Chapter 38: The Reason Why.

Bakit nga kaya biglang bumait si Torn?

Pinagmasdan ko si Light na nagmamaneho papunta sa studio na magiging venue ng photo-shoot ng kambal. Iniisip ko kung anong ipinain ni Light sa kapatid niya para mapaamo ito. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang na nunca na pumayag si Torn para sumama ako sa kanila.

Duh. Para kaya akong virus kung ituring ‘non. Pero kanina…parang normal lang para rito na nasa paligid niya ako. Nagawa pa nga niyang kumain ng breakfast kasama ako sa iisang mesa. At nagawa pa niyang…tumawa. Something is not right.

“So how’s school?”

I snapped out from my reverie when I heard Lights’ voice.

Nagkibit-balikat ako at ngumiti nang matipid. “Ayos naman. Things are getting better, Light. Especially this week…” sa huli kong sinabi ay lumawak ang ngiti ko nang maisip ang pagtatagpo namin ng kababata ko na si Paupau at Kuya Paeng.

Pero nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang sinabi ni Cane sa mga ito. Paano kung may makaalam—

Napailing ako. Nah, siguro naman ay hindi ‘yon ipagkakalat ni Paupau at Kuya Paeng.

“Care to tell me why?”

Ikinuwento ko rito ang pagkikita namin nila Kuya at natuwa naman siya sa nalaman.
“That’s good to hear. I’m happy for you, Spring. So how about my brothers? Are they treating you well?"

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya at inisip kung anong sasabihin.

Tumango-tango ako at bahagyang ngumiti. “Oo, okay naman sila, Light. Mababait sila sa akin.”

Kung ikukumpara naman sa trato ng mga ito sa akin sa loob ng tatlong taon, masasabi kong bumait na nga ang mga ito sa akin. Hindi na ako pumapasok nang naka-raincoat kasi wala nang nagbubuhos sa akin ng tubig na nung huli ay sinama na ang timba. Wala na ring namamatid sa akin kaya hindi na nadagdagan ang peklat sa tuhod ko. Hindi na rin namamantsahan ang uniform ko dahil hindi na ako nagiging human cake.

Sa madaling salita, gumaan ang buhay ko sa HU na hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko dahil ang kapalit naman nito ay iniisip ng mga estudyante na may relasyon ako kay Cane,

Sa tuwing naiisip ko ‘yon tumitindig ang balahibo ko. Dahil bukod sa malabo pa sa mata ko ang posibilidad na magkagusto sa akin si Cane, hindi ko rin siya type 'no.

“At alam kong ikaw ang dahilan ‘non kaya salamat.” Saad ko sa kanya dahil siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit nagbago ang pakikitungo sa akin ng kambal.

Tumawa siya at saglit akong sinulyapan. “Aren’t you curious kung bakit nila sinunod ang gusto ko na maging mabait sa ‘yo?”

“Of course, I’m curious. Bakit naman hindi lalo pa at wala naman sa ugali ng mga kapatid mo na susunod sila sa ipag-uutos sa kanila lalo pa at involve ako doon.”

Saglit siyang nanahimik at tila may malalim na iniisip. “Do you want to know kung bakit nila ako sinunod?”

Natigilan ako sa tanong siya at inisip kung gugustuhin ko nga bang sabihin nito?

Pero bakit ko pa nga pala kailangan isipin pa gayong alam ko naman ang kasagutan doon.

“Yes, Light. I want to know.”

“It’s because of a woman named Storm.” Madiin ang pagkakabanggit niya sa huling sinabi niya at napansin ko pa ang paghigpit ng kapit niya sa manibela.

Storm…saan ko nga ba narinig ang pangalan na ‘yon?

Nanlaki ang mata ko nang maalala kung sino ang babaeng tinutukoy nito.

“Storm? ‘Yun ba ‘yung girlfriend ni T-Torn?”

“Correction. Ex-girlfriend.”

Napatango ako at inintay ang susunod niyang sasabihin.

“My brother is such a fool for loving that kind of woman. For blaming others, dahil sa pang-iiwan sa kanya ng babae na ‘yon, when all along intensyon naman talaga ng babae na ‘yon na iwanan siya naganap man ang aksidente o hindi…” madilim ang anyo ni Light na para bang galit na galit siya sa ex ng kapatid niya. Habang ako ay hindi na naman maiwasang makonsensya nang mabanggit ang aksidente na ‘yon.

Ako dapat ‘yun eh… ako dapat…

“—At magpahanggang-ngayon nagpapakatanga pa rin ang kapatid ko sa kanya. So as I have said, ginamit ko ang babaeng ‘yon para mapasunod sila sa gusto ko na tigilan ka na. I might be a bitch but I do have a heart Spring at hindi ko ma-take na nagawa kang i-bully ng dalawang ‘yon para lang sa katulad ng Storm na ‘yon. She’s not worth it. At dahil siya ang dahilan ng pagkagalit sa ‘yo ni Torn, siya rin ang magiging dahilan para ma-realize ni Torn lahat ng maling bagay na ginawa niya sa ‘yo.”

“H-Hindi ko pa rin maintindihan.”

Ngumisi si Light at hinarap ako nang huminto ang kotse. “I told my brother na kapag naging mabait siya sa ‘yo tutulungan ko siya na mahanap si Storm.”

Natahimik ako sa sinabi ni Light at hindi makapagsalita. Hindi ko maiwasang humanga kay Torn sa pagmamahal niya para sa babae—

Hindi. Wala akong dapat ikahanga. Kasi nang dahil sa pagmamahal na ‘yon, pinahirapan niya ako.

“Alam mo ba kung paano magmahal ang isang Helios, Spring? Nakakatakot. Masyadong malalim. Once we fall in love, gagawin namin ang lahat para lang hindi mawala sa amin ang taong ‘yon and Torn? He’s hopelessly in love with that woman. For the past three years, inuubos niya ang savings niya para lang ipahanap ang babaeng ‘yon pero hindi siya nagtagumpay dahil hinaharang lahat iyon ni Gramps…”

Kumunot ang noo ko. “Gramps?”

Pinaandar niya ang kotse bago siya sumagot. “Lolo namin, one day makikilala mo rin siya. ” Nakangiti niyang saad at tila proud para sa kanilang lolo.

Mukhang close si Light sa Lolo niya na kinainggit ko dahil hindi ko naranasang maging close sa grandparents ko.

Dahil ang Lolo at Lola ko, isinusuka ang existence ko. Napailing ako at iwinaglit sa isipan ko ‘yon.

“P-pero bakit hinaharang ‘yon ng Lolo ninyo? I-I mean, kung mahal talaga nila ang isa’t-isa bakit naman ‘yon tututulan ng Lolo ninyo?”

Ngumiti nang mapait si Light. “Kung mahal nila ang isa’t-isa, Spring. Unfortunately, isa lang ang nagmamahal sa kanila at si Torn lang ‘yon.”

Gusto ko sanang tanungin kung paano siyang nakakasigurado na hindi minahal ni Storm si Torn pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala ako sa lugar para sa bagay na ‘yon. Tutal nalaman ko na ang dahilan ni Torn at Cane sa pagbabago ng pakikitungo ng mga ito sa akin, sapat na ‘yon.

“Pero teka—bakit din pumayag si Cane? At bakit parang ibang-iba ngayon si Torn?”

“Si Cane? He’s a jerk pero suportado niya ang pagpapakatanga ni Torn sa ex nito. Well, there’s also a reason for that. But that’s another story…” Kumindat si Light pero nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya na tila may naalala.

“At paano namang ibang-iba ngayon si Torn?” natatawa niyang saad at mabilis na nag-shift ang mood niya na tila ba hindi ko nakita ang paglungkot ng mga mata niya.

“C’mon Light, alam mo naman siguro kung anong ibig kong sabihin.” Pagtukoy ko sa iniasta ni Torn kanina.

“You’ll know it soon, Spring. Soon.” Makahulugan niyang saad sa akin. Bagama’t nakangiti siya ay nakikita ko ang tensiyon dito.

Napabuntong-hininga ako, kailangan ko na talagang bawasan ang pagiging curious ko sa mga bagay-bagay. Ilang beses na kong pinahamak ng curiosity na ‘yon eh.

“WE’RE here.”

Napatigil ako sa pag-iisip sa dahilan ng ekspresyon ni Light nang huminto na ang kotse niya.

Kasabay nang pagbaba namin ni Light ay ang pag-park ng kotse nila Torn at Cane. Habang pinagmamasdan kong naglalakad palapit sa amin ang dalawa.

Bumalik sa isip ko ang mga napag-usapan namin ni Light.

At some point, unti-unti ko nang naiintindihan si Torn…

Nagmahal lang siya ng sobra. Sobra-sobra.

“Kung mahal nila ang isa’t-isa, Spring. Unfortunately, isa lang ang nagmahal sa kanila at si Torn lang ‘yon.”

Alam kaya ni Torn na siya lang ang nagmahal?

Pero ang tanong, totoo kaya ang pagkakaintindi ni Light?

Siguro naman hindi… baka galit lang talaga si Light kaya niya ‘yon nasabi.

Kasi paano magkakaroon ng relasyon ang dalawang tao kung isa lang ang nagmahal sa kanila?

Umiling ako habang paulit-ulit na binabanggit sa isip ko ang mga katagang ‘Stop being curious! Stop being curious!’

Napapitlag ako nang may umakbay sa akin.

“Sinong iniisip mo? Ako ba?”

Nabubwisit kong inalis ang braso ni Cane at binilisan ang paglakad ko.

“Pwede ba, Cane? Instead of flirting with Spring—”

“Flirting?!”

“Flirting?!”

Nagkatinginan kami ni Cane at sabay kaming napangiwi sa sinabi ni Light.

“Siya?!”

“Ako?!”

Kumunot ang noo ko dahil nagkasabay na naman kami ni Cane sa pagsasalita.

“Pwede ba Light? Kilabutan ka nga sa sinasabi mo.” Saad nang nabadtrip na si Cane at sumabay kay Torn na nauuna sa amin.

Tatawa-tawa naman si Light sa iniasta ng kapatid niya habang ako ay hindi rin maipinta ang mukha sa sinabi ni Light.

Matapos tumawa ni Light ay tinignan niya ako at hindi pa rin naaalis ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. “What? That was just a joke…”

“That was a bad joke.”

Tumawa si Light at inakbayan ako. “Okay, sorry. Masyado kayong pikon ni Cane.”

Akala ko ay tapos na si Light sa pang-aasar pero ano nga bang aasahan ko eh isa ring buskador ang isang ‘to. “Hindi mo ba talaga naisip na pine-flirt ka ni Cane?”

“Light! Enough!”

“Okay. Sorry na t-talaga, titigil na ko. Promise.” Tatawa-tawa niyang saad at nakahinga naman ako nang maluwag nang manahimik na nga ito hanggang makapasok kami sa building na pagmamay-ari rin pala nila.

Si Cane? Flirting with me?

Nah. It will not happen. Never.

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top