namang—”

“You want to see her, right?”

Nanahimik siya at kahit hindi siya ngumiti nakikita kong sumaya siya sa sinabi ko.

Sasaya pa kaya ito kapag nalaman nito ang totoo?

“I made my part of this deal Tornado so I hope you’ll do yours too.”

“You have my word, Light.”

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top