Chapter 35: Stalking the Nerd.

"Alam mo b-bang ang swerte-swerte mo k-kasi lumaki kang walang sakit. Hindi mo kailangan matakot na baka isang araw, mamatay ka na lang. Alam mo ba ang pakiramdam ng mga taong lumalaban para mabuhay kahit na nahihirapan na sila. P-pero heto ka nagagawang isugal ang buhay mo. Itinetake for granted mo ang buhay mo C-Cane! Akala ko hindi ka ganoon kasama katulad ng iniisip ko noon, pero ang sama mo pala talaga. Ang sama-sama mo kasi wala kang pagpapahalaga sa buhay na binigay Niya sayo..."

Napapikit ako nang paulit-ulit na namang pumasok sa isip ko ang imahe ni Tagsibol habang sinasabi ang mga salitang yon apat na araw na ang nakakalipas. Hindi uso sa akin ang makonsensya. Akala ko immune ako sa salitang yon. Sa dami ba naman ng kagaguhan ko na pinaggagawa, bihira lang na may nagparanas sa akin nito. Ang pakiramdam nang maguilty. Pero ang babaeng yon ilang araw niya nang hindi pinapatahimik ang isip ko.

Tinulak ko ang babaeng kanina pa halik ng halik sa aking leeg na isa sa mga laruan ko. Umaasang mapalimot niya sa akin ang gumugulo sa isip ko. Napasigaw siya dahil napalakas ang tulak ko sa kanya na naging resulta para bumagsak siya sa lapag.

See. Hindi man lang ako nakonsensya sa ginawa ko at walang lingon-likod na iniwan ang babaeng pinagmumura ako.

Four fucking days. Ganoon nang katagal akong hindi pinapansin ng nerd na yon. Iniiwasan at dinadaanan na tila ba hangin. Bagamat kasabay ko pa rin siya sa pagpasok at pag-uwi. Parang hindi pa rin niya ako nakikita. And its making me insane. Damn. I am Hurricane Helios and no one should make me feel like this. But I guess there will always be an exception.

And she is Spring Cruz.

Ano naman ba kung hindi niya ako pinapansin? Sino ba siya sa akin?!

She's no one to you, Cane. So forget her. Scratch that—forget what happened four days ago. Forget that you almost killed her.

Frustrated akong pumasok sa kotse at mabilis itong pinaandar pero ilang sandali lang ay bumagal ang takbo ko. Bakit? Kasalanan na naman 'to ni tagsibol. Pakiramdam ko kasama ko pa rin siya at dapat magdoble-ingat ako sa pagmamaneho.

Bakit ko ba kasi hindi naisip na may sakit dati sa puso ang nerd na yon?! At bakit pa kasi 'to pumayag sa deal namin?

Ganoon ba siya kadesperada na malaman ang pinaggagawa niya ng gabing malasing siya?

Napapreno ako nang maalala ang usapan namin ni Spring four days ago.

Thats right. Our deal. Hindi ko pa rin nagagawa ang parte ko sa usapan namin. Maybe, thats the reason kung bakit hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko. Kung magagawa ko yon, siguro titigil na rin ako sa pag-iisip sa nerd na yon.

Sa naisip ay mabilis kong pinatakbo ang kotse ko pauwi ng bahay namin. Tiyak nasa bahay lang ito at nagbabasa. Malapit na ako sa bahay nang makita ko ang pakay ko na sumakay sa isang taxi.

Saan naman to pupunta?

Teka nga—ano bang pakialam ko?

I'll talk to her later...

Sa isip-isip ko pero namalayan ko na lang ang sarili ko na sinusundan ko na ang taxi na sinasakyan niya.

Protect her, Cane.

Tama. Dahil lang to sa utos sa akin ng demonyita kong kapatid. Nothing else.

SA isang park tumigil ang taxi na sinusundan ko. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang lugar na binabaan ni Spring. Puro couples ang mga narito. The hell—Makikipagdate ba ang nerd na to?

Bumaba ako pero bago yon ay sinuot ko muna ang sombrero ko at salamin. Mahirap na at baka pagkaguluhan ang kaguwapuhan ko. Eh di nahalata pa ng nerd na to na sinusundan—

Hindi ko siya sinusundan. Ano ko, stalker niya?

Sinusunod ko lang si Light.

Huminto siya sa isang bench at doon umupo. Pinagmasdan ko siya at doon ko lang napagtanto na ang ganda—

I mean masyado atang nagpaganda si Nerd. Sino ba talagang kakatagpuin niya?

Hindi ba nerd to? Anong nangyari at nagbago ang pananamit niya?

Isa lang ang sagot na naisip ko.

Ang magaling kong kapatid.

Tumayo siya at nakangiting kumaway. Sinundan ko ang kinakawayan niya.

WHAT THE FUCK!

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Spring at sa dalawang lalaki na papalapit sa kanya.

Ang bago naming Professor.

At ang paborito kong i-bully sa school. Si Fausto.

Just what the hell is happening?!

Kumuyom ang kamao ko at tila ba nangangati itong manapak ng tao. At isa lang—Mali, dalawa ang nasa isip ko na gusto kong sapakin.

Ang professor na umakbay kay Spring at ang kasama niya na parang tanga na nahihiyang tingnan si Spring. Parang isang lalaking nagbibinata at nahihiyang lapitan ang crush niya.

Sino ba tong mga to sa buhay ni Spring?!

Mas lalong lumalim ang gitla sa noo ko nang iwanan ng Professor namin (na nakalimutan ko ang pangalan) ang dalawa.

Luminga-linga si Spring na tila may hinahanap kaya mabilis akong nagtago sa likod ng puno. Teka nga—bakit ko kailangan magtago?!

Damn.

SPRING

HINDI ko alam kung bakit pakiramdam ko may nakatingin sa akin sa mga oras na ito. Liningon ko ang katabi ko pero imbes na ako ang tignan niya ay nakatutok ang paningin niya sa mga batang nagtatakbuhan sa park.

Hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman ko dahil ang mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ay kung paano uumpisahan makipag-usap sa katabi ko. Ilang araw ko nang tinatangka na kausapin siya sa school pero kada lalapit naman ako dito ay umiiwas siya sa akin. Kaya nga kinapalan ko na ang mukha ko kay Kuya Paeng at sinabi kong tulungan naman naman niya akong makausap ang kapatid niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na all along kaklase ko pala si Paupau—ang childhood best friend ko. Alam kong Fausto ang pangalan ni Paupau pero hindi ang apelyido niya. Isa pa ay hindi ko talaga maiisip na siya si Paupau. Ang payat na kaya niya compare naman noong mga bata pa kami.

Huminga ako nang malalim. Hindi naman pupuwedeng manahimik na lang ako dito.

"A-ano..."

Shocks. Paupau o Fausto?

"Paupau..."

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Tila hindi makapaniwala na tinawag ko siya sa palayaw niya noong mga bata pa kami.

Ngumiti ako kahit na kabado pa rin ako dahil baka isnabin niya ako. "K-kumusta ka na?"

Napaka-nonsense ng tanong ko, alam ko. Wrong question nga din eh. I mean alam ko namang hindi siya mabuti, considering sa buhay niya sa school.

Lumunok siya at iniwas ang paningin sa akin. Hindi naman ako naiinitan pero namumula siya na siyang ikipinagtaka ko.

"O-okay naman."

So ano na Spring, ano nang susunod mong sasabihin?

Wala na akong ibang maisip pa na sasabihin kaya ginaya ko na lang siya at tinignan ang mga batang naglalaro.

"I wish katulad natin sila noong mga bata tayo. Nakakapaghabulan at nakakapaglaro."

Wala akong narinig na salita mula sa kanya. Susuko na sana ako na magkakaroon kami ng matinong conversation pero maya-maya ay nagsalita na rin siya. Sa wakas.

"Kahit naman hindi natin sila katulad noon, masaya pa din naman tayo sa pagkukulay sa mga coloring book..."

Napangiti ako. "Tapos maglalaro tayo ng doktor-doktoran."

"Ikaw ang doktor at ako ang pasyente mo..."

Natawa ako sa sinabi niya at naalala ang mga bagay na pinaggagawa namin noon.

Paano nga ba uumpisahan ang pakikipag-usap sa dati mong kaibigan?

Edi pag-usapan ninyo ang nakaraan. Reminisce those happy memories. Ilang sandali lang ay nagpatuloy ang pagkukuwentuhan namin. Nawala ang awkward moment at napalitan ng masayang pagbabalik-tanaw sa nakaraan.

"Abat mukhang okay na kayong dalawa ah?" Napatigil kami sa pagtatawanan ni Paupau nang dumating si Kuya Paeng na may dala-dalang pagkain.

Imbes na sumiksik ito sa amin ay umupo siya sa Bermuda grass at nakangiting pinagmasdan kaming dalawa.

"Si Kuya talaga.. "tila nahihiya na namang saad ni Paupau sabay kuha ng hawak na softdrinks ni Kuya Paeng.

Kukuha na rin sana ako nang iabot niya sa  akin iyon. Napangiti naman ako.

"Thanks, Paupau."

Katulad kanina ay namula na naman siya at iniwas ang paningin sa akin. Natawa si Kuya Paeng kaya nagtataka ko siyang tiningnan.

Hindi pa rin ako makapaniwala na isang Professor na si Kuya Paeng. Parang wala pa ring nagbago rito. Makulit at tila kasing-edad ko lang kung umasta.

"Spring, stop calling my brother that nickname." Tatawa-tawa niyang saad.

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"Can't you see hes blus—"

"Kuya!" sigaw ni Paupau na ikinagulat ko. Nagkatinginan ang dalawa at tila nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.

Tumingin sa akin si Kuya Paeng matapos ang eye-talking nila ng kapatid niya. "Anyway, kumusta na ang thesis ninyo? May proposal na ba kayo?"

Nagkatinginan kami ni Paupau at sabay na umiling. Isa pa to sa dahilan kung bakit ko gustong makausap si Paupau, until now kasi wala pa din kaming proposal na nagagawa. Kumusta naman ang mga kagrupo ko 'di ba?

Si Charm na hindi umattend sa class ni Kuya Paeng last Wednesday.

Si Torn na bagamat kasama ko sa iisang bubong ay hindi ko naman makausap. Umattend din ito sa klase last Wednesday pero masama pa rin ang tingin niya sa akin. Takot ko lang na masapak niya dahil sa pagsuka ko sa kanya last week.

At si Cane—na wala akong balak kausapin at itinuring ko na hindi nag-eexist sa loob ng four days. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin. Kung paano niya ako tinakot at muntik nang patayin. Mabuti na lang at hindi na naulit ang paninikip ng dibdib ko. Kahit nga gustong-gusto ko nang hindi sumabay dito sa school, ayoko namang malaman ni Light ang ginawa ng kapatid niya. Pero hindi naman ang pagkakapahamak ko ang siyang talagang nagpagalit sa akin sa ginawa niya.

Napapikit ako nang maalala ang nangyari ng araw na yon. Ang mala-teleseryeng eksena namin.. May pasuntok-suntok pa ko sa dibdib niya. At yung pagyakap niya pa sa akin...

Napailing ako at iwinaglit yon sa isipan ko. Binalik ko ang tingin ko kay Kuya Paeng na busy sa pagkain. Until now, matakaw pa rin si Kuya.

"Kuya, mag-suggest ka naman ng magandang proposal oh..."

Tumaas ang kilay ni Kuya Paeng at striktong umiling. "Nah. Matalino kayong dalawa. Mag-isip kayo at pag-usapan ninyo yan ng mga ka-grupo ninyo."

Nagkatinginan kami ni Paupau sa sinabi niya at sabay pa kaming napangiwi.

Kung may isang bagay akong hindi nagustuhan sa pagkikita namin ni Kuya? Iyon ang fact na kasalanan niya kung bakit ko naging ka-grupo ang mga taong iniiwasan ko.

Naalis ang paningin namin ni Paupau sa isat-isa nang may marinig kami ilang metro ang layo sa amin.

"Fucking shit! Ouch! What the fuck! Bakit ang daming langgam dito?! Damn it!"

Napanganga ko nang lingunin kung ano—I mean sino ang taong walang filter ang bibig na sumisigaw at parang tanga na nagpapagpag ng damit niya. Kahit na nakasalamin siya ay hindi pa rin maipagkakaila kung sino siya.

OH MY GOD.

Hurricane?!!!

Anong ginagawa niya dito?!

Mas nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang suot-suot na pang-itaas. Irita din niyang hinubad ang sombrero at salamin niya. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya. Anong tingin niya ,nasa bahay lang siya at okay lang na mag-topless?!

Iginala ko ang paningin ko at hindi ko na ikinagulat nang matigil ang karamihan ng kababaihan sa mga ginagawa nila. Halos lahat ay nakatingin kay Cane at ang iba pa ay kinukuhanan siya ng litrato. May isa pa ngang babae na iniwanan ang kanina lang ay kaholding-hands niya dahil busy siya sa paglalaway—este pagtitig kay Cane.

Pero ang walanghiyang lalaki ay tuloy pa rin sa pagpagpag ng damit niya.

Hindi talaga uso ang hiya sa kanya.

Napahampas na lang ako sa noo dahil ako na lang ang nakaramdam ng hiya para sa kanya.

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top