Chapter 36: What happened that night.
NAPATAKIP ako sa tenga ko at napailing sa patuloy na pagmumura ni Cane ilang metro ang layo sa amin nila Kuya Paeng (na tawang-tawa habang pinapanood si Cane) at Paupau (na nakanganga at nakatitig din kay Cane).
"H-hindi ba 'yan ang isa sa mga kagrupo ninyo, though hindi ko lang alam kung sino siya sa kambal." Ani Kuya Paeng nang manawa siy sa pagtawa.
"Si Cane 'yan." Nakasimangot kong saad.
Tumaas ang kilay ni Kuya Paeng. "Paano ka naman nakakasigurado?"
Tumayo ako at niligpit ang mga kinakain namin nila Kuya. "Huwag na lang natin siyang pansinin, Kuya. Lumipat na lang tayo ng pwesto."
Nagtataka man ay nagkibit-balikat na lang si Kuya at tumayo na din.
Hindi pa kami tuluyang nakakaalis ay may kamay na mahigpit na humawak sa braso ko.
"T-this is a-all your fault!"
Pumikit ako nang mariin at marahas na inalis ang kamay na humawak sa akin at walang emosyong hinarap siya. "Excuse me, do I know you?" Itinutok ko ang paningin ko sa mukha niya dahil naeeskandalo pa rin ako sa ayos nito. Seriously, wala na ba siyang balak magdamit?
Pulang-pula ang mukha ni Cane at napanganga pa sa sinabi ko. Nang makahuma siya ay mahigpit niyang kinapitan ang balikat ko. "Are you fucking kidding me?!"
"Mr. Helios, I think you should wear your shirt and let go of Spring."
Nilingon niya si Kuya Paeng na bagama't nakangiti ay matalim ang pagkakatingin kay Cane. Binitawan ako ni Cane at hinarap si Kuya Paeng. "Who do you think you are para sundin ko?!"
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao at pagtagis ng bagang ni Kuya Paeng na isa lang ang ibig sabihin—nauubusan na siya ng pasensya kay Cane.
Bago pa magkasakitan ang dalawa ay pumagitna na ako at kahit na hindi ko na gusto pang kausapin si Cane ay hinawakan ko siya sa palapulsuhan para mapigilan siya sa paglapit kay Kuya Paeng.
"Pwede ba Cane! Matuto kang gumalang! He is our Professor for God's sake!"
Ngumisi si Cane at binalingan ako ng tingin. "Oh? I thought you don't know me..."
Muli akong pumikit at inis na tinignan si Cane. "Ano ba kasing ginagawa—"
"Professor pero nagagawang makipag-date sa estudyante?" aniya at pinagpalit-palit ang tingin sa amin ni Kuya Paeng.
Nanlaki ang mata ko sa tinuran ni Cane. "Date?! Nababaliw ka na ba talaga?!"
"I think I am and it's all because of you..."
Napatigalgal ako sa sinagot niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin?!
Hindi ko pa nga napoproseso ang sinabi niya ay hinila niya ako at kinaladkad paalis.
"What the—"
"S-saan mo dadalhin si Spring, C-cane?"
Tumigil sa paglalakad si Cane at gusto ko mang makawala sa kanya ay madiin naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Kamay ko?!
Nanlaki ang mata ko nang makitang magkadaop ang kamay namin ni Cane. Tinangka ko itong tanggalin pero ano namang laban ko sa lakas ni Cane?
"She's living with me. We're going home."
Kung may ikalalaki pa ang mata ko siguro nalaglag na ang eyeballs ko sa sinabi niya. Natulala sila Kuya Paeng sa sinabi niya habang ako naman ay mas lalong nawalan ng lakas na makawala sa kanya.
Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng kotse niya at nagmamaneho na siya paalis sa park.
And for the record, wala pa rin siyang suot na pang-itaas.
Just what the hell happened?!
NAGPUPUYOS ang kalooban ko habang nagmamaneho si Cane. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya kanina. Bastos talaga at walang galang ito. Nagmamadali akong bumaba sa kotse niya nang makarating kami sa bahay.
"We're going to talk."
Hindi ko nilingon si Cane at nagpatuloy sa pagpasok sa bahay pero sadyang makulit ito at hinila na naman ako.
"Ayokong makipag-usap sa 'yo!"
"Whether you like it or not, mag-uusap tayo!"
At muli kinaladkad na naman niya ako patungo sa garden ng mansyon. Nang makarating kami roon ay tinulak niya ako papaupo sa bench.
Masama ko siyang tiningnan. "Bakla ka ba?! Bakit ba ang hilig mong manakit ng babae?!" sigaw ko sa kanya at hinilot-hilot ang braso ko. Panigurado papasain ako nito sa higpit nang pagkakapit niya sa akin kanina.
"Sinasabi mo ba 'yan para halikan kita?" Yumuko siya at tinangkang ilapit ang mukha sa akin pero mabilis ko siyang tinulak.
"Pwede ba Cane! Tigilan mo na nga ako! At pwede ba magsuot ka ng t-shirt mo!"
Tatawa-tawa siya sa sinabi ko at umupo na rin sa tabi ko. Agad naman akong umurong dahil ayokong madikit sa kanya. Mamaya nakakahawa pala ang kalandian, mahawa pa ako.
"Ah shit! Ang kati talaga!"
Kunot ang noo na binalingan ko si Cane na hirap na hirap na kamutin ang balikat niya at likod. Napabuntong-hininga ako at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay binuksan ko ang bag ko at kinuha ang malaking pouch ko na naglalaman ng gamot ko at mga ointment.
Mga ointment na binili ko noon nang minsan na lagyan ng mga alipores nila Torn at Cane ng antik na langgam ang pe uniform ko. Sa loob ng tatlong taon na pambubully sa akin, nakaugalian ko na ang mag-stock ng ointment, pain reliever at band-aids sa bag ko.
Nang makita ang ointment ay kinuha ko ito at inabot kay Cane.
"Ano naman 'yan?" kunot-noong saad niya nang makuha ang ointment sa akin.
"Ilagay mo diyan sa mga pantal mo tapos magdamit ka na dahil naaalibadbaran ako sa hitsura mo. Ano ba kasing ginagawa mo doon sa park?" Kumunot ang noo ko nang umiwas ito ng tingin sa akin. "D-Don't tell me sinusundan mo ako?!"
Silence means yes, right?
So does it mean na totoo ang sinabi ko dahil ang damuhong si Cane ay hindi man lang itinanggi ito.
"So ano sinusundan mo ko talaga?!"
"I'm not!"
"Yes, you are."
"I said I'm not!"
"Yes—"
"Fine! I followed you! Happy?! Now, will you help me put this ointment on my back?!"
Napailing ako sa hindi pagkapaniwala. "At bakit mo naman ako sinundan?"
"Huwag ka ngang mag-assume na ginusto kong sundan ka! I just did it dahil sa utos sa akin ni Light."
"Ano—"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang talikuran niya ako.
"Pakilagyan ang likod ko pwede ba?" aniya sabay abot ng ointment na binigay ko sa kanya.
Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Please Tagsi—I mean Spring."
Hihindi pa sana ako pero nang dumako ang paningin ko sa mga pantal niya sa likod ay umandar na naman ang pagiging mabait ko.
Nanginginig ang kamay ko habang nilalagyan ng ointment ang likod ni Cane. Halos matuyuan na nga ako ng laway kakalunok ko. Tapos pakiramdam ko nag-aapoy ang pisngi ko sa init nito.
Kaya nakahinga ako nang maluwag nang malagyan ko na ang lahat ng pantal ni Cane. Mabuti na nga lang at kahit na tapos na ako ay nanatili pa ring nakatalikod sa akin si Cane kung hindi ay aasarin niya ako malamang sa mukha ko na mukhang mapula pa sa kamatis.
"A-aalis na ako."
"Stay...we had a deal right? Sasamahan mo ko sa pupuntahan ko tapos sasabihin ko sa 'yo kung anong nangyari ng gabi na malasing ka."
Tumiim ang labi ko sa sinabi niya. Muli ko na namang naalala ang inabot ko dahil sa kagagawan niya. "Forget it. Hindi ko na kailangan—"
"Just listen okay?!"
Tututol pa sana ako pero nag-umpisa na siya sa pagkukuwento...
CANE
Nasa kalagitnaan ako nang paghuhubad sa damit ng babaeng kalandian ko nang malakas na tumunog ang cellphone ko. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paghalik sa kasama ko na kuntodo ungol gayong halik pa lang naman ang ipinatapatikim ko sa kanya.
Ring...
Ring...Ring...
Ring...Ring...Ring...
Frustrated na sinagot ko ang cellphone ko dahil no choice ako lalo pa at ginamitan na ako ng pattern sa pagtawag na dalawang tao lang ang nakakaalam kung paano.
Light and Torn.
Pauso ni Light na nakasanayan na rin namin ng kakambal ko. Ibig sabihin ng pattern ay emergency ang tawag at kailangan naming sagutin.
"What's the emergency all about?!" bungad ko sa tumawag sa akin na walang iba kung hindi ang kakambal ko.
"Pumunta ka rito sa—"
"—Tornnnn, bilhan na natin si Mingming ng g-gatas nagyugutom na siya eh... shige na plish!"
"—Shit! Damn you Spring!"
"Hwaaaaaaaaaaaaaaaaah, bad ka t-talaga bakit mo k-ko minumura?! Ishushumbong kita kay T-Tatay... huwaaaaaaaaaaaaaaaaah namimish ko na si T-tatay!"
"Fucking help me here Hurricane! We're here at..."
Binaba ko ang cellphone ko at natatawang iniwan ang kasama ko. Mukhang mas mag-eenjoy ako sa pupuntahan ko kaysa rito.
Excited kong pinaandar ang kotse ko nang makasakay ako rito at pinuntahan ang lugar na sinabi sa akin ni Torn. Katulad na nga ng palagi kong sinasabi 'I love trouble...'
Sa bilis ng pagpapatakbo ko, wala pang labinglimang-minuto ay nakarating ako sa kinaroroonan ng kakambal ko at ng paborito kong si Tagsibol.
"What the fuck— " Nasabi ko nang makita ang hitsura ni Torn at ni Tagsibol.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kakambal ko na mukhang gusto ng sakalin si Spring na umiiyak sa tabi niya.
"Dude, what the hell—"
"Alisin mo siya sa paningin ko Cane! And fucking lend me that jacket of yours dahil sinukahan ako ng babaeng 'yan!" Nanggigigil na saad ni Torn na tinuro si Spring na—
What the—
Saan naman nito nakuha ang kuting na hawak-hawak niya?
"Damn it! I need to take a bath!" saad ni Torn matapos niyang isuot ang jacket ko.
Tatawa pa sana ako nang samaan ako nito ng tingin. "So anong gagawin natin sa kanya?"
Binalingan ko si Spring at napangiwi ako nang halikan niya ang kuting na hawak-hawak niya.
Yuck!
"Let's bring her there..."
Sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Torn at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
A motel?
"What the—bakit diyan natin siya dadalhin?!"
"Do you expect me to go home with her?! I fucking need a bath first!"
Kakamot-kamot sa batok na tumango na lang ako.
"Fine."
Nilapitan ko ang nababaliw na si Spring na kinakausap ang kuting na hawak-hawak niya.
"Iwanan mo na ang pusa na 'yan nerd, let's go!"
Binalingan ako ni Spring na mukhang ngayon lang na-realize ang existence ko. "Cane???"
Kumibot-kibot ang labi niya at ilang saglit lang ay umiyak siya.
Damn. Anong problema ng babaeng 'to?!
"Waahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! A-anong g-ginagawa mo rito, aawayin mo rin ba ako katulad niya?!" Tinuro pa niya si Torn na mukhang ilang saglit na lang ay masasapak na si Spring.
Pag nangyari 'yon, parehas kaming mayayari kay Light kaya naman bago pa mangyari 'yon. Labag man sa loob ko, binuhat ko si Spring na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Meowww..."
Habang yakap-yakap pa rin niya ang kuting na sumiksik din sa kanya.
Sinamaan ko ng tingin ang attendant ng motel na pinasukan namin nila Torn. Titig na titig ito kay Spring at mukhang may masamang iniisip sa amin ni Torn. Magsasalita pa sana siya nang maglapag si Torn ng pera sa harap niya. Napailing ako nang magningning ang mata niya at mabilis inabot kay Torn ang susi.
Pagkapasok namin sa motel ay pabalibag kong ibinaba si Tagsibol sa kama. Habang si Torn naman ay nagmamadaling dumiretso sa banyo.
Naupo ako sa paanan ng kama at pinagmasdan ang nakatulog na si Spring. Bumaba ang paningin ko sa hita niya—
Damn it. Dali-dali kong kinuha ang kumot at itinaklob ito sa kanya.
Ano bang naisipan ni Light para pagsuotin nang ganito kaikling damit ang babaeng—
Teka nga—Ano namang pakialam ko?
"Meoww..."
Napatingin ako sa kuting na lumapit sa akin at hindi ko maiwasang mapailing. Alam kong weird si Spring 'freaking' Cruz. Pero mas weird pala siya pag nalalasing.
...
SPRING
TIGALGAL ako matapos magkuwento si Cane ng kalasingan mode ko ng gabing 'yon.
One word.
Nakakahiya. Shocks. Isinusumpa ko ang alak at bar. Never as in never na ko ulit na iinom at pupunta sa lugar na 'yon.
Pero saglit lang ay kumunot ang noo ko...
"A-ang ibig mong sabihin, si Kitty ang hinalikan ko ng gabi na 'yon?!"
Umalog ang balikat niya senyales na tumatawa siya. Inis kong hinampas siy sa likod pero mukhang balewala lang iyon dito at patuloy pa rin siya sa pagtawa.
"HURRICANE HELIOS!!!!NAKAKAINIS KA TALAGA!!!"
Tinalikuran ko siya at nagpasyang iwanan na siya nang bigla siyang tumahimik at lingunin ako.
"Sorry..."
"Pinagtripan—"
"Sorry about what happened four days ago. I didn't mean na mangyari 'yon, h-hindi ko ginusto na mapahamak ka. S-Sure, palagi kitang ipinapahamak pero hindi sa ganoong paraan." Nakayuko siya at hindi ko maiwasang manibago sa hitsura niy.
Ito ang unang beses na nakita kong ma-guilty ang bad boy na si Hurricane Helios.
"Cane... alam mo ba kung anong mas nagpagalit sa akin ng araw na 'yon? Hindi lang dahil sa muntik na kong mapahamak kung hindi dahil sa naisip ko na ilang beses mo nang ginawa ang bagay na 'yon. Na ilang beses mo nang isinugal ang buhay mo... I know na wala akong karapatan makialam sa buhay mo pero sana ma-realize mo ang halaga ng buhay mo...at tigilan na ang bagay na maaaring ikapahamak mo. Life is short, Cane. Live it and treasure it...not just for yourself but for the people who loves you..."
Pumikit ako. Expecting na sisigawan niya ako habang sinasabi na wala akong pakialam sa buhay niya pero ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin itong imik.
Pagdilat ko ay hindi ko halos mapaniwalaan ang nakikita ko.
Hurricane Helios is smiling at me.
Not his famous smirk but his real smile, I guess.
Isang ngiti na hindi ko kailanman nakita sa kanya.
"Are you one of those people?"
Kumunot ang noo ko at pinoproseso ang sinabi niya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang sinasabi niya.
"Hurricane Helios!!! Ang kapal ng mukha mo!"
Hahampasin ko pa lang sana siya nang mabilis siyang tumayo at tumakbo. Napasigaw na lang ako sa inis sa kanya. Pero kalaunan ay napangiti na rin.
Kung para saan ang ngiting 'yon, hindi ko alam...
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top