Chapter 37: He's Normal but for me He's not


"GOOD morning!"

Nasamid ako sa tinapay na nginunguya ko nang marinig ang boses mula sa likod ko. Aabutin ko pa lang ang juice na nasa tabi ko ng may kamay na kumuha nito. Uubo-ubo kong sinamaan ng tingin si Cane na naupo sa tabi ko at walang habas na iniinom ang juice ko.

Naiinis na ininom ko na lang ang tubig na nasa tabi ko. Nang makahuma sa pagkakasamid ay sinamaan ko ulit ng tingin ang walanghiyang Cane na siyang-siya habang kumakain naman ng tinapay na galing na naman sa plato ko.

Iniurong ko ang plato ko palayo rito nang tangkain naman niyang kunin ang bacon ko. Number one na pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinapakialaman ang pagkain ko. Well, sino ba namang gusto 'yon di ba?

"Problema mo?! Ang dami-daming pagkain sa lamesa, kailangan 'yung akin pa ang kainin mo eh 'noh." Naiirita kong saad sa kanya sabay turo sa mga pagkain sa lamesa.

Hindi ko rin maiwasang magtaka dahil linggo ngayon at sa loob nang tinagal ko rito. Laging missing in action ang lalaki tuwing linggo. Ang sabi ni Light, busy daw ito sa pambibiktima ng babae o mas tamang sabihin ay pakikipaglaro niya sa apoy.

One of these days daw ayon kay Light ay baka mabalitaan ko na lang na nakabuntis o may aids na ang kapatid niya. I shuddered with that thought.

Hindi ko maimagine na maging Tatay si Cane o kaya naman nakahiga siya sa hospital bed. Nyiiie.

"Gusto ko eh. Pagkain naman namin 'yang nasa plato mo eh. Baka nakakalimutan mo nasa bahay ka namin." aniya sabay kuha ng bacon sa plato ko.

Napasimangot ako at napagpasyahang tumayo na lang.

"O saan ka pupunta?"

Inismiran ko siya. "Matutulog na lang. Enjoy your breakfast, Sir. Tutal pagkain ninyo naman po 'yan. Nakakahiya naman mo para sa katulad kong nakikitira lang." puno ng sarkastiko kong saad.

"I'm just kidding. Masyado kang pikon." Tumatawang saad niya at hinila ako paupo,

"Pwede ba Cane, wala akong-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang lagyan ang bibig ko ng tinapay.

"Just eat."

Pagalit kong kinagat ang tinapay at hindi na nagtangka pang magsalita. Napailing na lang ako at inisip na walang nag-eexist na lalaki sa tabi ko.

He's weird.

Cane is being weird,

The way he acts towards me is creeping me out.

Why not? When the last time I checked, he hates me.

And then now, he's acting as if we're close.

Ahhh...that's right. Light. It is Lights' order.

But still...

Parang may nag-iba sa kanya eh. Hindi ko lang mapin-point kung ano...

Well, kahapon pa naman parang may nag-iba sa kanya eh. I mean, hindi ko inasahan na hihingi siya ng sorry ulit sa akin. Dahil siya si Cane, at hindi uso sa kanya ang salitang 'yon. Noong nag-sorry siya sa akin, I just thought na tinablan lang siya ng takot kasi nga naman muntik na kong hindi makauwi ng buhay dahil sa kagagawan nita. Pero...inulit niya pa ulit kahapon. And he's sincere. Naramdaman at nakita ko 'yon sa mga mata niya.

Nakakainis man siya kahapon dahil sa sinira niya ang bonding time ko kay Paupau at Kuya, pero tinupad naman niya ang usapan namin na sasabihin niya ang pinaggagawa ko ng gabing nalasing ako na akala ko nakalimutan na niya.

Pero good thing nga ba na naikuwento niya ang nangyari ng gabing 'yon?

Napakagat-labi ako nang maalala na totoo nga ang sinabi ni Torn na sinukahan ko siya. Tapos pinahirapan ko pa sila.

Kumusta naman ang pagpapahirap nila sa 'yo sa loob ng tatlong taon, Spring?

Pero saglit lang ay kumunot ang noo ko.

Ang hindi ko lang nagustuhan ay bakit hinayaan ako ng mga itong, matulog mag-isa sa isang motel. Iniwanan ako ng mga ito! Bakit hindi na nila nilubos ang pagtulong at inuwi ako sa mansiyon?!

Pero nawala ang kunot ng noo ko nang maisip kung bakit.

Ano nga ba ako sa kanila? Mabuti nga at hindi ako hinayaan ng mga itong matulog sa kalsada eh.

Napanguso naman ako nang maisip na malamang takot lang nila kay Light na iwanan akong natutulog sa kalsada.

"You look stupid..."

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang sinabi ng katabi ko. "Excuse me? Anong sinabi mo?" pagbaling ko sa kanya.

"You look stupid making that kind of expressions. Seriously, you look ugly." Nakangising demonyo niyang saad sa akin.

What the-

Ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'to!

Pero hahayaan ko ba namang manalo siya?

"Are you staring at me, Mr. Helios?"

Kumunot ang noo niya at gusto kong matawa nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. Parang batang nahuli na may ginawang kasalanan. Wow, for the first time natuwa ako sa mukha ni Cane. "E-excuse me, dream on. Why would I stare at you?!"

Oh. I so love this version of Cane.

Ngumisi ako. "Then explain to me, why you knew-"

"Shut up, Cruz." Napipikon ng saad niya.

"Ohhh, sino kaya sa atin ang pikon, Helios?"

"I said shut up." Nanlaki ang mata ko nang pitikin niya ako sa noo. Napahawak ako sa noo ko dahil sa pakiramdam ko namumula 'to sa ginawa ng damuhong katabi ko.

"Did you just-"

"Yes. I did."

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay kinurot ko siya nang madiin sa braso niya.

"Damn it, Tagsibol! L-Let go of me!"

Imbes na bitawan siya ay mas lalo ko pang diniinan-

"Mukhang close na close na kayong dalawa ah."

Mabilis kong nabitawan ang braso ni Cane (na nakamamatay na ang tingin na iginagawad sa akin) nang marinig ang boses mula sa likod namin.

Seriously, anong meron ngayong araw na ito at bakit present sila ng kambal? Linggo ba talaga?

Oh God! Nang maalala ang pinagsasabi kahapon ni Cane, hindi ko maiwasang mahiya kay Torn.

"Argh! Damn it, ang sakit mangurot ng babaeng 'to!"

Napapikit ako at inantay ang isang malakas na sigaw sa akin ni Torn. The last time kasi na pinatulan ko si Cane, parang kakainin niya ako ng buhay.

Kaya hindi mapaniwalaan ng tenga ko nang marinig ang isang...pagtawa.

"Serves you right. You fucking stood me up last night."

"Sorry man, I'm just tired."

Hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa dahil paulit-ulit kong naririnig ang isang pagtawa.

Tumawa?

Sino?

Si Torn.

Napatunganga ako nang umupo siya sa tapat namin ni Cane at nag-umpisang kumain. Habang ako tulalang tiningnan siya. Tama ba ang narinig ko?

"What's with you?" saad ng katabi kong si Cane. Nang hindi ako sumagot ay muli siyang nagsalita. "You're really weird."

Hindi ko siya pinansin at nanatili pa rin akong nakatitig kay Torn. Inaantay ko ang maaanghang na salita mula sa kanya na normal na para sa akin. Pero nang magtagpo ang paningin namin ay tila may pumintig sa puso ko dahil sa tingin niya.

Wala ang nakasanayan kong malalamig at galit na tingin na ibinibigay niya sa akin.

Hindi rin blangko at hindi rin naman ito ang unang beses na nakita ko ang ganitong tingin ni Torn.

Pero kakaiba kasi... ako si Spring. Galit siya sa akin. Palaging nag-aapoy ang tingin niya sa galit pagdating sa akin. Pero ang titig niya ngayon, normal.

Normal pero para sa akin hindi normal.

Tumaas ang kilay niya. "What?"

Umiling ako at napayuko. See. Hindi rin siya sumigaw nang kinausap niya ako.

"What's with her?" narinig kong tanong ni Torn kay Cane.

"Huwag mo na lang pansinin bro, kinakabahan lang 'yan."

"Kinakabahan saan?"

"Well, she just found out last night na sinukahan ka niya and her crazy antics...and drunkard state...That "Torn, bilhan na natin si Mingming ng g-gatas nagyugutom na siya eh... shige na plish!"

Napapikit ako at pinigilan ang sarili ko na sapakin ang katabi ko sa pinagsasasabi niya. Of all things na ikukuwento niya, talagang 'yon pa!

Argh! Hurricane Helios! You will never change! Bully ka pa rin!

Muli na naman akong napapikit expecting a violent reaction from Torn saying how good I am in ruining his life.

But...

"Ahhhh...that night..."

Iyon lang ang reaksyon niya?! It's as if parang balewala lang sa kanya ang pinaggagawa ko ng gabi na 'yon?!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inangat ang sarili ko mula sa pagkakayuko. Tiningnan ko si Cane, expecting na magtataka at magugulat siya katulad ko dahil umaasta si Torn na parang hindi ako si Spring na kinagagalitan niya.

Pero wala ang reaksyon na 'yon sa mukha ni Cane, parang normal lang din dito si Torn which for me is not normal.

"Good morning guys!"

Nasabi ko na bang thankful ako ng bongga kay Light?!

Pwes. Kung oo. Uulitin ko. Super thankful ako kay Light. Lalo na ngayon dahil nawala ang atensyon sa akin ng kambal at nalipat sa Ate nila. Nagtaka pa nga ako nang tumayo si Torn at-

WTH.

Ipinag-urong niya ng upuan si Light. Okay, ang OA lang ng reaksyon ko.

Baka bet lang maging gentleman ni Torn. Tumaas ang kilay ni Light at nginisian si Torn,

Ngumiti si Torn, pero...alam naman naming lahat including Cane (na mahinang tumatawa sa hindi ko malamang dahilan) na pilit ang ngiting ibinigay ni Torn sa kapatid niya.

"Thank you, my dear brother. You're really sweet." Ngiting-ngiti na saad ni Light with matching kurot sa pisngi ni Torn na nakita kong kumuyom ang kamao.

"Anything for you, Ate."

Hindi horror ang pinapanood ko pero tumindig ang mga balahibo ko sa eksena ni Light at Torn. Nasabi ko na ba kung paano mag-away ang magkapatid?

Disaster. Disaster sa puntong hindi mawawala ang pagkabasag ng gamit kapag nagka-clash sila. Pero ngayon?

Ano 'tong nakikita ko?

Naging tila maamong bata si Torn sa Ate niya.

For the first time, tinawag niyang Ate ang nakakatandang kapatid.

What the hell is happening?

Hindi kaya...

MAY SPLIT PERSONALITY SI TORN?!

Umiling-iling ako sa naisip ko, epekto na yata 'to nang mga binabasa kong novel tungkol sa dissociative intellectual disorder.

"Spring, may gagawin ka ba today?"

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Light.

Umiling ako. "Wala-"

"That's great. You should go with us."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Light. Don't tell me, magba-bar na naman kami?!

Oh God, ayaw ko Light. Kahit na super thankful ako sa 'yo kanina sa pagsagip sa akin mula sa mga kapatid mo. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako tatapak sa lugar na 'yon-

Napahinto ako sa iniisip ko nang marinig ang pagtawa mula kay Light.

"What are you thinking?"

"Maybe she's thinking that you'll bring her again to a bar. Our housemate here is kinda scared..." ani Cane sa boses na tila ba aliw na aliw sa akin.

Tumingin sa akin si Light at mukhang sumang-ayon ito sa sinabi ng kapatid nitong atribido.

"Don't worry Spring, hindi tayo doon pupunta."

Tumango-tango ako at nakahinga nang maluwag sa sinabi niya. "Kung ganoon saan?"

"We're going to a photo-shoot."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Light. "Photo-shoot?"

"For our magazine. Hindi ba nabanggit ko naman sa iyo ang business na hina-handle ko?"

Tumango-tango ako nang maalala ang sinabi niya na ang business na ipinagkatiwala sa kanya ng magulang nila ay ang Publishing. Mayaman talaga ang pamilya nila Light dahil bukod sa Helios University, sila rin ang nagmamay-ari ng isa sa sikat na publishing business sa bansa. Ang pagkakaalala ko ay meron ding shipping lines ang pamilya nila.

"Really? Okay lang ba kong sumama doon?"

"Of course, kaysa naman ubusin mo na naman ang buong oras mo sa pagbabasa. Might as well pumunta ka roon at panoorin kung paano maging model ang mga kapatid ko."

Napahinto ako sa pag-inom ng tubig sa sinabi ni Light.

Model?

Ang mga kapatid niya?

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa tatlo.

"What's with your reaction? Wala ba sa mukha namin ang maging modelo?" tila naiinsultong saad ni Cane.

Umiling ako. "H-Hindi naman sa ganoon..."

"Hindi ka man lang ba nagbabasa ng magazines?" Nakataas-kilay na tanong sa akin ni Torn.

Kinakausap ako ni Torn...

Loading...........................

"Anong aasahan mo eh puro mga boring na libro lang naman ang binabasa niyan eh." Makaraang sabihin 'yon ni Cane ay nagtawanan silang dalawa ni Torn.

This is so weird. Kumurap-kurap ako at muli natulala na naman sa pagtawa ni Torn.

"So Spring, sama ka na ah."

At dahil sa pakiramdam ko nawawala ako sa sarili ko sa nangyayari sa paligid ko, napatango na lang ako sa sinabi ni Light na pinagsisihan ko din naman.

Note to myself: Hinding-hindi na ko sasama kay Light sa kung saan mang lugar niya akong yayain.

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top